Biyernes, Disyembre 5, 2014

BANTAY SALAKAY NG MGA CFD




Halatang nanggagalaiti ang mga tao na nag aantay lamang ng maibabato upang masiraan ang imahe ng INC. Kamakailan lamang ay kumalat ang balita ukol sa Puting Van na ginamit sa tangkang Pagdukot sa mga Estudyante. Nakita lang nila ang logo ng Iglesia e agad ng sumagi sa isipan ang pag atake sa Iglesia Ni Cristo, na para bagang BUONG IGLESIA na ang pinatutungkulan. Sa madaling salita, " BANTAY SALAKAY"...^__^


Ang bilis ng numero unong Website na Splendor of the Church sa PAGPOST na pangangatake sa INC :

www.splendorofthechurch.com.ph/2014/12/04/van-na-gamit-ng-mga-kidnappers-may-sticker-ng-iglesia-ni-manalo/




Sa paglalagay palang ng TITLE ng Post ay Maling Pagbanggit na. Kahit batang hindi pa nakapag Aral alam na ang relihiyon na katawagan ay " IGLESIA NI CRISTO" at hindi Iglesia ni Manalo. Parang napaghahalataan na tuloy na " FALSE REPORT" ang ibinabalita. Kalat nila agad na INC member raw ang may gawa nun, kaya masasabi mo ba na KATOTOHANAN ang kanilang agad-agad na akusasyun o baka magiging SINUNGALING ang kalalabasan nito o PAGKAKALAT NG MALING BALITA o IMPORMASYON?  Ano ang tawag o babala ng Biblia ukol sa pagkakalat ng Ganito? Ganito ang sabi ng Biblia :



Exodo 23:1 MBB05
“Huwag kayong gagawa ng anumang PAHAYAG NA WALANG KATUTUHANAN. HUWAG KAYONG MAGSISINUNGALING para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan. "

Upang magkumbinsi ng mga tao, ay hindi pala paraan ang ganitong uri na ginagawa ng mga TAGAPAGTANGGOL nila. May babala na pala mula pa noong una. Kaya, ano ang dapat gawin lalo na sa mga kaanib ng Relihiyong iyan? Kasunod na talata :


Exodo 23:2, 7
" Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. Huwag kayong magbibintang nang walang katotohanan.... "[ibid]


Kaya, mga mahal naming kaibigan. Huwag po tayong makiayon sa ugali at pamamaraan ng mga ganoong tao. Sapagkat ang totoong Mangangaral ay hindi ganyan ang ugali na ipinapakita sa lahat. Ano dapat?


Eccles. 12:9 At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, at umayos ng maraming kawikaan.

Eccles. 12:10 Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan.

Eccles. 12:11 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.

Napakalinaw hindi po ba.. Ano dapat ang Gawin?


Kawikaan 20:3 Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.


Mag-ingat raw tayo sa mga ganitong pakikipagkaalit. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay hindi sa ganoong mga pamamaraan ang pag abot ng mga mabubuting aral kundi sa mabuting pakikitungo at pagkaawa sa mga tao na ninanais na maligtas. Ganito ang mga iniutos sa loob ng Iglesia ni Cristo :


Judas 1:23 MBB
" Agawin ninyo ang mga hahatulan sa apoy ng paghuhukom. Ang iba nama'y KAAWAAN ninyo nang MAY HALONG PAG-IINGAT; kasuklaman ninyo kahit ang mga damit nilang nadumihan dahil sa kahalayan. "


Ang sabi. KAAWAAN NA MAY PAG IINGAT, sila na mga nakalaan sa Apoy at hahatulan sa Paghuhukom. Ganito ang antas at uri ng Iglesia tunay na sa Dios at kay Cristo..Kaya ang Biblia ay nagbigay ng Option sa Tao, lalo na po sa mga kabilang pa sa pangkat na yaon. Ganito ang pagpipilian :



Ezekiel 33:18-19
" Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon.
" At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon. "


Kung iiwan ang katuwiran, ay ikakamatay, kung hiwalayan naman nila ang gayong pamamaraan ay ikabubuhay nila iyon. Yun ang isaalang-alang ng maraming tao. Ang KAMATAYAN po na tinutukoy ay ang Kamatayan sa Dagatdagatang Apoy na doon nakalaan ang mga masama at bulaang mangangaral [ Apoc.21:8; 19:20; 20:10,14-15]…

Balikan natin ang ukol sa VAN na ginamit sa umanoy tangkang pagtangay sa mga Estudyante.


May mga dapat po tayong mapansin, Ayon po sa abs-cbn, buluntaryo na isinuko ng Anak ng may ang Van, at ang sabi ng may ari ay nirintahan daw ito ng Kilalang kaibigan, at sinabing WALANG KINALAMAN SA KREMING NAGANAP. May kaunting pagkakaiba sa kanilang kinunan ng Balita.

maaaring bisitahin at panoorin :

http://rp1.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/12/04/14/tangkang-pagdukot-sa-5-estudyante-itinanggi-ng-may-ari-ng-van


Sa loob po ng Iglesia, may PAGTITIWALAG na ipinapatupad, kaya, kung ipagpalagay mang ISANG KAANIB ang sangkot sa gayong kremin ay aasahan nang PANANAGUTIN siya ng Batas ng TAO, sa karampatang parusa sa Kaniya, at higit sa lahat sa Batas ng Diyos na ITITIWALAG iyan. Ganito ang sabi ng Biblia :



1 Cor.5:13
" Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.” [ MBB]


Kaya, malinaw na may BATAS SA LOOB NG TUNAY NA IGLESIA na pagtitiwalag. Ang TANONG? Ipinapatupad ba sa kanila iyan? Ang sagot, HINDI! . Bago din naman ipapataw ang gayong parusa ay tinitiyak din naman kung ano ang katotohanan kung tiyak na ang Isang kaanib ay tunay na lumabag sa mga ARAL at Doktrina na ipinapatupad ng Diyos. Kaya ang paggawa agad ng KUNKLUSYON na wala pang kasiguraduhan ay parang suntok sa hangin sabi pa ni Apostol Pablo [1 cor.9:26]. 

Kaya, sa mga mahal naming mga kaibigan. Kayo napo ang humusga. Ang tunay na Pagmamalasakit ay ang pagakay sa mga tao sa mabubuting layunin na naayun sa Katotohanan, at hindi ang paraang ihiwalay ang tao sa tamang landas hatakin sa uri ng pamamaraan upang kayo'y dalhin sa kanilang paraan na isang layon ng masamang pita. Kaya ganito ang HULA ng BIBLIA sa mga ganitong mga araw na darating :



2 Timoteo 4:3-4 
" Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha."


Sana'y may pasya na Kayo... .

Walang komento: