Miyerkules, Enero 28, 2015

Mateo 4:7 at Lucas 4:12 Si Cristo ba ang tinutukoy na Diyos?



Ang mga bulaang mangangaral ay patuloy sa paggamit ng mga talata na pilit baluktutin upang mapaniwala ang marami sa kanilang MALING PANINIWALA at mailigaw sa maling aral. Isa sa MALING ARAL ay ang paniniwalang Diyos si Cristo. Upang mapaniwala ang marami, siyempre gagamit at gagamit ng mga talata, hindi lang isa kundi marami silang sinisipi na mga talata upang masasabing TAMA nga kahit mali na, ganun ka talino ang diablo. Ang isa sa talata ay gaya ng nakasulat sa Mateo 4:7 at Lucas 4:12.


Subalit bago ang pagkakataong iyan, ginamit rin nila ang mga naunang mga talata nito [Mateo 4:10; Lucas 4:8], upang pabulaanan na Dios si Cristo sapagka't sinabi rin ni Cristo na "SA DIOS LAMANG SUMAMBA" kaya Dios nga raw talaga si Cristo dahil sa mga katagang iyon. May nagawa na po tayong kasagutan sa maling pang-unawang iyon at maaaring bisitahin ang artikulo ukol rito.

Dios ba si Jesus dahil sinabi na "SA DIOS LAMANG SUMAMBA ayun sa Mateo 4:10; Lucas 4:8 ?




Ating ipagpatuloy at balikan ang ukol sa Mat. 4:7 at Lucas 4:12 at ating suriin kung paano nila ito inunawa at binaluktot ang talatang ito. Ating sipiin ang laman ng talata :


Mateo 4:7" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOONG MONG DIOS. " [Ang Biblia]

Lucas 4:12" At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIOS." [Ang Biblia]


Gaya ng naunang pangyayari, ay karugtong rin ito sa pag-uusap ng diablo at ni Cristo, sa pagkakataong tinukso ng diablo si Cristo na sundin ito sa kaniyang kagustuhan. Kaya, dito'y nahulog ulit sa maling pag-unawa ang mga BULAANG MANGANGARAL na sarili ni Cristo raw ang tinutukoy ni Cristo na Diyos na "HUWAG TUKSUHIN o SUBUKIN [sa ibang salin] ".



SINO ba ang tinutukoy ni Jesus na HUWAG MONG TUTUKSUHIN ang Panginoon MONG  Dios? Siya ba ito na akala nila'y si Jesus? Tandaan na kausap ni Jesus ang diablo at mismo ang diablo rin alam kung sino lamang at ilan ang Dios. At siyempre iisa lamang ang alam din niya at hindi trinity:


Santiago 2:19" Ikaw ay sumasampalataya na ANG DIOS AY IISA; MABUTI ANG IYONG GINAGAWA: ANG MGA DEMONIO MAN AY NAGSISIMPALATAYA, at nagsisipanginig. "


Mabuting ARAL na malaman na ang Dios ay IISA lamang. Ganoon din at alam ng diablo iyon. Hindi dalawa sa iisa o tatlo sa iisang Dios kundi malinaw na "IISANG DIOS". Kaya kung si Cristo ang tatanungin, SINO ang tinutukoy Niya sa panghalip na "MO" sa pagkasabi sa diablo na yun ang tinukso niya? Ganito din ang kataga na sinabi Niya sa mga alagad na kanilang sinasampalatayan at kanilang kinilala. Ganito ang sabi naman ni Jesus:



Juan 20:17
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako SA AKING AMA AT INYONG AMA, at AKING DIOS AT INYONG DIOS. "


Dito ay Sinabi ni Jesus na ang Dios ng mga ALAGAD NIYA, ay ITO din ang DIOS NIYA, na walang iba kundi ang AMA. Sa makatuwid, ang mga KATAGANG " MO,
IYO" Ay mga PRONOUN o PANGHALIP, ay kagaya rin na tinutukoy ni Cristo doon sa naunang talata [Mat.4:10; Luc.4:8] na Diyos kung sino iyon. Walang iba kundi ang Ama at hindi Siya. Kaya kung susuriin natin ang mga pahayag ng daiblo, HINDI NIYA KAYLANMAN sinabi na si Cristo ay Diyos, kundi " ANAK NG DIOS". Ganito ang nakasulat :


Lucas 4:3" At sinabi sa kaniya ng diablo, KUNG IKAW ANG ANAK NG DIOS, ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay. "



Lucas 4:9" At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, KUNG IKAW AY ANAK NG DIOS, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba "


Malinaw. "ANAK NG DIOS" at hindi ang mismong Diyos. Kaya, ang Diyos na tinutukoy ng diablo kung saan may Anak ay siyempre walang iba kundi ang "AMA". Kaya kung si Cristo ang Diyos, abay dapat nilang patunayan na si Cristo ang may Anak, seguradong hindi nila mapapatunayan iyon.

Balikan natin ang pinaka maintopic sa talata na kanilang binaluktot. Bago sabihin ni Cristo ang katagang " HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIYOS" ano nga ba ang nais ng diablo bakit ANG AMA rin ang tinukso ng diablo kahit si Cristo lamang ang kausap? Ganito balikan natin ang pangyayari at ituloy natin sa pahayag ni Cristo:


Lucas 4:9 At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:


Lucas 4:10 Sapagka't nasusulat, SIYA'Y MAGBIBILIN SA KANIYANG MGA ANGHEL TUNGKOL SA IYO, UPANG IKAW AY INGATAN "


Lucas 4:11 AT, AALALAYAN KA nila ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.


Lucas 4:12 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIOS. "


Bakit ang Ama ang kasama sa tinukso ng diablo na Siyang tinutukoy ni Cristo? Malinaw sa talatang 10 na sinabi:


" SIYA'Y MAGBIBILIN SA KANIYANG MGA ANGHEL TUNGKOL SA IYO, UPANG IKAW AY INGATAN "


Ang "SIYA" na tinutukoy ng diablo ay napakalinaw walang iba kundi ang AMA kung saan magpapadala raw ng anghel kung sakaling MAGPATIHULOG si Cristo upang AALALAYAN upang hindi matisod sa mga bato. Sa pagkakataong ito'y dalawa ang tinukso ng diablo :

1. Ang Ama [ang iisang Diyos]- na mag-uutos raw at magpapadala ng mga anghel kung sakaling magpatihulog si Cristo.

2. Si Cristo [Anak ng Diyos]- na sasamba at susunod sa daiblo kung sakaling maniwala Siya nito.


Napakalinaw hindi po ba? Kaya isang kabaluktutan lamang ng pang-unawa ang sabihing, sarili ni Cristo ang tinutukoy na Diyos ayon sa Kaniyang pahayag. Kahit kaylan ma'y hindi inangkin iyon ni Cristo bagkus ipinakilala pa Niya sa lahat ang tunay ay iisang Diyos na marapat kilalanin at hindi ang Kaniyang sarili :


Juan 17:1, " Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “AMA, .... Ito ang buhay na walang hanggan: ANG MAKILALA KA NILA, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. " [MBB]



Ang Ama lamang ang iisa at tunay na Diyos ayon sa kaniyang pahayag, at hindi Niya inangkin iyon kaylanman, at ang KATOTOHANANG ito ang ikapagtatamo ng BUHAY NA WALANG hanggan at hindi ang kabaluktutang maling turo at aral.

Lunes, Enero 26, 2015

TUNAY NA DUGO BA ANG PINAINOM NI CRISTO?





TUNAY NA DUGO BA ANG PINAINOM NI CRISTO?


Nakakagulat na tanong hindi po ba? Kung ang isang TUNAY NA TAGAPANGARAL e papayag kaya siya na ipangaral  na ang Panginoong Jesucristo ay nagpapainom ng tunay na dugo? Isang paglapastangan ang ganitong paniniwala at sa isa pang CFD[Catholic Faith Defender] nagmula ang paniniwalang ito. tama kaya ang paniniwalang ito? Tunghayan sa larawan ang kaniyang pahayag. [Photo Credit to Bro. John Philip XD]



Hindi po ba't MALINAW niyang ipinapahayag umano na :

" Kung bawal ang dugo, bakit pinainum ni Jesus ang mga apostol sa kaniyang TUNAY NA DUGO"


Pansinin ang sinabi na "TUNAY NA DUGO" raw, kaya bakit daw nagbabawal pa tayo sa pagkain ng dugo. Kahindik-hindik ang paniniwalang ito. Suriin natin ang sinipi njyang talata :


Juan 6:56" Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya. "


Dahil sa binanggit na "UMIINOM ng AKING DUGO" ay nasagi agad sa isip niya na literal na dugo ang pinainom ni Jesus sa mga alagad. Tandaan at pansinin po na WALANG SINABI SI JESUS NA "TUNAY" o "LITERAL" na dugo ang pinainom sa mga alagad. Kung gayon ISANG IMBENTONG ARAL pala ang ipinangaral ni Reil Lopez upang mailigaw ang karamihan.

Subalit, hindi lamang na uminom ng dugo ang binanggit upang lubos na mananahan si Cristo sa kaniya, at siya'y kay Cristo kundi may binanggit din na :

" Ang Kumakain ng aking laman"

Kung tatanggapin niyang LITERAL at TUNAY na DUGO ang ininom, ay dapat tanggapin din niya na LITERAL NA LAMAN ang kanilang kinain. Tatanggapin kaya niya ito?Tanggap na tanggap ng buo. Tingnan ang larawan :






 Tanggap daw po. Parang Cannibal lang pala ang paniniwala ng ating kaibigan. Subalit bilang kasagutan mula sa Biblia at sa kaalaman din ng marami para hindi mailigaw ng maling paniniwala, GANITO ang sagot ng Panginoon Jesucristo :


Juan 6:51" AKO ANG TINAPAY NA BUHAY na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay KUMAIN NG TINAPAY na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ANG TINAPAY NA AKING IBIBIGAY AY ANG AKING LAMAN, sa ikabubuhay ng sanglibutan. "


Napakalinaw na ang LAMAN na kakainin o pinapakain ni Jesus ay HINDI literal kundi isang TINAPAY na sumisimbolo lamang sa kaniyang KATAWAN o LAMAN bilang pag-alaala sa kaniya:


1 Corinto 11:24" At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. "


Ang DUGO naman kaya na pinapainom ni Jesus, baka iyon ay LITERAL na at TUNAY gaya ng sinabi ng isang CFD. Tumpak kaya siya sa kanilang pinapangaral o isang salungat? Hindi parin tayo ang sasagot kundi ang ang nakasulat sa Biblia na ganito ang isinasaad :


1 Corinto 11:25" At gayon din naman HINAWAKAN ANG SARO pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin. "


Ang binanggit ng Talata ay isang SARO  ang pinapainom ni Cristo bilang sumisimbolo sa Kaniyang dugo at sa KABUUAN ng pag-alala sa kaniya. Hindi pala isang "TUNAY" o LITERAL na dugo ni Cristo sapagkat may paalala rin na


" gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin"

Kung LITERAL na dugo e paano kaya sila hahanap ng dugo ni Cristo hanggang ngayon? At tunay na hindi mangyayari ang ganoong pangyayari at maling aral sapagkat napakalinaw ang PAMAMARAAN at aral na isinasagawa ng mga unang lingkod at maging ng mga tunay na lingkod sa panahon ngayon at hindi sa kabulaanang aral hanggang sa araw ng muling pagparitu ni Cristo [1 Cor.11:26].


BABALA SA PAGSASAGAWA NITO


Gaano ba kasama ang pagkakaroon ng maling paniniwala at pagkaintindi sa aral na ito? Lalo na sa ipinapangaral ni Reil Lopez sa kaniyang relihiyon na kinaaaniban? Ano ba ang tamang paraan ? Ganito at ating tunghayan:


1 Corinto 11:27-29
" Kaya't ang sinomang KUMAIN NG TINAPAY, O UMINOM SA SARO NG PANGINOON, NA DI NARARAPAT, AY MAGKAKASALA sa katawan at dugo ng Panginoon.
" Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
" Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon. "


Napakalaki ng kahalagahan ng pagkakaalam ng katotohanang ito. Kung magkakamali ang tao sa pagsasagawa nito ay isang PAGKAKASALA at ANG KAKAININ at IINUMIN niya ay isang HATOL ng Panginoon. Tandaan na ang tunay na pamamaraan sa pagsasagawa ng PAG-ALALAA[banal na hapunan] ay HINDI lamang ang TINAPAY ang KAININ kundi KASAMA ang SARO upang maisasagawa ito sa KABUUAN. Kaya kung may relihiyon ngayon na nagpapatupad nito subalit TINAPAY lamang ang kinakain ng mga MIYEMBRO at walang kasamang SARO ay isang maling pamamaraan at maling aral ang kanilang naisasagawa sapagkat malinaw na Ang tinapay na kakainin ay may kasamang saro [1 Cor. 11:24-26]. At ito ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan :


Juan 6:54" Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. "


Kaya kung kayo'y tatanggap nito ay HUWAG kayong pumayag na ang ibibigay lamang sa inyo ay TINAPAY gaya ng ginagawa ng Katoliko at ang mga Pari lamang ang iinom ng Saro. Sapagkat LAHAT ang dapat magsasagawa at hindi lamang ang isang tao.

At bilang paglilinaw, HINDI TUNAY o LITERAL na dugo ang ininum o pinainom ni Cristo kundi isa lamang pagsisimbolo nito bilang pag-alaala. Ang dugo ni Cristo ay hindi ipinapainom kundi ito'y isang napakahalaga sapagkat ito ang ginamit na pagtubos ng Iglesia [Gawa 20:28] sa ikapagpatawad ng kasalanan [Heb. 9:22].


Ang aral na itinuturo ni Reil Lopez ay ang palatandaan sa ikakikilala sa bulaang mangangaral at bulaang relihiyon na binanggit ng ating Panginoong Jesucristo. Ganito ang sinabi niya sa Mateo 15:14 :


"'Hayaan ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay'. " [MB]


Ang mga bulaang tagapangaral ay mga bulag na tagaakay. Ang sinumang akayin ng mga ito ay mapapahamak lamang na tulad din ng mga tagapangaral nila. Ano ang ibig sabihin ng bulag na tagaakay? Ayon kay Apostol Pablo :



"Ibig nilang maging guro ng kautusan gayong hindi nila nauunawaan ang kanilang sinasabi, ni ang mga bagay na itinuturo nila nang buong tiwala. " [ITim.1:7, MB]


Ang palatandaang ito ukol sa bulaang tagapangaral at relihiyon ay natupad nga sa relihiyon din ni Reil Lopez na Iglesia Katolika Romana. Inaamin ng mga awtoridad ng Iglesia Katolika na sila mismo na tagapangaral ay hindi nakauunawa ! Ganito ang pahayag ni Rev. Andrew Greeley sa aklat na "Your Teenager and Religion" :


" The simple truth is that those of us who have the responsibility for teaching the real meaning of Christianity to the young have failed to convert it into language which has meaning in the contemporary world. We have not found the words which will stir young hearts. We have not found the modes of expression which will break through youthful apathy and indifference and fear. There may be all kinds of valid excuses for our failure, but the fact remains: when we speak about religion to young people they do not know what we are talking about the really do not care to know. Perhaps the reason is that we do not know ourselves. This picture may be too black. " [pp.13-14 ]


Sa Pilipino :


" Ang madaling unawaing katotohanan ay yaong ilan sa atin na may pananagutang ituro ang tunay na kahulugan ng Cristianismo sa mga kabataan ay nabigong isalin ito sa wikang may kahulugan sa pangkasalukuyang daigdig. Hindi pa natin natatagpuan ang mga salitang makakapukaw sa mga batang puso. Hindi pa natin natatagpuan ang paraan ng pananalita na mag-aalis sa pagwawalang bahala at kalamigan ng loob at takot ng kabataan. Maaaring magkaroong lahat ng uri ng mga makatuwirang dahilan sa ating pagkabigo, ngunit mananatili ang katotohanan: kung tayo ay nagsasalita sa mga kabataan tungkol sa relihiyon hindi nila alam kung ano ang sinasabi natin at talagang wala silang pagpapahalagang malaman. Marahil ang dahilan ay tayo rin mismo ang hindi nakakaalam. Ang paglalarawang ito ay maaaring napakaitim. "



Inamin ng paring si Andrew Greeley na ang dahilan kung bakit hindi nila maipaunawa sa mga kabataan ang mga aral ng Iglesia Katolika ay sapagkat sila mismo ay hindi nakaaalam ng kanilang pananampalataya.

Ano kaya ang dahilan at kapos sila sa pagkaunawa? Ganito ang sinasabi sa isa pang aklat ng Iglesia Katolika na sinulat ni Joseph Faa Di Bruno :


" Moreover, a written Bible is a dead book. Nor is it an easy book, it does not explain itself. " [Catholic Belief, p. 14]


Sa Pilipino :


"Higit doon, ang sinulat na Biblia ay isang patay na aklat. Ni hindi ito isang madaling unawaing aklat, hindi nito ipinaliliwanag ang kaniyang sarili. "


Paano nga makauunawa ng wastong pananampalataya ang mga CFD na ito at mga paring katoliko samantalang hindi nila nauunawaan ang mga nasusulat sa Biblia? Ang Biblia na kinaroonan ng salita ng Diyos ay isa raw patay na aklat at hindi madaling unawain.


Kaya sana'y mapukaw ang isipan ng marami mula sa katotohanan at hindi mahulog sa maling paniniwala sapagkat ang ikapagtatamo ng kaligtasan ay sa PAGSUNOD SA PAMAMARAAN AT KALOOBAN NG DIOS [Mat.7:21]. Gaya ng, Bakit nga ba BAWAL ANG PAGKAIN NG DUGO? Bisitahin ang arituko ukol dito

http://iglesianicristolahingtapat.blogspot.com/2014/02/pagkain-ng-dugo-ipinapahintulot-ba.html?m=1


Sino Ang Tunay Na Malaya?







KALAYAAN. Isang napakahalagang makamit ng bawat isa kung saan man siya naging alipin. Kapag pag-uusapan ang KALAYAAN, ay agad naiisip natin na Pagkakaroon ng pagkakataon na gumawa at malaya sa isang bagay kung saan ito nauukol. Ang pagiging MALAYA din ay hangad naman ng maraming tao gaya anya sa kamay ng mapagsamantala at mapanikil o MAGING SA SULIRANIN sa buhay na minsa'y gumagapos sa marami at nais MAKALAYA rito. Subalit, ano nga ba ang PINAKAMAHALAGANG KALAYAAN na dapat matamo ng tao? May bahagi kung saan ang tao ay ALIPIN parin ukol dito, at ito ang marapat na pagtuonan ng bawat isang napailalim sa pagkaalipin nito. Ito ang ating aalamin kung ano at saan ito.

Ang Panginoong Jesucristo ay mayroong sinabi naman tungkol sa mga "TUNAY" na nagkaroon ng kalayaan. Paano ba magiging tunay na malaya ang tao? Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tao ng pagkaunawa sa KATOTOHANANG MAGPAPALAYA sa kaniya [Juan 8:32 NPV], na ito ay ang mga salita ng Diyos na pawang katotohanan, ayon din mismo sa ating Panginoong Jesucristo [Juan 17:17].

Ipinakilala ni Cristo kung sino ang binabanggit Niyang nangangailangan ng kalayaan sapagkat sila ay NASA KALAGAYANG ALIPIN:


" Sumagot si Jesus, 'Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, BAWAT NAGKAKASALA AY ALIPIN NG KASALANAN" [Juan 8:34, NPV]

Ang taong nagkakasala ay alipin ng kasalanan at dito dapat MAKALAYA ang tao. At sapagkat ang lahat ng tao ay nagkasala [Roma 5:12] at nakatakdang magbayad ng kamatayan sa dagat-dagatang apoy [Roma 6:23; Apoc. 20:14], kaya ang lahat ng tao, saan man sila naroroon at anoman ang kanilang kalagayan sa buhay, ay alipin ng kasalanan.

ANG TUNAY NA KALAYAAN

Kapag kalayaan ang pinag-uusapan, karaniwang ipinalalagay na ang kahulugan nito ay ang kalayaang gawin ang balang maibigan kahit na ito ay ayon na sa pita ng laman o kasalanan [Gal. 5:16-17]. Ayaw na nila na sila'y nalilimitahan o nasasagkaan sa ibig nilang gawin.

Tunay nga bang MALAYA ang taong ganito ang isipan o pakahulugan sa KALAYAAN? Hindi, sapagkat ayon sa itinuro ng mga apostol:


"Hindi ba ninyo alam na pag ibinigay ninyo ang inyong sarili kaninuman upang sumunod ay ALIPIN KAYO NG INYONG SUNUSUNOD, maging sa KASALANANG UMAAKAY sa kamatayan o sa pagtalimang hahanga sa pagiging matuwid?" [Roma 6:16, NPV]


Isang alipin na maituturing ang taong napaakay sa kasalanan na maghahatid sa kaniya sa parusang kamatayan. Ito ang tiniyak ng mga Apostol na sasapitin ng mga alipin ng kasalanan:


" Sapagka't nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo'y laya tungkol sa katuwiran.
" Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? sapagka't ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan. " [Roma 6:20-21]


Ang kamatayang tinutukoy ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa dagat-dagatang apoy na nakaambang parusa sa lahat ng alipin sa kasalanan [Apoc.21:8].

Tunay na walang kalayaan ang taong alipin sa kasalanan o nagpapakabuyo sa kalayawan. Kaawa-awa ang kalagayan ng ganitong tao, sapagkat kung ilarawan ng mga apostol ay " BAGAMA'T ANG BUHAY AY PATAY " [1 Tim.5:6]. Sentensyado na siya sa kaparusahan sa dagat-dagatang apoy. Ganito kung ilalarawan ng Biblia ang kalagayan ng mga tao na ginagawa ang lahat ng maibigan kahit na ito ay labag sa kalooban ng Diyos.

Ang mga nagtataglay ng kaisipan ng laman o patuloy sa paggawa ng kasalanan ay nakikipag-alit sa Diyos at hindi napasasaklaw sa kautusan at hindi maaaring maging sa Diyos [Roma 8:7]. Palibhasa'y tumatangging sumunod sa kautusan, na ang ginagamit na pamantayan sa buhay ay ang sariling kalooban o karunungan. Mataas ang pagkakilala nila sa sarili, bunga marahil ng tagaly nilang karunungan, kung kaya't pinipilit na sila naman daw ay may layang makapamili ng kung ano ang susundin sa kanilang buhay. At may nang-aakit pa ng ibang mga tao na sumama sa kanila na malayang nakapag-isip at nakapagsagawa ng ibang mga bagay-bagay sa buhay nila sa mundo. Mapanganib at nanganganib ang taong may ganitong isipan. Sinabi ni Apostol Pablo:


1 Timoteo 6:3" Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan "


1 Timoteo 6:4" Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala. "


Kaya nagpayo ang mga apostol na huwag maging palalo ang tao at sa halip ay magtaglay ng mababang kaisipan at ipalagay na lalong mabuti ang iba kaysa kanila [Fil.2:3]. Sa ganito ay magagawa ng tao na sumunod sa kautusan o katuwiran ng Diyos.


ANG DAKILANG KALAYAAN


Mawawalan ng kabuluhan ang kalayaang maaaring makamit ng tao sa mundo na kaniya pa man ding pinamumuhunan at ipinakikipaglaban kung hindi siya magiging malaya sa PAGKAALIPIN sa kasalanan. Hindi makaiiwas dito ang sinuman sapagkat may itinakda ang Diyos na araw na Kaniyang huhukuman ang lahat ng tao batay sa kautusan ng kalayaan:


Santiago 2:12" Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na GAYA NG MGA TAONG HUHUKUMAN sa pamamagitan ng KAUTUSAN NG KALAYAAN. "


Sa kautusan ng kalayaan na binabanggit ng mga apostol nakasalalay ang IKAPAGTATAMO ng tunay na kalayaan. Mahalagang ito'y matupad upang hindi lang maging malaya kundi magtamo rin ang tao ng pagpapala [Sant.1:25]. Sinasabi rin ng Biblia na kapag ang kautusan o tuntunin ng Diyos ang sinunod ng tao, tiyak na lalakad siya sa KALAYAAN:


Awit 119:45" AT LALAKAD AKO SA KALAYAAN; sapagka't aking hinanap ang iyong mga TUNTUNIN. "


Kaugnay nito, dapat maging maingat ang tao sa paghahanap ng tunay at dakilang kalayaan hindi kung sino na lamang ang kaniyang susundin at pakikinggan. Dapat niyang sangguniin ang katotohanan na siyang makapagtuturo kung paano magkakaroon ng tunay na KALAYAAN. Napakalinaw ng pahayag ng Biblia na ang mga pinalaya ng ating Panginoong Jesucristo ang siyang TUNAY NA MALAYA [Juan 8:36, Magandang Balita Biblia]. At ito ay pinatotohanan ng mga apostol na mababasa sa Gawa 13:39 na ganito ang isinasaad:


" SA PAMAMAGITAN NIYA pinatatawad at NAGIGING MALAYA SA LAHAT ng ito ang SINUMANG SUMAMPALATAYA SA KANIYA. " [Biblia ng Sambayanang Pilipino]


Ngunit hindi sapat na ang gawin lamang ng tao ay sumampalataya. Ang kapatawaran ng kasalanan na magpapalaya sa tao sa parusang WALANG HANGGAN ay makakamtan sa pamamagitan ng pagkabuhos ng dugo at maliban dito'y walang kapatawaran:


Hebreo 9:22" At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at MALIBAN NA SA PAGKABUHOS NG DUGO AY WALANG KAPATAWARAN. "


Ang tinubos ng mahalagang dugo ng ating Panginoong Jesucristo ay walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO:


Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” [isinalin mula sa Lamsa Translation]


Kung gayon, walang tunay na MALAYA sa sangkatauhan maliban sa mga taong tinubos sa dugo ng ating Panginoong Jesucristo o sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Tanging sa Iglesia lamang makakamtan ang tunay at dakilang kalaayan.


ANG IKAPANANATILING MALAYA


Ang magpaalipin sa katuwiran o kalooban ng Diyos ay hindi isang kaapihan o kalugihan. Sa halip, ito ang ikakabanal ng tao at ikapagkakaroon niya ng BUHAY NA WALANG HANGGAN [Roma 6:22, 19, NPV]. At upang maingatan ang dakilang kalayaan na ipinangako , ganito ang bilin ng mga apostol:


" Para sa kalayaan ay PINALAYA TAYO NI CRISTO; kaya't magpakatatag kayo AT HUWAG PASAKOP NA MULI SA PAMATOK NG PAGKAALIPIN. " [Gal.5:1, Ang Bagong Ang Biblia]

Ang tinutukoy na "PAMATOK NG PAGKAALIPIN" ay ang gawa ng laman o kasalanan [Gal. 5:19-21]. Ang pinaghaharian ng kaisipan ng laman ay patungo sa kamatayan at sila'y hindi kalulugdan ng Diyos samantalang ang nasa kapayapaan naman ay nagtataglay ng kaisipan ng Espiritu na siyang tinatahanan ng Espiritu ng Diyos at ni Cristo :


Roma 8:5" Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. "

Roma 8:6" Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. "

Roma 8:7" Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari "

Roma 8:8" At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. "

Roma 8:9" Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya. "


Tiniyak din ni Apostol Pablo na kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan [2 Cor. 3:17]

Kaya kung hangad ng tao ang MAPAYAPA, MASAGANA, AT MALAYANG PAMUMUHAY ng walang anumang bagabag o kapighatian, napakahalagang masumpungan siya sa pagsunod. Ganito ang patotoo ng isang lingkod ng Diyos :


" Ako nama'y mamumuhay ng payapa at malaya, Yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa. " [ Awi 119:45, MB]


Isang dakilang kalayaan ang tatamuhin ng tao kung susunod lamang siya sa lahat ng kalooban ng Diyos sa paraang PUMALOOB SIYA SA TUNAY NA IGLESIA, ANG IGLESIA NI CRISTO. Sa ganito, anuman ang mangyari sa mundo ay magkakaroon siya ng tunay na kalayaan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at malaya ding maisasagawa niya ang paglilingkod na taglay ang pag-asa sa pagmana ng PANGAKO NG DIYOS.

Biyernes, Enero 23, 2015

Mga kontradiksyon ni Bro Eli Soriano

Saan Ba kinuha ni Bro Eli ang kaniyang doktrina? Gaya ng Pangalan na MCGI at ang aral na MARAMI ANG DIYOS? PANOORIN. 





Sira ulo daw ang may kontradiksyon. Panoorin ang ukol sa "WALA RAW SILANG TEMPLO, KUNDI CONVENTION CENTER LAMANG".


Likas na kalagayan ni Cristo. Hindi raw Siya nagbanggit kailan man nito? Panoorin.



Martes, Enero 20, 2015

144000 lang ba ang may karapatan sa langit? (Part 3)




Sa mga naunang paksa ay naituwid natin ang maling paniniwala mula sa mga Saksi ni Jehova, na ang 144000 ay ang MUNTING KAWAN raw na may karapatan lamang umano sa kaharian sa langit at ang matitirang hindi kabilang ay dito raw maghahari sa lupa. Napatunayan nating mali ang paniniwalang iyon. At sa bahaging ito naman, ay titiyakin natin kung totoo ba na ang LUPA naito o ang daigdig na ito ay MANANATILI at hindi susunugin ng Diyos at gagawing kaharian upang tirhan ng tao? Mababasa at makikita pa minsan ito mula sa kanilang mga MAGAZINE gaya ng "BANTAYAN at GUMISING" na tunay na pinanghaawakan nila ang ganitong paniniwala. At siyempre gagamit din sila ng TALATA upang patunayan ito. Subalit, tama ba o mali ang ganitong aral?

Itong lupa o mundo na kinatatayuan natin ay ito din daw ang nakatakdang paraiso para sa mg matatapat na tao ( mga di kabilang sa 144,000 na aakyat sa langit). Gaya ng sabi natin, gagamit din sila ng Biblia, at ganito ang nakasaad:


Ecclesiastes 1:4
“Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”


Ang sabi kasi ay " Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating ". Kaya, sumagi agad sila sa Konclusyon na dalawang BAHAGI nga raw ang pinatutungkulan. Subalit dapat po nating tandaan na wala pong binanggit dyan na yung "YUMAYAON o ang DUMARATING" ay iyon ang 144000, maling konklusyon agad. At ang ukol naman sa LUPANG MANANATILI raw at hindi susunugin ay dahil sa nakasulat na "NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”. Dahil sa binanggit na May lupa na mananatili ay ito raw iyon. Kaya, upang mas kapanipaniwala ang pagtuturo nila ay iniugnay ito :

Mateo 5:5
“Mapapalad ang maaamo:sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA"


Ang lupa na mananatili [ang daigdig na ito raw] ay iyon raw ang lupa na mamanahin ng mga mapalad. Kaya, bilang konklusyon nila ay iniugnay na naman dito.


Awit 37:29
“MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”


Ngayun. ating susundan ang kanilang pahayag mula sa unang talata na kanilang ginamit at pinanghahawakan na:


"Ngunit ang lupa ay mananatili magpakaylan man"


Wala kayang mangyayaring Kontradiksyun ng talata?anu ba talaga ang kuhulugan ng mga talatang iyan at ANO ang lupang mananatili magpakailan man? At siyempre hindi tayo gagawa ng sariling paliwanag kundi mula kay Cristo :


Mateo 24:35
“ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”



Tiyak maguguluhan dito ang ating mga kaibigan na mga Saksi ni Jehova. Bakit? E malinaw na sa kanila, WALANG LUPA NA LILIPAS O MAWAWALA, Sapagkat gaya rito sa daigdig e gagawin anyang KAHARIAN. Subalit bakit may binanggit si Cristo dito na may "LUPA NA LILIPAS"? Bago ang tagpung iyon ay may itinanong ang mga alagad ni Cristo sa Kaniya na ganito:


Mateo 24:3
"Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya'y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alaga,
"Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ng magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng KATAPUSAN NG MUNDO?"


Pansinin ang katanungan ng mga alagad ni Jesus. Sila'y nagtatanong ukol sa palatandaan ng Kaniyang muling pagpariti. Na ano raw ang magaganap? Ang Sabi :

" Ano po ng magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng KATAPUSAN NG MUNDO?

Napakalinaw na sa muling pagparito ni Jesus ay siya namang KATAPUSAN NG MUNDO. Napakalinaw hindi po ba. Kaya, kung ang isang BAGAY kung sa sempleng pang-unawa, kung ito'y may katapusan siyempre mawawala ito at LILIPAS. Subalit, bakit ang MUNDO ay matatapos? Ano ang kaganapan o magyayari dito?


2 Pedro 3:10
" Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG. "


2 Pedro 3:7
" Nguni't ANG SANGKALANGITAN ngayon, AT ANG LUPA, sa pamamagitan ng GAYON DING SALITA AY ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM at ng paglipol sa mga taong masama. "


Kung gayun, malinaw pala kung anu yung lupa at langit na LILIPAS na ang sabi sa GAYONG SALITA[na ipinapauna ni Cristo], AY MAWAWALA sapagkat nakatakda na ito sa araw ng Paghuhukom o sa Kaniyang muling pagparito ay itinataan na sa apoy at susunugin kasama ng lahat ng bagay na nandito. Isang napakalaking kontradiksyun kung gayon ang kanilang aral na ang lupa ay hindi mawawala sapagkat gagawing tahanan ng hindi kasama sa 144000.

Baka naman ilang parte lang ng lupa ang masusunog, Baka maisipan nilang itanong kaya unahan na natin. Lahat kaya ng lupa o iilang bahagi lang ? Ganito ang sagot:


Zefanias 1:18
" Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY ng kaniyang paninibugho: sapagka't WAWAKASAN NIYA, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. "

Iilang bahagi lang ba ng lupa ang mawawala o susunugin? Hindi po sapagkat napakalinaw ng sinabi:

" BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY "

At ang sabi "WAWAKASAN NIYA" . Kaya tiyak na tiyak po na lilipas ang daigdig o ang lupa na ito. Baka itatanong na naman nila ulit, Baka babangunin pang muli ni JEHOVA para tirhan ng nalalabing matatapat.pagkatapos lilipulin ay ibabangun muli? Tayo po ay sasagutin muli ng Biblia at hindi sariling kuro-kuro :


Isaias 24:19-20
ANG DAIGDIG AY TULUYANG MAWAWASAK, sa lakas ng uga ito'y MABIBIYAK. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray- suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, TIYAK NA BABAGSAK ANG SANDAIGDIGAN AT HINDI NA BABANGON MAGPAKAILANMAN.” [ MB]



Malinaw ang sabi na " ANG DAIGDIG AY TULUYANG MAWAWASAK, MABIBIYAK, at TIYAK NA BABAGSAK ANG SANDAIGDIGAN AT HINDI NA BABANGON MAGPAKAILANMAN.”


Talagang nilinaw na isang KAWAKASAN na hindi na muling babangon o babalik pa upang gawing kaharian. Kung gayon ano nalang pala ang AASAHAN NG MGA SAKSI NI JEHOVA kung inaakala nilang may lupa pang mananatili? Nag-hihintay nalang sa wala kaya kawawa po ang mga kaanib na hanggang ngayon ay nasa isip at puso pa nila ang maling aral na ito.Mali po na isipin bilang tunay na alagad ang ganitong isipan, bakit anu ba ang dapat nasain ng mga matuwid na alagad tungkol sa TUNAY AT TOTOONG tirahan?



Hebreo 11:16
NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”


Ipaghahanda na Sila ng bagong bayan. . Lalong magaling na lupain na nandoon sa langit. Ano ang LUPAIN na ito na NASA LANGIT na ito ang marapat na NASAIN ng mga tunay na hinirang?



Apocalypsis 21:1-4
“At nakita ko ang ISANG BAGONG LANGIT AT ISANG BAGONG LUPA : SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; at ang dagat ay wala na.”
“At nakita ko ang bayang banal , ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”
“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man : ang mga bagay nang una ay naparam na.“



May magandang planu po ang Dios sa tunay at tapat na alipin nya. Ang magaling na lupain na nasa langit ang sabi:

" ISANG BAGONG LANGIT AT ISANG BAGONG LUPA : SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM"

Kaya po nakakalungkot isipin sa ating mga mahal na kaibigang mga Saksi ni Jehova na patuloy sa ganitong paniniwala. Sana naman po ay ma buksan ang ating mga Isipan at puso sa tamang Aral.

Sa mga pinapauna na po ni Cristo, HINDI LAHAT ng tumawag na Panginoon ay maliligtas kundi yun lamang gumanap sa kaooban ng AMA [Mat.7:21], sila ang may karapatan na magmamana ng tunay na KAHARIA o ang BAGONG LANGIT at LUPA at hindi ang 144000 lamang na isang maling pag-unawa. Kaya ang Iglesia ni Cristo ag walang sawa sa pagpapaabot ng katotohanan upang marami pa ang tao na makaabot sa katotohanan at magkaroon ng karapatan sa pagtanggap ng GANTIMPALA o ang Kaharian na bigay sa mga TAPAT na hinirang.

Lunes, Enero 19, 2015

144,000 lang ba ang may karapatan sa langit? (Part 2)




Noong nakaraang issue ay naitalakay ang ukol sa KUNG SINO ANG MAY KARAPATAN na makapasok sa langit, at tiniyak na hindi pala limitado ang makakapasok o yaong mga 144,000 lamang ang may karapatan sa kaharian sa langit, sapagkat NAPAKALINAW na ang lahat ng gumawa ng ayon sa kalooban ng Ama ang tunay na magmamana ng Kaniyang kaharian [Mat.7:21], at ang kaloobang iyon ng Ama ay ang matipon ang lahat ng tao kay Cristo o umanib sa Iglesia Ni Cristo upang magtamo at makapasok sa pangakong LANGIT na ito ang kaharian. Kaya sa bahaging ito ay ating titiyakin kung sino ang 144000 na binanggit ayon sa Apoc. At bakit hindi mangyayaring ito ay ang mga Saksi ni Jehova? At sa Kasunod na artikulo nito (Part 3) ay ukol naman sa "GAGAWIN BA NA KAHARIAN ANG MUNDONG ITO, AT HINDI SUSUNUGIN o MAWAWALA?.


SINI-SINO ANG 144000, SAKSI NI JEHOVA BA?

Ipagpatuloy natin. Ano ang binanggit bilang pagpapakilala sa 144000 ayun sa Biblia? Ganito ang sabi:


Apocalypsis 14:1 “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBONG may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.”

Apocalypsis 14:3 “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO LAMANG, SA MAKATUWID AY SIYANG MGA BINILI MULA SA LUPA.”


Apocalypsis 14:4 “Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ANG MGA ITO'Y ANG NAGSISISUNOD SA CORDERO SAAN MAN SIYA PUMAROON. ANG MGA ITO'Y ANG BINILI SA GITNA NG MGA TAO, na naging mga PANGUNAHING BUNGA sa Dios at sa Cordero.”

Ang dapat nating mapansin mula dito sa mga talata, ang pagpapakilala sa 144000 ay ang sumusunod:

1. Nagtataglay ng Pangalan ng Ama, at Pangalan ng Anak.

2. Mga TINUBOS/BINILI mula sa lupa.

3. Pangunahing bunga


Atin pong isa-isahin upang hindi mailigaw ang marami. At siyempre sa ating nais na mabigyang LINAW at mauunaawan ng nahuhulog sa pagkakamaling ito.


NAGTATAGLAY NG PANGALAN NG AMA AT ANAK


Gaano kahalaga kanilang tinaglay ang Pangalang ito, na mula sa Ama, at sa Anak? Ganito ang sabi :


Gawa 4:12 “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN sa silong ng langit, NA IBINIGAY SA MGA TAO, na sukat nating ikaligtas.”

Ayun sa pagtuturo, ang Pangalan na ibinigay sa kanila, ito ay ang SUKAT na IKALILIGTAS. Kung gayon, ano ang PANGALANG iyon na nasa kanila na taglay na mula sa Ama?


Juan 17:11 “At ngayon ako’y papunta na sa iyo; Wala na ako sa sanglibutan, ngunit nasa sanglibutan pa sila. Amang Banal! INGATAN MO SILA SA KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila’y maging isa na gaya natin na iisa.”[Magandang Balita Biblia]


Ang PANGALAN na ito na nasa kanila ay ito ang PANGALAN na taglay ni Jesus at ito ang PANGALANG PAG-AARI NG AMA na Syang ibinigay at ginawa naman kay Jesus. Kung gayon ano ito?


Gawa 2:36 “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT ‘CRISTO’ ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”


Samakatuwid, ang PANGALANG PAG-AARI NG AMA na nasa Kaniya, at nasa kay Jesus naito ang ibinigay sa mga tao ay ang PANGALANG CRISTO. Ito ang unang palatandaan na ayun sa Apoc.14:1 ay taglay ng 144000 na nakapangalan sa kanila. Kaya mula sa unang bahagi ng artikulong ito ay naituwid natin na ang inakala nilang munting kawan ay saksi ni Jehova ito. Isang malaking pagkakamali at pag-unawa sapagkat MALINAW na ang MUNTING KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO, na malinaw na taglay ang PANGALANG CRISTO. At kaya sinabing MUNTING KAWAN sapagkat nagsisimula palang ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo at hindi pa gaanong karami ang kaanib.

Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa pangalan ni Cristo. Marapat lamang, kung gayon, na ang Iglesia na itinatag Niya [Mat.16:18] ay tawagin na sunod sa pangalang Cristo-Iglesia Ni Cristo-sapagkat ito ang ililigtas ni Cristo:


Efeso 5:23, MBB
" Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. "


MGA BINILI MULA SA LUPA


May dapat po tayong mapansin. Hindi naman po sinabi doon sa Apoc. 14:3 na SILA LAMANG ANG BINILI dito sa lupa, kundi ang sabi ay "MGA BINILI MULA SA LUPA". Maliwanag na sinasabi sa talata na sila iyong mga tao na BINILI MULA SA LUPA. Samakatuwid sila ay mga taong kasama sa BINILI o TINUBOS ng DUGO ni Cristo.


Apocalypsis 5:9 “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't IKAW AY PINATAY, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.”


At napatunayan na po natin sa nakaraan na ang BINILI o TINUBOS ng DUGO ni CRISTO ay ang mga KAANIB o BUONG KAWAN ng kaniyang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO [Gawa 20:28, Lamsa Version ]. At liban dito sa mga tinubos ni Cristo, kung hindi kasama ang tao ay WALANG KAPATAWARAN SA KASALANAN [Heb.9:22]. At dahil din sa dugo ni Cristo ay kinalagan ang tao sa kanilang kasalanan [Apoc. 1:5], nangangahulugan na tunay na mga tinubos at nailapit ang tao sa Diyos [Efe. 1:12-13]. Kaya, PAANO nalang kung 144000 lang ang nagtamo nito? Lahat ay mapapahamak. Kaya isang maling aral na dapat maunawaan ng lahat.



PANGUNAHING BUNGA


Ang 144000 ay malinaw na ipinakilalang mga PANGUNAHING BUNGA SA DIYOS AT SA CORDERO [Apoc.14:4] Sa gawain ng Panginoong Jesuscristo sa Israel. Sila ang mga unang naging mga CRISTIANO o unang mga naging kaanib sa UNANG IGLESIA. At dahil sa ang gawain ni Cristo ay unang lumaganap sa dako ng mga JUDIO kaya ang 144,000 na binabanggit ay mga LAHING JUDIO o LAHING ISRAELITA po lamang. May patotoo ba? Narito:


Apocalypsis 7:4 “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO, na NATATAKAN, SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL:”


Apoc 7:5 “Sa angkan ni JUDA ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan; Sa angkan ni RUBEN ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni GAD ay LABINGDALAWANG LIBO;”


Apoc 7:6 “Sa angkan ni ASER ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni NEFTALI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni MANASES ay LABINGDALAWANG LIBO;”


Apoc 7:7 “Sa angkan ni SIMEON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni LEVI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni ISACAR ay LABINGDALAWANG LIBO;”


Apoc 7:8 “Sa angkan ni ZABULON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni JOSE ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni BENJAMIN ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan.”

Napakalinaw po na ang 144000 ay nagmula pala sa Angkan ng mga anak ni Israel. At ito'y mula pa noong unang siglo na tiniyak na mga PANGUNAHING BUNGA sa Diyos at sa Cordero. Kaya, kung susuriin ang Saksi ni Jehova, pasok kaya? Kailan lamang ba lumitaw ang samahang iyon. Ating suriin :



" Ang Saksi ni Jehova ay lumitaw mula sa BIBLE STUDENT MOVEMENT na itinatag ni Charles Taze Russell [1852–1916] noong mga 1870 sa pagkakabuo ng Zion's Watch Tower Tract Society na may malaking mga pagbabago sa doktrina at organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Joseph Franklin Rutherford. "

" Ang pangalang Jehovah's witnesses o Mga Saksi ni Jehova na batay sa kanilang interpretasyon ng Aklat ni Isaias 43:10–12, AY IPINAKILALA ni Joseph Franklin Rutherford noong 1931 UPANG ITANGGI ANG KANILANG SARILI mula sa ibang mga pangkat ng Bible Student movement AT ISIMBOLO ANG PAGKALAS SA LEGASIYA NG MGA TRADISYO NI RUSSEL. "

Source :

http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Mga_Saksi_ni_Jehova


Ayon sa reliable source ay tiyak na ang Saksi ni Jehova ay sa pasimula ito ang "BIBLE STUDENT MOVEMENT" na itinatag ni Charles Russel noong 1870. Subalit ito ay pinalitan ng sumunod na naminuno na si Joseph Franklen Rutherford at binago ang mga doktrina at kasama ang PANGALAN ng samahan ay IPINAKILALA o Pinalitan at naging "SAKSI NI JAHOVAH [Jehovah's Witnesses] noong 1931 lamang.

Kung gayon e may pabago-bagong tawag pala ang kanilang relihiyon at sa taong iyon lamang naitatag ang kanilang samahan, subalit ang 144000 na inakala nilang mga Saksi ni Jehovah iyon ay mga pangunahing bunga na mula pa noong unang siglo pa na sa pagkakatatag ng KAWAN o IGLESIANG TATAG ni Cristo.


Dagdagan pa natin. Kailan nga ba NATAPOS o NATATAKAN yaong mga 144000 na bahagi raw ng MUNTING KAWAN? Ganito ang sabi at sagot ni Brenda Martin sa isang Jehovah's Witnesses Website :


"144,000 ANOINTED. HOW MANY ARE THERE LEFT THAT IS STILL ALIVE TODAY?"

8,570 partook of the bread and wine in 2004

"WHEN DID THE 144,000 ANOINTED COMPLETED AND FULLFILLED THE NUMBER OF 144,000?"

EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935. Then “a great crowd, which no man was able to number, out of all nations and tribes and peoples and tongues, standing before the throne and before the Lamb.” (Revelation 7:9-17) began to be collected in. Increasing numbers (at that time) of those who heeded the message and who showed zeal in the witness work came to profess an interest in living forever on the Paradise earth. THEY HAD NO DESIRE TO GO TO HEAVEN. That was not their calling. They were no part of the little flock but rather of the other sheep. (Luke 12:32; John 10:16)

Their being identified in 1935 as the great crowd of other sheep was an indication that the choosing of the 144,000 was then about complete. "

Source:

en.allexperts.com/q/Jehovah-s-Witness-1617/144-000-12-000.htm


Pansinin po ang kanilang sabi :
" EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935"

Lumalabas sa kanilang paliwanag na kumpleto na ang pagtatatak sa 144,000 noong 1935 , pagkatapos ng taong iyon ang sumunod naman na mga pinili ay ang LUBHANG KARAMIHAN na ayon sa kanila ay hindi naghahangad na manirahan sa LANGIT. Pansinin na KUMPLETO NA RAW, Subalit pansinin din ang kataka-takang ito:

" 8,570 partook of the bread and wine in 2004"

May 8,570 katao na bahagi sa 144000 na tumanggap sa kanilang MEMORIAL[banal na hapunan] noong 2004. Kung gayon May 69 years mula noong 1935 [PAGKA-KOMPLETO sa 144000] hanggang 2004 na may 8,570 pang tumanggap ng MEMORIAL. Kung gayon, halos SANGGOL pa ang napili noong 1935 sapagkat may 69 taon na noong 2004, kaya kung ang natatakan noon ay may 40 taong gulang, segurado noong 2004, may 109 taong gulang na siya, imposibleng umabot pa sa gayong gulang ang 8,570 na mga tumanggap.


Hinding -hindi mangyayari ang ganoong paniniwala sapagkat, gaya ng sabi ng BIBLIA, ang 144000 ay "PANGUNAHING BUNGA" [Apoc.14:4] at hindi PILING BUNGA lamang. Kapag sinabing PANGUNAHING BUNGA, seguradong may kasunod pa iyan na bunga. At iyon ang kabuuan ng Iglesia ni Cristo na pumasok at sumunod sa kalooban ng Ama [Mat.7:21]. At isa pa, ang 144,000 ay tiyak na nagmula sa Angkan ng mga Anak ni Israel [Apoc.7:4], at hindi sa PENNSYLVANIA at USA.


May karugtong . .