Mga Pahina

Linggo, Pebrero 2, 2014

Pagkain ng Dugo, Ipinapahintulot ba?

Marahil di na Bago sa pananaw at pandinig ng karamihan kung bakit Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay di kumakain at umiiwas dito. Isang napakahalagang bagay ang malaman ang ganitong katotohanan sapagkat ang mga pagsunod sa mga aral ng Dios ay dito nakasalalay ang kaligtasan ng bawat isa.




Ating naman itong Pag Aralan kung naka batay ba ang Aral na ito sa Biblia at may utos bang ganito na huwag kumain. Baka po minsan ay nahuhulog nalang sa kinasanayan at kinaugalian na minana pa mula sa mga kinagisnang paniniwala at, hindi rin nan maipagkakaila na maraming relihiyon ang sang-ayon sa PAGKAIN NG DUGO. Kaya, upang magkaroon na kasiguruhan ay Ating suriin.




LUMANG TIPAN



Mula ba sa Lumang tipan ay may utos at aral nang pagbabawal sa pagkaing ng Dugo.? narito ating basahin:





"Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.’’ Gen. 9:4




Mula pa sa lumang tipan ay may utos nang umiiral ukol dito. Ang sabi ng Talata

" huwag kakainin"

Anu po ang Dahilang ng Dios bakit po ito ipinagbabawal? Ganito ating basahin:




ANG DAHILAN BAKIT IPINAGBAWAL





"Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin." Deut. 12:23 BMBB






"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin
ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay ; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman." Deut. 12:23




"Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay. ” Lev.17:11




Malinaw po kung ano ang dahilan nito kung bakit po huwag kakainin ang dugo,Sapagkat ito ay ang BUHAY, at ito rin ang kinasangkapan na pantubos ng buhay(sa baba kung paano nangyari) .kung ito po ay di pala dapat kainin, anu ang dapat gawin ?




ANG DAPAT GAWIN SA DUGO





Deuteronomio 12:24

Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. 




Levitico 17:13 
At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa. 





May payo at gabay parasa lahat kung ano ang dapat gawin ng sinuman kung siya man ay huhuli at kakatay ng hayop. Ang dapat po gawin, IBUHOS SA LUPA, at ito ay tabunan. Kaya po ang Aral sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay patuloy na sumusunod sa katotohanang ito. Paano kung tatangkain parin ng Tao na kumain at magkakasala ng Ganito?Kasi minsan sabi pa nga nila " BAHALA NA KUNG BAWAL BASTA MASARAP AT AT PAANO NALANG KUNG  NAGUGUTOM NA MASYADO AT WALA NG IBANG OPTION" , pwede kayang dahilan yun? Ganito tayo itutuwid:


ANG KAHIHINATNAN NG KAKAIN NG DUGO







"Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man." Lev. 17:10



"Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa
dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang
sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan "  Lev. 17:14



kapopootan po ng Dios, at ititiwalag pa ang sinumang lalabas tungkol sa utos na ito kaya sa Iglesia Ni Cristo ay may isinasagawang pagtitiwalag kung may kaanib na nasusumpungan dito. May pangako po ba ang Dios doon naman sa susunud sa kanyang utos? narito :




Deuteronomio 12:25

Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.



May pangako naman pala ang Dios, IKAKABUTI niya ito. kaya po dapat ,sundin nalang natin kung anu ang nakasulat na huwag kainin ang dugo, Sapagkat mabigat po na kasalanan ang ganitong paglabag,may sample ba sa Biblia na nasumpungan sa ganitong paglabag? Tunghayan natin..





“At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo. Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.” I sam.14:32-33




anu naman ang payo ni Saul dahil sa nasumpungan niyang kumain ng dugo ang bayan?




“At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.”  I sam. 14:34




Sinaway ni Saul.At itinuro ang kalooban ng Panginoon na huwag kumain ng dugo. Hindi parin hinayaan na mahulog sa ganitong pagkakamali sapagkat NAPAKALAKING KASALANAN ito sa harap ng Dios. kaya po malinaw naman pala sa atin na kahit paman mula pa noong unang panahon sa mga unang bayan ay ipinagbabawal na po ito.




BAGONG TIPAN



puntahan naman natin ngayun ang bagong Tipan. Marahil sasabihin nilang sa Lumang Tipan lang bawal, kaya sa panahun natin ngayun o sa panahong Cristiano, ay pwede na, tama kaya? Upang magkaroon ng katiyakan ay ating suriin naman kung bawal parin.
narito :


Gawa 15:23, 29
"  At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia, ay bumabati: 
" Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo ".

Mismo Unang una na ang mga Apostol at ang mga Namumuno nuon sa Iglesia, ay totoong nagpapayo na , na huwag kumain ng Dugo. Ganito pa ang ibang patotoo.






"Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus- diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, a at huwag kakain ng dugo." Gawa 15:20




"...Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid."  Gawa 21: 25



DAPAT IGALANG AT PAHALAGAHAN



Ang dahilang kung bakit ito ay di dapat kakainin sapagkat, ayun na nga sa mga talata sa taas, sapagkat ito ay ang nagbibigay buhay o ang buhay at ito rin ang dugo na ginamit bilang pang tubos ng buhay :





Hebreo 9:13-14

“Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:

Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay

inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa
mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”



"Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung hindi sa pamamagitan ng pag- aalay ng dugo. "  Heb. 9:22



Sa pamamagitan rin ng dugo, Ito ang ginamit na pantubos sa  ikakapatawad ng kasalanan na gaya ng Dugo ni Cristo. Kaya mahalagang Igalang ito sapagkat Ito ay Mahalaga sa pagbibigay ng buhay at sa kapatawaran ng kasalanan.


Kaya po , Malinaw at ating nalaman ang katotohanan ukol dito.Subalit, gaano kasama kung Sadyain naman ng tao pagkatapos nila mabasa o narinig ang mga katotohanang ito ay nagpatuloy parin na LUMABAG dito?


Hebreo 10:26-27
"  Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, 
" Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway ".

May hatol na po alang alang sa mga tao na kahit na Alam na ang katotohanan ay Sadya paring ginagawa ang pagkakasala. kaya, bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay hindi nagsasawa sa pagpapaabot ng mga katotohanan para sa lahat sapagkat nais ng Dios na marami ang makapagbalik-loob sa Kaniya upang makasama sa nga maliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom. Sana'y Naging malinaw lalo na po sa mga nagsusuri.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento