Sabado, Mayo 23, 2015

ANOTHER FABRICATION TO COVER HIS EXPOSED FABRICATION

Response to "Paglilinaw sa Tax Evasion Case ng INC sa Japan"

Nilinaw ba o lalong nilabo ang alleged “Tax Evasion Case” ng INC sa Japan


Sa artikulo sa blog ng “Kumakalaban sa Pamamahala” na may pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” na inilathala nila noong April 24, 2015 ay sinasabi nila ang ganito:

“Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN. Ang bagay na ito ay ilang beses ng isinulat ng mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit laging hindi ito binibigyan ng pagpapahalaga. BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.” )Antonio Ebangelista, INC Silent No More, “Grave Proble: Tax Evasion Case ng INC Distrit of Japan,” emphasis mine)

Malinaw po ang panahayag ni Antonio Ebanghelista dito:

(1) Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na tax evasion case. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”

(2) Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong taxation duties na hindi binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”

(3) Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo sa Japan ng kaniyang “taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang ang Iglesia. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN.”

(4) Ito raw ay ayon sa isang confidential report na ginawa raw ng isang Japanese na Pangulong Diakuno. Ang sabi niya, “Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan.”

Sinahgot po natin ang kanilang bintang na ito sa artikulo natin na may pamagat na “TAX EVASION CASE OF INC IN JAPAN?” na inilathala po natin sa blog na ito noong May 5, 2015. Narito po ang link ng artikulong ito para sa mga hindi pa nakababasa:

http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/tax-evasio-case-sa-japan-sagot-sa-ga.html

Ang artikulong ito ay nagsilbing malaking “sampal” sa mga “Kumakalaban sa Pamamahala” dahil maliwanag po na pinatunayan dito na HINDI KAILANMAN MAAARING MAGKAROON NG TAX EVASION CASE ANG IGLESIA NI CRISTO SAPAGKAT MAY TAX EXEMPTED STATUS ANG MGA RELIHIYON SA JAPAN. Kaya nga po ang tanong na ating ibinigay sa kanila ay:

“Papaano magkakaroon ng tax evasion case ang exempted sa pagbabayad ng tax?”

Dahil sa hindi maitatangging katotohanan na tax exempted ang mga relihiyon sa Japan kaya lumalabas po na isang kamalian ang mga ipinahayag niyang “hindi (raw) nagbabayad ng “taxation duties” ang INC sa Japan, na may utang ang INC sa pamahalaan ng Japan, at na may kinakaharap na kasong tax evasion ang INC sa Japan. Dahil din po dito, ang sinasabi niyang “confidential repot na ginawa ng isang Japanese na pangulong diakuno sa Japan” ay lumalabas na isang fabrication lamang.


Itinanggi Niya sa Kaniyang Pagsagot sa Message ng mga Kapatid sa Kaniya na may tax exemption ang mga relihiyon sa Japan

Dahil sa hindi maitatangging katotohanang ito, marami ang nag-message na mga kapatid at nagtanong sa kaniya ukol sa bagay na ito. Ganito po ang naging pag-uusap nila na ipinadala sa atin ng isang kapatid:

“Magandang araw po. Ang account na ito ay hindi po bogus. Wala pong dahilan para magtago ako sa likod ng isang dummy account. Nabasa ko po ang sagot nyo sa tungkol sa rebelasyon ni Antonio Ebanghelista tungkol umano sa Japan tax Evasion case. Nag send po ako ng pm sa kaniya para tanungin ang reaksyon nya tungkol sa sagot po ninyo. Heto po ang sagot nya sa pm.
“Antonio Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan at sa kanilang layunin na itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay ang mga kapatid mismo sa Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko dahil iyon mismo ay kopya ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil sa mahaharap ang INC sa isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc ang mga ito. ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON. Kaya nga po kakarehiatro lang ng inc sa japan bagaman matagal na pong nasa japa ang inc. Kaya ang kailangan po nilang ipakita ay ang mandate ng japanese government ukol sa registration ng inc sa japan. Ang mga bahay sambahan at mga mehiras ng Iglesia ay nakapangalan sa mga japanese nationality na kapatid kaya kapag di ito naayos ng inc ay sila ay magkakaproblema sa gobyerno. Subukan po ninuong magtanong sa mga kapatid dun sa Japan para sila mismo ang makapagsabi ukol sa cover up na ginagawa ngayon ng blog na yan. My function is to expose the corruption. I ask nothing in return, only that the church be returned to it's rightful place as a clean and righteous church. That any and all of thise who blemishes the reputation of the church be acted upon. I do not seek fame nor fortune, i live a simple and basic life as a minister with my family, officiating my functions. I welcome those who answer my expositions and even encourage others to read them because in the end, the reader will be the one to weigh everything. You will not believe me because I says so, you will not believe them because they say so, you will believe what your mind and heart will lead you to believe. SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS, they have the ball to prove whether the evidences I presented, which also came from the brethren concerned, are factual or not. All of us will be answerable to our own actions in this life.” (Emphasis mine)

Maliwanag po ang sinabi ni G. Antonio Ebanghelista dito na “ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON..” Maiwanag din po ang sinabi niya na “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS” para po palabasin na “confident” siya na totoo ang kaniyang sinasabi.


Nagulantang si AE sa Paglabas ng Katotohanan

Pagkatapos na i-send sa amin ng kapatid ang sagot niyang ito ay ganito po ang aming naging sagot:

“THE IGLESIA NI CRISTO
“May 7th, 11:34am

SALAMAT PO KAPATID, Mapapansin ninyo na isa na naman pong pagsisinungaling ang kaniyang sagot na ipinagpipilitan po niya na HINDI tulad sa Pilipinas ay walang tax-exemption ang religion sa Japan. Subalit, wala po siyang naibigay na katunayan. Maliwanag po sa 1951 Religious Corporation Law ng Japan (maaari po ninyo itong i-search sa internet at maging ang "religion and taxation sa Japan" at maging sa 2008 Basic Law on Foundation in Japan ay maliwanag po na isinasaad ang provision na tax-exempted ang mga religions sa Japan. Hindi po maaring maging "cover up" ito sapagkat ito po ang katotohanan. Kailanman ang "facts" ay hindi maaaringmaging cover up." Ang cover up po ng kahihiyan na inabot niya ay ang ang pagsasabing "sabi ng mga kapatid sa Japan" HE WIL NOT REFUTE THIS BECAUSE HE CANNOT REFUTE THE FACT. Wala po kasi siyang makukuhang referencia na magsasabing WALANG tax exemption ang mga religions sa Japan at wala rin po siyang makukuhang anumang katibayan na ang Iglesia Ni Cristo ay HINDI nakarehistro bilang relihiyon sa Japan o hndi tayo inire-recognize ng Japanes government na religion. AS LONG AS FACTS REMAIN na tayo po ay isang relihiyon, nakarehistro sa Japan bilang isang relhiyon, at may batas na umiiral sa Japan na tax-exempt ang relihiyon, NANANATLI PO ANG KATOTOHANAN NA FABRICATED O KASINUNGALINGANG GINAWA LAMANG NILA ANG DIUMANO'Y TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN.

Pagkatapos, ang pakiusap po ng kapatid ay kung maaaring i-send niya ang naging pagtugon po nating ito:

“I hope you don't mind po. Ika copy paste ko po ito and then send it to him.”

Ito naman po ang naging tugon namin sa kapatid na ito:

“Opo, para po malaman po natin ang mga kasagutan niya.”

Nang i-send niya ang aming naging tugon sa kaniyang sagot sa kapatid na ito, ito po ang isinend niya na naging tugon daw ni Antonio Ebanghelista:

“Antonio Ebangelista
“Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa Tax Centrr ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will know who is telling the truth. Sent from Messenger”


ANOTHER FABRICATION TO COVER FOR HIS EXPOSED FABRICATION

Natatandaan po ninyo ang sinabi ni Antonio Ebanghelista sa isang kapatid na nakipag-usap sa kaniya through message. Ang sabi niya, ““ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON.” Sinabi rin niya na, “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS.” Ang ang isa pang naging tugon niya ay “Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa Tax Centrr ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will know who is telling the truth.”

Is Antonio Ebanghelista true to his words?

May 7 po ang kanilang pag-uusap ng kapatid na ito at ito po ay sa hapon ng araw na iyon naganap, na ang sinabi niya na HINDI NIYA SASAGUTIN (ang sabi niya, ““SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS.” At “Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag.”) KINABUKASAN (Mayo 8, 2015) ay naglathala po siya sa kaniyang blog ng isang artikulo na ang pamagat ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”

Sa artikulo niyang ito ay may isang ministro ang sumulat daw sa kaniya ukol sa isyung ito [Ang bilis ano po? May 7 ay hindi niya masagot at ang sabi niya ay hindi niya sasagutin, May 8 ay may sumulat daw sa kaniya na isang ministro na “nagbibigay linaw” raw sa isyung ito. Kung ang sulat na ito ng isang “ministro” ay hawak na niya before May 8 dapat ay nabanggit na niya ito sa kaniyang pakikipag-usap sa kapatid na nagtatanong sa kaniya ukol dito. Di po ba obvious may hokos-pokos diyan?]. Ganito po ang naging “introduction ng “mistrong” ito sa kaniyang sulat kay Antonio Ebangelista:

“Magandang araw po kapatid na Antonio. Ako po ay isang Ministro din. Dito po ako nakadestino sa Japan. Nabasa ko po ang inyong isinulat ukol sa Tax Evasion Case ng INC dito sa Japan. Nabasa ko rin po ang inilabas sa isa pang blog ukol sa sagot daw po sa inyong mga pahayag para ito ay pasinungalingan. Pasensya na po kayo kung hindi po ako makapagpapakilala sa inyo sa dahilang mahigpit po ang tagubilin sa amin ng aming Tagapangasiwa dito, maging ng Ka Jun Santos. Noong una ko pong nabasa ang inyong mga posts ay aaminin ko pong nagalit ako at gusto ko po kayong murahin. Subalit ng unti-unti ko pong binasa ang lahat ng mga pahayag ninyo mula ng simula ay naramdaman ko po ang inyong malasakit, na wala po kayong hangaring lumaban o lumapastangan sa Kapatid na Eduardo V. Manalo kundi ang inyong pagnanais na labanan ang katiwalian alang-alang sa Tagapamahalang Pangkalahatan at sa kapakanan ng Iglesia. Ito po ang dahilan kaya ako naglakas ng loob na sumulat na sa inyo upang ipaalam ang katotohanan ukol sa bagay na ito na mariin na pinabubulaanan ng kampo ng Ka Jun Santos sa pamamagitan po ng mga ipinakakalat nila sa internet para di-umano ay pasinungalingan ang inyong mga isiniwalat ukol sa kalagayan ng Iglesia dito sa Japan. Kaya upang makatulong po sa kahit na maliit na paraan ay hayaan nyo po sanang ako na ang sumagot sa mga isyus ukol po sa totoong kalagayan ng INC dito sa Japan:”

Iyon pong source niya nang una na “pangulong diakuno” ay na-promote po nagyon at naging ministro na. Siguro po kung gagawa siyang muli ng sagot sa artikulo nating ito ay baka ma-promote na po ang source niya sa Tagapangasiwa. HINDI PO KAILANGAN ANG EXPERT PA ANG MAGSIYASAT (subalit kung may kilala po kayong professional writer, editor o professor sa literature ay tanungin po ninyo) – OBVIOUS PO na ang style, vocabulary at grammar ng diumano'y sulat ng isang ministro ay katulad na katulad po ng kay Antonio Ebangelista. I-compare po ninyo ang “sulat” na ito sa mismong pahayag ni Antonio Ebanghelista sa ibaba ng sulat na ito at maging sa iba pa niyang sulat ay MAKIKITA PO NINYONG WALANG PAGKAKAIBA, PAREHONG-PAREHO PO.

Ganito po ang sinasabi ng diumano’y “ministrong” ito na mula sa Japan:

“1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan… (Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax Evasio ng INC sa Japan” May 8, 2015)

Kung tinatatanggap ni Antonio Ebanghelista ang pahayag na ito ng diumano’y ministro sa Japan na “Totoo po na walang tax ang religion (sa Japan),” samakatuwid ay inaamin po niyang NAGSISINUNGALING siya sa pahayag niya na ““ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON”:

“Antonio Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan at sa kanilang layunin na itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay ang mga kapatid mismo sa Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko dahil iyon mismo ay kopya ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil sa mahaharap ang INC sa isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc ang mga ito. ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON…” (Emphasis mine)

At kung isang katotohanan na ang may tax exemption sa Japan ang mga relihiyon, kaya hindi po maling sabihin na kasinungaliungan ang mga pahayag ni Antonio Ebanghelista na:

(1) Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na tax evasion case. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”

(2) Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong taxation duties na hindi binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”

(3) Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo sa Japan ng kaniyang “taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang ang Iglesia. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN.”

At dahil sa TINANGGAP na ni Antonio Ebangehlista na may tax-exemption sa Japan, kaya totoo po na isang FABRICATION ang ipinakita niyang diumano’y confidential report na nagsasabing nahaharap ang Iglesia Ni Cristo sa tax evasion case sa Japan dahil sa hindi pagbabayad sa kaniyang “taxation duties”:

“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN…” emphasis mine)

Ang akala po ni Antonio Ebanghelista ay nakakuha siya ng matibay na “sandata” laban po sa ating ibinunyag na isang fabrication lamang ang sinasabi niyang “tax evasion” sa Japan. Ang “sandata” niyang ito ay nag-“backfire” sa kaniya sapagkat lalo nitong pinatutunayan ang aming panig na tax exempted ang Iglesia Ni Cristo sa Japan kaya kasinungalingan ang pagsasabing may utang sa tax ang INC sa Japan at nahaharap daw sa tax evasion case. G. Antonio Ebanghelsta, nananatili po na ang aming tanong ay hindi ninyo nasasagot na: “PAPAANO MAGKAKAROON NG TAX EVASION CASE ANG INC SA JAPAN KUNG TAX EXEMPTED ANG INC SA JAPAN?


“Paglilinaw ba o pagbabago sa isyu?”

Pansinin na ang pinag-uusapan (paksa) sa una niyang artikulo ay gaya nang kaniya mismong isinaad ay:

“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”

Subalit sapagkat nabunyag ang katotohanan na bandang huli ay inamin din ni Antonio Ebanghelista na kami ay tama na exempted ang INC sa pagbabayad ng tax sa Japan. Upang makaiwas sa matinding kahihiyan ay pinalalabas niya na ang sumunod niyang artikulo ay isang “PAGLILINAW.” Ang titulo ng kaniyang sumunod na artikulo ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”

SUBALIT ITO BA AY PAGLILINAW O PAGBABAGO NG PAKSA? Tandaan na kapag “paglilinaw” ay “the same issue” gumawa ka lang ng clarification.” SUBALIT HINDI GANON ANG SUMUNOD NIIYANG ARTIKULO.

Gaya nang ating nakita, ang isyu ay ang Iglesia Ni Cristo (ang organisasyon) ang may utang sa pamahalaan dahil hindi raw binabayaran ng INC ang “taxation duties” (buwis na dapat bayaran) niya sa pamahalaan. Subalit sa kaniyang ikalawang artikulo (May 8, 2015) ay IBA NA ANG PAKSA. Ganito ang kaniyang sinabi:

“1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan. Sa Pipilipas po ay talagang wala kayong mga tax para sa tulong ng ministro,subalit dito sa Japan po ay may hinihinging kaukulang filing para sa mga ministro at workers, dahil ang kategorya nito sa pamahalaan ay ‘sweldo’.” (Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax Evasio ng INC sa Japan” May 8, 2015)

Ang una niyang pinapaksa ay magkakaroon ng tax evasion case ang INC dahil sa hindi pagbabayad g INC (ang organisasyon) sa kaniyang obligasyon o tax na dapat bayaran. Napatunayan kasi na tax exempted po ang INC kaya ISANG KASINUNGALINGAN na sabihing may utang o obligasyon (tax) na dapat bayaran ang INC sa Japan, anupat NAPAHIYA sa bagay na ito ay binago na ang paksa, hindi na ang diumano’y “utang na buwis” ng Iglesia, kundi ang “utang na buwis ng mga ministro” ang kaniyang tinutukoy.

Talagang ang mga ministro sa Japan, tulad din po sa ibang bansa, ay may “buwis” na dapat bayaran sa gobyerno na kanilang kinaroonan. Suubalit, gaya ng sa lahat ng bansa sa buong mundo, ang “income tax” (ang buwis na ikakaltas sa “suweldo” – sapagkat sa ibang bansa ay “suweldo” ang turing sa “tulong” sa mga ministro) ay itinuturing na “personal obligation” o “individual obligation” ng isang tao. Ganito ang isinasaad sa atin na definition ng isal Law Book:

“A tax that governments impose on financial income generated by all entities within their jurisdiction. By law, businesses and individuals must file an income tax return every year to determine whether they owe any taxes or are eligible for a tax refund. Income tax is a key source of funds that the government uses to fund its activities and serve the public.”

Ang “income tax” ay isang “individual obligation” – kaya iyon bang doktor na hindi nagbayad ng kaniyang “income tax” ay pananagutin din ang ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan (ipasasara ang ospital at aalisan ng lisensiya dahil sa doktor na ito)? Iyon bang empleyado sa SM kung hindi nagbayad ng kaniyang “income tax” ay isasara ang SM at aalisin sa kaniyang business corporation status?

Kaya kung tatanggapin po natin ang sinasabi ni Antonio Ebanghelista na “paglilinaw” ay ang tinutukoy pala niya ay hindi “tax obligation ng Iglesia kundi ang “tax obligation” ng mga ministro, bakit ipinangangalandakan niya na:

“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”

“Nilinaw” na nga raw niya sa ikalawang artikulo na ang tinutukoy pala niya ay “income tax” pala ng mga ministro, bakit patuloy pa rin niyang ipinangangalandakan na:

“Ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan ang siyang malalagay sa kahihiyan at mapipinsala kapag ito ay hindi naagapan ng Central.”

Kung anong “pinsala” sa Iglesia sa kabuuan ang tinutukoy niya ay ganito ang sinasabi niya mismo:

“Bilang katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na ng Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo ng utang nakailangang bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.”

Siguro po ay ipagpapatawad po ninyo kung sasabihin kong punong-puno ng kasinungaliangan ang sinasabing ito ni Antonio Ebanghelista. Mayroon daw utang ang Iglesia sa Japan na 40 million yen dahil sa hindi pagbabayad ng buwis, tapos ay sasabihin niya sa ikalawang artikulo na “Ay income tax pala ng ministro ang tinutukoy ko.” Kahit pa sabihing ang 22 ministro sa Japan ang sangkot dito ay hindi aabutin ng 40 million yen na tulad ng sinasabi ni Antonio Ebanghelista.

At bingaw na naman po ang nakuha ni Antonio Ebanghelista na “sagot” kasi po doon ay sinabi rin na “Hindi naman po nai-wawala o na wi-withdraw ang cancellation ng registro sa Japan dahil sila ay maluwag naman.”

HINDI KO NA PO TATALAKAYIN LAHAT ANG NASA IKAWALANG ARTIKULO NIYA DAHIL ALAM KO PO NA NAHAHABAAN NA KAYO SA ARTIKULONG ITO. SUBALIT, SAPAT PO ANG MGA IPINAKITA NATIN DITO NA NAGTATAGPI-AGPI LANG TALAGA NG KASINUNGALINGAN ANG GRUPO NINA ANTONIO EBANGHELISTA UPANG GUMAWA NG ISANG MASAMANG “SCENARIO” PARA PALABASIN NA TALAGANG MAY NAGAGANAP DAW NA “ANOMALYA” AT “MISMANAGEMENT” SA IGLESIA NGAYON.

Sa huli po ang aming iiwanan sa inyo ay ang payo ni Apostol Pablo upang huwag po tayong mawalan ng tiwala sa mga namamahala sa atin:

Roma 16:17-18 MB
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain."



Source:



http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/response-to-paglilinaw-sa-tax-evasion.html?m=1


Tax Evasion Case sa Japan? Sagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala, part 3

Tax Evasion Case of INC in Japan?

SAGOT SA MGA “NAGSASALITA NG MASAMA” LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA PART 3


Patuloy na nagtatago sina Antonio Ebanghelista at ng mga kasama niya sa pagsasabing hindi naman daw sila lumalaban sa Pamamahala ng Iglesia. Subalit, huwag po tayong padadaya, sapagkat ang sinasabi nilang “nay katiwalian sa Iglesia” ay tahasang paglaban sa sinasabi ng Tagapamahalang Pangkahalatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na “Walang katiwalian sa Iglesia.” Kaya, hindi po mali na tawagin sila na “Kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia.”

Upang ipakita na nagkaroon ng malaking pagbabago sa kalagayan ng Iglesia mula sa panahon ni Kapatid na Eraño G. Manalo at sa panahon ni Kapatid na Eduardo V. Manalo ay pinost nila sa Social Media ang bahagi ng teksto ni Ka Erdy na itinuro niya sa pagsamba noong December, 1985 sa Lokal ng Malabon na sinasabi ang ukol sa tagubilin sa kaniya ni Ka Felix na huwag papayag na ang Iglesia ay magkautang. Pinalalabas nila na nalabag ito sa panahon ngayon ng pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo. Kung papaano ay ganito ang sinasabi ng mga “kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia”:

“…Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa napakaling suliranin na kinakaharap ng Iglesia Ni Cristo sa Japan na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang ukol sa taxation duties ng Iglesia ni Cristo sa pamahalaan ng Japan. Ang bagay na ito ay ilang beses ng isinulat ng mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit laging hindi ito binibigyan ng pagpapahalaga. Bilang katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na ng Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo ng utang nakailangang bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.”

Ang nakabasa ng iniulat na ito nina G. Antonio Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama na “kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia” ay totoong nanlumo. Pagnagnakataon nga naman ay “nakakakahiya” ang Iglesia at malaking problema ito. Kaya nga sa unahan ng artikulo ni G. Ebanghelista ay ganito ang kaniyang sinabi ukol dito:

“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”

Dahil sa kinakaharap na malaking suliraning ito ng Iglesia sa Japan, binuntunan ni G. Antonio Ebanghelista ng sisi ang mga ministrong nangangasiwa sa Japan at sa Pananalapi ng Iglesia:

“Kung mapapansin ninyo ay pawang purong kapabayaan sa pananalapi ang isyu kaya napipinsala ang malinis na pangalan ng Iglesia at napapasapanganib ang paglilingkod ng mga kapatid.”

Para ipakita ni G. Antonio Ebanghelista na “TOTOO” ang sinasabi niyang ito ay ganito ang kaniyang idinagdag:

“Itong dokumentong ito ay nakalagay sa isang folder na may nakasulat na STRICTLY CONFIDENTIAL at ipapadala sa Tagapangasiwa ng Japan sa layunin na ito sana ay maaksyunan na. Sa layunin ng mga kapatid na matiyak na hindi ito ma-cover up na naman gaya ng mga nagdaang pangyayari sa layunin na huwag mapasama ang imahe ng Tagapangasiwa. Dahil sa ilang beses na itong ipinagsawalang bahala ng Tagapangasiwa, may ilang mga kapatid ang nagpasyang kunan ito ng larawan at ipinadala sa amin upang maisiwalat natin ang matagal ng nagaganap na problema sa Japan ng dahil sa hindi masinop na pananalapi at pangangasiwa.”

Mayroon daw po na “matibay na pinanghahawakan” sina Antonio Ebanghelista sa kanilang ibinunyag na “malaking problemang” ito ng Iglesia sa Japan, ang kinakaharap na kasong tax evasion. Tsk. Tsk. Tsk. Bilang pagbubunton pa ng sisi sa “kapalpakan” at “katiwalian” ng mga nangangasiwang minsitro ay ganito pa ang kaniyang sinabi:

“Sa halip na pagtakpan pa ang problemang ito at maisapanganib pa ang paglilingkod ng mga kapatid sa Japan na kay tagal na hiniling sa Panginoong Diyos na sila ay malayang makapagsagawa ng paglilingkod sa Ama, ng dahil lang sa kapabayaan at kapangahasan ng ilang mga tiwaling Ministro sa hanay ng Ka Jun Santos, Ka Manny Benedicto at mga kasama pa nila na pilit na binabaluktot ang batas ng dahil sa pansariling pakinabang. Sana, ngayon na ito ay nalalaman na ng lahat ng mga kapatid na sumusubaybay dito, sana naman ay gawan nyo na ng tamang aksyon at hindi ang pagtakpan pa ang problemang ito at ipagwalang bahala uli.”

Pagkatapos nito ay ipinakita na niya ang mga “lawaran” nang sinasabi niyang confidential report. Sa mga nakabasa ng artikulong ito ni Antonio Ebanghelista at nakita pa ang mga pictures nang sinasabi niyang confidential-report ay talagang nanlumo at ang iba pa ay nagalit. Sabi nga ng iba ay, “Talagang malalang-malala na ang katiwalian ngayon sa Iglesia.” Isipin nga naman ninyo ang sinasabing ito ni Antonio Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama – ang Iglesia sa Japan ay malalagay sa malaking kahiiyan, makakasuhan ng tax evasion, naku mababalita ito sa TV sa Japan at baka maging sa ibang bansa pa, samantalang sinasabi natin na tayo ang may pinakamalinis at pinaka-transparent kung pag-uusapan ay pananalapi. Ano ba iyang mga taong iyan na dahil sa kanilang kapabayaan at pagpapauna sa pansariling kapakanan ay ang Iglesia ang mapipinsala! Malaking kahihiyan ito sa Iglesia! Hindi ba nila naisip na ….TEKA, TEKA PO, RELAKS LANG. HUMINGA MUNA NG MALALIM…

Ang totoo ay kahit ako’y nagulumihanan nang mabasa ko ang artikulong ito ni G. Antonio Ebanghelista. Kaya ang ginawa ko po ay nagtungo ako sa library ng CEM kung saan laging naglalagi ang tagapagturong ministro na tanungan ng mga mag-aaral, kahit ng mga manggagawa at ng mga ministro na. Sakto, nakita ko siya sa may Bible section ng CEM library kung saan siya laging nakaupo upang mag-aral at magbasa. Tinanong ko siya –

“Totoo po kaya ang sinasabi ng mga kumakalaban sa Pamamahala na nahaharap sa tax evasion case ang Iglesia sa Japan?” Tumigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin, at ang sabi niya, “Sa Japan? Tax evasion case ng Iglesia sa Japan?” Sagot ko ay “Opo.” Ang sagot niya, ‘IMPOSIBLE!” Pagkatapos ay ngumiti siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Napakamot ako ng ulo at sabi ko sa sarili, “baka sinasabi lang niya iyon dahil hindi niya alam na may sinasabi at ipinakita pa ang mga kumakalaban sa Iglesia na ‘confidential report’ ukol dito.”

Sabi ko sa kaniya, “Sir, may sinasabi po sila at ipinakita na confidential report na mula sa gobyerno ng Japan na sinasabi nga na ang Iglesia raw ay may utang na 40 million yen na tax na hindi nababayaran?”Tumingin siya muli sa akin, “Confiential report?” tanong niya. Ang sagot ko ay “Opo.” Sumagot siya, “TIYAK NA FABRICATED LANG NILA IYON!”

“Sir naman!” Tugon ko sa kaniya. “Baka naman po sinasabi lang ninyo iyan?” Tanong ko pa sa kaniya. Sabi niya sa akin, “Pumunta ka sa general reference section ng library, doon sa malapit sa CR. Hanapin mo at dalhin mo sa akin ang aklat na Handbook of Contemporary Japanese Religions.”

Agad akong tumugon. Nang mahanap ko iyong aklat ay balik ako sa kaniya. Sabi niya, “Buksan mo sa p. 168 at basahin mo sa akin ang unang bahagi.” Binasa ko at ganito ang sinasabi:

“Local as well as national lawmakers and bureaucrats, starving for new forms of revenue, have ecouraged greater public scrutiny of religions, especially their tax-exempt status.” (Handbook of Contemporary Japanese Religions, edited by Inken Prohl, John K. Nelson, p. 168)

Ang sabi niya, “Alam mo maraming referencia kang makukuha na mga aklat at maging sa internet na nagpapatunay na gaya sa Pilipinas at sa Amerika, sa Japan man ay tax-exempted ang mga relihiyon.” Patuloy niyang ipinaliwanag, “Sa postwar constitution ng Japan ay maliwanag na isinasaad ang separation of state and religion. Subalit, noong 1951 ay napagtibay na isang batas sa Japan ang Religious Corporation Law na may provision ukol sa tax-exemption ng mga religions sa Japan, kaya mula pa noong 1951 ay tax exempted na ang mga relllihiyon sa Japan.” Pagkatapos nito ay itinanong niya sa akin, “Papaano magkakaroon ng tax evasion case ang isang tax-exempted?” Sabi ko sa aking sarili, “Oo nga ano!” Dagdag pa niya, “Ituturing ka bang absent kung exempted ka sa klase? Ibabagsak ka ba sa exam kung exempted ka rito?”

“PAPAANO MAGKAKAROON NG TAX EVASION CASE ANG EXEMPTED SA PAGBABAYAD NG TAX?”



Source:

http://www.defaithed.com/2012/05/religions-tax-exempt-status-japan



Sa liwanag ng katotohanang ito na sa Japan ay may tax-exempted status ang mga relihiyon tulad dito sa Pilipinas, kaya lumalabas na FABRICATED LAMANG ANG ISTORYA AT ANG SINASABING CONFIDENTIAL REPORT UKOL SA TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN. Kaya, hindi po isang kamalian na sabihin, na NAGSISINUNGALING LAMANG SA BAGAY NA ITO SINA ANTONIO EBANGHELISTA AT ANG KANIYANG MGA KASAMA. Hindi po pala talagang “ministro” itong si Antonio Ebanghelista na gaya ng kaniyang inaangkin, kundi isang “nobelista.” Kung maliwanag po na nagsisinungaling sila sa bagay na ito, sino po ang ama ng mga sinungaling?

“At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas.” (Lukas 8:12)

Dahil dito, masasabi po ba na “kalooban ng Diyos” at “kinakasangkapan sila ng Diyos” kung ang basehan naman ng kanilang pagbatikos ay kasinungalingan?

Mga kapatid, patuloy nating idalangin sa Panginoong Diyos na huwag maghari ang “kasinungalingan” (na may “katiwalian daw ngayon sa Iglesia”), bagkus ay manindigan po tayo sa kaotohanan (ang sinasabi ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ng Kapatid na Eduardo V. Manalo na “Walang katiwalian sa Iglesia). Idalangin din natin sa Diyos na ang mga “Kumakalaban sa Pamamahala” at ang mga “naaaakit” nila na huwag sanang tuluyang malamon ng kasinungalingan, bagkus ay makabalik sila sa katotohanan sapagkat kung tuluyan silang madadaya ng kasinungalingan ay tiyak na sila’y malulugmok sa kapahamakan:

“Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan.” (II Tesalonica 2:11-12 MB)

HUWAG TAYONG PADADAYA bagkus ay MANATILI TAYO SA PAKIKISAMA SA PAMAMAHALA NG IGLESIA sapagkat ang may pakikisama sa Pamamahala ang may pakikisama sa Diyos at kay Cristo :

“Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo.” (I Juan 1:3)

Kaya, kanino po tayo makikisama, sa mga nagsasabing “may katiwalian daw ngayon sa Iglesia” o sa Kapatid na Eduardo V. Manalo na nagsasabing “Walang katiwalian sa Iglesia”?

Marami pa po kaming ibubunyag na mga kamalian at kasinungalingan ng mga “Kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia.” Abangan!


PRISTINE TRUTH

Source:

http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/tax-evasio-case-sa-japan-sagot-sa-ga.html?m=1

Sagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala: Ukol sa Coffee Table Books

“The Story of the Coffee Table Book”?

SAGOT SA MGA “NAGSASALITA NG MASAMA” LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA:

“MAY KATIWALIAN NGA BA SA COFFEE TABLE BOOKS?”



Ukol sa pagsisiwalat ng katotohanan, ang sabi ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo:

“…Kung hahalungkatin ninyo – Hindi ugali sa akin na ang mali ng isang tao ay ibunyag ko. Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako noon. Hindi ko ugali iyan. Ibinubunyag ko ito (ang maling aral o itiinuro) sa kapakanan ng kaluluwa ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos – ipangaral mo ang Ebanghelyo…Ito ang aking ginagawa. PERO HALUKAYIN KO PA ANG ISANG TAONG NAGKAMALI AT SIYANG AKING IPANGARAL…IYAN AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO, NANG ISANG MABUTING TAO.” (Manalo, Felix Y., “Kung Nasaan Ngayon ang mga Patay,” Recorded Sermon, Amin ang pagbibigay-diin)

Hindi ang ibig sabihin nito ay ipagwawalang-kibo na natin ang “mali” na ginagawa ng isang tao, kundi may tamang proseso para rito. Ang maling “proseso” na binabanggit ng Sugo na ayaw niya niyan ay ang halungkatin ang “mali” ng iba at siyang ipagsigawan sa mga tao. Ang isa sa tinutukoy niya na “mali” ay ang ugaling “maghanap ng butas,” “mapanilip sa mali ng iba,” o ipinipilit na pasamain ang isang tao sa pagsisigawan ng kaniyang diumano’y “kamalian” subalit hindi naman pala kayang patunayan, kaya lumalabas na naninira lamang.

Nagtatago sina “Antonio Ebanghelista” at ang kaniyang mga kasama sa pagsasabing “mahal na mahal daw nila ang Ka Eduardo, kaya hidi raw sila lumalaban sa Pamamahala, kundi doon lamang sa katiwalian na namamayani sa Iglesia.” Subalit, hindi po ba’t ilang beses nang sinabi ng Tagapamahalang Pangkalahatan na “WALANG KATIWALIAN O CORRUPTION SA IGLESIA”? Kaya, ang patuloy nilang pagsisigawan na mayroon daw katiwalian o corruption sa Iglesia ay hayag na PAGLABAN sa Pamamahala ng Iglesia. Kaya, masasabing isang “PAGTATAGO” lamang ang pagsasabing hindi raw ang Pamamahala ang kanilang kalaban, sapagkat alam nilang hindi sila papansinin ng mga kapatid kung tuwiran nilang sasabihin na sila’y lumalaban sa Pamamahala. Hindi ba’t ito ay isang uri ng pandaraya?

Isa-isa nating siyasatin ang mga sinasabi nilang “katibayan” daw na “may katiwalian” sa Iglesia (na maliwanag naman na tuwirang paglaban sa sinasabi ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na “walang katiwalian sa Iglesia”).

Isa sa sinasabing “katunayan” daw ng “katiwalian” at may paglabag daw sa tuntunin ng Iglesia lalo na ang tuntunin sa Pananalapi ay ang sinasabing “pagbebenta” ng coffee table book ng kasaysayan ni Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Eraño G. Manalo. Alamin natin ang kanilang akusasyon ukol dito at isa-isa nating sagutin:

(1) Ipinipilit nilang sapilitan daw sa mga ministro at manggagawa ang pagbili ng coffe table book:

“Ang Coffee Table Book (FYM + EGM) ay inilunsad ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. “sa atas daw ng Tagapamahalang Pangkalahatan” upang pakinabangan ng lahat ng mga kapatid na malaman ang kasaysayan ng mga unang namahala sa Iglesia. Ito ay kaniyang unang ipinakita noong nagdaang Video Conferencing ng lahat ng mga Ministro at Manggagawa at itinatagubilin na dapat ang lahat ng Lokal ay magkaroon ng File nito na kukunin sa pondo ng Lokal. Dapat ang lahat ng mga Ministro at Manggagawa at estudyante ay magkaroon din nito. Dapat lahat ng mga Maytungkulin ay magkaroon din nito. HINDI NAMAN DAW MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY MAGKAROON NITO. Ang halaga po ng isang aklat ay Php 1,500 kaya ang dalawang aklat ay nagkakahalaga ng 3,000 dito sa Pilipinas subalit mas mahal pa sa abroad dahil $50 ang isa. Hindi ito maaaring bilhin ng pa-isa-isa, kailangan ay magkasama ang dalawa o isang pares lagi. Automatic bawat tulong ito linggo-linggo hanggang sa mabuo ang Php 3,000. Sa Lokal ay sisimulan na rin itong ibenta subalit sa Pamamagitan ng “Tanging Handugan”. Ipapaliwanag ko sa inyo kung paanong nililinlang nila ang Iglesia sa pamamaraang naisip na ito ng Ka Jun.”

Sapilitan nga ba sa mga ministro at manggagawa ang pagbili ng coffee table book ukol sa kasaysayan ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Eraño G. Manalo?

Dito ay nakapagtataka na inaangkin ng bumabatikos na ito na siya ay isang ministro, subalit sasanihin niyang “sapilitan” ang pagbili ng coffee table book. Bakit po? Alam na alam ng lahat ng mga kapatid lalo na ng mga kamag-anak at malalapit sa mga manggagawa na ang isa sa mga itinuturing ng mga ministro at manggagawa na “malaking kayamanan” ay ang kaniyang mga aklat. Isang kultura at kalakaran sa mga ministro at manggagawa ang lubhang pagpapahalaga sa pagbili, pagkolekta at pag-iingat ng mga aklat referencia at iba’t ibang salin ng Biblia. Ganito rin ang pagpapahalaga ng mga ministro at manggagawa sa mga leksiyon, PASUGO at mga lathalain ng Iglesia.

Mayroon ngang mga estudiante pa lamang ay tinitipid na ng husto ang kaniya allowance para lamang makabili ng mga aklat referencia at iba’t ibang salin ng Biblia. Kasama talaga sa itinatabi o sa budget ng mga manggagawa at ministro ang ukol sa gugulin sa pagbili ng mga aklat referencia at iba’t ibang salin ng Biblia. Natuto ang mga ministro at manggagawa sa itinuro ni Kapatid na Eraño G. Manalo na “Ang isa sa pinaka-kayamanan ng ministro ay ang kaniyang mga aklat.”

Kung ganito ang pagpapahalaga ng mga ministro at manggagawa sa pag-iipon sa mga aklat referencia, hindi ba’t lalo nang higit na malaki ang pagpapahalaga ng mga ministro at manggagawa sa mga aklat na may kinalaman sa Ka FYM at Ka EGM? Kaya ang lahat ng tunay na ministro ay hindi pinipilit sa pagbili ngcoffee table book ukol sa Ka FYM at Ka EGM sapagkat sila mismo ang may malaking pagpapahalaga ukol dito! Walang tunay na kapatid ang tututol sa pagsasabing tiyak na malulungkot pa nga ang isang tunay na ministro kapag hindi siya nagkaroon ng sipi ng mga aklat na ito. Alam kasi ng mga tunay na ministro na hindi lamang ito isang mahalagang koleksiyon, kundi magagamit sa pagtuturo ukol kay Ka FYM at Ka EGM sa mga anak at apo, at sa mga kapatid sa pananampalataya.

Nagpapasalamat nga ang mga ministro at manggagawa sa Pamamahala dahil “bawas tulong” ito sapagkat mabigat kung babayaran ng buo sa isang pagkakataon. Sa paraang ito ay nagkaroon ang mga ministro at manggagawa ng NAPAKAHALAGANG aklat na ito sa NAPAKAGAANG paraan.

Nakapagtataka po na nag-aangkin siya (na kumakalaban sa Pamamahala na ayaw lang tuwirang aminin) na siya’y ministro na naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan, subalit itinuturing niya itong sapilitan at minamasama niya ang magaang paraan ng pagbabayad nito?


(2) Ipinipilit nilang sapilitan daw sa mga kapatid ang pagbili ng coffe table book:

Ukol dito ay ganito ang kanilang akusasyon:

“Nararamdaman na ito ng Tagapangasiwa, Ministro at Manggagawang, maytungkulin at mga Kapatid na nananatiling tapat sa Diyos. Ramdam natin kung gaano kapangahas na ang Ka Jun Santos para haluan ng pagnenegosyo ang banal na Pagsamba at Handugan. Kung paanong ginagamit pa nya ang banal na kasaysayan ng Sugo at Ka Erdy para pagkakitaan ang libro ukol sa kanila at IPIPILIT ITONG IBENTA SA MGA KAPATID.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Sapilitan nga ba o ipinipilit sa mga kapatid ang pagbenta ng coffee table book? Tunghayan ninyo ang mismong sinasabi nila:

“…HINDI NAMAN DAW MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY MAGKAROON NITO…”

Sila mismo ang nag-highlight nito. Ang mga salitang ito na “HINDI NAMAN MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY MAGKAROON NITO” ay nangangahulugan bang sapilitan o pinipilit ang lahat na bumili? Alam nating HINDI.

Kapansin-pansin na para PALABASIN na “sapilitan” ang pagbili ng coffee table book ay may isinama silang “kopya” ng talaan ng mga kinuhang sipi sa bawat lokal sa Japan. Subalit, kung mag-iisip lamang na mabuti, ito mismo ang katunayan na hindi ITO SAPILITAN! Pansinin ninyo:

“MINISTRO 22…
“AYABE KYOTO 2…
“CHIBA 15…
“FUKUI-KEN 3…
“FUKUOKA-SHI 3…
“GIFO 10…

Hndi na natin itinuloy dahil sa hahaba tayo, ngunit mapapansin natin na kung “sapilitan o ipinipilit sa LAHAT” ay lalabas na dalawa (2) lang ang mga kapatid sa Lokal ng Ayabe Kyoto? Tatlo lang ba ang mga kapatid sa Fukui-Ken at Kukuoka-Shi? At kahit labin-lima ang nakatala sa Chiba, subalit iyon nga lang ba ang bilang ng mga kapatid dito? Sampu lang ba ang mga kapatid sa Gifo? Bagamat sa Tokyo ay 50 copies, subalit maniniwala ba kayo na gayon lang ang bilang ng mga kapatid dito o kalahati ito ng bilang ng mga kapatid doon? Ang totoo ay nakararami sa mga lokal ay mababa sa pito (7) ang kinuhang sipi, at anim na lokal ang isa lang ang kinuhang sipi! Hindi ba’t pinatutunayan lamang nito na KUSA at hindi sapilitan ang pagkuha ng sipi ng coffee table book? Dahil dito ay nagppasalamat ako sa inyo (Antonio Ebanghelista at mga kasama) sapagkat kayo pa ang nag-provide sa amin ng ebidencia na hindi nga ito sapilitan!


(3) Hinaluan daw ng negosyo ang banal na pagsamba at Handugan:

Inaangkin ng mga “Kumakalaban sa Pamamahala” na ang “coffee table book” daw ay “negosyo” kaya hinaluan daw ng negosyo ang banal na pagsamba at Handugan:

Nararamdaman na ito ng Tagapangasiwa, Ministro at Manggagawang, maytungkulin at mga Kapatid na nananatiling tapat sa Diyos. Ramdam natin kung gaano kapangahas na ang Ka Jun Santos para HALUAN NG PAGNENEGOSYO ANG BANAL NA PAGSAMBA AT HANDUGAN. Kung paanong ginagamit pa nya ang banal na kasaysayan ng Sugo at Ka Erdy para pagkakitaan ang libro ukol sa kanila at ipipilit itong ibenta sa mga kapatid.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Dalawa ang ating sasagutin dito: (a) tunay bang hinahaluan ng negosyo ang pagsamba; at (b) negosyo ba ang coffee table book.

Totoo bang hinahaluaan ng negosyo ang pagsamba dahil sa coffee table book?

Aba, kung magkagayon ay lalabas na sa panahon pa ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay “hinahaluan ng negosyo” ang pagsamba! Tandaan na sa panahon ni Kapatid na Eraño G. Manalo, siya mismo ang nagpasiya, na ang PASUGO, HIMNARIO, at birth certificate ay sa panahon na may pagsamba ito “binabayaran.” Alam natin na HINDI ito paghahalo ng negosyo sa pagsamba sapagkat ang mga ito ay HINDI NEGOSYO.

Negosyo ba ang coffee table book?

Pagsinabing “negosyo” ay “kinokomersiyo.” Hindi kailanman “kinomersiyo” ang coffee table books na ito – hindi ito ipinagbibili kung kani-kanino at kung saan-saan. Bakit ginugugulan? Hindi sapagkat ginugugulan ay komersiyo o negosyo na, kung magkagayon ay papaano ang PASUGO, Himanario, birth-certificate? Ang “gugol” dito ay para “to compensate” sa naging gugol sa paggawa nito. Tandaan na ang negosyo ay hindi sapagkat “ginugulan” kundi may “pagpapatubo” o “profit income.” Kaya gumugol man subalit hindi naman sa layunin magpatubo kundi “to compensate” sa naging gugol sa paggawa, ay hindi maituturing na negosyo.

Siguro ang itatanong nila ay “kung hindi negosyo at hindi nagpapatubo bakit P1,500 ang halaga ng coffe table book na ito?” Nakapagtataka na nag-aangkin na siya’y ministro ngunit mukhang hindi siya nakabili ni minsan ng isang aklat o kahit isang salin ng Biblia? Ang karaniwang textbook ngayon ng isang nag-aaral sa elementary ay nasa P400-500 na. Ang Dating salin ay nagkakahalaga ng P600-700 na. Eh ang isang “coffee table book”? Kung halagang P1,500 at mas mababa pa ay higit na manipis at maliit kaysa sa coffee table book ni Ka FYM at Ka EGM, subalit kung kasukat (ka-level ika nga) sa quality at size, ganito ang halimbawa:

National Geographic Simply Beautiful Photographs, price 27.50 pounds (P2,000+)
Visions of Earth, price 25.00 pinds (P1,800+)
Celebrity Pets by Edward Quinn (teNeues), $75.00 (P3,000+)
(see Amzon books)

Kaya, HINDI NEGOSYO ang “coffee table books” na ito.


(4) May “anomalya raw ukol sa “paraan ng pagbabayad” sa coffee table books

Ukol sa “paraan ng pagbabayad” sa coffee table books ay ganito ang kanilang akusasyon:

“…Sa Lokal ay sisimulan na rin itong ibenta subalit sa Pamamagitan ng “Tanging Handugan”. IPAPALIWANAG KO SA INYO KUNG PAANONG NILILINLANG NILA ANG IGLESIA SA PAMAMARAANG NAISIP NA ITO ng Ka Jun.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Kaya nila sinabing may panlilinlang sa “paraan ng pagbabayad” dahil AYON SA KANILA ay ganito raw ang “paraan ng pagbabayad sa lokal”:

(1) Pababayaran nila ito sa mga kapatid na ito daw ay nakasobre na pang-Tanging Handugan at ihuhulog din sa Tanging Handugan Box na parang karaniwang Tanging Handugan. (2) Ang sobre nila ay lalagyan nila ng salitang “COFFEE TABLE BOOK”(3) Pagkatapos pagdating ng bilangan, ihihiwalay ang mga sobreng ito at “ibubukod ng pagbibilang” at HINDI isasama sa talaan ng P-13 (Talaan para sa Tanging Handugan). (4) Magkakaroon ng bukod na P-13 form na pagtatalaan ng mga Tanging Handugang ito SUBALIT HINDI ITO ISASAMA sa iba pang P-13 Form AT HINDI RIN ISASAMA SA OPISYAL NA RESUMEN NG P-13 FORM, gagawa na lamang ng sariling talaan ang Lokal para sa denomination at resument para dito. (5) Ang perang malilikom na ito ay HINDI ISASAMA SA OPISYAL NA RESIBO NG P-1 o yung tinatawag na RESIBO OPISYAL SA PAGSAMBA na opisyal na pinagtatalaan ng lahat ng salaping nagugugol sa panahon ng pagsamba. (6) HINDI RIN ITO ISASAMA SA SOBRE NG IE-ENTREGO sa Tanggapan ng Central. Ito ay bukod na bibilangin at BUKOD NA SOBRE na ipapadala sa Tanggapan ng Ka Jun Santos.”

Iginigiit nila na ang “bayad” sa coffee table books ay sa Tanging Handugan ihuhulog, ngunit hindi isasama sa P-13, hindi isasama sa opisyal na resibo, kundi nakabukod na sobre at ipadadala sa tanggapan ni Ka Jun Santos.

Kaninang umaga (May 3, 2015), binanggit ko sa mga maytungkulin sa Pananalapi habang “nagbibilang” ang sinasabing ito ng grupo nila Antonio Ebanghelista na “paraan daw ng pagbabayad sa coffee table books na “ang “bayad” sa coffee table books ay sa Tanging Handugan ihuhulog, ngunit hindi isasama sa P-13, hindi isasama sa opisyal na resibo, kundi nakabukod na sobre at ipadadala sa tanggapan ni Ka Jun Santos.” Ano ang kanilang naging reaksiyon? GALIT NA GALIT. Ang sabi ng Ingat-Yaman ng lokal, “Napakasinungaling ng mga taong iyan.”

Tinanong ko kung bakit? Ang sagot nila ay ito:

Bakit inihulog sa Tanging Handugan? “Ganon po talaga ang kalakaran kapag hindi naka-indicate sa resibo opisyal, inihuhulog sa Tanging Handugan na nasa sobre ang pangalan at kaukulan. Ito po ay sa gayon ay tiyak na walang likuman na nangyari kundi kusa na sila mismo ang naghulog.”

Hindi raw po itinala sa P-13 form? “Talagang hindi po isasama dahil ang P-13 ay pondo ng lokal o pondo ng distrito. Ang gugol sa coffee table books ay hindi gayon. Kaya bakit doon itatala? Mali nga na doon itala.”

Bakit po hindi itinala sa Rcibo Opisyal bagkus ay ipinadala ng direkta sa tanggapan ni Ka Jun Santos? “Sinungaling siya!” Sabi ng Ingat-yaman. “Tayo ang may pinakamalinis at pinaka-tansparent pag ang pinag-uusapan ay pananalapi.” Dagdag pa ng ingat-yaman na napag-alaman ko na isa palang nagtatrabaho sa bangko. Ipinakita niya ang Resibo Opisyal at ang sabi niya, “Iyan po maliwanag na nakatala sa Resibo Opisyal sa bahaging “refund” na naka-indicate pa na ‘coffee table books.’ At hindi lang po iyan, nakatala pa iyan dito sa Refund slip, na nakasulat ang halaga, petsa ipinasok sa Resibo Opisyal at ang serial number ng resibo opisyal.”

Pagkatapos nito ay sama-sama na sinabi ng mga maytungulin sa pananalapi na naroon na “Wala lang alam sa tuntunin sa pananalapi” ang madadaya niya at mapapaniwala sa kasinungalingang iyan.” Dagdag ng auditor ng lokal, “Alam ninyo, hindi iyan tunay na ministro dahil kung ministro iyan ay alam niyang pumasok iyan sa resibo opisyal dahil isa siya sa lumalagda sa resibo opisyal.”

Buong pagkakaisa silang sumang-ayon na walang nalabag na tuntunin at pinatunayan nilang walang bagong bagay sa ginawang iyan dahil iyan din daw talaga ang tuntunin. Dagdag pa nila na lahat ng maytungkulin sa pananalapi ay makapagpapatotoo na WALANG TUNTUNIN SA PANANALAPI ANG NALABAG.

Pagkatapos nito ay nakadama ako ng awa sa mga “Kumakalaban sa Pamamahala.” Natakpan na ang kanilang mga mata sa katotohanan kaya ang ginagawa na lamang nila ay naghalukay ng maghalukay ng “mali” para ma-justify ang kanilang “tisod” laban sa Pamamahala. Muli ay naalala ko ang sinabi ng Sugo:

“…Kung hahalungkatin ninyo – Hindi ugali sa akin na ang mali ng isang tao ay ibunyag ko. Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako noon. Hindi ko ugali iyan. Ibinubunyag ko ito (ang maling aral o itiinuro) sa kapakanan ng kaluluwa ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos – ipangaral mo ang Ebanghelyo…Ito ang aking ginagawa. PERO HALUKAYIN KO PA ANG ISANG TAONG NAGKAMALI AT SIYANG AKING IPANGARAL…IYAN AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO, NANG ISANG MABUTING TAO.” (Manalo, Felix Y., “Kung Nasaan Ngayon ang mga Patay,” Recorded Sermon, Amin ang pagbibigay-diin)

Mga kapatid, yamang tayo po ang nasa kahalalan pa kaya tayo ang may karapatang lumapit sa Ama, magkaisa po tayong idalangin sa Ama na sana’y muli nilang makita ang katotohanan at maalis na ang “tisod” sa kanilang mga puso na siyang dahilan kaya halukay sila ng halukay ng “mali” at para sa kanila ay pawang mali” na ang lahat kahit ito pala ang tama. Sana ay kaawaan ng Diyos na makapagbalik-loob sila.

PRISTINE TRUTH


Source:


http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/05/sagot-sa-mga-kumakalaban-sa-pamamahala.html?m=1




Isang Bukas na Liham sa Mga Nagsasalita Laban sa Pamamahala



ISANG BUKAS NA LIHAM SA MGA “NAGSASALITA NG MASAMA” LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA

part I


Kay G. Antonio Ebanghelista at mga kasama


Ginawa ko ang sulat na ito mula sa aking sariling pagsisikap lamang at walang sinumang nag-atas sa akin. Natawagan lamang ako ng pansin na maaaring “makapandaya” sa iba ang inyong mga sinasabi.

Inaangkin mo na ikaw ay isang ministro ng Ebanghelyo na naglilingkod sa Tanggapan Pangkalahatan, subalit ang napansin ko na ang paghusga mo sa Pamamahala ng Iglesia ay hindi sa PANANAW ng isang ministro. Kapansin-pansin kasi ang kawalan mo ng kabatiran sa tuntuning na nakabakod sa mga ministro ng Ebanghelyo. Nais ko sanang ipabatid sa iyo, sa mga kasamahan mo at sa ibang mga tao, na kung may tuntunin na nakabakod sa buong Iglesia, may tuntunin din na nakabakod sa mga ministro na tinatawag na “ministerial” (ang “code of ethics” ng mga ministro). Ang “ministerial” ay itinuro ni Kapatid na Felix Y. Manalo mula pa noong una (noon pang 1915 nang itatag niya ang unang paaralang ministerial), na itinaguyod na lubos ni Kapatid na Eraño G. Manalo, at patuloy na itinataguyod ng kasalukuyang namamahala sa Iglesia, ni Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Bakit ko binanggit ito? Sapagkat ang “pangyayari” na dahil dito’y hinuhusgahan ninyo ang Ka Eduardo ay hindi naman usapin lamang ng magkakapatid sa laman, hindi lamang usapin ng magkakapatid sa pananampalataya, kundi usaping “ministerial” sapagkat ang kaniyang “mga kapatid” ay kapuwa mga ministro rin ng Ebanghelyo. Samakatuwid, dapat na unawain at tanawin natin ang mga pangyayari sa “mga magkakapatid” sa pananaw ng mga ministro, na bigyan din natin ng pagsasaalang-alang ang “ministerial.” Sa ikauunawa ninyong lubos na mga nagbabasa ng sulat na ito sa sinasabi ko, pansinin muna ninyo ang sumusunod:

“May isang Tagapangasiwa ng Distrito na sa isang lokal na kaniyang pinangangasiwaan ay naroon ang kaniyang mga kamag-anak. Ang kaniyang dalawang kapatid ay kapuwa kabilang sa mga pamunuan sa kanilang lokal (mga pangulong diakuno), subalit hindi dumadalo ng mga pulong at hindi na tumutupad sa pagsamba. Sa ilang panahon ng pagkausap sa kanila ng mga kapuwa pamunuan at ng distinado ay hindi pa rin sila tumutupad. Dahil dito ay iniulat na sila ng distinado at ng pamunuan ng lokal sa Tagapangasiwa ng Distrito (na kanila pa namang kapatid sa laman). Dalawang bagay ang maaaring mangyari dito:

(1) Sasabihin ng Tagapangasiwa na ‘huwag ninyong disiplinahin o ibaba sa tungkulin ang dalawang ito, kundi hayaan na lang ninyo sila sa gusto nilang gawin.’ Kung magkagayon ay matutuwa at hindi sasama ang loob sa Tagapangasiwa ng kaniyang mga kamag-anak, subalit ang totoo ay hindi ito makatarungan, hindi ito makatuwiran. Maaaring sabihin pa ng iba na “Dahil sa mga kapaid niya sila sa laman ay hindi na didisiplinahin at ibaba sa tungkulin? Kung iba iyan ay tiyak na mababa sila sa tungkulin dahil sa kapabayaan.”

(2) Sasabihin ng Tagapangasiwa na “Disiplinahin ninyo ang mga iyan. Kahit mga kapatid ko sila ay dapat na ipataw natin sa kanila ang isinasaad ng tuntunin.” Kaya, malamang na sasama ang loob ng kaniyang mga kapatid at mga kamag-anak, subalit sa pananaw ng mga kapatid (at maging ng Panginoong Diyos) ay natuwid at makatarungan ang Tagapangasiwang ito, na pantay-pantay ang kaniyang pagpapatupad ng disiplina at tuntunin.”

Ibinaba sa tungkulin ng Tagaangasiwa ng Distrito ang dalawa niyang kapatid. Lumipas ang ilang panahon na hindi lumalapit ang dalawa niyang kapatid at hidi nagbabalik sa karapatan. Ayaw pa nga nilang magsalaysay para sa pagbabalik. Kaya lumapit sa Tagapangasiwa ang kaniyang ina upang hilingin na mabalik ang kaniyang mga kapatid sa karapatan kahit hindi sila lumalapit at nagbabalik. Dalawang bagay din ang maaaring mangyari dito:

(1) Pagbibigyan niya ang kaniyang ina na ibabaik sa karapatan ang kaniyang dalawang kapatid kahit na dumaan sa tamang proseso ng pagbabalik o hindi na isasaalang-alang ang tuntunin. Kung magkagayon ay matutuwa ang kaniyang ina at mga kamag-anak.

(2) Hindi niya pagbibigayn ang kaniyang ina na ipinaliliwanag na kailangang dumaan sa tamang proseso o masunod ang tuntunin. Kung magkagayon ay magdaramdam ang kaniyang ina, lalong magagalit ang kaniyang mga kamag-anak dahil sarili na niyang ina ay hindi niya pinagbigyan. Subalit sa mata ng Diyos ay ito ang narapat at tamang pamamahala sa kaniyang bayan.

Lumipas ang panahon, subalit ayaw pa ring magbalik ng kaniyang mga kapatid o hindi pa rin lumalapit. Nag-utos siya sa mga kasamahan niyang ministro na payuhan ang kaniyang mga kapatid na magbalik, subalit sa halip na magbalik ay umalis ang kaniyang mga kapatid at hindi nagpapakita. Kaya nagtangka muli ang kaniyang ina na siya ay kausapin. Subalit, alam ng Tagapangasiwa na hindi niya mapagbibigyan ang kaniyang ina, kaya muli lang niya itong makikitang magdaramdam. Bilang anak ay masakit sa kaniya na makita ang ina na lumuluha at nagdaramdam, subalit ano ang kaniyang magagawa sapagkat kailangan niyang tuparin ang kalooban ng Diyos. Dahil masakit sa kaniya na makitang nagdaramdam ang kaniyang ina, kaya mula noon ay iniwasan niya ito, at hinintay na lamang niya ang kaniyang mga kapatid na magbalik sa karapatan. Gumagawa naman siya ng paraan upang sila’y mahikayat na magbalik.

Ang tanong: Ang pag-iwas bang ito ng Tagapangasiwa sa kaniyang ina ay tamang husgahan siya na hindi niya mahal at iginagalang ang kaniyang ina? Ang Tagapangasiwa ba ang may “diperensiya” kaya hindi nababalik ang kaniyang mga kapatid kaya patuloy na nagdaramdam ang kaniyang ina? Siya ba ang dapat na sisihin? Sa isang may matinong kaisipan ay alam niyang tama at matuwid lamang ang ginagawa ng Tagapangasiwang ito.

Balikan natin ngayon ang “minamasama” ninyo sa Namamahala sa Iglesia. Hindi ba’t ikaw na rin ang may sabi na: “Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na natin nakikitang nangangasiwa ng Pagsamba sina Ka Marc at Ka Angel, ito po ay dahil sa sila ay tumigil na sa pagdalo sa klase ng mga Ministro at Manggagawa dahil sa pagkatapos ng maraming taon ay hindi na nila masikmura ang ginagawang panggigipit at paglapastangan sa kanila ng mga Tagapangasiwa at ng mga Ministro na nasa Sanggunian. Ito ay nagingusapin sa hanay ng mga Ministro at Manggagawa dahil sa maramingkumalat na balita na wala na daw karapatan sina Ka Marc at Ka Angel.”

Dito ako nagtataka sa iyo G. Antonio Ebanghelista. Ang sabi mo ay “ministro” ka subalit hindi mo alam ang tuntunin sa mga ministro at manggagawa? Kung ikaw nga ay isang “ministro,” maliit na bagay ba sa isang ministro ang hindi dumalo sa klase at hindi mangasiwa ng pgsamba? Lumalabas na hindi mo alam ang “ministerial”! Kung maliit na bagay lamang ang hindi pagdalo sa klase at ang hindi pangangasiwa ng pagsamba, bakit may mga ministro na ibinubuwis ang kanilang buhay para lamang sa pangangasiwa ng pagsamba? Saksi ang lahat ng mga ministro at manggagawa, ang isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ng isang ministro ay ang pabayaan ang pangangasiwa ng pagsamba!

Kung sa isang pamunuan diakuno, mang-aawit at iba pang maytungkulin, kapag hindi sila tumututupad sa mahabang panahon ay hindi ba’t tiyak na sila’y didisiplinahin?

Lumalabas na baliktad ang inyong kaisipan! Minasama ninyo ang “pagdisiplina” ni Ka Eduardo sa kaniyang mga kapatid sa laman, samantalang hindi ba’t isa ngang kahanga-hanga at nagpapakita ng kagitingan ang ginawa niya na ipinataw niya ang disiplina at tuntunin sa kanila bagamat sila’y kaniyang mga kapatid sa laman?

Alin ba para sa inyo ang “masama” – ang huwag disiplinahin dahil sa kapatid mo sa laman, o ang disiplinahin mo kahit pa kapatid mo sa laman?

Kaya nga lalong humanga kay Kapatid na Eduardo V. Manalo ang lahat ng mga ministro at mga kapatid sa Iglesia nang malaman nila ang kagitingang ito na kaniyang ginawa, na ipinataw niya ang disiplina at tuntunin kahit pa sa kaniyang mga kapatid sa laman. Ang may baliktad lang na kaisipan ang “mamasamain” ito sa halip na hangaan.

Tinatanong ninyo kung bakit hindi nakikipagkomunikasyon ngayon si Ka Eduardo sa kaniyang ina? UNA, mali na sabihin na “limang taon” na niyang hindi kinakausap ang kaniyang ina (noong unang anibesaryo ng pagpanaw ni Ka Erdy ay nakita pang magkasama sila; at noong Pamamahayag noon sa Grandstand nang 2012 ay naroon si Ka Angel na katunayan na “maganda” pa noon ang kanilang samahan, kaya nagsimula lang talaga ang pagputol ng kanilang komunikasyon noong nagkaroon ng “suliranin sa magkakapatid na binabanggit sa unahan, humigit-kumulang ay noong 2013 lamang). IKALAWA, maling-mali rin na dahil dito ay pinaparatangan ninyo si Ka Eduardo na lumalabag sa kautusan ng Diyos.

Dahil sa pagputol ng kanilang komunikasyon ay pinaparatangan ninyo si Ka Eduardo na nilabag ang kaustusan ng Diyos na ang inyong sinasabing utos ay ang “igalang at ibigin ang ama’t ina.” Ito ang isa pang ipinagtataka ko sa iyo G. Antonio Ebanghelista. Inaangkin mo na ikaw ay ministro, subalit hindi mo alam ang “ministerial”? Ito ang “ministerial” na itinataguyod mula pa kay Ka Felix, kay Ka Erdy at hanggang ngayon: “Ang ministro ay sa Diyos na at hindi na sa kaniyang pamilya, sa kaniyang mga magulang, o sa kaninuman.”At kitang-kita rin ang kawalan mo ng kaalaman sa tuntunin ukol sa pagbabalik ng isang ministro sa karapatan!

Ang sabi mo ay ministro ka subalit hindi mo alam na ang isang mnistrong nagbabalik sa tungkulin ay dapat na gumawa ng sulat sa Pamamahala na nangangakong hindi na niya uulitin ang nagawa niyang pagkakamali o kapabayaan. Gaya nga nang naipakita na natin sa unahan, isang malaking kasalanan sa isang ministro ang pagpapabaya tulad ng hindi pagdalo sa klase at hindi pangangasiwa ng pagsamba.

Mula pa sa panahon ni Ka Felix at Ka Erdy, hindi kailanman nangyari na ang wala sa karapatan at hindi naman nagbabalik, subalit ang Pamamahala pa ang nagpatawag at pagkatapos ay ibabalik ng gayon na lamang! Ang sabi mo G. Antonio ay ministro ka, subalit bakit hindi mo alam na ang nagbabalik na ministro at manggagawa ay kailangang magseminar ng isang buwan bago siya ibalik? Nais lamang ng Pamamahala na maging pantay sa pagpapatupad ng tuntunin.

Kahit kaw ay alam mo na hndi sila “nagbabalik” kaya nga binanggit mo sa sulat mo na “Naghihintay lang naman daw ang Ka Eduardo na lumapit sa kaniya ang kaniyang mga kapatid upang magkaayos sila subalit hindi naman daw lumalapit sa kaniyan.”

Ngayon, sa palagay ba ninyo na mga nagpaparatang laban sa Pamamahala na si Ka Felix at si Ka Erdy ay ibabalik nila ang isang ministro sa karapatan nang hindi naman nagbabalik, hindi naman lumalapit, kundi dahil lamang sa pakiusap ng ina o kamag-anak?

May pangyayari sa panahon ni Ka Erdy na may lumapit sa kaniya sa Baik-Bayan Day na isang ina na humihiling na ang anak niya ay ibalik sa karapatan. Ang sagot ng Ka Erdy ay “Papaano ko siya ibabalik kung hindi naman kasi siya nagbabalik?” Huwag ninyong sabihin na hindi iniiwasan ni Ka Erdy ang mga kamag-anak ng mga nagbabalik? Ang kaibahan lang ng kaso nina Ka Mark at Ka Angel ay sila’y kapatid sa laman ni Ka Eduardo, at ang kanilang ina ay nanay din ng Tagapamahalang Pangkalahatan.

Dito ay nahayag na naman ang kabaligtaran ng inyong kaisipan! Para sa inyo ay hindi nagmamahal o gumagalang sa kaniyang ina si Ka Eduardo dahil sa “pag-iwas” sa kaniya. Subalit dito ay dalawang bagay ang nahayag: (1) patuloy na magiting siya na nais niyang matupad ang tuntunin sa kaniyang mga kapatid sa laman kung papaanong ipinatutupad ito sa iba; at (2) mahal na mahal niya at iginagalang niya ang kaniyang ina, kaya iniiwasan na lamang niya, sapagkat alam niyang lalo itong magdaramdam kung muli’t muli ay bibiguin niya ang kaniyang hiling sapagkat hindi naman “lumalapit” ang kaniyang mga kapatid. Kaya, maliwanag na hindi ang Ka Eduardo ang may “diperensiya.” Di ba?

Sa palagay ba ninyo kung lalapit at magbabalik ang kaniyang mga kapatid ay hindi niya tatanggapin? Ito nga lang talaga ang kaniyang hinihintay. Gustong-gustong niyang ibalik ang kaniyang mga kapatid, pero ano ang magagawa niya, kailangan din naman na matupad ang tamang proseso ukol dito, kailangang matupad ang tuntunin, ang ministerial, sapagkat hindi lang siya isang kapatid, hindi lang siya isang anak, isa rin siyang ministro na nagpapatupad ng tuntunin at kalooban ng Diyos!

Papaano ang utos na “ibigin mo ang iyong ama’t ina”? Hindi ito kailanman nilabag ni Ka Eduardo. Subalit, ang sabi ni G. Antonio ay ministro siya ngunit hindi niya alam o sinaalang-alang na may nakahihigit na utos dito? Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus sa Mateo 10:35-37:



“Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay. Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.”

Dahil dito, lalo lamang naming minahal at inunawa si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Sinong anak ang nais niyang mawalay sa kaniyang ina? Sino ang may nais na maging kaaway ang kaniyang mga kamag-anak? Subalit, ito ngayon ang tiniis ng Ka Eduardo, sapagkat kailangan niyang panindiganan ang tuntunin at ministerial, kailangan niyang panindiganan ang kalooban ng Diyos. Napakarami na niyang gampanin at napakabigat ng pananagutang nakapataw sa kaniya, ngayon ay dagdag pa ang pagkalayo sa kaniya ng mga mahal sa buhay dahil kailangan niyang panindiganan ang pantay-pantay na pagpapatupad ng tuntunin kahit pa sa mga kapatid niya sa laman.

Inaangkin nila G. Antonio Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama na nagkaroon daw ng pagbabago sa aral na itinuro ng Sugo sa panahon ni Ka Eduatrdo na anupa’t “humiwalay daw si Ka Eduardo sa espiritu ng Sugo.” Ngunit pansinin ninyo ang pahayag na ito ni Kapatid na Felix Y. Manalo at dito’y makikita ninyo na ganitong-ganito rin ang “espiritu” na nakay Ka Eduardo:

“Inisip-isip ko sa aking sarili. Papaano kaya? Ito’y mga magulang ko. Ito ang nagpalaki sa akin. Naging kaangkapan ito sa pagbuhay sa akin. Pero, alin ang isasa-alang-alang ko? Ang pag-ibig sa aking mga kamag-anakang ito o ang pag-ibig sa Diyos?
“Ang wika ng ating Panginoong Jesucristo, ‘Ang umiibig sa ama, sa ina ng higit sa Akin, sa kaniyang asawa, sa kaniyang anak, nang higit sa akin, hindi karapatdapat sa akin.’
“Sinabi ko, Diyos ko, gusto kong maging karapatdapat sa iyo. At kung ganyan, ipinasiya kong ako’y humiwalay. Iyon ay laban sa loob ko pero hindi iyon ang ‘convicion’ ko. Ang ‘convicion’ ko (ay) humiwalay sapagkat iyan ang sabi (ng Diyos).” (Manalo, Felix Y., “Ang Ikakikilala sa Magsasagawa ng Pagtalikod sa mga Aral na itinuro ng Panginoong Jesucristo at ng mga Apostol,” Recorded Sermon.)

Hindi pala ang Ka Eduardo ang humiwalay sa aral ng Sugo, bagkus ay patuloy na ka-isang espiritu ng Sugo ang kasalukuyang namamahala sa Iglesia. Tupad na tupad ang sinasabi ng Banal Na Kasulatan:

“As for me, this is my covenant with them, saith the LORD; My spirit that is upon thee, and my words which I have put in thy mouth, shall not depart out of thy mouth, nor out of the mouth of thy seed, nor out of the mouth of thy seed's seed, saith the LORD, from henceforth and for ever.” (Isaias 59:21 KJV)

Sa Pilipino:

“Para sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng PANGINOON: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong binhi, o sa bibig man ng binhi ng iyong binhi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.”

Sino kung gayon ang tunay na humiwalay sa espiritu ng Sugo at ng Pamamahala na mula sa Diyos? Pansinin ninyong mabuti ang mga pahayag na ito ni Kapatid na Felix Y. Manalo:

“…Kung hahalungkatin ninyo – Hindi ugali sa akin na ang mali ng isang tao ay ibunyag ko. Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako noon. Hindi ko ugali iyan. Ibinubunyag ko ito (ang maling aral o itiinuro) sa kapakanan ng kaluluwa ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos – ipangaral mo ang Ebanghelyo…Ito ang aking ginagawa. PERO HALUKAYIN KO PA ANG ISANG TAONG NAGKAMALI AT SIYANG AKING IPANGARAL…IYAN AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO, NANG ISANG MABUTING TAO.” (Manalo, Felix Y., “Kung Nasaan Ngayon ang mga Patay,” Recorded Sermon, Amin ang pagbibigay-diin)

Dito ko tatapusin ang aking unang sulat, subalit asahan ninyo na dito ko rin sisimulan ang susunod kong sulat. Sa mga susunod ay ibubunyag ko ang mga patuloy na nagpapatunay na hindi isang ministro si G. Antonio Ebanghelista kundi nagpapanggap lamang upang manggulo. Sa mga susunod pa ay patuloy ko ring ibubunyag ang kanilang mga kamalian at kasinungalingan UPANG HUWAG MAKAPANDAYA.


PRISTINE TRUTH

Article Source:


http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/04/isang-bukas-na-liham-sa-mga-nagsasalita.html?m=1


Martes, Mayo 19, 2015

Is BODY OF CHRIST Mentioned in Col. 1:8 composed of many Religious group?





MY UNDERSTANDING OF THE teachings of the Bible is that all religions that believe in Christ, like the various Protestant groups to name some, compose the Church of Christ mentioned in the Holy Scriptures. Remember that this Church is also referred to by the Holy Scriptures as the "body" of Christ (Col. 1:18). The analogy is so purposive to indicate that as a literal body is made up of many parts, the Church built by Christ, though only one, is composed of many religious groups believing in Christ.

Ma. Cecilia Conception
Los Andes, Chile



Editor's reply:

To begin with, we are glad to know that you too believe that Christ built only one Church (Matt. 16:18) the name of which is Church of Christ (Acts 20:28, Lamsa Translation). Concerning this Church, the Bible moreover teaches that the true believers in Christ are baptized into this "one body'' (I Cor. 12:13) and that outside it, there is judgment (I Cor. 5:12-13)

The Bible however negates the opinion that all religious organizations compose this singular Church of Christ. Proclaiming one of the characteristics of this body or Church of Christ, Apostle Paul stated, thus:

"There is one body and one Spirit, just as you were called in one hope of your calling; one Lord, one faith, one baptism; one God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all." (Eph. 4:4-6, New King James Version)


Notice the unity in the one Church— members share "one hope of [their] calling", believe in "one God/' receive "one baptism. and uphold "one" or the same "faith" Not allowing the members of the one true Church to be divided especially in faith, the Bible prescribes, "there should be no schism in the body" (I Cor. 12:25,Ibid)

That there should be no schism in the body, but [that] the members should have the same care for one another. (1 Corinthians 12:25, NKJV)


This important quality of the Church can hardly be seen among various Protestant groups and other Christian-professing religions when taken as a whole. Viewed collectively, these religious organizations cannot be said to be truly united in faith and religious convictions. Though their members may all be professing faith in Christ, they nonetheless uphold different—and oftentimes opposing—creeds, set of doctrines, biblical interpretations, and religious practices. Concerning the belief about God, for instance, some denominations teach that Christ and the Father are one and the same, while others uphold that Christ is distinct from the Father. Demonstrating that these religions do not have one or the same mode of baptism, some do immersion while others, pouring (effusion), and still others, sprinkling (aspersion). Some churches even bestow baptism on the infants, and worse, on the dead. As these religions make contradicting doctrinal claims, they cannot be all true, much less compose the true Church of Christ.


The Bible itself clarifies for us the composition of the Church of Christ In the one body or Church, what are many are the members not the organizations:

"Christ is like a single body, which has many parts; it is still one body even though it is made up of different parts. In the same way, all of us, whether Jews or Gentiles, whether slaves or free, have been baptized into the one body by the same Spirit, and we have all been given the one Spirit to drink."(I Cor. 12:12-13, Today's English Version)


Take note that the "Jews or Gentiles" and "slaves or free'' who are referred to as "many parts" of the body in the verses were the members of the Church of Christ during the apostles' time. Therefore, the "many parts" composing the body or Church refer to the "many members" and not to "many religious groups" Then, again, these members, though many, have one hope and one faith, complimenting one another as one body. As Apostle Paul further elucidated:


"For as we have many members in one body, but all the members do not have the same function, so we, being many, are one body in Christ, and individually members of one another" (Rom. 12:4-5, NKJV)


"Now indeed" as the Holy Scriptures itself concludes, "there are many members, yet one body." (I Cor. 12:20, Ibid.)

But now indeed [there are] many members, yet one body. (1 Corinthians 12:20, NKJV)


Source :


Pasugo God's Message, January 2011, p.3


further questions? please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind. Thank you. .