Miyerkules, Pebrero 25, 2015

Bakit hindi humaharap sa mga debate ang PAMAMAHALA?




Matagal ng paulit-ulit na tanong ng marami, lalo na sa panig ng ADD (Ang Dating Daan). Upang kanilang maunawaan, ay bigyan po natin ng iilang tugon ukol dito. Ganito ang sabi ng maraming isip na nasa INBOX din natin:


" Bakit hindi kailan man lumaban sa debate ang Pamamahala sa Iglesia sa hamon ni Soriano na puno sa puno? bakit ang ihaharap ninyo ay mga ministro at hindi ang founder nyu !.... "


SAGOT:

Maraming beses na po nasagot ng IGLESIA NI CRISTO ang issue na ito. Inuulit po namin, HINDI po "PUNO NG IGLESIA" ang pamamahala ng Iglesia ni Cristo, kundi ang kinikilala namin ay si Cristo:


Juan 15:5" AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. "

SINO RAW? Ang sabi, ang TANGING PUNO ng tunay na Iglesia ay si "CRISTO" lamang. Napakalinaw po ng PAHAYAG ng Biblia kaya pala hindi ito alam ng ating mga kaibigan sapagkat sila'y hiwalay kay Cristo at hindi sila ang mga sanga ni Cristo, ano ang sabi sa hiwalay kay Cristo?

" sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. "

Ganito pa ang ibang patotoo ng Biblia:

Hebreo 3:6 DATAPUWA'T SI CRISTO, gaya ng anak AY PUNO SA BAHAY NIYA; NA ANG BAHAY NIYA AY TAYO, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. "

Malinaw na si CRISTO lamang ang PUNO ng BAHAY, at ang BAHAY niya ay TAYO. At ang BAHAY sa kabuuan ay ito ang IGLESIA [1 Tim.3:15]. Ang mga tao na miyembro dito ay marami, at sila ay tatawagin sa isan lamang na KATAWAN [1Cot.12:27; Roma 12:5] . At siyempre ang KATAWAN ay ang Iglesia parin [Col.1:18].

Kung gayon:

● PUNO - Cristo
● MIYEMBRO/SANGA/BAHAY/KATAWAN - TAYO



Malinaw na po ngayon sa LAHAT at nauunawaan na natin na ang tunay na kinikilalang PUNO ng tunay na Iglesia ay walang iba kundi si Cristo. Kung ang ibang relihiyon na ang kanilang puno ng kanilang Iglesia gaya ng ADD na si Mr. Eli Soriano, ay patotoo lamang na maling pagkilala nila sa tunay na PUNO na walang iba kundi si Cristo.


Puntahan natin ang ukol sa pagharap ng debate. Sa totoo po nito, simula't simula ng pagsisimula ng pagbangon ng Iglesia ni Cristo noong 1914 ay nagsisimula lamang sa iisang tao, na si kapatid na Felix Manalo. Noon ay hindi pa gaanong malawak at malaki ang naaabot ng Iglesia ni Cristo, at ang Kapatid na Felix ay sumabak sa iba't ibang uri ng debate mula sa hamon ng iba't ibang relihiyon sapagkat nais nilang hadlangan ang pangangaral ng kapatid. Samakatuwid, ang pamamamahala sa pagsisimula ng Kapatid na Felix mula noong pagbangon ng Iglesia ay nakaharap na sa mga public debate, sapagkat isa sa madaling paraan noon ng pakikinig ng tao upang maikumpara ang mga aral sa iba't ibang relihiyon.


Sa patuloy na pagtatagal ng Iglesia ay mas lalong lumawak ito hanggang sa nakarating sa ibayong dagat, sa iba't ibang bansa na dati'y wala pang Iglesia ni Cristo, Kaya naman sa kapanahunan mula sa Pamamahala ng Kapatid na Erano G. Manalo ay laganap na ang Iglesia sa napakaraming bansa. Kaya naman sa patuloy na pagdami ng kaanib ay nagkaroon naman ng iba't ibang tungkulin sa loob ng Iglesia kasama na rito ang patuloy na pagdami ng mga Ministro at Manggagawa upang magkaroon ng kaagapay at katulong ang Pamamahala sa patuloy na pagsinop sa kabuuan ng Iglesia. Kaya naman natupad ang sabi sa Biblia na maglalagay ng iba't ibang tungkulin na may ibat ibang gampanin kung saan kanilang gagampanan :



Roma 12:4 Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:

Roma 12:5" Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa. "

Roma 12:6" At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya "

Roma 12:7" O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo "

Roma 12:8" O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya. "


Kaya, ang tunay na IGLESIA ay tunay at totoong isinasagawa ang lubos na kaayusan sa lahat ng panahon [1Cor. 14:40], lalo na sa mga gampanin sa loob ng Iglesia sa patuloy na paglawak nito. Kaya sa mga kabilaang hamon ukol sa "DEBATE" ay may itinalaga din naman ang Iglesia na sila ang may basbas/tungkuling haharap sa anumang hahamon sa Iglesia ukol dito.

PANGUNAHING LAYUNIN/GAWAIN NG PAMAMAHALA


Kung gayon, ano ang pangunahing gawain at layunin ng Pamamahala ? Ang layuning madala ang Iglesia sa kaniyang sakdal at nagniningning sa kaluwalhatian lalo na sa paghahanda sa araw ng muling pagparito ni Cristo. Sa patnubay at kapangyarihan ng katotohanan na nakasulat sa Biblia na ang isa sa mga PANGUNAHING DAHILAN NG PAGLALAGAY NG DIOS NG PAMAMAHALA SA IGLESIA AY PARA SA IKATITIBAY NITO [ Efeso 4:11-12; 2Cor. 10:8].


Laging walang sawa sa pagpapaalaala sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia na habang papalapit ang dakilang araw na iyon ng ating kaligtasan, nasasaksihan nating natutupad ang ibinabala sa Banal na Kasulatan na lalong lulubha ang mga kahirapan at kasamaan sa mundo. Ito'y magiging sanhi rin ng PANLALAMIG NG PAGIBIG NG MARAMI at KAWALANG SIGLA sa paglilingkod sa Dios [Mat. 24:7,12]


Tunay nga na sa mga huling araw, ang pinakamahigpit na kalaban "ang diablo" ay gagamit ng bawat pandaraya at lahat ng masasamang kaparaanan UPANG PINSALAIN ANG PANANAMPALATAYA NG MGA TUNAY NA CRISTIANO. Alam na alam niyang kakaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya upang kaniyang maisakatuparan ang pinakamapinsalang layunin "ANG MAHADLANGAN ANG MGA LINGKOD NG DIOS SA PAGTATAMO NG KALIGTASAN" [Apoc.12:12]. Upang lalong maipakita ang pagiging desperado o kawalan ng pag-asa ng ating kaaway na lalong nag uumigting sa pagsisikap na maisagawa ang kaniyang pangunahing layunin ay itinulad siya ng Biblia sa "LEONG UMUUNGAL...GUMAGALA NA HUMAHANAP NG MASISILA NIYA " [1Ped. 5:8] . Ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang alisin ang mga salita ng Dios sa puso ng mga sumasampalataya [Luc.8:12].



Dahila dito, upang mapalakas ang kakayahan ng mga kaanib sa Iglesia na maipagsanggalang ang kanilang pananampalataya laban kay satanas, ay BUONG SIGASIG AT WALANG KAPAGURANG dumadalaw sa mga lokal ng Iglesia sa BUONG MUNDO ang Tagapamahalang Pangkalahatan, at nagtuturo ng buong karunungan sa bawat isa sa pamamagitan ng leksiyong espirituwal na buong alab niyang itinuturo sa mga pagsamba. Walang tigil ang paghikayat niya sa lahat ng mga hinirang ng Dios na " MAKIPAGLABANG MASIKAP DAHIL SA PANANAMPALATAYA " [Judas 1:3], o " MAKIPAGBAKA... NG MABUTING PAKIKIPAGBAKA SA PANANAMPALATAYA " upang makapanangan sila "sa buhay na walang hanggan" [1Tim. 6:12]



Samakatuwid, ang isip at layunin nila lalo na ngayong NAPAKALAKI ng LAWAK na naabot ng Iglesia ay ang MADALA SA MATAAS na uri ang Iglesia, sa lalong ikatitibay ng PANANAMPALATAYA ng lahat ng kaanib. Kaya ang pag-iisip ng maling isipan kung bakit hindi lalaban ang Pamamahala sa debate ay mga maling paratang. Kaya nga upang matugunan ang kanilang hamon ay NAGLAGAY ang Pamamahala na tutugon doon at dala ang PANGALAN ng IGLESIA kung sakaling haharap sa anomang hamon at WALANG inuurungan ang Iglesia Ni Cristo kung sakaling may maglakas ng loob na haharap dito, sapagkat mas lalong maihahayag ng Iglesia ni Cristo sa hindi pa kaanib kung ano nga ba ang tunay na aral na dapat sampalatayanan ng tao, upang siya'y mapabilang sa tunay na ililigtas pagdating ng araw ng muling pagbalik ni Cristo.


Biyernes, Pebrero 20, 2015

Mateo 5:17 Patotoo ba na kailangan pa mag sabbath?




Ginagamit ito minsan ng mga SDA o Seventh Day Adventist Church na talata upang pagtakpan ang kanilang pinaniwalaang SABBATH na umanoy hindi nawala o hindi lamang raw para sa mga Israel ang utos upang tuparin ang pagsasabbath, kundi maging sa panahon raw ngayon ay ipinapatuad. Mula sa comment box ay nagpahayag ang isang kaanib ng SDA na kaniya namang natutunan raw sa SDA. Gumamit po sila ng talata. Ganito ang sabi ni Kenny Arevalo Golez:




" ano sabi sa mateo 5:17 kahit kautusan ng Dios ay hnd mawawala"


Bakit raw ipinawalang bisa ng Dios, e hindi nga naman nawawala ang utos ng Dios. Siyasatin natin ang laman ng talata na ito, at ng sa ganun ay mas lalo pang makatulong at maunawaan ng mga SDA , gaya ni Mr. Kenny. Ganito ang laman ng talata ating sipiin :



Mateo 5:17" Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. "



Malinaw nga naman na nakasulat diyan na "AKOY NAPARITO HINDI UPANG SIRAIN, KUNDI UPANG GANAPIN".


May mga dapat po tayong mapansin:

1. Si Cristo ay may KAUTUSAN NA GAGANAPIN, ang tanong ukol ba sa SABBATH IYON?

2. Hindi po sinabi na LAHAT ng kautusan ang gaganapin ni Jesus


Huwag agad magkunklusyon sapagkat may ipinahayag po si Cristo na URI NG KAUTUSAN na Kaniyang gaganapin sa kaniyang pagparito. Upang maging mas malinaw, ANONG KAUTUSAN iyon? Ganito ang Kaniyang paglilinaw:



Lucas 24:44" At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang MATUPAD ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA NANGASUSULAT TUNGKOL SA AKIN sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. "


Malinaw po na ang mga kautusan na tinutupad ni Cristo ay yaong mga KAUTUSAN lamang ukol sa Kaniya na ang sabi: " MATUPAD ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA NANGASUSULAT TUNGKOL SA AKIN ". Mga bagay na PATUNGKOL at NAGING HULA sa Kaniya at hindi ang LAHAT ng kautusan. Bawat PANAHON ay may iba't ibang kautusan na doon napailalim ang tao. Kaya ang Dios ay nagsasalita sa Tatlong panahon :


Hebreo 1:1-2
" Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan "



1) PANAHON NG MGA MAGULANG o PATRIARKA(Mula sa panahon ni Eva’t Adan hanggang sa panahon ni Moises)


2) PANAHON NG MGA PROPETA o PANAHON NG BAYANG ISRAEL (Mula sa panahon ni Moises hanggang sa paglitaw ni Juan Bautista)


3) PANAHON NI CRISTO o PANAHONG
CRISTIANO (Mula sa paglitaw ni Juan Bautista hanggang sa Muling Pagparito ni Cristo sa Araw ng Paghuhukom)


Kaya, ang ginanap ni Cristo ay ang KAUTUSAN na nasa Kaniyang kapanahunan o sa panahong Cristiano. Lahat ng naabot ng panahong Cristiano ay napasailaim na sa kautusan ni Cristo:



1 Corinto 9:21" Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, KUNDI NASA ILALIM NG KAUTUSAN NI CRISTO, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. "


Galacia 6:2" Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, AT TUPARIN NINYONG GAYON ANG KAUTUSAN NI CRISTO. "



Ang iniutos sa mga Cristiano ay ang matupad ang Kautusan na pinairal at ginananap ni Cristo mula sa Dios. Dito napailalim ang mga Cristiano. Bagaman may uri ng kautusan na mula rin panahon LUMANG TIPAN na patuloy na ipinapatupad sa panahon natin gaya nga HUWAG KUMAIN NG DUGO [ Gen. 9:4 ; Deut. 12:23 BMBB; Gawa 15:20, 23, 29; 21:25]. HUWAG MAGASAWA NG HINDI KAPANAMPALATAYA [Deut. 7:3-4; 2 Corinto 6:14-15]. Ang mga iyon ay mula sa lumang tipan subalit patuloy na ipinapatupad parin sa panahong Cristiano.

Kaya sa pakikipag-usap natin sa ating kaibigang si Kenny, naitanong natin sa kaniya kung may ALAM ba silang aral na mula naman sa lumang tipan na pinawalang bisa na sa panahong Cristiano, dahil ang sabi nila, hindi daw nawawala ang kautusan ng Dios ayon sa Mat.5:17. Kung gayon e talagang naninindigan silang lahat, NA LAHAT NG KAUTUSAN ay hindi nawawala mula sa lumang tipan. Wala po ba talagang kautusan na hindi nawala o pinawalang bisa? Meron po gaya ng sumusunod:



1. Mula noon ay ipinagutos sa lahat ng mga lalaki ang Pagtutuli [Levitico 12:3] subalit hindi na ipinatupad sa mga Cristiano ng mga Apostol [Mga Gawa 15:1-32].


2.Noon din ay may batas na NGIPIN sa NGIPIN at MATA sa MATA [Levitico 24:20] subalit tiniyak naman ni Cristo na hindi na ganun ang batas ngayon [Mateo 5:38-39].


3. Ang utos at Pagbabawal saPagkain ng mga Hayop na walang biyak ang Paa at hindingumunguya (Gaya ng Kamelyo at Baboy, at iba pa ) at ng mga lamang tubig na walang palikpik at walang kaliskis [Levitico 11:3-8, 10] subalit sa panahong Cristiano ay pinayagan na makain na pinakita kay Apostol Pedro [Mga Gawa 10:9-15].


4. At itong ukol sa SABBATH na ipinag-utos lamang sa mga Israelita upang ipag-alala ang pagkaalipin mula sa lupain ng egipto at silay inilabas sa pamamagitan ng makapangyariahang kamay ng Dios [ Exodo 20:8-11; Deut.5:15]. Subalit dahil sa marami parin ang nagsasabbath sa panahong Cristiano, gaya ng mga Fareseo, ay ipinayo ni Apostol Pablo na Huwag ng umayon doon:


Colosas 2:16 “Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:” 


Bakit anong dahilan bakit hindi na tayo makikiayon doon?


Gal.4:9-11 “ Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, BAKIT MULING NANGAGBALIK KAYO DOON sa mahihina at WALANG BISANG MGA PASIMULANG ARAL, NA SA MGA YAOY NINANASA NINYONG BMAGBALIK SA PAGKAALIPIN? IPINANGINGILIN NINYO ANG ANG MGA ARAW, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon. Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng WALANG KABULUHAN” 



Nakakalungkot lamang isipin gaya ng sinabi ng mga apostol, na MASASAYANG LAMANG ANG PAGPAPAGAL. sapagkat yun ay wala ng BISANG ARAL na ninanasa ang pagbalik sa dating pagkaalipin. Ito ang dahilan kaya ang tunay na Iglesia ay hindi na nangingilin pa sa sabbath sapagkat wala na itong kabuluhan sapagkat Israelita lamang ang inutusan nito mula sa kanilang kapanahunan.

Kung maninindigan silang HINDI pala nawala ang LAHAT ng kautusan kasama ang sabbath, dapat pati ang kaparusahan sa lalabag nito ay ipapatupad din nila. Ano ang parusa? Ganito ang sabi:

Exo.35:2 “Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin. ” 


Ang kaparusahan ay "PAPATAYIN". Matindi nga ang parusa, kung hindi nga PINAWALANG BISA ANG LAHAT NG KAUTUSAN. Ano ang maaaring malabag sa araw ng sabbath? Ganito ang mga palatuntunan:


1. Huwag gumamit ng Apoy [ Exodo 35:3]
2. HUWAG UMALIS [Exo.16:29]
3. HUWAG BUMILI [Neh.10:31 NPV]


Nasusunod po ba nila iyan kapag nangingilin sila? Tiyak hindi, at kung hindi tiyak ang Kaparusahan na PAPATAYIN, hindi rin nila magagawa iyon. Hindi rin pala naniniwala ang mga SDA sa parusa noon ng kamatayan sapagakat sabi pa ni Mr. Kenny:




"Gawa lng ni moises yan ang hnd sumnd sa araw ng sabbath ay papatayin. Panakot sa israelita iyan."

Gawa lang daw bilang "PANAKOT".? Turo seguro ng SDA iyon sapagkat yun ang natutuhan nila. Hindi po iyon gawa gawa lamang ni moises sapagkat may PINATAY NA AYON SA BIBLIA na LUMABAG SA SABBATH [ Bilang 15:32-36]. Maling aral at turo ang isiping ganun, Kaya mali po na isiping LAHAT NG KAUTUSAN ay hindi pinawalang bisa ayon sa Mateo 5:17 sapagkat kautusan lamang ni Cristo ang ginanap Niya sa Kaniyang kapanahunan na ipinapatupad po sa atin. Sapagkat ang SABBATH ay ginawang TANDA para lamang sa Israelita at hindi kasama ang Cristiano:


Ezekiel 20:10" Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. "


Ezekiel 20:11" At ibinigay ko sa kanila ang aking mga PALATUNTUNAN, at itinuro ko sa kanila ang aking mga KAHATULAN, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. "


Ezekiel 20:12" Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, UPANG MAGING TANDA SA AKIN AT SA KANILA, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. "


Ang "KANILA" na tinutukoy ay ang mga Israelita na inilabas ng Dios ayon sa mga naunang talata. Kaya po napakalinaw ang aral ukol dito. Sana'y buksan ng marami lalo na ng mga kaibigan nating SDA na iwan na po ang dating wala ng bisa na aral upang hindi mauwi sa walang kabuluhang pagpapagal.


Patotoo po na maling pagkaunawa ng MATEO 5:17 na WALANG KAUTUSAN NG DIOS na pinawalang bisa na, sapagkat nilinaw na ang kaututusan sa panahon ni Moises ay HANGGANG SA PANAHON LAMANG ni Juan Bautista :



Lucas 16:16 MBB05
“Ang Kautusan ni Moises at ang sinulat ng mga propeta ay may bisa hanggang sa pagdating ni Juan na Tagapagbautismo. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at ang lahat ay nagpipilit na makapasok dito. "


Nasa panahong Cristiano na tayo at KAUTUSAN NI CRISTO ang marapat na sundin. .

Sabado, Pebrero 14, 2015

INC vs. SDA DEBATE




Noong Pebrero 10, taong kasalukuyan ay tagumpay na naman muling nakaharap ang IGLESIA NI CRISTO sa HAMON ng ating mga kaibigang SDA, na naisagawa sa MINDORO sa ganap na ika 2 ng Hapon. Naisip kong ibahagi ang kwento sa likod nito sapagkat, tunay at totoo na sa LARANGAN ng PUBLIC DEBATE, laging patnubay ng Diyos ang laging kasama ng Iglesia ni Cristo at dahil sa awa Niya, ay laging tagumpay ang naging bunga nito, at nakapagdulot pa sa mga tao ng pagkakaroon ng bukas na puso sa pagtanggap sa katotohanan at kumalas sa dating kinaaaniban at ngayo'y nasa Iglesia ni Cristo na bunga lamang ng pakikinig ng ganito mga debate sapagkat napapahayag ang tunay na aral na sinasampalatayanan ng bawat panig.


Nasa Video[credit sa may-ari n kapatid] ang ilang bahagi ng pagtalakayan mula sa panig ng INC at SDA. nasa Baba din ang patunay mula sa mga kaibigan natin SDA na SILA'Y nagdamdam sa nangyari. NAkakatawa lang isipin sa akala ni Obidos na panalo sila, sa dahilang sila ang huling tumayo, hindi po iyon ang basihan na panalo sa isang debate, kundi ang kaparaanan kung paano napatunayan ang katotohanan ayon sa Biblia. Ganito ang sabi ni niya:



Nakakatawa ngang isipin hindi po ba? :) Dis appointed nga po ba ang mga INC o ang panig ng SDA? Patunayan natin. Ganito po ang nakuhang pag-uusap mula ng mga kaanib ng SDA. Tunghayan po natin at basahin:



Bawi nalang daw next time. Ok lang po iyan, sapagkat sabi pa nga po ng kapatid namin na si ka Jose Ventilacion e "HINDI UURONG ANG IGLESIA NI CRISTO SA ANOMANG DEBATE, SA MAAYOS NA PARAAN". Kaya kung babawi po kayo minsan, ok lang po iyan. Sa katunayan po marami ang natawag at nagpadoktrina nasa INC bunga ng debateng naganap na iyon. .

Sa Diyos po lagi ang kapurihan. Patuloy na dinaragdag ng Diyos sa IGLESIA araw araw ang mga dapat maligtas [Gawa 2:27,kjv]

Huwebes, Pebrero 12, 2015

bakit hindi nakikiisa ang Iglesia ni Cristo sa Valentines Day?




Ang pagsapit ng FEB. 14 ay isang kilala na araw lalo na sa relihiyong kinagisnan ng marami. Sa araw daw na ito pinapahayag ng marami ang kanilang PAGIBIG, kaya naman marami ding kabataan ang nahuhulog sa gawang hindi ayon sa kalooban ng Diyos sapagkat BASI SA OBSERBASYON ng marami, FEB. 13 pa naka booking na ang mga HOTEL AT LODGE sapagkat Sa araw ng 14 ay ARAW umano ng PAGIBIG o ang "VALENTINES DAY". Sumabay naman ang marami dito sa pagpasya ng PAGPAPAKASAL, at sa pagsasabi ng HAPPY VALENTINES DAY. Ang iba naman na walang SYOTA ay nababalisa kaya nagsusuot ng PULANG damit para hindi raw ma iwan at makantyawan ng mga tropa at makita ng marami na sila'y available p. Nakakalungkot subalit hindi maipagkakaila na ganyan ang nasa isip ng marami sa sanlibutan ngayon na taglay ang ganitong paniniwala.


Sa araw ng Valentines Day ay sinisikap ng marami na makapagbigay ng PAGMAMAHAL, sa pagbibigay ng mga bulaklak, mga cards at mga hugis puso na dinidisenyo sa iba't ibang mga pamamaraan upang maipadama ang diwa ng pinaniwalaang VALENTINES DAY. Ang paghahangad din ng marami na magkaroon ng kapartner kaya sikat si KUPIDO sa mga larawan sa araw na iyon na may dalang pana. Lahat ng mga iyon ay may kaugnayan sa pagsasagawa ng PAGDIRIWANG ng Valentines Day.


Isinusulong ito ng iba't ibang relihiyon na sa Araw na yaon ay ARAW ng PAGIBIG, at hindi lang iyon, KUNDI ANG SABAY NA TULIGSA SA MGA IGLESIA NI CRISTO, na hindi ba raw kami umiibig sapagkat ayaw namin makiisa sa Celebration na iyan.


Totoo ba talagang AYAW naming umibig? Sa totoo po, WALANG DINIKLARA ang BIBLIA kung ating sangguniin na mag diklara ng isang ARAW, na iyan lamang ang "ARAW NG PAGIBIG". Ano nga ba ang tunay na pagsasagawa ng PAGIBIG SA MAHAL SA BUHAY gaya ng natutunan ng magkakapatid sa tunay na IGLESIA? Ganito ang sabi ng Biblia:


Hebreo 13:1" Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid. "


Ang sabi MAMALAGI, panatilihin, at wala pong Sa araw ng VALENTINES DAY, e kung wala, saan po nanggaling ang paniniwala na iyan? Suriin po natin:



" Ang Araw ng mga Puso ( Inggles: Valentine’s Day ) ay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Balentíno na ginaganap tuwing Pebrero 14 . Dito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan , mga mag-asawa at mga pamilya ang kanilang pag-ibig sa isa't isa at nagpapadala ng mga bulaklak , kard at donasyon , kadalasan hindi sinasabi ang pangalan . Si San Balentíno, ayon sa Katolisismo, ANG SIYANG PATRON NG MGA MAGKASNTAHAN.


PINAGMULAN

GALING ANG ARAW NG MGA PUSO SA PAGANONG PAGDIRIWANG SA LUPERCALIA, kung saan nagsasayawan at nag-iinuman ng alak ang mga tao. NOONG TAONG 496 , INIUTOS NI SANTO PAPA GELASIUS I NA GAWING KRISTIYANONG RITWAL ANG MGA PAGANONG PAGDIRIWANG kaya't binigyan ito ng bagong pangalan, ANG VALENTINE'S DAY , bilang pagpupugay sa patron nito, si San Valentín. "


" Tatlong San Valentín ang nabuhay noong
panahong iyon. Ang mga ito ay:

isang pari ng Roma
isang obispo ng Interamna (ngayo'y Terni )
isang martir sa isang lalawigan ng Roma sa Aprika


" Ipinagbawal noon ni Emperador Claudius II na magpakasal ang mga sundalo ng Roma dahil nakapaghihina daw ito sa mga sundalo na lumalaban sa digmaan . Ngunit, lihim na nagkasal pa rin si San Valentín ng mga magkakasintahan. Dahil dito, ipinapatay siya noong 270.


Kartang pambati

Pangunahing lathalain: Kartang pambati

Itinuturing na isa sa pinagsimulan ng mga kartang pambati ang kapistahan ng Araw ng mga Puso. Sa pagdiriwang ng Lupercalia sa Roma tuwing Pebrero 15, nakaugalian ng mga sinaunang mga batang kalalakihan ang pagsulat ng mga pangalan ng mga batang kababaihan sa mga malalaking urno o plorera, kung kailan nagiging kapareha ng isang batang babae ang batang lalaki sa panahon ng pestibal. Upang magkaroon ng Kristiyanong kahulugan at mukha ang paganong selebrasyon, nilipat ng Simbahang Katolika ang Araw ng mga Puso mula Pebrero 15 patungong Pebrero 14, ang araw kung kailan naging martir ang santo at paring si Valentino.


Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga ika-16 daantaon, na naglalaman ng mga tula ng pagmamahal at mga ginuhit na larawan ni Kupido , ang diyos ng pag-ibig , kasama ng kaniyang pamana at palaso. Naging tanyag ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong mga kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ang panahon kung kailan ipinakilala sa madla ang mga sang kusing na postahe at mga sobre. "


Source:

http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Araw_ng_mga_Puso


At mula sa Aklat ng :

[SAINT VALENTINE , The Man Who Became the patron of love, BY: Jeannie Meekins, Pg. 8-9] ay ganito naman ang sabi:




" Valentine wa buried on Flaminian way. This is the roed north to Rome (the road is also known as flaminia way and via Flaminia).

" Some between 333 and 356AD, Pope Julius 1 built a basilica at the site. This wa to Preserve valentines TOMB.

" In Northern Hemisphere, February is the time of year associated with love and fertility. With the cold and frost of winter gone. The land was ready to plant Crops. Ancient cultures would worship gods and bold Festivals in their honor in the hope of a good harvest.

" The Festival of Lupercus was celebrated in Mid February. Lupercus was the Roman god of fertility. Goats would be killed and offered to the god. Young men and women would act out rituals that was believed to help a women get pregnant and make childbirth easy and less painful.

" In 496 AD, Pope Gelasius 1 decided to put an end to the Festival. He declared the February 14 would be SAINT VALENTINES DAY.

" Gelasius did not know about Valentines actual life. He knew enough to feel that Valentine was worthy of respect and worship and that God knew the truth. "



Malinaw po na ang VALENTINES DAY ay ipinasya lamang ng NOONG TAONG 496 , INIUTOS NI SANTO PAPA GELASIUS I NA GAWING KRISTIYANONG RITWAL mula sa PAGDIRIWANG NG "LUPERCALIA (god of fertility) ". Kung gayon isang Imbento lamang pala ang PAGSASAGAWA ng VALENTINES Day na isinama sa doktrina o ritwal ng Iglesia Katolika noon lamang taong 496 at mula sa paniniwala ng mga pagano. Kaya sa araw ng Feb.14 ay idiniklara ni Gelasius na ito ang araw ng mga Puso o "VALENTINES DAY".


Sa tunay mga tunay na ALAGAD at hinirang, sino lamang dapat ang e isabuhay sa PANANAMPALATAYA na tunay na Dios ng PAGIBIG? Ganito ang turo:




1 Juan 4:7-8" Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. "
" Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig. "



Ang DIOS NA BUHAY at hindi si KUPIDO na mula sa paniniwalang pagano ang tunay na Dios, ang nakakaunawa nito ay ang tunay na umibig, at tunay na umibig at nakakilala sa Dios. Hindi dapat makiisa sa ganitong gawain sapagkat hindi nakakalugod ang ganitong gawain. Dapat sanay Dios na tunay at hindi ng pagano paniniwala:


"At aking dadalawin sa kanya ang MGA KAARAWAN ng mga BAAL (Lupercalia)na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan nang siyay nagpaparaya ng kaniyang mga hikaw at mga hiyas ,at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya ,at kinalilimutan ako sabi ng Panginoon.[Oseas 2:13]


"Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manunumbalik sa kanilang Dios sapagkat ang espiritu ng pagpapatutot ay nasa loob nila ,at hindi nila nakikilala ang Panginoon. "[Oseas 5:4]



Kaya hindi nagagalak ang Diyos lalo na sa pakipagkaisa ng ganoong gawain, sapagkat hind nalulugod ang Dios. Tunay na hindi nakikiisa ang mga tunay na hinirang sapagkat ganito ang sabi:


"Ganito ang sabi ng Panginoon. Huwag kayong matuto ng lakad ng mga Bansa..."[Jer.10:2]


"Huwag kayong makibahagi sa kanila. "[Efe.5:7]



" kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios." [Rom.12:2]

" sa Ganito tinuruan tayo ng Dios na
huwag makibahagi sa ganitong mga
pagdiriwang ng mga pagano sapagkat ang mga ganitong pagdiriwang ay naghihiwalay sa ating mga anak na lalake at babae sa Dios para maglingkod sa ibang dios. ![Deut.7:4]


Ito ang dahilan kaya ang Iglesia ni Cristo ay hindi nakikkiisa sa ganitong gawain. Sapagkat hindi kinalulugdan ng Diyos.

Miyerkules, Pebrero 11, 2015

Alin ang Iglesia na kay Cristo Ngayon?




Alin po ba ang tunay na Iglesia Ni Cristo sa kabila ng napakaraming nag-aangkin at nagpakunwari lalo na sa panahon ngayon? Atin po itong masisiyasat at mababasa sa Biblia ang mga katangian nito na dapat nating hanapin at suriin sa alinmang Iglesia na nag-aangkin na ito ang tunay na Iglesia ni Cristo.


Ang ilan sa palatandaan sa tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo ay ang :

1. ANG PANGALAN
2. ANG KARAPATAN SA PAGPAPALIWANAG
3. at ANG ARAL NA IPINAPAHAYAG


TINATAWAG SA PANGALAN


Bakit po ba na ating natitiyak na mayroong PANGALAN ang ikakilala sa mga nakay Cristo? Sa Juan 10:3 ganito ang sabi:

Juan 10:3" Binubuksan siya ng bantaypinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: AT TINATAWAG ANG KANIYANG SARILING MGA TUPA SA PANGALAN, at sila'y inihahatid sa labas. "


Malinaw nga pinatutunayan mula sa Biblia na mayroong PANGALAN na itinatawag sa mga tupa ng ating Panginoong Jesucristo. Ang MARANGAL NA PANGALAN ng ating Panginoong Jesucristo ang itinatawag sa Kaniyang mga Tupa :


Santiago 2:7" Hindi baga nilalapastangan nila yaong MARANGAL NA PANGALAN NA SA INYO'Y ITINATAWAG? "

Gawa 4:12" At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN SA SILONG NG LANGIT, NA IBINIGAY SA MGA TAO, na sukat nating ikaligtas. "


Saan natipon ang mga tupa ni Cristo at sa ano namang paraan sila tinawag sa pangalan ng ating Panginoon Jesucristo? Ating mababasa ang kasagutan :



Gawa 20:28" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”[Lamsa Translation]


Ang tupa ni Cristo na tinawag sa Kaniyang Pangalan ay napaloob sa isang KAWAN at hindi hiwa-hiwalay sa iba't ibang organisasyon at sekta. Ang KAWAN na ito ay tinawag na Iglesia Ni Cristo, sunod sa Maluwalhating Pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.

Kaya, anomang uri ng IGLESIA na hindi itinawag sa Pangalan na Iglesia Ni Cristo ay hindi ito ang Iglesia na kay Cristo. Subalit, hindi ibig sabihin na sapat nang tawagin lang na Iglesia Ni Cristo ang isang Iglesia upang ito ay kilalanin na tunay at totoong kay Cristo. Ang Pangalan ay isa lamang Palatandaan.


ANG SUGO ANG NAGPAPAHAYAG


Maliban sa Pangalan, ano pa ang palatandaan sa tunay na Iglesia ni Cristo? Ang KARAPATAN sa nagpapahayag sa Iglesia na itinayo ni Cristo ang isa pang palatandaan sa tunay na Iglesia. Ang una at siyang higit sa lahat na nagtuturo sa tunay na Iglesia ay ang ating Panginoong Jesucristo. Nagpahayag rin ang mga Apostol sa Iglesia. Ano ba ang kanilang karapatan? Sa Juan 20:21 ay ganito ang sinabi:


Juan 20:21" Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo. "


Malinw dito na SINUGO ng Diyos ang mga nagpapahayag sa Tunay na Iglesia. Si Cristo isinugo ng Diyos; sa katunayan Siya ang higit sa lahat sa mga sinugo ng Diyos. Ang mga Apostol Niya isinugo din naman.



2 Corinto 5:20" Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios. "



Sa Iglesiang itinayo ng ating Panginoon Jesucristo mayroon isinugo ang Diyos. Kung gayon, ang mga Iglesiang nag-aangkin na sila ang tunay na kay Cristo at sa Diyos subalit walang nagpahayag sa kanila na sinugo, kundi kanila pang minasama ang Iglesiang may kinikilalang sinugo, hindi ito ang tunay na Iglesia Ni Cristo.

Sa bahaging ito dapat nating bigyan ng pansin ang katotohanan na sa Iglesia ni Cristo mahahanap ang mga katangian sa tunay na Iglesiag kay Cristo. Ang tawag nitong Iglesia ay ang Iglesia ni Cristo at ang nagsimula sa mga pagpapahayag nito sa ating bansa nitong MGA HULING ARAW ay ang sugo ng Diyos.

Dapat nating mapansin na sa kayraming mga Iglesiag lumitaw sa mga panahon ito walang kinikilala na sugo ng Diyos na nagpahayag sa kanila. Nanatili ang kanilang akala na kahit sino ay maaaring magpahayag, at ito ang ating nakikitang mga nangyayari ngayon.


Subalit, bakit nga ba na kailangan na ang SUGO ang magtuturo? Hindi ba maaari kung kahit kanino o kahit sino nalang? Ganito ang sagot sa Roma 10:14-15 :


Roma 10:14-15" Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? ... "



ANG ARAL NA IPINAPAHAYAG AY ANG SALITA NG DIYOS


Ano ba ang katangian sa pagpapahayag ng mga SINUGO MG DIYOS? ganito ang nakasulat sa Juan 3:34:


Juan 3:34" Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios ... "


Ang mga SALITA NG DIYOS ay nakasulat sa BANAL NA KASULATAN [2 Tim. 3:15-17]. Kaya, upang ating matiyak na ang nagpahayag ay tunay na sinugo ng Diyos, dapat nating ihambing ang kanilang mga itinuro sa mga Salita ng Diyos na nasa Biblia. Nasa Biblia ang aral na na itinuturo ng tunay na Sugo ng Diyos; sa ibang bahagi, wala sa Biblia ang itinuro ng hindi Sinugo ng Diyos.

Ano ang isa sa Pangunahing Aral ang itinuturo ng sugo ng Diyos sa mga huling araw? Kaniyang itinuro na ang ISANG TUNAY NA DIYOS ay ang AMA na gumawa ng lahat ng bagay. Iba ito sa itinuturo ng mangangaral sa ibang relihiyon, sapagkat ang kanilang turo ay liban sa Ama, Diyos din daw ang Anak at ang Espiritu Santo. Ito ang ang kanilang tinatawag na doktrina ng TRINIDAD. Alin dito sa dalawang magkaibang aral ang tunay na nasa Biblia? Nandoon ba sa Biblia ang ARAL na ang Ama lamang ang isa at tunay na Diyos? Ganito ang nakasulat sa Malakias 2:10:


Malakias 2:10" Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? ... " [MBB]


Kung ating susuriin at hahanapin sa Biblia ang aral na ang Anak at ang Espiritu Santo ay Diyos din, sang-ayon sa turo ng mga naniniwala sa doktrina tungkol sa trinity, ay mabibigo tayo.sapagkat hindi natin ito mahahanap at makikita. Maging ag terminong trinity man ay hindi masusumpungan.

Kumuha pa tayo ng isa pang patotoo ukol sa tunay na KALAGAYAN ni Cristo. Tunay bang nakasulat sa Biblia na TAO si Cristo? Ganito ang pagpapakilala mismo ng Panginoong Jesucristo :



Juan 8:40" Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, NA TAONG sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios ... "


Sinalita dito ng ating Panginoong Jesucristo, hindi lamang ang malinaw na pahayag na pagkasabi na TAO Siya, kundi pati ang kaibahan Niya sa Diyos. Iba si Cristo sa Diyos, at ito ang pinatunayan Niya sa PAGSALITA Niya tungkol sa KATOTOHANAN na Kaniyang sinalita na Kaniyang NARINIG MULA SA DIYOS.


Kaya kung iba man ang itinuro ng sugo ng Diyos sa mga huling araw sa itinuro sa ibang tagapangaral, ito'y sapagkat ang kaniyang ipinahayag ay ang mga Salita na nakasulat sa Biblia. Habang ang ibang tagapangaral ay may ibang basehan o pinagmulan ang kanilang mga aral.


Ang isa pa sa itinuro ng sugo sa mga huling araw ay ang tungkol sa KAHALAGAHAN sa pagpasok sa Iglesia upang makamit ang kaligtasan. Hindi ito dahil sa ang Iglesia ang magliligtas; si Cristo ang tagapagligtas. Ang tunay na Iglesia ang ililigtas ng ating Panginoong Jesucristo. Isa itong katotohanan na hindi sinang-ayunan ng ibang nagpapahayag, higit sa panahon ngayon. Lagi nating naririnig sa Radyo, Telebisyon, at sa iba't ibang mga lugar na nagmumula sa mga magtataguyod at nangangaral na hindi na raw kailangan ang PAGPASOK sa IGLESIA upang maligtas ang tao. Sapat na raw na sumampalataya kay Cristo upang maligtas. Nakasulat ba sa Biblia na Kailangan ang pagpasok sa Iglesia upang maligtas ang tao? Sa Efeso 5:23 ay ganito ang sabi:


Efeso 5:23" Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan. "


Ito ang isa sa MATIBAY na saligan na ang nagpapahayag sa Iglesia ni Cristo ay ang tunay na sugo ng Diyos, dahil ang kaniyang mga itinuro sa mga tao ay ang KATOTOHANAN, ang mga SALITA NG DIYOS na nakasulat sa Biblia.

Kaya, ang tunay na Iglesia matitiyak hindi lamang sa Pangalan nito, kundi pati na rin sa mga aral na sinasampalatayanan nito at sa nagpapahayag sa kanila. Ang tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo ay itinawag sa Pangalan na IGLESIA NI CRISTO, tinuruan ng tunay na sugo ng Diyos, ang kanilang aral ay ang SALITA NG DIYOS na nakasulat sa Biblia.

Huwebes, Pebrero 5, 2015

Kung IGLESIA NI CRISTO na, bakit nagdusa at naghirap rin sa mundo?





Bigyan po natin ng kasagutan at paglilinaw ang ilang bahagi na nais mabigyang linaw ng ilang nagsusuri at higit narin sa mga KAPATIRAN sa loob ng Iglesia Ni Cristo upang mas lalong maintindihan kung bakit nga ba kasama pa ang mga kaanib sa mga pagdurusa sa mundong ito? Ganito ang tanong ni Aser Catindig Aguilar:

"  Subalit bkit sa tuwing nagpapadama ang Diyos ng Galit s sanlibutan ay nadadamay ang kanyang mga "hnirang". Npakalaking palaisipan sa akin nuong dumating c Yolanda at marami pang gaya niya at meron pang magkakaibang masalimuot na pangyayari na Damay ang mga "hnirang". ? D ba't may pangako ang Diyos s kanyang bayan na kapag sila'y tumawag ay Kaniyang diringgin cla?  Nasaan ang Pangako? Hndi ba't d2 p lamang s buhay na ito ay makikita ng buong sanlibutan na ang tunay n bayan, Naroon ang Diyos?. . . . . . "




Noong nakaraang issue ay naibahagi natin ang kaparaanan kung PAANO matatamo ng tao ang tunay na KAPAYAAN at KAPANATAGAN sa buhay na ito. Napatunayan rin natin na ang tanging pag-asa natin ay ang maging KABILANG SA KATAWAN ni Cristo kung saan doon ang tunay na KAPAYAPAAN.


Kung ang Iglesia ni Cristo ay natubos na, bakit kasama sa nagdurusa sa mundong ito? Ito po ay sapagkat hindi lamang ang KARAPATANG MAGLINGKOD sa Diyos at kay Cristo ang tinamo nila kundi maging ang PAGTITIIS alang-alang kay Cristo:


" Ipinagkaloob niya sa inyo ang karapatang makapaglingkod kay Cristo, HINDI LAMANG ANG MANALIG SA KANIYA, KUNDI ANG MAGTIIS DIN NAMAN DAHIL SA KANIYA" [Filipos 1:29, MB]


Malinaw po ang nakasaad, ang hirap at pagdurusang dinaranas ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo sa mundong ito ay HINDI TULAD NG DINANAS NG MGA TAO NG SANLIBUTANG ITO. Amg tiisin ng mga tao ng sanlibutan ay hindi lamang sa mundong ito, sapagkat pagdating ng araw ng paghuhukom ay malilipol sila sa pamamagitan ng apoy [2 Ped. 3:10] at nakatakda pang parusahan sa dagat-dagatang apoy na doo'y WALANG HANGGANG PAGDURUSA ang dadaranasin nila [Apoc.21:8]


Ibang iba po ito sa tiyak na kahahantungan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na nakapaninindigan at nakapagtiis hanggang sa wakas, may pagtitiis din :


Mateo 24:13" Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. "


May pagtiis po talaga, subalit, TINIYAK ng Biblia na Sila'y magiging MAPALAD dahil may Hangganan ang kanilang pagpapagal:



" At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, 'Isulat mo ito: mula ngayon, MAPAPALAD ANG NAGLILINGKOD SA PANGINOON HANGGANG KAMATAYAN!' 'Tunay nga,' sabi ng Espiritu. Mangagpahinga na sa kanilang pagpapagal; sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa. ' ". . . .
" Kaya't kailangang MAGPAKATATAG ANG MGA HINIRANG NG DIYOS, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus [Apoc. 14:13,12, MB]


Sa BAYANG BANAL na Pangako ng Diyos matatamasa ng mga hinirang ang KAPAHINGAHANG IPINANGAKO [Apoc. 21:1-4]

Kaya ang Iglesia ni Cristo ang lunas sa pagdurusa at kahirapan ng mga tao sa mundong ito. Dahil ang nasa loob ng Iglesia ni Cristo at ang makapananatili rito hanggang sa kamatayan ang tiyak na makakapasok sa Bayang Banal, na doon ay hindi na mararanasan pa ang mga hirap, dusa , at kadalamhatiang nararanasan sa mundong ito.

Suriin at sariwain natin, BAKIT nga ba may ganitong pangyayari? Ano ang kahulugan ng mga ito? Ito po ay bunga ng pagkakahiwalay ng tao sa Diyos:


" Kung magkagayon, magagalit ako sa kanila. Itatakwil ko sila't tatalikdan, at sila'y madaling mabibihag ng kaaway. Masusuong sila sa mga kaguluhan at kapahamakan hanggang sa mapag-isip-isip nilang ito'y dahil sa akong Diyos nila ay hindi nila kasama " [Deut. 31:17, Magandang Balita Biblia]


Ganito ba ang gusto ng Diyos? Hindi po, hindi po ganito ang panukala ng Dios, naipahayag na po natin ito noong nakaraan. Ang tao ay nilikha ng Diyos sa kabutihan:


" Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa KABUTIHAN, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay." [Ecles. 7:29, MBB]


Dapat bang sisihin ang Diyos ? Hindi po, ang tao ang nag-isip at gumawa ng di naaayon sa PANUKALA NG DIYOS at sa maraming pagkakataon ay nilalabag pa ang Kaniyang aral. Kaya't sa halip na tamasahin ang kabutihan ng Diyos, tiyak na parusa ang kanilang daranasin:


" Kung ang aking aral ay di pakikinggan At ang Kautusa'y hindi iingatan, Kung gayon, daranas sila ng PARUSA SA GINAWA NILANG MGA KASAAMAN, SILA'Y HAHAMPASIN SA GINAWANG SALA " [Awit 89:31-32, MBB]


Hindi lang mabibigo ang tao na MAPABUTI ang kaniyang buhay sa mundong ito, mag mabigat na parusa pang itinakda ang Diyos dahil sa kasalanan, at yon ang binanggit natin sa unahan na ito ang dagat-dagatang apoy [Apoc. 20:14]


Kung gayon, e baka maisip at maitanong naman ng ilan, SINUMP pala ang lahat ng tao, e di kasama pala kayo mga INC?. Ano nga ba ang LUNAS dito sa kahirapan? Noon pang nakaraang issue ay natiyak na natin na ang tanging lunas uoang makamit ang kapayapaan ay ang umanib sa Iglesia ni Cristo, kaya naman, UPANG MAKALAYA ang tao sa sumpa sa mundong ito, gaano ba natin matitiyak na tunay sa IGLESIA ni Cristo lamang matatagpuan? Ganito ng sagot:



" SA SUMPA NG KAUTUSAN AY TINUBOS TAYO NI CRISTO, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy " [Galacia 3:13]

Napansin po ninyo, ang pagkalaya sa sumpa (ang sumpa na buong kabayaran ay gaya ng ating sinabi na doon sa dagat-dagatang apoy), ay kasama sa tinubos ni Cristo, sapagkat ang mahalagang dugo ni Cristo ang ipinantubos sa KASALANAN:


" Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG DUGO NI CRISTO "[ 1 Pedro 1:18-19]

Ang tinubos ng dugo ni Cristo, sa marami ng pag-aaral ay ang Iglesia ni Cristo [Gawa 20:28, Lamsa Translation]. Kaya, ang dinaranas na pagdurusa ng tao sa mundong ito ay BUNGA NG PAGKAKASALA ng tao, sublit, ang buong kabayaran ng PAGKAKASALA ng tao ay sa dagat-dagatang apoy. Ito ang tanging lunas at pag-asa ng tao upang makalaya dito. Hindi MAIIWASAN kahit pa kaanib man ng IGLESIA NI CRISTO ang mga tiisin, sapagkat, bahagi na ito ng paglilingkod sa Diyos, at kay Cristo. Kay, hindi man makakamit ang MGA BAGAY SA MUNDONG ITO, BUNGA NG KAWALAN, may naghihintay namang tunay na KAPAYAPAAN, KAPANATAGAN at TUNAY NA BUHAY doon lamang sa bayang banal.

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

PAANO MAKAKAMIT ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN, KAPANATAGAN. . .




Habang nasa dalaw ako doon sa loob ng Ospital sapagkat dumalaw sa tiyohin namin sapagkat nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari, habang nasa paglalakad palang kami sa loob, hindi ko maiiwasang maramdaman ang awa at lungkot habang minamasdan ang maraming tao na nakahiga sa iba't ibang higaan habang nasa pagamutan, batid ko sa kanila maging ng kaanak at kaibigan na nakaantabay sa kanila ang PAGNANAIS na HINDI sana dinanas ang ganoong kalagayan. Sapagka't tunay at totoong napakalaking masasayang na mga oras at panahon ang dapat sana'y naiukol sa iba't ibang gawain, lalo na sa paghahanapbuhay sa kani-kanilang pamilya.


Walang sunuman tao ang NAIS ng ganito hindi po ba? Subalit, may mga bagay na hindi maiiwasang mangyari sa buhay ng tao, na minsa'y PANAWAN na ng PAGASA habang dinaranas ang sapin-sapin at kabi-kabilang pasanin sa buhay. Kulang na ang PANGGASTO sa pang-araw-araw na buhay, nadagdag pa ang mga ganitong hindi inaasahang pangyayari sa buhay, KALAT-KALAT pa ang KAGULUHAN na kabi-kabilang ang putok at lamang ng mga BALITA na nakakapagdagdag BALISA sa maraming buhay na nagiging BANTA sa marami. Hindi ko maiwasan maibahagi ang aking hinagpis lalo na sa totoong buhay sapagka't marami sa atin ang nasa matinding pangangailangan. WALANG TAO NA GUSTO ang magkaganito o ganito ang sasapitin, sapagkat walang nakakatiyak kung ano ang sasapitin ng BAWAT isa. Naitatanong at naisasambit ng maraming tao. " WALA NA BA TALAGANG KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN SA BUHAY NA ITO?


Naisasambit ito sapagkat tunay at totoo na hindi alam ng tao ang kaniyang sasapitin kung hanggang kailan ba matatapos ang ganito. Ganito rin pinatutunayan ng Biblia:


Jer. 10:23, MB" Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang makakatiyak ng kanyang sasapitin. "



Wala ring sapat nakaalaman at kakayahan ang tao upang maiseguro ang kaligtasan ng kaniyang buhay. Napakaikli at may hangganan ang kaniyang natatanaw, na maaaring sa kaniyang panukat ay tama ngunit magbubunga pala ng kaniyang kasawian at kapahamakan [Kaw. 14:12, MB].


At kahit na sa bawat sandali ay mabalisa ang tao sa pag-iisip tungkol sa mga pangangailangan niya sa buhay na ito ay hindi niya madaragdagan ang haba ng kaniyang buhay. Masaklap hindi po ba? Ganito ang tanong ng Panginoong Jesucristo:



Lucas 12:25" At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? "


Bawat isa sa atin ay HINDI alam, hindi po alam ang bawat bukas ng Ating buhay, minsan MASAKIT sa mahal sa buhay na hindi kakayanan ang sakit na dinadala at hahantong sa pagkaSAWI NG BUHAY. Hindi lang ako ang nakararanas nito subalit, dama na ito ng maraming tao sa buhay na ito ang mawalan ng mahal sa buhay ng sa isang napakadaling sandali ay makakapagdulot ng HINAGPIS at SAKIT sa buhay ng tao. Hindi lang iyon, kundi maging ng KAHIRAPAN na MINSA'Y nakapagdulot ng PANGHIHINA SA MARAMING TAO.


Subalit, ANO ANG TANGING PAG-ASA ng tao? At Paano matututuhan ng tao ang wasto at karapatdapat na pag-iingat ng kaniyang buhay? Ganito ang aming natutunan sa loob ng Iglesia ni Cristo na ito naman ang aming tanging pinanghahawakan, NAIS po namin na maibahagi sa lahat kung ano ang katotohanan at dapat rin tahakin ng tao, sa kabila ng kapighatian sa BUHAY na ito. Ano ang dapat nilang kilalanin at gawin?


Napakahalaga na kilalanin ng tao ang Diyos sa lahat ng kaniyang lakad sapagkat ang Diyosang Siyang nagtuturo ng landas na dapat lakaran ng tao. Isinasaad ito sa Kawikaan 3:6 at 5:


" Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. "
" Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan "


Ano pa ang kahalagahan ng pagkilala ng tao sa Diyos? Siya ang tanging nakakaalam ng mabuti para sa ating buhay:


Jer. 29:10-11, MB" Ito pa ang sabi ni Yahweh: ... 'Ako lamang ang nakakaalam ng mga panukalang inihanda ko para sa ikakabuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. "


Ang tunay na kumilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa Kaniyang mga utos [Juan 2:3, MB] ang siyang tunay na nag-iingat ng kaniyang buhay. Marapat lamang, kung gayon, na sangguniin ng tao ang Diyos sa kaniyang mga mithiin o plano sa buhay, at patuloy na sumunod sa Kaniyang mga utos upang mapanuto ang kaniyang buhay.


Napakalaki po ng kinalaman ng relihiyon sa pag-iingat ng buhayng tao. Ano ang utos o kalooban ng Diyos tungkol dito?


Jer. 6:16, MB" Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan: 'Tumayo kayo sa panukalang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang dating landas, alamin kung nasaan ang pinakamabuting daan. Doonkayo lumakad, at magtatamo kayo ng kapayapaan'. Subalit ang sabi nila, ' Ayaw naming dumaan doon'. "


Utos ng Diyos nahanapin ang pinakamabuting daan at pagkatapos ay lakaran niya ito. Hindi Niya sinabi na sapat nang hanapin at sampalatayanan ang mabuting daan...KAILANGAN AY LUMAKAD DOON. Ang daang tinutukoy ay na dapat lakaran na tao ay ang Panginoong Jesuscristo. Ayon sa ating Tagapagligtas,:


" Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa"Juan 10:7, MB

Ang pagdaan kay Cristo ay ang pagpasok sa Kaniya sa paraang pumaloob sa KAWAN o sa Iglesia Ni Cristo :


" Ako ang Pintuan; sinumang pumasok sa loob ng KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas " [Juan 10:9, Revised English Version]


Ang KAWANG binanggit ay ang Iglesia Ni Cristo:


" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. [Gawa 20:28, Lamsa Translation]


Kaya, kapag ang tao ay pumaloob sa Iglesia Ni Cristo at pinapangyari ang gusto o kalooban ng Diyos, nagawa niya ang tunay na pag-iingat ng kaniyang buhay. Sa katunayan, tiniyak ng ating Panginoong Jesuscristo na hindi makapananaig ang kamatayan sa Iglesiang itinayo Niya. Ganito ang Kaniyang pahayag :


" At sinabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN. " [Mat.16:18, MB]


Ang kamatayan, na kaibayo ng buhay at hindi nalalaman ng tao kung kailan darating, ay hindi makapanaig sa kaniya kungsiya'y kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Aagawin siya ng Diyos sa kamay ng kamatayan. Ganito ang isinasaad ng Biblia :


Awit 49:10,12,15, MB" Ang lahat ay mamamatay ... Dumakila man ang tao, di niya maiiwasan, Tulad din ng mga hayop, tiyak siyang mamamatay ... Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, Aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan."


Katulad ng Panginoong Jesucristo, ang mga taong Kaniya o nasa labas labas Niya na malalagutan ng hininga ay bubuhaying mag-uli. Sila ang maliligtas. At dahil sa mapagtatagumpayan nila ang kamatayan, sila ang tunay na nakapag-ingat ng kanilang buhay. Ito ang tanging pag-asa ng maraming tao. Hindi man makamit ang KASAGANAAN sa buhay na ito, subalit mayaman sa PANGAKO sa TUNAY na BUHAY na nasa Bayang Banal na ito ang hinihintay natin. Ito ang dapat pagsikapan nawa ng LAHAT


2 Pedro 3:14" Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. "


Pagsikapan na MASUMPUNGAN ang kapayapan. Subalit saan nga ba masusumpungan ang tunay na KAPAYAPAAN ng tao? Ganito ang kasagutan:


Colosas 3:15" At maghari sa inyong puso ANG KAPAYAPAAN NI CRISTO, na diya'y TINAWAG DIN NAMAN KAYO SA ISANG KATAWAN; at kayo'y maging mapagpasalamat. "


Ayon kay Apostol Pablo, ang KATAWAN ang kinaroroonan ng kapayapaan, at ang katawan na tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO [Col.1:18; Roma 16:16]


Ito ang tunay na KAPAYAPAAN na tanging Pag-asa na dapat nawang pagtiyagaan ng marami. Napakalaking biyaya na makamit ng tao ang isang bagay na NAPAKAHALAGA. Luha at pawis minsan ang NUMUMUHUNAN sa lahat, para lamang makamit ang ninanasa sa buhay, subalit ito na po ang tanging lunas at PAGASA natin.