Ayun sa sinabi ni Splendor 1618, 100% sure daw na may mababasa na Dios ang Espiritu Santo. Kaya naman, upang mapaniwala po ang marami sa kanilang Pang-unawa, ay naglatag naman sila ng Talata sa huling Bahagi ng post nila. Ganito ang Sinabi:
SPLENDOR 1618 :
" Napakalinaw po na ang Holy Spirit ay Diyos at may katauhan. Ngunit ang banat na naman po ng mga letra por letra, ay kung makakapagbigay ng talata na direktang nagsasabing Diyos ang Espiritu Santo.
SA ACTS 5:3-4, NAPAKALINAW PO NA IPINAPAHIWATIG NA DIYOS ANG ESPIRITU SANTO. -sa verse 3, ang sabi ni Pedro ay
ito,”Ananias, ano’t napadaig ka kay Satanas at nagsinungaling sa ESPIRITU SANTO?”
-sa verse 4, ganito na ang pahayag ni Pedro, “Hindi ka sa tao nagsinungaling- sa DIYOS ka nagsinungaling!”
GAYUNDIN PO KUNG SUSURIIN ANG 1COR. 3:16 at 6:19.
-sa 3:16, ang sabi ni Pablo ay ganito, “Hindi ba ninyo alam na kayo’y TEMPLO NG DIYOS at naninirahan sa inyo ang Kanyang Espiritu?”
-sa 6:19, ang pahayag ni Pablo ay naging ganito, “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay TEMPLO NG ESPIRITU SANTO na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos?”
Ang konteksto po ay malinaw, “HOLY SPIRIT IS GOD”.
SAGOT:
Ginamit po nila ang Gawa 5:3-4 at ang 1Cor. 3:16;6:19, upang palabasin na Dios nga ang Esiritu Santo. Pansin nyu ang sinabi na letra por letra raw mababasa, subalit sablay parin. Wala po palang dirikta na sinabi diyan na ang DIOS ay tumutukoy sa Espiritu Santo o ang Espiritu Santo ay tumutukoy sa Dios. Kaya upangh hindi malinlang ang ilan sa maling pang-unawa ay bigyan natin ng Kaunting sagot.
UNA, hindi po dapat maaaring magkaroon ng kontradiksyun ang mga aral at turo ng mga Apostol, ano ang turo at kilala nilang Dios na kanilang itinuro? May dirikta bang tinukoy? Suriin natin ang pahayag ni Apostol Pablo:
1 Corinto 8:6
" Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay..."
Ayun sa Kanila, " SA GANANG ATIN(kanila lamang na kilala ang Dios ) MAY ISANG DIOS LAMANG ANG AMA"
Napakalinaw, na ang DIOS na itinuturo nila ay ang AMA, hindi ang Espiritu Santo o sino paman. Dito palang malinaw ng Mali ang pang-unawa sa talata na kanilang ginamit, magkaroon sila ng malaking problema ngayon na lulutasin sapagkat napakalinaw na ipinahayag ng mga Apostol kung Sino ang TIYAK na IISANG DIOS, na walang iba kundi ang Ama lamang.
Ano naman ang sabi ng AMA na Siyang iisang Dios? Ganito naman ang sabi:
Isaias 46:9
" Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko"
Isaias 45:22
" Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin. "
Ang Sabi, "WALANG DIOS, WALANG IBA LIBAN SA AKIN" hindi pala "WALANG IBANG DIOS LIBAN SA AMIN"., Sapagka't sa katotohanan na Siya lamang ang mag isa ang nagsasalita nito, ang Ama at hindi ang trinity.
Subalit, bakit nga ba sinabi na kapag nagsisinungaling sa Espiritu Santo, ay nagsisinungaling din sa Dios, kung naninirahan ang Espiritu Santo, ay dumuon din ang Dios? Sipiin natin ang pahayag ni Cristo ukol sa Espititu Santo. Ganito ang ating mababasa:
Juan 14:26
" Datapuwa't ang MANGAALIW, sa makatuwid baga'y ang ESPIRITU SANTO, na SUSUGUIN NG AMA SA AKING PANGALAN, siya ang MAGTUTURO sa inyo ng lahat ng mga bagay, at MAGPAPAALAALA ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
Juan 15:26
" Datapuwa't pagparito ng MANGAALIW, na AKING SUSUGUIN sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin "
Juan 13:20
" Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG TUMANGGAP sa sinoman SINUSUGO KO ay ako ang tinatanggap; at ANG TUMANGGAP sa akin AY TINATANGGAP ANG NAGSUGO SA AKIN. "
Malinaw ang turo ni Jesus, na ang Espiritu Santo na Siyang MANGAALIW, SINUGO ay parehong isinugo ng Ama at ng Anak. Samakatuwid, kung sino man ang TUMANGGAP sa Kaniyang isinugo ay parehong tinanggap ang nagsugo sa Kaniya, na walang iba ang IISA AT TUNAY NA DIOS NA ANG AMA AYUN KAY JESUS (Juan 17:1,3). Kaya, sa katunayan nito, Ang sinoman ang nagsisinungaling sa Espiritu Santo, ay diriktang nakapagsisinungaling sa Dios. Gayun din, kung tatanggapin at hayaan ng tao na manirahan sa kaniya ang Espiritu Santo ay Parehong Tinanggap niya ang Dios at ang Panginoong Jesucristo.
Ang kanilang malaking magiging problema kung papaniwalaang Dios ang Espiritu Santo dahil kung magsisinungaling sa Espiritu Santo ay Dios na Dahil sa Dios nagsisinungaling ay magkakaroon naman ng kamalian. Magiging Dios narin ang mga apostol gung gayon, sapagkat ganito ang sabi ni Cristo sa kaniyang pahayag:
Lucas 10:16
" Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo. "
Dito, malinaw ang sabi naman ni Cristo na ang ayaw tumanggap sa kanila ay hindi Siya tinanggap at ang Dios na Nagsugo sa Kaniya. Kaya, kung patuloy nating isipin ang ganitong kamalian ng pang-unawa ay dadami ang Dios, maging pwersahan na dapat kilalanin ding Dios ang mga sinugo at ang mga Apostol liban sa iisang Dios, at yun ay magiging malaking kontradiksyun na at labag sa Biblia.
Kaya, sa mga nahuhulog sa ganito paniwala ay iwan na po ninyo ito, ang patuloy na nahuhulog at lumakad sa daan ng masama ay patuloy sa kamatayan. Ang humiwalay at iwan ang maling aral, Siya'y mapalad:
Awit 1:1-2
" Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. "
Kaya, ano ang PANAWAGAN ng Panginoong sa mga nahulog sa paniniwalang ito? Ganito ang sabi ng Panginoon:
Ezekiel 18:21
" Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay."
Ezekiel 18:22
"Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya."
Sana po ay marami ang makaunawa sa katotohanang ito. Para sa KARAGDAGANG ARAL ukol sa KAILAN NAIMBENTO ANG ARAL UKOL sa PAANO NAGING DIOS ANG ESPIRITU SANTO ay bumisita lang dito.
Click here :
ESPIRITU SANTO DIOS BA? PAANO NAIMBENTO?
2 komento:
1 Corinthians: Chapter 8:6
אמנם לנו אך לא אחד האב אשר הכל ממנו ואנחנו אליו ואדון אחד ישוע המשיח אשר הכל על ידו ונחנו על ידו׃
But to us there is but one God, the Father, of whom are all things, and we in him; and one Lord Jesus Christ, by whom are all things, and we by him.
Malinaw sa sa 1corinto 8:6 na may echad (אחד) tama ba alam ko namang naiintindihan mo kung anong ibig sabihin ng echad
Pangalawa mali ang pagakakaintindi mo dito basa
Mga Hebreo 1:3
[3]Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa langit.
ANo malinaw na ang anak ng dios sino ang anak ng dios dibat si hesus kaya kung ano ang ama ganon din ang anak pano bayan ang ama ah dios tapos si hesus ay ang anak tao paba si hesus
Patawarin nawa kayo ng Spirit Santo, sa Paglapastangan sa Kanya.. Ngumiti sabi ni Jesus, ang kasalanang hindi patawarin Kaylan man at ang "Paglapastangan sa Spirit Santo".
Mag-post ng isang Komento