TUNAY NA DUGO BA ANG PINAINOM NI CRISTO?
Nakakagulat na tanong hindi po ba? Kung ang isang TUNAY NA TAGAPANGARAL e papayag kaya siya na ipangaral na ang Panginoong Jesucristo ay nagpapainom ng tunay na dugo? Isang paglapastangan ang ganitong paniniwala at sa isa pang CFD[Catholic Faith Defender] nagmula ang paniniwalang ito. tama kaya ang paniniwalang ito? Tunghayan sa larawan ang kaniyang pahayag. [Photo Credit to Bro. John Philip XD]
Hindi po ba't MALINAW niyang ipinapahayag umano na :
" Kung bawal ang dugo, bakit pinainum ni Jesus ang mga apostol sa kaniyang TUNAY NA DUGO"
Pansinin ang sinabi na "TUNAY NA DUGO" raw, kaya bakit daw nagbabawal pa tayo sa pagkain ng dugo. Kahindik-hindik ang paniniwalang ito. Suriin natin ang sinipi njyang talata :
Juan 6:56" Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya. "
Dahil sa binanggit na "UMIINOM ng AKING DUGO" ay nasagi agad sa isip niya na literal na dugo ang pinainom ni Jesus sa mga alagad. Tandaan at pansinin po na WALANG SINABI SI JESUS NA "TUNAY" o "LITERAL" na dugo ang pinainom sa mga alagad. Kung gayon ISANG IMBENTONG ARAL pala ang ipinangaral ni Reil Lopez upang mailigaw ang karamihan.
Subalit, hindi lamang na uminom ng dugo ang binanggit upang lubos na mananahan si Cristo sa kaniya, at siya'y kay Cristo kundi may binanggit din na :
" Ang Kumakain ng aking laman"
Kung tatanggapin niyang LITERAL at TUNAY na DUGO ang ininom, ay dapat tanggapin din niya na LITERAL NA LAMAN ang kanilang kinain. Tatanggapin kaya niya ito?Tanggap na tanggap ng buo. Tingnan ang larawan :
Tanggap daw po. Parang Cannibal lang pala ang paniniwala ng ating kaibigan. Subalit bilang kasagutan mula sa Biblia at sa kaalaman din ng marami para hindi mailigaw ng maling paniniwala, GANITO ang sagot ng Panginoon Jesucristo :
Juan 6:51" AKO ANG TINAPAY NA BUHAY na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay KUMAIN NG TINAPAY na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ANG TINAPAY NA AKING IBIBIGAY AY ANG AKING LAMAN, sa ikabubuhay ng sanglibutan. "
Napakalinaw na ang LAMAN na kakainin o pinapakain ni Jesus ay HINDI literal kundi isang TINAPAY na sumisimbolo lamang sa kaniyang KATAWAN o LAMAN bilang pag-alaala sa kaniya:
1 Corinto 11:24" At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. "
Ang DUGO naman kaya na pinapainom ni Jesus, baka iyon ay LITERAL na at TUNAY gaya ng sinabi ng isang CFD. Tumpak kaya siya sa kanilang pinapangaral o isang salungat? Hindi parin tayo ang sasagot kundi ang ang nakasulat sa Biblia na ganito ang isinasaad :
1 Corinto 11:25" At gayon din naman HINAWAKAN ANG SARO pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin. "
Ang binanggit ng Talata ay isang SARO ang pinapainom ni Cristo bilang sumisimbolo sa Kaniyang dugo at sa KABUUAN ng pag-alala sa kaniya. Hindi pala isang "TUNAY" o LITERAL na dugo ni Cristo sapagkat may paalala rin na
" gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin"
Kung LITERAL na dugo e paano kaya sila hahanap ng dugo ni Cristo hanggang ngayon? At tunay na hindi mangyayari ang ganoong pangyayari at maling aral sapagkat napakalinaw ang PAMAMARAAN at aral na isinasagawa ng mga unang lingkod at maging ng mga tunay na lingkod sa panahon ngayon at hindi sa kabulaanang aral hanggang sa araw ng muling pagparitu ni Cristo [1 Cor.11:26].
BABALA SA PAGSASAGAWA NITO
Gaano ba kasama ang pagkakaroon ng maling paniniwala at pagkaintindi sa aral na ito? Lalo na sa ipinapangaral ni Reil Lopez sa kaniyang relihiyon na kinaaaniban? Ano ba ang tamang paraan ? Ganito at ating tunghayan:
1 Corinto 11:27-29
" Kaya't ang sinomang KUMAIN NG TINAPAY, O UMINOM SA SARO NG PANGINOON, NA DI NARARAPAT, AY MAGKAKASALA sa katawan at dugo ng Panginoon.
" Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
" Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon. "
Napakalaki ng kahalagahan ng pagkakaalam ng katotohanang ito. Kung magkakamali ang tao sa pagsasagawa nito ay isang PAGKAKASALA at ANG KAKAININ at IINUMIN niya ay isang HATOL ng Panginoon. Tandaan na ang tunay na pamamaraan sa pagsasagawa ng PAG-ALALAA[banal na hapunan] ay HINDI lamang ang TINAPAY ang KAININ kundi KASAMA ang SARO upang maisasagawa ito sa KABUUAN. Kaya kung may relihiyon ngayon na nagpapatupad nito subalit TINAPAY lamang ang kinakain ng mga MIYEMBRO at walang kasamang SARO ay isang maling pamamaraan at maling aral ang kanilang naisasagawa sapagkat malinaw na Ang tinapay na kakainin ay may kasamang saro [1 Cor. 11:24-26]. At ito ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan :
Juan 6:54" Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. "
Kaya kung kayo'y tatanggap nito ay HUWAG kayong pumayag na ang ibibigay lamang sa inyo ay TINAPAY gaya ng ginagawa ng Katoliko at ang mga Pari lamang ang iinom ng Saro. Sapagkat LAHAT ang dapat magsasagawa at hindi lamang ang isang tao.
At bilang paglilinaw, HINDI TUNAY o LITERAL na dugo ang ininum o pinainom ni Cristo kundi isa lamang pagsisimbolo nito bilang pag-alaala. Ang dugo ni Cristo ay hindi ipinapainom kundi ito'y isang napakahalaga sapagkat ito ang ginamit na pagtubos ng Iglesia [Gawa 20:28] sa ikapagpatawad ng kasalanan [Heb. 9:22].
Ang aral na itinuturo ni Reil Lopez ay ang palatandaan sa ikakikilala sa bulaang mangangaral at bulaang relihiyon na binanggit ng ating Panginoong Jesucristo. Ganito ang sinabi niya sa Mateo 15:14 :
"'Hayaan ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay'. " [MB]
Ang mga bulaang tagapangaral ay mga bulag na tagaakay. Ang sinumang akayin ng mga ito ay mapapahamak lamang na tulad din ng mga tagapangaral nila. Ano ang ibig sabihin ng bulag na tagaakay? Ayon kay Apostol Pablo :
"Ibig nilang maging guro ng kautusan gayong hindi nila nauunawaan ang kanilang sinasabi, ni ang mga bagay na itinuturo nila nang buong tiwala. " [ITim.1:7, MB]
Ang palatandaang ito ukol sa bulaang tagapangaral at relihiyon ay natupad nga sa relihiyon din ni Reil Lopez na Iglesia Katolika Romana. Inaamin ng mga awtoridad ng Iglesia Katolika na sila mismo na tagapangaral ay hindi nakauunawa ! Ganito ang pahayag ni Rev. Andrew Greeley sa aklat na "Your Teenager and Religion" :
" The simple truth is that those of us who have the responsibility for teaching the real meaning of Christianity to the young have failed to convert it into language which has meaning in the contemporary world. We have not found the words which will stir young hearts. We have not found the modes of expression which will break through youthful apathy and indifference and fear. There may be all kinds of valid excuses for our failure, but the fact remains: when we speak about religion to young people they do not know what we are talking about the really do not care to know. Perhaps the reason is that we do not know ourselves. This picture may be too black. " [pp.13-14 ]
Sa Pilipino :
" Ang madaling unawaing katotohanan ay yaong ilan sa atin na may pananagutang ituro ang tunay na kahulugan ng Cristianismo sa mga kabataan ay nabigong isalin ito sa wikang may kahulugan sa pangkasalukuyang daigdig. Hindi pa natin natatagpuan ang mga salitang makakapukaw sa mga batang puso. Hindi pa natin natatagpuan ang paraan ng pananalita na mag-aalis sa pagwawalang bahala at kalamigan ng loob at takot ng kabataan. Maaaring magkaroong lahat ng uri ng mga makatuwirang dahilan sa ating pagkabigo, ngunit mananatili ang katotohanan: kung tayo ay nagsasalita sa mga kabataan tungkol sa relihiyon hindi nila alam kung ano ang sinasabi natin at talagang wala silang pagpapahalagang malaman. Marahil ang dahilan ay tayo rin mismo ang hindi nakakaalam. Ang paglalarawang ito ay maaaring napakaitim. "
Inamin ng paring si Andrew Greeley na ang dahilan kung bakit hindi nila maipaunawa sa mga kabataan ang mga aral ng Iglesia Katolika ay sapagkat sila mismo ay hindi nakaaalam ng kanilang pananampalataya.
Ano kaya ang dahilan at kapos sila sa pagkaunawa? Ganito ang sinasabi sa isa pang aklat ng Iglesia Katolika na sinulat ni Joseph Faa Di Bruno :
" Moreover, a written Bible is a dead book. Nor is it an easy book, it does not explain itself. " [Catholic Belief, p. 14]
Sa Pilipino :
"Higit doon, ang sinulat na Biblia ay isang patay na aklat. Ni hindi ito isang madaling unawaing aklat, hindi nito ipinaliliwanag ang kaniyang sarili. "
Paano nga makauunawa ng wastong pananampalataya ang mga CFD na ito at mga paring katoliko samantalang hindi nila nauunawaan ang mga nasusulat sa Biblia? Ang Biblia na kinaroonan ng salita ng Diyos ay isa raw patay na aklat at hindi madaling unawain.
Kaya sana'y mapukaw ang isipan ng marami mula sa katotohanan at hindi mahulog sa maling paniniwala sapagkat ang ikapagtatamo ng kaligtasan ay sa PAGSUNOD SA PAMAMARAAN AT KALOOBAN NG DIOS [Mat.7:21]. Gaya ng, Bakit nga ba BAWAL ANG PAGKAIN NG DUGO? Bisitahin ang arituko ukol dito
http://iglesianicristolahingtapat.blogspot.com/2014/02/pagkain-ng-dugo-ipinapahintulot-ba.html?m=1
1 komento:
E di sige, ipatupad ninyo sa loob ng Simbahan, dapat ay karne nga ni cristo ang ipapakain ninyo sa kanila ha,,, at hindi tinapay, at dapat din ay dugo nga ni cristo ang iinumin ng mga pari ninyo ha, at hindi ubas... dapat ay kung ganun ang paniniwala ninyo gawin ninyo at ipatupad sa mga kaaninb ninyo.
Mag-post ng isang Komento