Biyernes, Mayo 15, 2015

Alamin ang tunay na aral





Simula't simula pa ay masasabing WALANG TIGIL ang Iglesia Ni Cristo sa pagpapalaganap ng mga aral at paghihikayat ng mga tao na umanib dito. Minsay pa'y naging katanungan narin ito ng napakaraming tao maging ng iba't ibang relihiyon sa buong daigdig, kung bakit ganito raw ka tindi ang gawain sa loob nito, kahit sa patuloy na pagdami ng mga kaanib ay wala paring sawa sa pagbabahagi sa lahat ng tao upang umanib dito. Bagaman may naibahagi tayong artikulo ukol dito ay maaari nyu bisitahin ang kasagutan nito kung anong layunin bakit ganito kaalab kilusan ng buong Iglesia, e click lamang


Bakit patuloy at walang tigil sa nagmimisyon at nagpapalaganap ang Iglesia ni Cristo


Mula sa pangunguna at pagsisimula ng sugo ay kaniyang naisakatuparan ang gawaing itiniwala sa kaniya dahil sa taglay na pananampalataya at matibay na paninindigan. Nakasaad sa Banal na Kasulatan na kaniyang gigiikin ang mga bundok at didikdiking durog, at gagawin ang mga burol na parang ipa [Isa.41:15]. Ang mga bundok na tinutukoy sa hula na gigiikin ng sugo sa pamamagitan ng kaniyang pangangaral ng mga salita ng Diyos ay ang dalawang malaking relihiyon na nakatatag sa ating bansa.

Seguro Kung kaniya lamang pinag-alinlanganan ang pagsusugo sa kaniya ng Diyos at siya'y naduwag naharapin ang KATOLISISMO AT PROTESTANTISMO sa bansang ito, hindi sana naunawaan ng marami ang tungkol sa tunay na iglesia at walang karapatan na maglingkod sa Diyos.

Subalit, dahil sa kaniyang matatag na paninindigan at malaking pagtitiwala sa pangako ng Diyos, kaniyang tinupad ang gawaing iniatang sa kaniya. Sapagkat alam niyang ang gawaing ito ay hindi para sa kaniyang sarili kundi PARA SA IKATUTUPAD NG PANUKALA NG DIYOS, "ANG PAGLILIGTAS SA MGA HULING ARAW". Hindi niya ito maaaring talikuran sapagkat laging sumasagi sa kaniyang isipan ang babala ni Apostol Santiago:


James 4:17
" Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya."

Kaya naman, dahil sa patnubay ng Diyos at sa halos 50 na taong pagmamalasakit at pagsisikap ng Kaniyang sugo na maihanda ang Iglesia hanggang sa hinaharap na panahon, ang Iglesia ni Cristo ngayon ay totoong naging malaganap at matagumpay na nakapaghahatid sa milyun-milyong katao upang nakapagbalik-loob sa Diyos hanggang sa pangunguna ng Kasalukuyang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo.


Nasaksihan ng maraming tao mula sa mga kaanib nito ang maningning natagumpay ng Iglesia, Kaya naman, hindi maaaring hindi magunita ng buong Iglesia ang lalaking nagsakit upang makarating sa atin ang Mabuting Balita ng Kaligtasan. Hindi magiging buo ang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo na bumangon sa Malayong Silangan noong 1914 kung hindi babanggitin ang tungkol kay Kapatid na Felix Ysagon Manalo na siyang sugo ng Diyos sa mga huling araw na isinilang noong Mayo 10, 1886 sa Tipas, Taguig, Rizal.


Mula sa pagsiyasat at panayam sa iilang kapatid na mula sa dating kinagisnang relihiyon ay tunay at totoong galak nilang malaman at matawag sa Iglesia ni Cristo. Dati'y sila pa raw mismo ang kumukutya dito at naging balakid sa iilang kapatid upang hindi makapaglingkod at makasamba sa Iglesia, subalit dahil sa awa ng Diyos ay binuksan at naging malambot ang kanilang puso at napangaralan ng mga aral na itinuro sa loob ng Iglesia ni Cristo mula sa Banal na Kasulatan. Kaya tupad na tupad ang sabi :


2 Tes 2:14
" Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo. "



Kaya, kung pansinin at suriin lamang ng maraming tao, ang pagtawag ng Diyos sa mga tunay na lingkod ay mula sa pagtanggap ng pangangaral o ng Ebanghelyo. Kaya dahil dito'y walang sawa ang Iglesia sa pagpapalaganap upang marami pa ang mga tao na makaalam ng Katotohanan at mapabilang sa pagtanggap ng pangako ng Diyos.


Kaya, sa lahat ng hindi pa nag Iglesia ni Cristo ay ito na ang marapat na panahon upang suriin ang mga aral na iyong kinagisnan kung ito naaayon ba sa Banal na Kasulatan o hindi. Magbibigay tayo ng iilang halimbawa mula sa kinagisnang paniniwala kung alin dito ang paniniwalaan mo?

1.Halimbawa. sa aral Katoliko:


" Ang mga papa ay hindi lamang matatapat na Ama ng Espiritu, kundi matitigas at matatapang na Tagapamahalang sibil. "
(James Cardinal Gibbons. Ang pananampalataya ng ating mga ninuno, tinagalog ni Rufino Alejandro, p. 143)

" We priest set aside natural fatherhood to beget Christ at Mass and in the heart of men. ... Our celibacy enables us to be spiritual father to our people."

sa filipino:

" Isina-isantabi naming mga pari ang likas na pagiging ama upang isilang si Cristo sa Misa at sa puso ng mga tao. ... Ang aming kalagayang walang asawa ay nagbibigay sa amin ng pagkakataong maging amang pang-espiritu ng aming mga tao. "
(Rev. Mark J. Lyons. MARY AND THE PRIEST [Meditations]. p. 11)


o sa aral na Cristiano:


Matthew 23:9
" At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit."

Hebreo 12:9, MBB
" Tangi sa riyan- pinarurusahan tayo ng ating mga ama sa laman, at dahil dito'y iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa Espiritu upang mabuhay tayo? ".


* Pansinin na ayon sa mga pari, sila raw ay ama sa espiritu. Ito ang dahilan kaya sila tinatawag na "PADRE " o "FATHER" (ama). Ngunit kung suriin po ang Biblia ay ipinagbabawal ng Panginoong Jesus na tawaging ama o "FATHER" o "PADRE" ang sinumang tao sapagkat ang Diyos na nasa langit ang nag-iisang Ama natin sa espiritu.



2. Ang aral ng paring katoliko:

" Christ used peter for the rock foundation of His Church. The Catholic Church still rests on that same foundation."

Sa Filipino:

" Ginamit ni Cristo si Pedro bilang batong saligan ng Kaniyang Iglesia. Nakasalig pa rin ang Iglesia katolika sa pundasyong iyan." (Msgr. J.D. Conway. WHAT THEY ASK ABOUT THE CHURCH. p. 11)


O sa aral ng mga Apostol:


Gawa 4:10-11
" Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit."
" Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok."


1 Corinto 3:11
" Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus."


* Pansinin rin po ito, na ayon sa Paring katoliko na si J.D. Conway si Apostol Pedro ang dapat kilalaning batong pinagtayua ni Cristo ng Kaiyang Iglesia. Subalit ipinakilala ni Apostol Pedro mismo at maging ni Apostol Pablo na batong saligan o pinagtayuan ng Iglesia ay ang Panginoong Jesus.



3. Ang itinuro ng Katesismo:


" the church teaches that it is necessary by devine law to confess to a priest each and every mortal sin ... that one can remember after a careful examination of conscience. "

Sa Filipino:

Itinuturo ng Iglesia katolika na ayon sa banal na kautusan ay kailangang ikumpisal sa pari ang bawat kasalanang mortal ... na natatandaan ng tao pagkatapos ng maingat na pagsisiyasat ng budhi. "
(Ronald Lawler, O. F. M. Cap., Donald Wuerl, and Thomas Lawler, eds. THE TEACHING OF CHRIST: A CATHOLIC CATHECHISM OF ADULTS. p. 486)


o sa itinuturo ng Biblia:


Psalms 32:5, NKJV
" Aking kinikilala ang aking kasalanan sa iyo, At hindi ko ikinubli ang aking kasamaan. Aking sinabi, "IKUKUMPISAL KO ANG AKING MGA PAGSALANGSANG SA PANGINOON," at ipinatawad mo ang aking kasalanan "


1 Juan 1:9
" Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. "


* Pansinin na ayon po sa aral-katoliko sa pari dapat ikumpisal o ipahayag ng tao ang kaniyang mga kasalanan. Samantala, ayon sa Biblia, sa Diyos dapat ipahayag o ikumpisal ang ating mga kasalanan upang tayo ay mapatawad at linisin sa lahat ng kaikuan.


Iilan lamang po ito sa mga aral na dapat matutuhan ng maraming tao, at siyang naging dahilan ng marami upang talikuran ang dating maling paniniwala. Kung tatahakin lamang ng tao at umanib sa Iglesia ni Cristo tiyak at:


Juan 8:32, New Pilipino Version
" At makilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo." 



Sa Diyos parin ang Lahat ng kapurihan sa lahat ng tagumpay na narating ng Iglesia ni Cristo at sa patuloy na pagdami ng mga taong natawag sa tunay na paglilingkod.

Walang komento: