Noong nakaraang issue ay naitalakay ang ukol sa KUNG SINO ANG MAY KARAPATAN na makapasok sa langit, at tiniyak na hindi pala limitado ang makakapasok o yaong mga 144,000 lamang ang may karapatan sa kaharian sa langit, sapagkat NAPAKALINAW na ang lahat ng gumawa ng ayon sa kalooban ng Ama ang tunay na magmamana ng Kaniyang kaharian [Mat.7:21], at ang kaloobang iyon ng Ama ay ang matipon ang lahat ng tao kay Cristo o umanib sa Iglesia Ni Cristo upang magtamo at makapasok sa pangakong LANGIT na ito ang kaharian. Kaya sa bahaging ito ay ating titiyakin kung sino ang 144000 na binanggit ayon sa Apoc. At bakit hindi mangyayaring ito ay ang mga Saksi ni Jehova? At sa Kasunod na artikulo nito (Part 3) ay ukol naman sa "GAGAWIN BA NA KAHARIAN ANG MUNDONG ITO, AT HINDI SUSUNUGIN o MAWAWALA?.
SINI-SINO ANG 144000, SAKSI NI JEHOVA BA?
Ipagpatuloy natin. Ano ang binanggit bilang pagpapakilala sa 144000 ayun sa Biblia? Ganito ang sabi:
Apocalypsis 14:1 “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBONG may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.”
Apocalypsis 14:3 “At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO LAMANG, SA MAKATUWID AY SIYANG MGA BINILI MULA SA LUPA.”
Apocalypsis 14:4 “Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ANG MGA ITO'Y ANG NAGSISISUNOD SA CORDERO SAAN MAN SIYA PUMAROON. ANG MGA ITO'Y ANG BINILI SA GITNA NG MGA TAO, na naging mga PANGUNAHING BUNGA sa Dios at sa Cordero.”
Ang dapat nating mapansin mula dito sa mga talata, ang pagpapakilala sa 144000 ay ang sumusunod:
1. Nagtataglay ng Pangalan ng Ama, at Pangalan ng Anak.
2. Mga TINUBOS/BINILI mula sa lupa.
3. Pangunahing bunga
Atin pong isa-isahin upang hindi mailigaw ang marami. At siyempre sa ating nais na mabigyang LINAW at mauunaawan ng nahuhulog sa pagkakamaling ito.
NAGTATAGLAY NG PANGALAN NG AMA AT ANAK
Gaano kahalaga kanilang tinaglay ang Pangalang ito, na mula sa Ama, at sa Anak? Ganito ang sabi :
Gawa 4:12 “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN sa silong ng langit, NA IBINIGAY SA MGA TAO, na sukat nating ikaligtas.”
Ayun sa pagtuturo, ang Pangalan na ibinigay sa kanila, ito ay ang SUKAT na IKALILIGTAS. Kung gayon, ano ang PANGALANG iyon na nasa kanila na taglay na mula sa Ama?
Juan 17:11 “At ngayon ako’y papunta na sa iyo; Wala na ako sa sanglibutan, ngunit nasa sanglibutan pa sila. Amang Banal! INGATAN MO SILA SA KAPANGYARIHAN NG IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang sila’y maging isa na gaya natin na iisa.”[Magandang Balita Biblia]
Ang PANGALAN na ito na nasa kanila ay ito ang PANGALAN na taglay ni Jesus at ito ang PANGALANG PAG-AARI NG AMA na Syang ibinigay at ginawa naman kay Jesus. Kung gayon ano ito?
Gawa 2:36 “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na GINAWA NG DIOS NA PANGINOON AT ‘CRISTO’ ITONG SI JESUS na inyong ipinako sa krus.”
Samakatuwid, ang PANGALANG PAG-AARI NG AMA na nasa Kaniya, at nasa kay Jesus naito ang ibinigay sa mga tao ay ang PANGALANG CRISTO. Ito ang unang palatandaan na ayun sa Apoc.14:1 ay taglay ng 144000 na nakapangalan sa kanila. Kaya mula sa unang bahagi ng artikulong ito ay naituwid natin na ang inakala nilang munting kawan ay saksi ni Jehova ito. Isang malaking pagkakamali at pag-unawa sapagkat MALINAW na ang MUNTING KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO, na malinaw na taglay ang PANGALANG CRISTO. At kaya sinabing MUNTING KAWAN sapagkat nagsisimula palang ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo at hindi pa gaanong karami ang kaanib.
Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa pangalan ni Cristo. Marapat lamang, kung gayon, na ang Iglesia na itinatag Niya [Mat.16:18] ay tawagin na sunod sa pangalang Cristo-Iglesia Ni Cristo-sapagkat ito ang ililigtas ni Cristo:
Efeso 5:23, MBB
" Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. "
MGA BINILI MULA SA LUPA
May dapat po tayong mapansin. Hindi naman po sinabi doon sa Apoc. 14:3 na SILA LAMANG ANG BINILI dito sa lupa, kundi ang sabi ay "MGA BINILI MULA SA LUPA". Maliwanag na sinasabi sa talata na sila iyong mga tao na BINILI MULA SA LUPA. Samakatuwid sila ay mga taong kasama sa BINILI o TINUBOS ng DUGO ni Cristo.
Apocalypsis 5:9 “At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't IKAW AY PINATAY, at BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.”
At napatunayan na po natin sa nakaraan na ang BINILI o TINUBOS ng DUGO ni CRISTO ay ang mga KAANIB o BUONG KAWAN ng kaniyang IGLESIA o IGLESIA NI CRISTO [Gawa 20:28, Lamsa Version ]. At liban dito sa mga tinubos ni Cristo, kung hindi kasama ang tao ay WALANG KAPATAWARAN SA KASALANAN [Heb.9:22]. At dahil din sa dugo ni Cristo ay kinalagan ang tao sa kanilang kasalanan [Apoc. 1:5], nangangahulugan na tunay na mga tinubos at nailapit ang tao sa Diyos [Efe. 1:12-13]. Kaya, PAANO nalang kung 144000 lang ang nagtamo nito? Lahat ay mapapahamak. Kaya isang maling aral na dapat maunawaan ng lahat.
PANGUNAHING BUNGA
Ang 144000 ay malinaw na ipinakilalang mga PANGUNAHING BUNGA SA DIYOS AT SA CORDERO [Apoc.14:4] Sa gawain ng Panginoong Jesuscristo sa Israel. Sila ang mga unang naging mga CRISTIANO o unang mga naging kaanib sa UNANG IGLESIA. At dahil sa ang gawain ni Cristo ay unang lumaganap sa dako ng mga JUDIO kaya ang 144,000 na binabanggit ay mga LAHING JUDIO o LAHING ISRAELITA po lamang. May patotoo ba? Narito:
Apocalypsis 7:4 “At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na ISANG DAAN AT APAT NA PU'T APAT NA LIBO, na NATATAKAN, SA BAWA'T ANGKAN NG MGA ANAK NI ISRAEL:”
Apoc 7:5 “Sa angkan ni JUDA ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan; Sa angkan ni RUBEN ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni GAD ay LABINGDALAWANG LIBO;”
Apoc 7:6 “Sa angkan ni ASER ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni NEFTALI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni MANASES ay LABINGDALAWANG LIBO;”
Apoc 7:7 “Sa angkan ni SIMEON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni LEVI ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni ISACAR ay LABINGDALAWANG LIBO;”
Apoc 7:8 “Sa angkan ni ZABULON ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni JOSE ay LABINGDALAWANG LIBO; Sa angkan ni BENJAMIN ay LABINGDALAWANG LIBO ang tinatakan.”
Napakalinaw po na ang 144000 ay nagmula pala sa Angkan ng mga anak ni Israel. At ito'y mula pa noong unang siglo na tiniyak na mga PANGUNAHING BUNGA sa Diyos at sa Cordero. Kaya, kung susuriin ang Saksi ni Jehova, pasok kaya? Kailan lamang ba lumitaw ang samahang iyon. Ating suriin :
" Ang Saksi ni Jehova ay lumitaw mula sa BIBLE STUDENT MOVEMENT na itinatag ni Charles Taze Russell [1852–1916] noong mga 1870 sa pagkakabuo ng Zion's Watch Tower Tract Society na may malaking mga pagbabago sa doktrina at organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Joseph Franklin Rutherford. "
" Ang pangalang Jehovah's witnesses o Mga Saksi ni Jehova na batay sa kanilang interpretasyon ng Aklat ni Isaias 43:10–12, AY IPINAKILALA ni Joseph Franklin Rutherford noong 1931 UPANG ITANGGI ANG KANILANG SARILI mula sa ibang mga pangkat ng Bible Student movement AT ISIMBOLO ANG PAGKALAS SA LEGASIYA NG MGA TRADISYO NI RUSSEL. "
Source :
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Mga_Saksi_ni_Jehova
Ayon sa reliable source ay tiyak na ang Saksi ni Jehova ay sa pasimula ito ang "BIBLE STUDENT MOVEMENT" na itinatag ni Charles Russel noong 1870. Subalit ito ay pinalitan ng sumunod na naminuno na si Joseph Franklen Rutherford at binago ang mga doktrina at kasama ang PANGALAN ng samahan ay IPINAKILALA o Pinalitan at naging "SAKSI NI JAHOVAH [Jehovah's Witnesses] noong 1931 lamang.
Kung gayon e may pabago-bagong tawag pala ang kanilang relihiyon at sa taong iyon lamang naitatag ang kanilang samahan, subalit ang 144000 na inakala nilang mga Saksi ni Jehovah iyon ay mga pangunahing bunga na mula pa noong unang siglo pa na sa pagkakatatag ng KAWAN o IGLESIANG TATAG ni Cristo.
Dagdagan pa natin. Kailan nga ba NATAPOS o NATATAKAN yaong mga 144000 na bahagi raw ng MUNTING KAWAN? Ganito ang sabi at sagot ni Brenda Martin sa isang Jehovah's Witnesses Website :
"144,000 ANOINTED. HOW MANY ARE THERE LEFT THAT IS STILL ALIVE TODAY?"
8,570 partook of the bread and wine in 2004
"WHEN DID THE 144,000 ANOINTED COMPLETED AND FULLFILLED THE NUMBER OF 144,000?"
EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935. Then “a great crowd, which no man was able to number, out of all nations and tribes and peoples and tongues, standing before the throne and before the Lamb.” (Revelation 7:9-17) began to be collected in. Increasing numbers (at that time) of those who heeded the message and who showed zeal in the witness work came to profess an interest in living forever on the Paradise earth. THEY HAD NO DESIRE TO GO TO HEAVEN. That was not their calling. They were no part of the little flock but rather of the other sheep. (Luke 12:32; John 10:16)
Their being identified in 1935 as the great crowd of other sheep was an indication that the choosing of the 144,000 was then about complete. "
Source:
en.allexperts.com/q/Jehovah-s-Witness-1617/144-000-12-000.htm
Pansinin po ang kanilang sabi :
" EVIDENTLY, THE GATHERING OF THESE WAS VIRTUALLY COMPLETE BY 1935"
Lumalabas sa kanilang paliwanag na kumpleto na ang pagtatatak sa 144,000 noong 1935 , pagkatapos ng taong iyon ang sumunod naman na mga pinili ay ang LUBHANG KARAMIHAN na ayon sa kanila ay hindi naghahangad na manirahan sa LANGIT. Pansinin na KUMPLETO NA RAW, Subalit pansinin din ang kataka-takang ito:
" 8,570 partook of the bread and wine in 2004"
May 8,570 katao na bahagi sa 144000 na tumanggap sa kanilang MEMORIAL[banal na hapunan] noong 2004. Kung gayon May 69 years mula noong 1935 [PAGKA-KOMPLETO sa 144000] hanggang 2004 na may 8,570 pang tumanggap ng MEMORIAL. Kung gayon, halos SANGGOL pa ang napili noong 1935 sapagkat may 69 taon na noong 2004, kaya kung ang natatakan noon ay may 40 taong gulang, segurado noong 2004, may 109 taong gulang na siya, imposibleng umabot pa sa gayong gulang ang 8,570 na mga tumanggap.
Hinding -hindi mangyayari ang ganoong paniniwala sapagkat, gaya ng sabi ng BIBLIA, ang 144000 ay "PANGUNAHING BUNGA" [Apoc.14:4] at hindi PILING BUNGA lamang. Kapag sinabing PANGUNAHING BUNGA, seguradong may kasunod pa iyan na bunga. At iyon ang kabuuan ng Iglesia ni Cristo na pumasok at sumunod sa kalooban ng Ama [Mat.7:21]. At isa pa, ang 144,000 ay tiyak na nagmula sa Angkan ng mga Anak ni Israel [Apoc.7:4], at hindi sa PENNSYLVANIA at USA.
May karugtong . .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento