Sabi ng ilan, hindi raw nila mauunawaan ang Iglesia ni Cristo dahil umano sa pagsasabi na wala pang Cristo mula ng pagkatatag ng sanlibutan. Katunayan nito ay ginamit nila ang iilang talata at iisa na rito ang nilalaman ng Juan 17:5. Na Tinamo na ni Cristo sa Ama ang kaluwalhatian bago paman ginawa ang sanlibutan. Ating suriin ang talata, ganito ang isinasaad sa ibang salin na:
Juan 17:5 " At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking TINAMO sa iyo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA." [New English Trans]
Sa kaluwalhatian raw na kaniyang natamo ni Jesus bago paman ang sanlibutan ay naging gayon. Sa katunayan raw, ay sinabi ni jesus ang past tense form ng Verb na "TINAMO" doon sa kaniyang panalangin sa Ama. Hindi ba raw ito patotoo na Dios si Jesus?
Kung atin pong tatanggapin agad ang kadahilanan nilang ito upang isipin na Dios si Jesus, ay dadami ang Dios nila. Iisa na rito si Apostol Pablo o maging ang mga Cristiano. Ganito ang sinabi ni Pablo sa kaniyang sulat sa Efeso:
" kaya PINILI Niya tayo kay Cristo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA upang maging banal at walang dungis sa harapan Niya sa pag-ibig " [Efeso 1:4, New Jerusalem Bible]
Pansinin ang VERB na "PINILI" kung saan pareho rin ang pagkasabing " BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA" bilang ponto ng reperensiya. Masasabi ba natin ngayong si Pablo at ang mga Cristiano ay eksistido narin mula pa sa pasimula? Seguradong ang isasagot nila'y HINDI!
Totoo po na masasabi nating may eksistido na ukol kay Cristo mula sa pagkakatatag ng sanlibutan, subalit hindi sa sariling haka-haka na may Cristo na kundi ayun sa turo ng Banal Na Kasulatan. Si Apostol Pedro na isa sa totoong tagasunod ni Cristo ay may itinuro ukol sa Panginoong Jesucristo kung saan maglilinaw sa isyung ito :
1 Peter 1:20
" FOREKNOWN, indeed, BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD, he has been manifested in the times for your sakes." [Confraternity Version]
Ang sabi, si Cristo ay "FOREKNOWN" o " NASAISIP" bago paman naitatag ang sanlibutan. Kung si Cristo ay eksistido na bago paman ang pagkakatatag, ay hindi na dapat "NASAISIP" pa si Cristo o salitain. Sa katunayan, ang kadahilalang nasa ISIP pa siya bago paman ang pagkakatatag ng sanlibutan ay patotoo na sa pagkakataong yun ay hindi pa eksistido si Cristo.
Sa papaanong paraan naman tinamo ni Cristo ang kaluwalhatian mula sa Dios ayun sa Juan 17:5 kung siya'y hindi pa eksistido "bago paman naitatag ang sanlibutan"? Upang sagutin ito, mas makakatulong kung sabihin rin ang magkatumbas na tanong : Sa papaanong paraan naman ang Dios ay pumili sa Cristiano " bago naitatag ang sanlibutan"? (Efe.1:5) kung hindi pa sila eksistido? Ang mga sagot dito ay makikita sa mga kasunod na mga talata :
Ephesians 1:5
" God PLANNED long ago that we become His Own sons through Jesus Christ. This would please God; it is what He wanted." [Simple English Bible]
Ayun sa Talata, " GOD PLANNED LONG AGO" o Nasa Plano/nasaisip na nang Dios ang Kaniyang " PAGPILI BAGO NAITATAG ANG SANLIBUTAN" (Efe.1:4), at sa ibang salin ay pagtalaga " Destined" [Revised Standard Version] sa upang maging Kaniyang mga anak. Tandaan na dito'y malinaw na ang mga tao ay hindi pa eksistido mula sa simula at lalong hindi rin Dios.
Sa parehong paraan, "TINAMO" ni Cristo ang kaluwalhatian " bago naitatag ang sanlibutan" [Juan 17:5] hindi sa pagiging eksistido na o pagiging Dios man kundi sapagkat ito'y PLANO o kaalamang mula pa sa simula mula sa Dios bago paman itinatag ang sanlibutan [1Pedro 1:20, CV] upang :
Colosas 1:16
" .... ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at UKOL SA KANIYA ."
" Bago naitatag ang Sanlibutan, pinili ng Dios si Jesus" [1Ped.1:20, SEB] "Siya ay itinalaga" [1Ped. 1:20, RSV] upang magkaroon ng gayong kaluwalhatian, bagaman Siya, gaya ng mga Cristiano ay hindinpa eksistido sa panahong yaon. Sa katotohanan din na ang Biblia naman ay nagtuturo kung kailan ang takdang panahon ng katuparan ng pag eksistido ni Jesus, ng Siya'y ipinanganak ng Isang babae na si Maria :
Galacia 4:4
" Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan "
Mateo 1:18
" Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. "
Upang sa mas malinaw na patotoo na si Cristo ay hindi Dios ayun sa mga talata na kanilang ginamit, ay mas mabuting basahin ang mga naunang talata na pahayag at pagpapakilala ni Cristo kung sino ba ang dapat na kilalaning TUNAY AT IISANG DIOS. Ganito ang kaniyang sinabi :
Juan 17:1 MBB
" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “AMA, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya."
Juan 17:3 MBB
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo."
11 komento:
kawikaan 8-22-27 andun n po sya eh bgo p ang sanlibutan, pki pliwanag nmn po
kawikaan 8-22-27 andun n po sya eh bgo p ang sanlibutan, pki pliwanag nmn po
Sariling KARUNUNGAN po ng Dios ang inilalarawan sa Kawikaan 8:22-27.
Ginamit ng ilan upang palitawin na Eksistido na Si Jesus.pero tandaan, walang Cristo na tinutukoy diyan na Siya iyan..
Dios daw si Cristo sapagkat magkapero Binanggit na karunungan sa kawikaan
ang mga nangangaral sa pagka Dios ni Cristo,siya daw ay existido na sapagkat sya ang karunungan na tinutokoy sa kawikaan, Itong mga talata daw na ito sa bibliya ay katunayan na DIYOS si Kristo at may PRE- EXISTENCE si CRISTO. Pero ang isang matinding tanong, SI KRISTO BA ANG "KARUNUNGAN" na ito? Ayon kasi sa Kawikaan 8:12 :
"Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita."
Sinasabi nila na ang KARUNUNGAN daw na ito ay si Kristo dahil sa I Cor. 1:24, ang sabi siya ay kapangyarihan at KARUNUNGAN ng Diyos:
"Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios."
Mga dapat PAG-ISIPAN Una sa lahat, hindi kami against sa nilalaman ng bibliya sa Kaw. 8:12,ang against kami ay sa pagsasabing ang KARUNUNGAN daw na iyon ay si KRISTO. Ngayun, Kung si KRISTO ang "KARUNUNGAN" kung saan sa pamamagitan niya nalikha ang lupa ayon sa bibliya, sino naman si "KAUNAWAAN"?
Sa pareho pa ring Chapter, ganito ang sinasabi:
"Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan." Kawikaan 3:19
unang tanOng natin yan, Ngayun,gagamit natin ang sa wikang Inglis naman, ay may dapat mapansin tayo.
"Doth not wisdom cry?and understanding put forth her voice? She standeth in the top of high places, by the way in the places of the paths. She crieth at the gates, at the entry of the city, at the coming in at the doors."
Proverbs 8:1-3
Ngayun, kung tatanggapin nila na si Cristo ang karunungan. . ikalawang tanung: tanggap din kaya nila na si Cristo ay yung She ?
Dyan palang po.makikita na natin ang baluktot na aral nila. . .ang Dapat po nating isipin.hndi po basta sa lahat ng pagkakataoN pag nakasulat sa parehong salita ay pareho agad ang kahulugan. Anu pa ang malaking mali kung ipagpilitan parin na sa lahat ng nasabing Karunungan ay Cristo lahat?basahing natin
LUCAS 2:40 “At lumalaki ang BATA, at lumalakas, at NAPUPUSPOS NG KARUNUNGAN: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.”
Dito sa talatang ito na sinasabi na ang batang si CRISTO ay NAPUPUSPOS ng KARUNUNGAN, si CRISTO rin ba ang KARUNUNGAN na PUMUPUSPOS sa kaniyang sarili diyan? Hindi ba lalabas na DALAWA na ngayon ang CRISTO? Isang BATANG CRISTO na pinupuspos ng KARUNUNGANG CRISTO?
anu pa ?
1 HARI 4:29 “At binigyan ng Dios si SALOMON ng KARUNUNGAN, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.”
kita nyu po. .kung talagang sa lahat ng nakasulat si Cristo parin. pati pala si Solomon ay si Cristo ang nasa karunungan nya. kaya kahit anung pilit nilang baluktotin ang aral. lilitaw parin ang katotohanan. Narito pa ang isang halimbawa
Ezra 7:25
At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam.
Kung gagawin nilang literal agad ay lalabas na si Jesus nasa kamay ni Ezra. Kaninong karunungan ang ginamit ng Dios sa paglikha sa sanlibutan?
Job 12:13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa.
Jeremias 10:12 Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:
Sa makatuwid. Sariling karunungan at pagkaunawa at kakayahan ang ginamit ng Dios upang maitatag ang sanlibutan. Siya lamang ang ang mag isa at wala ng kasama pa [Isa.44:24; Neh.9:6; Mal.2:10; Isa.64:8]
isang follow up lang po kung magkanun man ay bakit parang tinutukoy dito sa kinapslock ko na parang subject ito o parang may pinatutukuyan salamat
kawikaan
1Itinayo ng KARUNUNGAN ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: 2Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. 3Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: 4Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: 5Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. 6Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. 7Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
isang follow up po kung magkayon ay bkit po sa talata na ito ay parang ang word na karunungan dito ay sya ay nagtayo ng bahay medyo magulo po pakisagot salamat,,
1Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: 2Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. 3Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: 4Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: 5Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. 6Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. 7Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
Sa mga naniniwala na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos!
PANOORIN PO NATIN ITO.
So sa madaling salita ? ano po ba ang Kaluwalhatiang tinamo ni Cristo bago pa ang sanlibutan ay maging gayon ?
Good afternoon po, alin po ang mismong tinutukoy na "kaluwalhatian" na tinamo ng Panginoong Jesu-Cristo bago pa likhain ang sanlibutan?
Good afternoon po, alin po ang mismong tinutukoy na "kaluwalhatian" na tinamo ng Panginoong Jesu-Cristo bago pa likhain ang sanlibutan?
Good afternoon po, alin po ang mismong tinutukoy na "kaluwalhatian" na tinamo ng Panginoong Jesu-Cristo bago pa likhain ang sanlibutan?
Juan 17:5 " At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking TINAMO sa iyo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA." [New English Trans]
Sa kaluwalhatian raw na kaniyang natamo ni Jesus bago paman ang sanlibutan ay naging gayon. Sa katunayan raw, ay sinabi ni jesus ang past tense form ng Verb na "TINAMO" doon sa kaniyang panalangin sa Ama. Hindi ba raw ito patotoo na Dios si Jesus?
Kung atin pong tatanggapin agad ang kadahilanan nilang ito upang isipin na Dios si Jesus, ay dadami ang Dios nila. Iisa na rito si Apostol Pablo o maging ang mga Cristiano. Ganito ang sinabi ni Pablo sa kaniyang sulat sa Efeso:
" kaya PINILI Niya tayo kay Cristo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA upang maging banal at walang dungis sa harapan Niya sa pag-ibig " [Efeso 1:4, New Jerusalem Bible]
Pansinin ang VERB na "PINILI" kung saan pareho rin ang pagkasabing " BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA" bilang ponto ng reperensiya. Masasabi ba natin ngayong si Pablo at ang mga Cristiano ay eksistido narin mula pa sa pasimula? Seguradong ang isasagot nila'y HINDI!
*********** ************* ************ ************* ***********
Magkaiba naman po context o kaganapan sa dalawang talata na pinaghambingan nyo..
Ang sa Juan 17:5 'pinili" tungkol sa kaluwalhatian o Glory tinamo sa Ama na gaya rin ang kaluwalhatian kung anong meron ang Ama..
Sa Efeso 1:4 na "pinili'' -tayo(tao) para kay Cristo upang maging banal sa harapan ng Ama( dahil lilinisin muna tayo ni Cristo bago iharap sa Ama)
Magkaiba po ang kaganapan.. existing na talaga si Cristo bago pa ang Sanlibutan.
supporting verse ay Juan 1:3
Mag-post ng isang Komento