Lunes, Hunyo 30, 2014

May Babala Bago Igawad Ang Hatol






Sa papalapit na araw ng paghuhukom at sa katapusan ng sanlibutan, ang mundo ay mas lalong nagpakasama at mas inuuna pa ang buhay na pansarili kaysa buhay na pangako. Kaya, ang mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Crito ay walang sawa sa paghihikayat sa tao upang madala sa tunay na gawain at paglilingkod.

Ang hatol ng Dios sa mga gumagawa ng masama ay hindi Niya kaagad iginagawad. Ito ang kahayagan ng malaking pag-ibig at pagpapahinuhod ng Dios upang ang tao ay mabigyan ng pagkakataong magbago at hindi mapahamak:


2 Pedro 3:9
" Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. "



BABALA BAGO ANG BAHANG GUNAW


Ang isa sa mga kahayagan ng pagpapahinuhod ng Dios ay noong bago Niya gunawin ang unang sanglibutan ng baha:



1 Pedro 3:20
" Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig "



Ang bigat ng kasalanang ginawa ng tao sa panahon ni Noe (Gen.6:1-5,7) ay sapat nang dahilan upang igawad ng Dios ang kanyang parusa sa kanila. Ngunit hindi Niya ito ginawa kaagad, sa halip ay nagpahinuhod muna Siya at nagbigay ng pagkakataon upang ang mga tao ay magbago at ihindi mapahamak. Bilang katunayan, inutusan ng Dios si Noe na ipangaral ang matuwid na pamumuhay samantalang inihanda ang daong:




2 Pedro 2:5
" Dahil sa kasalanan ng tao noong unang panahon, ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay, at ang pito niyang kasama." [MBB]



Samantalang inihanda ni Noe ang daong, hindi niya inilihim sa mga tao na may malaking kapahamakan o paglipol na magaganap at ang daong ang tanging kaparaanan upang sila ay maligtas sa kapahamakang iyon. Gayunman, hindi sila naniwala sa ibinabala. Sa halip na tumugon, sila ay nagwawalang bahala. Hindi rin nila itinuwid ang kanilang buhay. Lahat ng nagwawalang bahala sa katotohanan ay napahamak. Walong tao lamang ang naligtas-si Noe at ang pito niyang kasama sa daong---dahil sa kanilang pakikinig sa babala ng Dios at pagtalima sa kanyang utos.



PAGLIPOL SA SODOMA AT GOMORRA


May isa pang pangyayari na inilalahad ang Biblia na ngapapatunay na bago igawad ng Dios ang hatol ay nagbibigay muna Siya ng pagkakataon upang ang tao ay hindi maparusahan. Ito ay ang pangyayari sa mga bayan ng Sodoma at Gomorra.

Dahil sa kanilang kasamaan, ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra ay itinakdang wasakin ng Dios. Subalit sinabi ng Dios na hindi Niya itutuloy ang parusang inilalaan Niya kung mayroon man lang Siyang makikitang kahit sampung taong matuwid.(Gen. 18:16-32,MB). Samakatuwid, nagbigay ng malaking pagkakataon ang Dios sa mga bayang yaon. Ngunit dahil sa hindi man lamang umabot sa sampu ang matuwid sa Sodoma at Gomorra,itinuloy ng Dios ang Kaniyang parusa sa kanila.


Gayunman si Lot na isang taong matuwid, kasama ang kaniyang sambahayan, ay hindi idinamay ng Dios. Nag-utos ang Dios ng mga anghel upang iligtas sila mula sa kaparusahan (Gen.19:12-17).


Ano ang dapat maunawaan ng lahat sa ginawa ng Dios sa paglipol sa bayan ng Sodoma at Gomorra?


2 Pedro 2:6
" At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama "


Ang paglipol na ginawa ng Dios sa Sodoma at Gomorra ay isang malinaw na katunayang paparusahan Niya ang mga taong masama. Ito ang dapat mauunawaan at makatawag-pansin sa mga nawiwili sa paggawa ng kalikuan. Ang pagpapahinihod ng Dios ang dapat umakay sa kanila upang magsisi. Hindi nila dapat ipagwalang bahala ang pagkakataong ibinigay ng Dios sapagkat magwawakas din ang Kaniyang pagpapahinuhod.

Bakit kahit ang Dios ay pag-ibig at mapahinuhod ay magwawakas ang pagkakataong Kaniyang ibinibigay sa mga taong masama kung hindi sila magbago? Ano ba ang kahulugan para sa Dios ng hindi pagtugon ng tao sa pagbabagong Kaniyang hinihingi?


Roma 2:4-5
" O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya'y napakabuti, mapagpigil, at mapagpaumanhin? Hindi mo ba alam na binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti niya sa iyo?
" Ngunit dahil da katigasan ng iyong ulo at di pagsisi, pinabigat mo ang parusang ipapataw sa iyo sa paghahayag ng poot ng Diyos sa Araw ng kaniyang paghatol. "
( MB)



BABALA SA PANAHONG CRISTIANO


Kung paanong sa unang sanlibutan at sa mga bayan ng Sodoma at Gomorra ay nasumpungan ng Dios ang labis na kasamaan ng tao, gayon ang patuloy Niyang nakikita maging sa ating panahon:


2 Tim. 3:1-5
" Tandaan mo ito: mababatbat na kahirapan ang mga huling araw. Ang mga tao'y magiging makasarili,gahaman sa salapi, palalo, mayabang, mapang-alipusta, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.
"Bukod dito, magiging malupit sila, walang habag, mapanirang-puri, mapusok, marahas, at mamumuhi sa mabuti.
"Hindi lamang iyan, sila'y magiging taksil, walang taros, palalo, at mahilig sa kalayawan sa halip na sa mga bagay na ukol sa Diyos. Sila'y mgkukunwang may pananampalataya ngunit hindi naman makikita sa buhay nila ang kapangyarihan nito. "
(MB)



Tulad ng pinagpauna ng Biblia, sa mga huling araw na ito ay magiging labis ng kasamaan ng tao. Ang katotohanang ito ay malinaw na natupad. Katunayan, ang mga karumaldumal na kremin ay nagaganap sa ibat ibang panig ng daigdig. Kapansin-pansin ang lubhang pagsama at patuloy na paglala ng ugali ng tao sa kasalukuyan.

Subalit dapat nating tandaan na ang lahat ng masama at makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Dios(1Cor.6:9-10). Bagkus, ang Dios ay nagtakda ng araw kung kailan Kaniyang ihahayag ang Kaniyang poot at parusa sa lahat ng taong masama:


2 Pedro 3:7, 10
" Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. "



Itinakda ng Dios ang araw ng paghuhukom, ang paglipol sa lahat ng taong masama. Ang araw na ito ay darating na gaya ng magnanakaw. Sa araw na ito magwawakas ang pagpapahinuhod ng Dios sa lahat ng nagwawalang-bahala sa ibinigay Niyang pagkakataong magsisi at magbago. Kaya bago dumating ang araw na ito, kailangan maisagawa na tao ang kaukulang paghahanda upang hindi makasama sa mga lilipulin at paparusahan.



ANG PARAAN SA IKALILIGTAS



Ang Dios ay hindi kailan man nagkukulang sa pagpapaalaala at pagbibigay ng babala bago Niya isagawa ang PAGHUHUKOM. Sa pamamagitan ng Biblia ay itinuro Niya kung ano ang kailangan ng tao upang maligtas:


Roma 5:8-9
" Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayung napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya." (MB)



Ang kailangan ay mapawalang sala ang tao sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ito lamang ang tanging paraan upang makatiyak ang tao ng kaligtasan mula sa poot ng Dios. Ang napawalang sala o tinubos ng dugo ni Cristo na nakatitiyak ng kaligtasan ay ang Iglesia Ni Cristo:


Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” (lamsa trans.)


Sa panahong Cristiano, ang kailangan gawin ng tao upang mailigtas siya ng Panginoong Jesucristo sa kaparusahan sa araw ng paghuhukom ay ang pag anib sa Iglesiang tinubos ng dugo ni Cristo ang IGLESIA NI CRISTO.




Habang may pagkakataon pa, dapat samantalahin ng tao ang panahong ito na ibinigay ng Dios para sa kaniyang ikaliligtas, at hindi kung kailan hili na ang lahat

Lunes, Hunyo 16, 2014

Apocalipsis 4:11 Si Cristo ba ang Dios?





Ang patuloy na pangangaral ng mga bulaang tagapangaral ay ang pagligaw sa maraming isipan at panananampalataya ng tao. Ang iilang talata na naman ay kanilang minamali sa pag-intindi upang madaya ang ilan sa maling aral lalo na sa pagka Diyos umano ng Panginoong Jesucristo. Isa na naman sa talata ang kanilang ginamit na nakasulat sa Apocalipsis 4:11. Ganito po ang nakasulat :



Apoc. 4:11
" Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha. "


ang kanila lamang tiningnan rito ay ang bahagi lamang na "Tumanggap". Malinaw raw na ang Dios ay may tinanggap, gaya ng kapangyarihan,kaluwalhatian at kapurihan. Si Cristo raw talaga ito. Paano nila iniiugnay? Narito :



Apoc. 5:12
" Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala. "



Malinaw raw na si Cristo yung tinutukoy na Dios na tumanggap. Kita po ninyo kung paano makapanlinlang ang mga bulaang tagapangaral para lamang pangatwiran na Dios si Cristo, iniugnay ang dalawang talata.


Subalit, may dapat tayong mapansin. Ang kanila lamang tinindigan ay si Cristo ito, paano na ang mga naniniwala sa trinity, at naniniwala sa pagka Dios rin ng Ama, itsapuwera nalang rin pala sa kanila sapagkat talagang si Cristo nga raw yung tinutukoy sa Apoc. 4:11. Kita nyu ang kapalpakan ng aral nila. Ngunit, dahil sa ating pagnanais na malinawan ang maraming nagsusuri, ay atin itong lilinawin kung sino ba talaga ang Dios na tinutukoy sa nasabing talata.


Ayun sa nakasulat sa Apoc.4:11. Binanggit po na "NILIKHA MO ANG LAHAT NG BAGAY". Dito palang malinaw na talagang isa lang ang tinutukoy na lumikha sa pagkasabing "NILIKHA MO". . Siya lamang ang lumikha ng LAHAT NG BAGAY ayun sa talata. Ating tiyakin kung talagang sino ito. Ganito po ang paglilinaw :



Nehemias 9:6
" Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo. "




Ang sabi ng Biblia, "Ikaw lamang ang Panginoon". Samakatuwid, tumutukoy lamang ito sa isang panginoon na kung saan Siya lamang ang lumikha ng lahat ng bagay. Ito ay walang iba kundi ang AMA :




Malakias 2:10
" Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno? " [MBB]



Ang iisang Panginoon na lumikha ay ang Ama, Siya ang iisang Dios na lumikha. Ganito rin ang patotoo ng ibang talata :


Isaias 64:8
" Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay. "


Samakatuwid. Ang gumawa ng lahat na iisang Dios ay walang iba kundi ang AMA. Siya ang totoo binanggit at tinutukoy ayun sa talata ng APOC.4:11 kung saan pinagkamalan ng mga bulaang tagapangaral na si Cristo raw umano ang tinukoy sa talatang yan. At ang tinutukoy na Cordero ayun sa APOC. 5:12 ay ito si Cristo :



Juan 1:29
" Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! "


Siya ang Cordero ng Dios, at hindi ang "Cordero na Dios".


Ang Iglesia ni Cristo po ay sumasang-ayon na ang Panginoon Jesucristo ay binigyan ng kapamahalaan at kapangyarihan sapagkat ito ay totoong nakasulat sa Biblia (Mat.28:18; Efe.1:20-22). At ang nagkaloob sa Kaniya ay ang tunay na Dios. Subalit, ang Anak(Cristo) rin ay isusuko ang lahat doon sa nagkaloob at nagbigay sa Kaniya na walang iba kundi ang Dios (1Cor.15:26-28).


At ang totoo at tunay na Dios, makapangyarihan sa lahat(Gen.17:1) kaya totoo walang nagbigay sapagkat Siya na bago paman ang lahat (Awit 90:2),at walang Dios sa kanya na gumawa at yumari (Deut.32:39).


Ngayun. Bakit po ang sinabi ng parehong talata ng Apoc.4:11 ; 5:12 ay may binangit na ibinigay ang kapurihan,kapangyarihan,kaluwalhatian.? Ito po ay hindi tumutukoy na gaya ng pagbibigay ng Diyos ng diriktang pagkakaloob sa kaninumang pinagkalooban, kundi ito ay pagbabalik lamang ng kapurihan. .Na gaya ng pananalangin kung saan pagbibigay ng pagpupuri. At hindi sa pagkaloob ng Mismong kapangyarihan. At ito ay mababasa sa mga kasunod na talata :




Apoc. 5:13
" At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. "



Apoc. 1:6
" At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa. "



At kung babalikan ang Talata na ating pinag-aral ay ganito ang ating matutunghayan :


Apoc. 4:11
“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinapanatili.” [MBB]



Apoc. 5:13
" At narinig kong umaawit ang mga nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon,

“Ibigay sa nakaupo sa trono, at sa Kordero, ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, magpakailanman!” [MBB]


Tandaan po nating lahat, kahit kaylan ay hindi inangkin ni Cristo na Siya ang ating kikilalanin na Dios,bagkus pinabatid at pinakilala pa Niya bago Siya pumaroon sa langit upang makapiling ang Dios na dapat na ating kikilalanin. Ganito ang Kaniyang sinabi :


Juan 20:17
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS. "


Ang sinabi po ni Cristo INYONG DIOS. . Ito ang Dios na kikilalanin ng Kaniyang mga alagad. .Kung saan Siya ang Dios na kinikilala ni Cristo. Napakalinaw po ng pahayag ni Cristo. Mahalaga na malaman ng tao na ang AMA lamang ang tunay at iisa na Dios sapagkat, ito ito ay sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan :



Juan 17:3
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo." [MBB]



Kausap po ni Cristo ang Ama sa pagkakataong iyan, at kanyang ipinahayag ang tunay na kahalagan ang pagkilala sa tunay na Dios. Sapagkat, ito ang ikapagtatamo ng tunay na buhay.


Sana ay naging Malinaw po sa lahat, sa mga nagsusuri at patuloy na nagsusuri.

Sabado, Hunyo 14, 2014

"Ako ang Dios" Sino at Ilan ang nagsasalita?





Maraming mga talata na nakasulat na siyang patotoo at makapagpapatunay na ang Diyos ay isa o iisa lamang. Hindi ito nauunawaan maraming mga tao. Gaya ng mga naniniwala na Diyos si Cristo, at may mga naniniwala ring Tatlo sa iisa o trinity. Mula pa lang sa mga pagpapahayag ng uri nga mga SALITA AT PAGPAPAHAYAG na ginamit ay malalaman na talaga na ang Diyos ay iisa lamang,at isa lamang ang may ari at wala nang bumubuo nito.



Ang mga halimbawa ng mga talata na totoong ISA LANG ANG DIOS ay ang patotoo na sinabi mismo ng Diyos na "AKO, AKO'Y DIOS, AKO ANG DIOS". . Ang mga linya at papgpapahayag na ito ay tuwirang tumutukoy sa pagiging isa(SINGULAR) ng nagsasalita. At seguradong alam na ito ng karamihan kapag marinig ang salitang "Ako" Ay isa lamang ang nagsasalita .May mga nakasulat ba sa Biblia na ang Diyos ay nag sabi na "AKO", hindi kami? Opo. ito ang mga talata na makapagpapatunay :


AKO, AKO'Y DIYOS



Genesis 17:7; 26:24; 46:3

Exodo 6:3; 6:7 ;10:3; 29:45-46

Levitico. 11:44-45; 22:33; 25:38; 26:12,45

Deut. 32:39

Awit 46:10; 50:7

Isaias 41:10; 43:12; 44:8; 45:22; 46:9

Jeremias 7:23; 11:4; 19:15; 24:7; 28:14; 30:22; 31:33; 32:38


Ezekiel 5:8; 11:20; 12:25; 13:8; 14:11; 36:28; 37:23,27; 34:31;26:3; 23:46; 28:9

Hoseas 1:9; 11:9


2Corinto 6:16

Hebreo 8:10

Apocalipsis 21:7



Ito po ang iilan lamang sa mga halimbawa ng talata na matibay na nagpapatotoo na ang Dios mismo ang nag sabi ng salitang "AKO" ay tiyak na tumutukoy lamang ito sa iisang nagsasalita at Siya lamang.
Sa Biblia parin, ano ang katumbas ng pagsasabi ng Diyos ng "Ako" ?





Deuteronomio 32:4
" Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: ISANG DIOS na tapat at walang kasamaan, matuwid at banal siya. "


Awit 89:7
" ISANG DIOS na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya? "


Daniel 2:28
" Nguni't may ISANG DIOS sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito "



Kung gayon, ang katumbas ng Salitang AKO'Y DIOS, tumutukoy lamang ito sa Isang Dios, at hindi dalawa o tatlong Diyos.E baka sabihin naman ng ilan, at kanilang sabihin:


"Ito ay binubuo ng Tatlong Persona,ang Dios Ama, Dios anak, Dios Espiritu Santo at sa kabubuuan, Iisang Dios"


Kung ang Dios kaya ang tatanungin, sasang ayunan kaya ang kanilang Lohika? Ang Dios na mismo ang sasagot:




Isaias 45:21-22
" Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin. "




Samakatuwid, bagsak ang lohika nila. Ang sabi ng Dios "Walang iba liban sa Akin". Wala na siyang kikilalanin pang Dios na bubuo sapagkat ang sabi "Ganap na Dios". .Anu ang katumbas nito?



Deuteronomio 32:39
" Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay. "



Ang sabi ng Dios. "Walang dios sa akin". ,Nagpapatunay lamang na walang iba pang Dios na bumubuo sa Kaniyang pagkaganap na Dios. totoong simula pa noong unang panahon ay pinapauna na ito ng Dios sapagkat may mga tao na hindi nakakakilala sa Kaniya. Ganito ang isang pangyayari sa panahong Cristiano na sinabi ni Pablo :


Gawa 17:23-24
" Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.
Ang Dios na GUMAWA ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay "




Ang Dios na hindi nila kilala ay ipinakilala ni Pablo sa kanila. Ito ang Dios na lumalang at gumawa ng lahat ng bagay. Sino ang Iisang Diyos na Siyang lumikha ng tao at ng lahat ng bagay?



Malakias 2:10
" Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno? " [MBB]



Ang itinuro pala ni Pablo na Dios na lumikha ay walang iba kundi ang AMA. Ganito pa ang paglilinaw sa ibang talata na pahayag ni Apostol Pablo :



1 Corinto 8:6
" subalit para sa atin ay IISA LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA na LUMIKHA ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo." [MBB]



Malinaw ang mga aral at paniwala ng mga Apostol. Ang Ama lamang ang tinutukoy na "IISANG DIOS" na dapat kilalanin na ito ang Dios na gumawa ng lahat ng bagay na siyang itinuro parin ng mga apostol (1Cor.12:6).


Ano pa ang patotoo na ang iisa at tunay na Diyos ay ang AMA?



Roma 16:26
" Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na WALANG HANGGAN, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya "



Ayun sa Biblia , ang Diyos ay walang hanggan. Ano ang katumbas nito?


1 Timoteo 1:17
" Ngayon sa Haring walang hanggan, WALANG KAMATAYAN, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. "


Hindi nakaranas ng kamatayan.At ayun sa talata, ito ang iisang Diyos na hindi nakikita. May tiyak kaya na ang iisang Diyos na tinutukoy na di nakikita ay ang Ama? Opo. narito :


Juan 5:37
" At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang ANYO. "



Ayun kay Cristo, Ang hindi nakikita ito ay ang AMA. Kaya, tiyak parin na ang Iisang Diyos na walang kamatayan at di nakikita ay ang AMA.Ano pa Ang patotoo ng Biblia na talagang ang AMA lamang ang iisang Dios? Narito :


1 Timoteo 2:5
" Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos." [MBB]


Ayun sa talata, "May iisang Dios", ito ang Dios kung saan si Cristo ay nasa gitna o tagapamagitan sa tao at sa iisang Dios na binangit. Tiniyak parin ba mula sa Biblia na ang Iisang Dios na nakasulat ay ito parin ang AMA ? Opo. narito ang patotoo :



1 Juan 2:1
" Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may TAGAPAMAGITAN TAYO SA AMA, si Jesucristo ang matuwid "



Kung gayon. Tiyak na tiyak ang mga talata na totoong totoo na ang AMA lamang ang iisang tunay na Diyos na si Cristo ang namagitan patungo sa mga tao. Ito ang Ama kung saan Ang Isang Dios na kinikilala ni Cristo :



1 Pedro 1:3
" Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay "



Roma 15:6
" Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. "


Tiniyak parin ni Cristo, na ang Iisang Diyos na kaniyang Kinikilalang Diyos ay walang iba kundi ang Ama. Ito ang Dios na naging Dios ng Kaniyang mga alagad at ang totoong Kinikilalang Diyos mula pa sa mga unang naging alagad na Kaniyang ipinahayag bago Siya umakyat sa langit :



Juan 20:17
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. "



Samakatuwid,malinaw na po ngayon ang detalye mula sa Biblia na ating natunghayan na ang DIOS NA NAGSASALI NG "AKO AY DIOS, AKO ANG DIOS" ay walang iba kundi ang AMA lamang at hindi ang trinitiy. Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay walang sawa sa paghikayat sa maraming tao na makilala ang tunay na Dios. Napakahalaga na makilala natin ang tunay na Dios sapagkat ayun pa mismo kay Cristo ito ay katumbas ng karapatan sa pagtanggap sa buhay na walang hanggan :



Juan 17:3
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. [MBB]



Kausap po rito nito Cristo ang Ama(mula talatang 1). Mahalaga ang makilala ang tunay na Dios na walang iba kundi ang AMA sapagkat, ito ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan. Kaya, sanana naman sa mga nagsusuri at patuloy na nagsusuri. Ito nawa ay maging bukas sa puso na tanggapin ang katotohanan. Mabuti at mabait po ang Diyos sapagkat pinahiram parin ang tao ng buhay sa mundong ito kahit hindi sila kumilala sa Kaniya at doon sa ibang dios na hindi totoo naglingkod. Subalit, tandaan po natin ito ay may hangganan parin.




Josue 24:20
" Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti. "


Pagsabi ng "Opo, Amen" Sa pananalangin





Mula sa isang nagsusuri na nagtanung sa amin ukol sa, Bakit raw kami mga Iglesia Ni Cristo ay sumasagot ng "Opo,Ama,Amen" tuwing may pananalangin lalo na sa pagsamba.


Una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat lalo na sa mga nagsusuri, at patuloy pa na nagsusuri. Tama po ang kanilang na obserbahan. Ang mga kaanib po ng Iglesia Ni Cristo ay sumasagot po ng "Opo,Ama, Amen o Siya nawa" kapag mananalangin. Gaya ng nakasulat:



1 Chronicles 16:36
" Blessed be the LORD God of Israel for ever and ever. And all the people said, Amen, and praised the LORD."



Ang pagsasagawa ng ganito, ay ginawa na ng mga sinaunang mga Cristiano. At ito ay pinatunayan ng Apostol Pablo :



" Kung nagpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakapagsabi ng “Amen” ang isang taong naroroon kung hindi niya nauunawaan ang iyong sinasabi? " (1 Corinto 14:16,MBB)


Ang salitang "Amen(Siya nawa)" ay tinukoy ito sa ganitong paraan :



“Siya Nawa, literal na 'totoo'; at, ginagamit bilang sa Isa. 65:16; ang salita na ginagamit sa taos pusong pagpapahayag , pag-aayos ng parang, ang silyo ng katotohanan sa mga badya kung saan ito sinamahan,at ginagawa itong bisa tulad ng isang panunumpa "(Smith’s Bible Dictionary, p.35, isinalin sa Pilipino)


Kaya, Kung sumasagot at nagsasabi po kami ng "Amen" tuwing bahagi ng pananalangin, itoy bilang pagpapakita ng aming pagsang-ayon kasama ang matibay na paniniwala na ang Panginoon ay tumanggap at dininig ang aming pananalangin.Samakatuwid, naging aktibo kami bilang kalahok o kasama sa pananalangin.



1 Corinto 14:16

" Kung nagpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakapagsabi ng “Amen” ang isang taong naroroon kung hindi niya nauunawaan ang iyong sinasabi? " (MBB)


Sa pagiging aktibo sa pakikiisa sa pananalangin, ang ating ISIPAN ay nakatoon sa bawat salita na sinalita at hindi LIBOT ang isipan. Ito ang bahagi ng sinabi ni Apostol pablo :



1 Corinto 14:15
...." Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip " (Revised Standard Version)

Kung sa pananalangin o anumang gawin sa paglilingkod sa Panginoon, ito ay mahalaga na ating sundin ang mga pamamaraan at prinsipyo na itinuro ng mga Apostol na :



...."Datapuwa't gawin na may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay." (1Cor.16:26,42)




Kaya, sana'y nakatulong at nabigyang linaw at sa mga nagsusuri sa mga kaayusan na isinasagawa sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

Miyerkules, Hunyo 11, 2014

Panalangin na" Ama Namin "kailangan bang isaulo? (Mateo 6:9-13)




May nagtatanung na mula sa isang nagsusuri . Bakit raw ang Iglesia ni Cristo ay hindi nagsasaulo ng "panalanging ng panginoon na "AMA NAMIN" lalo na sa mga pagsamba ?


Atin pong bigyan ng kaukulang tugon, alang alang na rin sa mga nagsusuri.



Sa panahon ng Panginoon Jesucristo sa lupa, sa maraming mga halimbawa, Siya mismo ay
nag uutos sa Kanyang mga tagapaglingkod na palaging manalangin at mapanalanginin at huwag mawalan ito sa puso.



Lucas 18:1
" At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay "


Ang mga apostol din nagtuturo sa mga Cristiyano upang maging mapanalanginin na magmapuyat o walang kapaguran , at matatag sa panalangin.



Colosas 4:2
" Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat. "



At kanilang hinikayat na maging mapanalanginin sa lahat ng pagkakataon:



1 Tesalonica 5:17
" Magsipanalangin kayong walang patid "



1 Timoteo 2:8
" Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. "



Ang panginoong Jesucristo ay nagsabi -- "Na , magsidalangin ng ganitong paraan " :



Mateo 6:9-13
" Magsidalangin nga kayo ng ganitong paraan: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. "
(New English Translation)





Ang panginoong Jesucristo ay hindi nag-utos na itoy kabisaduhin o isaulo ito na panalangin na walang bawas ang mga salita at bumulung-bulong ng paulit ulit nito sa tuwing tayo ay manalangin sa Diyos .Sa halip, sinabi niya , Sa ganitong paraan, samakatuwid, manalangin .Itong panalangin , samakatuwid, ay ibinigay bilang isang halimbawa, isang pattern para sa ating mga panalangin.



Tandaan na ang Panginoong Jesucristo ay nagbabawal Mismo sa mga walang kabuluhan paulit ulit na panalangin , Sapagkat ito'y isang gawaing pagano. Dagdag pa rito ,ang isang panalangin ay sinabi ayon sa mga pangyayari at pangangailangan ng isang nanalangin.


Mateo 6:7

“.. Huwag kayong manalangin nang paulit-ulit, na gaya ng ginagawa ng mga pagano. Akala
nila’y diringgin sila dahil sa marami nilang salita.
[New International Version]




Si Cristo ay nanalangin sa iba't ibang pagkakataon ngunit hindi kailanman sinaulo ang panalangin sa walang kabuluhan paulit-ulit na gaya ng mga paganong gawain. Ito mga halimbawa :



Mateo 26:39
" At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. "



Juan 11:41-42
" Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.
At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. "




Juan 17:1, 3
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "





Kaya, Mali po na gawin ang pananalangin na gaya nang paulit-ulit. At sana'y nakatulong sa ilang nagsuri kung baki hindi isinasaulo ng Iglesia Ni Cristo ang Gaya ng "Ama Namin". Sapagkat ito ay isang halimbawa lamang o pattern. .

ANG LIKAS NA KALAGAYAN NI CRISTO



Nagkakamali ang lahat ng pumupuna at nagsasabing hindi sa Diyos ang Iglesia ni Cristo dahil sa kanyang aral tungkol sa tunay na kalagayan ni Cristo na naiiba sa lahat ng relihiyon. Kung naiiba man ang aral na ito ng Iglesia ni Cristo sa lahat ng iglesia ay hindi sapat na dahilang paratangan nila na ito’y Anti-Cristo at hindi sa Diyos. Sapagkat kung naiiba man sa lahat ang kanyang aral na ito, ngunit naaayon naman sa aral ng Diyos,

ni Cristo, at ng mga Apostol na nasusulat sa Banal na Kasulatan ay hindi maaaring maging Anti-Cristo at Anti-Diyos ang Iglesia ni Cristo. Tungkol sa kalagayan ni Cristo, ay walang itinuturo na mula sa sarili ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo. Ang tunay na kalagayan ni Cristo na ipinakikilala ng Diyos, ni Cristo, at ng mga Apostol na natititik sa Biblia ang kanilang itinuturo. Sino ang unang nagpakilala sa tunay na Kalagayan ni Cristo ayon sa Biblia? Sa Isa. 7:14 , ay ganito ang sinasabi:



“Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.”




Ang talatang ito ay hula ng Diyos na ipinahayag sa pamamagitan ni propeta Isaias. Ano ang nilalaman ng hula? Isang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ng isang dalaga. Sino ang dalagang maglilihi at manganganak ng isang batang lalake? Sino naman ang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ng isang dalaga? Sa Luc.1:26-35 , ay ganito ang sinasabi na katuparan ng hula:





“ Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,

“Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
 “At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo.
“Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
“At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
“At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang
pangalang JESUS. “Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
“At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
“At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak
ng Dios.”





Ayon sa katuparan ng hula, sino  ang dalagang maglilihi at manganganak ng isang batang lalake? Si Maria. Sino naman ang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ni Maria? Si JESUS. Kung gayon, sino ang unang nagpakilala sa tunay na kalagayan ni Cristo ayon sa Biblia? Ang Diyos. Ano ang pagpapakilala ng Diyos kay Cristo? Isang batang lalake na ipaglilihi at ipanganganak ng isang dalaga. Samakatuwid, ang tunay na kalagayan ng batang lalake o ni Jesus ay TAO. Hindi Diyos. Bakit? Sapagka’t ang Diyos ay hindi ipinaglilihi at hindi rin ipinanganganak. At nang dinadala na ni Maria si Jesus sa kanyang sinapupunan, ano ang pagpapakilala ng Diyos sa tunay na kalagayan nito ayon sa pahayag ng anghel na Kanyang isinugo kay Jose? Sa Mat. 1:18-21 , ay ganito ang sinasabi:




“Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

“At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang
kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
“Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
“At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”




Ano ang pagpapakilala ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na isinugo Niya kay Jose tungkol sa tunay na kalagayan ni Jesus na dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan? Natuklasan ni Jose na si Maria ay may dinadala na sa kanyang sinapupunan nang sila’y magsama. Sa ganito’y ipinasiya ni Jose na hiwalayan si Maria nang lihim upang huwag mahayag sa madla ang kanyang kapurihan. Nguni’t ano ang sinabi ng anghel kay Jose? Sinabi ng anghel kay Jose na huwag mangamba sa pagtanggap kay Maria, sapagka’t ang DINADALANG-TAO nito ay lalang ng Espiritu Santo. Samakatuwid, ano ang kalagayan ng dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan ayon sa pagpapakilala ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na Kanyang isinugo Kay Jose? TAO ang dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan. Hindi Diyos! Bakit? Sapagka’t ang Diyos ay hindi maaaring dalhin ng tao o ng isang babae sa kaniyang sinapupunan at pagkatapos ay ipanganak. Kung gayon, ayon sa pagpapakilala ng Diyos, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO! Kaya ang aral na tao ang tunay na kalagayan ni Cristo ay aral na mula sa Diyos na nasusulat sa Biblia. Ang Iglesia ni Cristo na nagtuturo ng aral na ito ay sa Diyos. Ang mga nagtuturo na ang tunay na kalagayan ni Cristo ay Diyos, sila ang mga kalaban ng Diyos at hindi ang Iglesia ni Cristo! Noong manganak si Maria, Ano ang ipinanganak niya? Sa Luc. 2:6-7 , ay ganito ang sinasabi:





“A t nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak. “At

kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.”


Ano ang ipinanganak ni Maria? Ipinanganak niya ang panganay niyang anak na lalake. Samakatuwid, TAO ang kanyang ipinanganak. Bakit? Sapagka’t TAO ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Ano ang kanyang ginawa sa bata o sanggol na kanyang ipinanganak? Ito’y binalot niya ng mga lampin. Ang Diyos ba’y nilalampinan? HINDI! Ano ang isa sa karapatan ng batang ito na ipinanganak ni Maria? Sa Luc. 2:11-12 , ay ganito ang tinitiyak:




“ Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.”



Ano ang karapatan ng sanggol na ito at sino siya? Siya ang Cristo, ang Panginoon, na iisang tagapagligtas.

Nababago ba ang tunay na kalagayan ng sanggol na ito samantalang siya’y lumalaki? Sa Luc. 2:40 , ay sinasabi ang ganito:



“ At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.”



Samantalang lumalaki si Jesus ay hindi nagbabago ang Kanyang tunay na kalagayang TAO. Siya’y lumalaking bata—hindi lumalaking Diyos! Hindi rin Siya ang Diyos, kundi nagtatamo ng kalakasan, karunungan at biyaya na mula sa Diyos. Baka naman nang lumaki nang ganap si Jesus ay naging Diyos na ang Kanyang kalagayan? Ano ba ang pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili nang Siya’y malaki na at nangangaral? Sa Juan 8:40 , ay tiniyak Niya ang ganito:




“Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.”




Ano ang pagpapakilala ni Jesus sa Kanyang sarili nang malaki na Siya at nangangaral? Tiniyak niyang TAO ang Kanyang tunay na kalagayan. Siya’y TAO na nagsaysay ng katotohanang Kanyang narinig sa Diyos at hindi Siya ang Diyos! Ano ang isa sa Kanyang katangian sa lahat ng tao? Sa talatang 46 , ay sinabi Niya ang ganito:





“ Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?”



Si Cristo ang tanging TAO na hindi nagkasala. Pinatutunayan din ba ng mga apostol na talagang hindi nga nagkasala ang ating Panginoong Jesucristo? Sa Heb. 4:15, ay tiniyak ang ganito:



“ Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.”


Samakatuwid, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO, tanging TAO na tinukso na gaya rin natin, nguni’t walang kasalanan o hindi nagkasala. TAO rin ba ang kalagayan ng ating Panginoong Jesucristo nang Siya’y mabuhay na mag-uli? Sa Luc. 24:37-39 , ay ganito ang ipinakikilala:





“ Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

“At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong
puso?
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”




TAO rin ba ang kalagayan ng ating Panginoong Jesucristo nang Siya’y mabuhay na mag-uli? TAO! Natakot

at kinilabutan ang mga alagad nang makita Siya sapagka’t inakala nilang sila’y nakakita ng isang espiritu. Ngunit tiniyak sa kanila ni Cristo na Siya’y hindi isang espiritu, kundi Siya rin nga ang TAO na may laman at mga buto, na ito’y wala sa isang espiritu o sa Diyos. Sino ang Diyos na itinuturo ni Cristo? Sa Juan 20:17 , ay tiniyak Niya ang ganito:



“ Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”




Sino ang Diyos na itinuturo ni Cristo? Ang Ama ang Diyos na itinuturo ni Cristo, na Kanyang Ama at Kanyang Diyos na dapat kilalanin ng lahat na kanila ring Ama at kanilang Diyos. Ilan ang Diyos na ipinakikilala ni Cristo? Sa Juan 17:3 , ay sinasabi ang ganito:




“ At ito ang buhay na walang hanggan,na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”




Sino ang “ikaw” na itinuturo ni Cristo na IISANG Diyos na tunay? Ang Ama (talatang 1). Kung gayon, ang Ama lamang ang IISANG Diyos na tunay. Hindi si Cristo! Ano si Cristo? Sinugo ng Diyos na tunay. Sinugo na ano? Sinugo na TAONG nagsaysay ng katotohanang Kanyang narinig sa Diyos (Juan 8:40). Baka naman naging Diyos na ang kalagayan ni Cristo nang Siya’y umakyat na sa langit? Sa Gawa 1:9-11 , ay sinasabi ang ganito:




“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.

“At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo
sa tabi nila na may puting damit;
“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”


Diyos ba ang kalagayan ni Cristo nang umakyat sa langit? Hindi. TAO rin ang kanyang kalagayan nang Siya’y umakyat sa langit. Bakit?  Sapagka’t nakita ng Kanyang mga alagad ang Kanyang pag-akyat sa langit at pinatunayan ng mga anghel sa kanila, na kung paano nilang nakita si Cristo nang pag-akyat sa langit ay gayon din makikita nila Siya sa muling pagparito. TAO rin ba ang kalagayan ni Cristo nang nasa langit na? Saan ba nakalugar si Cristo sa langit? Sa Col. 3:1 , ay ganito ang sinasabi:





“ Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa

itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.”



Si Cristo ay nakaupo sa kanan ng Diyos sa langit. Diyos ba si Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos? Sa Awit 80:17 , ay tinitiyak ang ganito:





“ Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.”





TAO rin ang kalagayan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos sa langit. Tao rin ba ang Kanyang kalagayan sa muling pagparito? Sa Mat. 25:31-34 , ay ganito ang ipinakikilala:





“ Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:

“At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;
“At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.
“Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.”



TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoong Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO nang  panganak, TAO nang lumaki na at mangaral, TAO nang mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyat sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto. Kung gayon, ang aral ng Iglesia ni Cristo na si Cristo’y TAO ay aral na mula kay Cristo. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay hindi maaaring maging Anti- Cristo. Ang mga nagtuturo na si Cristo ay DIYOS ay laban kay Cristo. Sila ang mga Anti-Cristo! Ano ang pagpapakilala ng mga Apostol Sa tunay na kalagayan ni Cristo? Sa I Tim. 2:5 , ay ganito ang itinuturo:



“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.”





Ano ang pagkakilala ng mga Apostol sa tunay na kalagayan ni Cristo? TAO! TAO na Tagapamagitan ng mga tao sa Diyos! E, sino ang Diyos na ipinakikilala ng mga Apostol? Sa I Cor. 8:6 , ay ganito ang kanilang tinitiyak:




“Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”




Ipinakikilala ng mga Apostol na may isang Diyos lamang, ang Ama, at isa lamang Panginoon, si Jesucristo.

Bakit naging Panginoon si Cristo? Diyos ba Siya kaya naging Panginoon? Sa Gawa 2:36 , ay ganito ang sinasabi:



“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.”





Diyos ba si Cristo kaya naging Panginoon? Hindi, kundi ginawa Siya ng Diyos na maging Panginoon. Ang pagka-Panginoon ng Diyos ay katutubo, ngunit ang pagiging Panginoon ni Cristo ay gawa ng Diyos sa Kanya. Bakit ginawa ng Diyos si Cristo na maging Panginoon? Ano ba ang ipinutong sa Kanya ng Diyos? Sa Heb. 2:9 , ay ganito ang sinasabi:




“ Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao.”




Bagaman si Cristo’y ginawang mababa ng kaunti kaysa mga anghel, ginawa Siya ng Diyos na maging Panginoon na sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan Siya ng kaluwalhatian at karangalan. Anong kaluwalhatian at karangalan ang ipinutong sa Kanya ng Diyos? Sa Efe. 1:20-23 , ay ganito ang sinasabi:




“ Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at  pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:

“At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang
maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,
“Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat. ”




Anong kaluwalhatian at karangalan ang ipinutong ng Diyos sa ating Panginoong Jesucristo? Pagkatapos

na buhaying mag-uli ng Diyos si Cristo ay pinaupo Siya sa Kanyang kanan sa sangkalangitan at inilagay sa kaibaibabawan ng lahat ng pamunuan at kapamahalaan, kapangyarihan at pagkasakop. Pinasuko ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng paa ni Cristo at pinagkaloobang maging pangulo ng lahat  ng mga bagay sa Iglesia na katawan Niya. Kung mapasuko na ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng paa ni Cristo, ano naman ang gagawin ng Diyos kay Cristo? Sa I Cor. 15:27-28 , ay sinasabi ang ganito:




“Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi,

ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
“ At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.”



Kung mapasuko na ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng paa ng ating Panginoong Jesucristo ay SUSUKO

naman si Cristo sa Diyos na nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa Kanya. Dahil dito, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay HINDI DIYOS! Bakit? Sapagka’t Siya’y susuko sa Diyos! Ang Diyos ay hindi sumusuko sa kaninuman. Binigyan nga ba ng Diyos si Cristo ng kapamahalaan? Binigyan. Ano ang kapamahalaang
ibinigay sa Kanya? Sa Mat. 28:18 , ay tinitiyak ang ganito:



“ At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan

sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.”


Ang kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay ng Diyos kay Cristo. Dahil ba rito, si Cristo ay nagiging Diyos na? Hindi. Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay ng Diyos kay Cristo ng kapamahalaan sa langit at sa lupa? Ito ay siyang katuparan ng hula. Ano ang hulang iyon? Sa Isa. 9:6 , ay sinasabi ang ganito:





“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha,

Tagapayo, Makapangyarihang Dios Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.”


Sino ang tinutukoy na isang batang ipanganganak na maaatangan ng pamamahala sa kaniyang balikat? Ang ating Panginoong Hesucristo, ayon sa katuparan.Ano ang pangalan ng kapamahalaang maaatang sa balikat

ng bata? Ang pamamahalang maaatang sa Kanyang balikat ay tatawaging Makapangyarihang Diyos. Bakit? Sapagka’t ang pamamahalang iyon ay pamamahalang mula sa Diyos. Hindi si Cristo o ang bata ang tatawaging Diyos, kundi ang pamamahala ng Diyos na nakaatang sa Kanyang balikat.

Samakatuwid, ayon sa pagpapakilala ng mga Apostol, ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO. TAO na Tagapamagitan sa Diyos ng mga tao. TAO na ginawa ng Diyos na Panginoon. TAO na ginawang mababa ng kaunti sa mga anghel na pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan na ginawang maging pangulo ng Iglesia na katawan Niya. TAO na susuko sa Diyos upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat. TAO na pinagkalooban

ng pamamahala ng Diyos sa langit at sa ibabaw ng lupa. Kaya ang mga nagpapakilala na si Cristo’y Diyos ay LABAN din sa aral ng mga Apostol. Sila’y mga Anti-Apostol! Dahil dito, ano ang ikinatatakot ni Apostol Pablo na darating? Sa II Cor. 11:3-4 , ay sinasabi ang ganito:



“ Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.

“Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi naming ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.”



Ano ang ikinatatakot ni Apostol Pablo na darating? Ikinatatakot niya na baka madaya tayo na katulad ng pagkadaya kay Eva sa katusuhan ng ahas at ang malinis at walang malay na pag-iisip na kay Cristo ay pasamain. Ano ang ipagdaraya na magpapasama ng ating pag-iisip at sino ang gagawa ng pagdaraya? Ang darating na mangangaral ng IBANG JESUS. Anong ibang Jesus iyon? Ang Jesus na hindi ipinangaral ng mga Apostol. Ano ba ang kalagayan ng Jesus na ipinangaral ng mga Apostol? TAO ang Jesus na ipinangaral ng mga Apostol (I Tim. 2:5). Ano naming Jesus ang itinuturo ng mga magdaraya? Sa II Juan 1:7 , ay tinitiyak ang ganito:



“Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi  nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.”




Ano ang ibig sabihin na si Cristo’y naparitong nasa laman? Naparitong may laman at mga buto, TAO (Luc. 24:39). Ano naman ang Jesus na ituturo ng mga magdaraya? Ang Jesus na naparitong HINDI sa laman o TAO, kundi naparitong DIYOS. Sino ang una sa lahat ng mga relihiyon na nagpapakilala na si Jesus ay DIYOS? Ang Iglesia Katolika Apostolika Romana. Paano nila ginawang maging Diyos si Cristo? Sa “The Apostles’ Creed” ni Pari Clement H. Crock, sa pahina 206, ay sinasagot niya tayo ng ganito:





“Thus, for example, it was not until 325 A.D., at the Council of Nicea, that the Church defines for us that it was an article of faith that Jesus is truly God.”



Sa Pilipino:



“Kaya’t, isang halimbawa, na noon lamang taong 325 A.D., sa Konsilyo sa Nicea, ay ipinahayag ng Iglesia (Katolika) sa atin na isang tuntunin ng pananampalataya na si Jesus ay tunay na Diyos.”



Paano naging Diyos si Cristo sa Iglesia Katolika? Pinagtibay lamang ng Iglesia Katolika sa kanilang Konsilyo sa Nicea noong 325 A.D., na si Cristo’y dapat kilalaning tunay na Diyos. Hindi ang Diyos, ni si Cristo, ni ang mga Apostol ang nagpakilala na si Cristo ay tunay na Diyos. Kaya ang lahat ng nagpapakilala na si Cristo’y Diyos ay mga magdaraya at Anti-Cristo! Hindi ang Iglesia ni Cristo ang dapat paratangang hindi sa Diyos at Anti-Cristo sa kanilang aral na ang tunay na kalagayan ni Cristo ay TAO.



Ano ang patotoo ng Diyos sa mga nagpapahayag na si Cristo’y naparitong nasa laman o TAO at hindi naparitong Diyos? Sa I Juan 4:2 , ay ganito ang tinitiyak:




“Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios.”




Sa Diyos ang mga nagpapahayag na si Cristo’y naparitong TAO, ayon sa patotoo ng Diyos. Kaya ang Iglesia ni Cristo na nagpapahayag na si Cristo’y TAO ay tunay na sa Diyos! Ano ang pananampalataya ng

mga taong sa Diyos tungkol sa ating Panginoong Jesucristo? Sa I Juan 5:5; 4:15 , ay sinasabi ang ganito:




“ At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?”

“Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.”



Ano ang pananampalataya kayJesus ng mga taong sa Diyos? Sinasampalatayanan nilang si Jesus ay Anak ng Diyos. Hindi tunay na Diyos! Anak ng Diyos at ang tunay na kalagayan ay TAO, na ipinanganak ni Maria at lalang ng Espiritu Santo (Mat. 1:20). Bakit sa Diyos ang nananampalatayang si Jesus ay Anak ng Diyos? Ito ba ang patotoo ng Diyos sa Kanya? Sa Mat. 3:16-17; 17:5 , ay ganito ang tinitiyak:




“ At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

“At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
“Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.”



Ano ang patotoo ng Diyos kayJesus? Sinabi ng Diyos na si Jesus ay sinisinta Niyang ANAK. Kailan pinatunayan ng Diyos na si Jesus ay Kanyang sinisintang Anak? Noong Siya’y bautismuhan ni Juan Bautista sa ilog ng Jordan at nang Siya’y magbagong-anyo sa isang mataas na bundok. Ano ang maling palagay ng mga naniniwalang si Cristo’y Diyos sa pagiging Anak ng Diyos ni Cristo? Si Cristo raw ay Anak ng Diyos, kaya si Cristo ay dapat ding maging Diyos. Anak daw ng Diyos, kaya Diyos. Walang itinuturo ang Diyos, si Cristo at ang mga apostol na si Cristo’y Diyos, sapagka’t Siya’y Anak ng Diyos. Si Cristo’y Anak ng Diyos, ngunit kailanman ay hindi naging Diyos! Ang Kanyang tunay na kalagayang TAO ay hindi nababago kailanman. Tao Siya nang ipaglihi at ipanganak. Tao Siya nang lumaki at mangaral na. Tao Siya nang mamatay at mabuhay na mag-uli. Tao rin Siya nang umakyat sa langit at umupo sa kanan ng Ama at Tao rin Siyang paririto sa araw ng paghuhukom.