Lunes, Disyembre 1, 2014

MABIYAYANG PAGKAKATIPON




Kamakailan lamang ay matagumpay na naidaos ng buong Iglesia ni Cristo ang NAPAKABIYAYANG PAGTITIPON na Pinangangasiwaan ng mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa ika-anim ng umaga(phil.time) mula sa Templo Central ng Iglesia Ni Cristo. At ito ang napabalitang unang pagkakataon na PAGKAKATIPON NG MAYTUNGKULIN na pang buong mundo kahit sa iba't ibang timezone sa ibang bansa.


Sa kabila ng kanilang nagsisiksikan at sunod-sunod na gawain, ay lubos parin ang kanilang pagmamalasakit sa kabuuan ng Iglesia, upang lalo pang mapatibay ang PANANAMPALATAYA ng BAWAT ISA, higit naman ang pagdadala ng mga tungkulin upang mas mapangalagaan ang buong kawan na ditoy hinirang ang bawat isa. Sadyang napakabuti ng Diyos sapagkat Siya'y nagkaloob ng mga Pamamahala na walang sawang nagmalasakit sa Kaniyang Kawan. Ang maging tunay at karapatdapat na lingkod sa harap ng Diyos ay ang pinakamahalagang bahagi sa buhay ng tao, sapagkat dito nakasalig ang kanilang kaligtasan.


Ang Pagkakaroon ng tungkulin ay napakahalaga, gaya ng itinuro ng Kapatid na Eduardo Manalo na itoy isang Biyayang kaloob ng Diyos, sa dahilan rin upang maipagmalasakit ang mga pangangalaga ng mga tupa, sa mga dinodoktrinahan, at mga sinusubok na tatawagin na sa Kawan. Sariwain natin ang iilang talata na na itinuro sa atin. Gaano kahalaga ang tungkulin ayon sa turo ng mga Apostol? At paano ito ituring at sundin?


" Bawat isa sa inyo ay BINIYAYAAN NG ISA SA MARAMING KAMANGHA-MANGHANG MGA KALOOB NG DIYOS na magamit sa mga paglilingkod sa iba kaya GAMITIN NINYONG MABUTI ang inyong kaloob.
" Kung taglay ninyo ang kaloob sa pagsasalita ipangaral ninyo ang mga salita ng Diyos, Kung taglay ninyo ang kaloob sa PAGTULONG sa mga iba, gawin ninyo ito na taglay ang lakas na ibinibigay ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat gawin sa paraan na NAGDUDULOT NG KARANGALAN sa Diyos. " 1 Pedro 4:10-11


Ayun sa ating natunghayan, ITO AY ISANG KALOOB ng Diyos na ating tinanggap sa Kaniya. Ang pagkakaroon ng tungkulin ay hindi sa pansariling kapurihan o pagkakakilanlan lamang sa ating sarili, kundi ito'y natanggap sa KAPURIHAN NG DIYOS upang magamit rin sa pangangalaga ng Kaniyang tupa.

" Ginawa Niya ito upang ihanda ang lahat sa bayan ng Diyos para sa gawain ng paglilingkod upang patatagin ang katawan ni Cristo " Efeso 4:12

Bilang may tungkulin ay nararapat na ang lahat ng kaniyang kinasasakupan o pinangangalagaan ay maging matibay, sa ikatitibay rin ng katawan ni Cristo o ng Iglesia. Sapagkat tunay na ang Diablo ay masipag rin sa paghatak ng kaniyang madadaya upang maisama sa kapahamakan. Kaya, marapat na pagtalagahan ang TUNGKULING kaloob. Kaya ano ang marapat na gawin?

" Hinihikayat ko kayo kung gayon ako na isang bilanggo sapagkat ako ay naglilingkod sa Panginoon Mabuhay kayo na nakatutugon sa PAMANTAYAN NA ITINAKDA NG DIYOS ng tawagin Niya Kayo , maging laging mababang loob, mahinahon at matiyaga, ipakita ninyo ang inyong pagibig sa pamamagitan ng mapagparaya sa iba, gawin ninyo ang pinakamabuting magagawa ninyo upang maingatan ang pagkakaisa na ibinibigay ng Espiritu sa pamamagitan kapayapaan. " Efeso 4:1-3


Ang sabi po, TAYO AY SUMUNOD ayon sa pamantayan o PANUKALA ng Diyos, hindi sa pansariling pamamaraan. Maging MAHINAHON, MATIYAGA at MAY PAGIBIG sa ikapagkakaisa na bigay ng Dios.Kaya, ang Pagkakaroon ng Tungkulin ay NAPAKAHALAGA sapagkat tayo ang naging katuwang ng PAMAMAHALA sa ikatitibay ng Iglesia.


Makabuluhan ang pagpapagal na naipunla ng maraming maytungkulin sa Iglesia, ang iba ay may taglay pang karamdaman at mahihina na ang katawan, subalit, dahil sa pananampalataya ay HINDI NAGSASAWA na bigyang lugod ang Diyos sa mga pagtupad ng naipangakong gampanin. Kung kayo'y saksi sa naisagawang pagkakatipon, ramdam nyu rin ang kagalakan at tuwa ng maraming kapatid, na sa Pagkakatipong iyon ay NATAMO ANG KAPAYAPAAN sa kabila ng mga kinakaharap na mga pagsubok sa buhay bunga nga kahirapan at suliranin na iba't ibang uri, subalit ang pinaghuhugutan ng lakas ay ang kapalit na KAPAHINGAHAN NG BAWAT Kaluwa sa araw ng muling pagparitu ng Panginoong Jesuscristo. Saludo po kami, ang pamamahala at higit sa lahat ang Diyos sa mga Maytungkulin na lubos na nakapagtalaga sa kanilang gampanin. Sila ang tinatawag na " BAYANI NG PANANAMPALATAYA".



Laging sariwa sa isipan ng maraming kapatid ang Mensahe ng Mahal na Pamamahala, at nabigyan ng karagdagang LAKAS AT TIBAY. Nakakataba ng puso ang makita ang marami sa positibong pananaw.

Sana'y patuloy na magpakatatag ang bawat isa hanggang sa araw ng kaligtasan...

Walang komento: