Mga Pahina

Biyernes, Marso 28, 2014

Espiritu Santo at Santisima Trinidad Dios ba o imbento?

    





      Ang mga relihiyun na naniniwala sa trinity, ay isa sa pinaniwalaan nilang bumubuo daw sa Ganap na Dios, ay ang Espirito santo. Ito ang aral kung saan, ating bigyan ng linaw upang maintindihan ng karamihan, kung ano ang papel ng Espiritu Santo kung siya ba ay Dios din.


Ngayon, Suriin muna natin, ano ba ang Dios. anu ang katangian pag sinabing tunay na Dios ? Ang Dios na po mismo ang sumagot :



Genesis 35:11
" At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang "



Sabi mismo ng Dios, siya ay makapangyarihan sa lahat. Anu po ba ang isang katangian ng Dios Na nagpapatunay na siya ay makapangyarihan sa lahat?



2 Cronica 36:15
" At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako. "





Ang Dios, sapagkat siya ang makapangyarihan sa lahat, siya ang Nagsusugo at hindi ang isusugo.Di matatawag ang isang makapangyarihan sa lahat kung may nagsusugo sa kanya, kaya, kaylan ma'y di mangyayari na ang Dios ay uutusan o isusugo. Ang Espiritu Santo naman kaya ating suriin, ano ang gawain nito ?



Juan 15:26
" Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin "




Malinaw po,Ito ay Nagmula sa AMA at isinugo din naman ni Cristo. Pagka isinugo, sino ang mas dakila ,ang isinugo o yung nagsugo?
Ating suriin mula sa Biblia :



Juan 13:16
" Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya. "





Malinaw naman ang nakasaad mula sa Biblia. Si Cristo nagsugo din sa Espiritu Santo, Si Cristo din kaya sino ang nagsugo ?



Juan 14:24
" Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin. "





Si Cristo din naman ay isunugo ng AMA. Samakatuwid, Ang AMA mismo ang Pinaka Dakila sapagkat siya ang Dios na nagsugo, at hindi yaong isusugo, at katunayan siya ang makapangyarihan sa lahat na nagpadakila din kay Cristo :



Filipos 2:9
" Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan"




Di naman po sinabing, "Pinadakila ng isang bumubuo sa Dios", kundi mismong ang Dios ang nagpadakila , Sapagkat walang ibang dakila kundi ang nagsugo.


Ngayun, ano pa ang Dapat nating suriin? Binanggit po kanina na ang Espiritu Santo ay ang Mang-aaliw at ang isusugo,Ayun sa Biblia, ilan ang Espiritung isusugo , at tanggapin kaya nilang Dios lahat ang Espiritu na isinugo ng Dios sa lupa? Ganito ang ating mababasa :




Pahayag 5:6
" At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. "





     Pitong Espiritu ang isinugo, Kung pilit parin nilang ipapalabas na Dios lahat ng Espiritu na ipinadala sa lupa, Ilan lahat ang Dios nila ? Kaya ang Aral na Dios ang Espiritu Santo ay isang maling Aral na di sasang ayun sa nakasulat sa Biblia. Itanung natin sa Biblia, ilan ba ang bumubuo sa Dios? tatlo ba ?




Nehemias 9:6
" Ikaw ang Panginoon, IKAW LAMANG; IKAW ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo. "





     Samakatuwid, tunay na isa lamang, malinaw po ang Sabi : "IKAW LAMANG ANG LUMIKHA". tumutukoy sa iisa(Singular). Tiyak ba natin ayun sa Biblia na talagang ang isa lamang na Dios, ay Ang AMA na siyang Mag-isang lumikha na siyang Dios?



Malakias 2:10
Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? "





Nilinaw parin ng Biblia, na ang Dios ay ang AMA, siya lamang ang lumikha ,at iisang Dios. Kaylan ma'y di mangyayari na ang Dios ay binubuo ng tatlong Persona na isa na Dito ang Espiritu Santo na itinuring nilang Dios. Wala ng Dios bukod sa AMA at pinatutunayan yan sa atin ng Biblia :



2 Samuel 7:22
" Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. "





Ikaw(Singular) ay Dakila(AMa), walang gaya mo(Singular), o may ibang Dios pa bukod sayo(Singular).



Nilinaw sa Atin, na ang tunay na Dios ay wala nang gaya nya, o bumbuo pa sa kanya, sapagkat siya ang makapangyarihan sa lahat lahat, na ito lamang ang AMA



Efeso 4:6
" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "




Ang AMA lamang ang Iisang Dios na sumasa lahat, at di na kasama ang Espiritu Santo o kahit sino, na Mismo turo ng Dios :




Awit 89:26
" Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. "





Sinabi na ng Dios na siya ang AMA, siya ang Dios, hindi ka bahagi o bumubuo sa Ganap na Dios. Katunayan, pag may kikilalanin pa tayong iba pang Dios, di niya ito kikilalanin , Ganito ang patotoo mula sa Biblia :


SURIIN NATING MABUTI ANG BAHAGI NA "SINGULAR" NA NANGANGAHULUGANG MAG-ISA LANG.




Isaias 45:5
" Ako(SINGULAR) ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin(SINGULAR) ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala. "



Isaias 46:9
" Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y(SINGULAR) Dios, at walang iba liban sa akin(SINGULAR); ako'y Dios, at walang gaya ko(SINGULAR)"





Isaias 44:8
" Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin(SINGULAR)? oo, walang malaking Bato; ako'y(SINGULAR) walang nakikilalang iba. "





MGA HALIMBAWA NG MGA NAGPATOTOO NA ISA LAMANG ANG DIOS


1.PATOTOO NI HARING DAVID



2 Samuel 7:22
" Kaya't ikaw(SINGULAR) ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo(SINGULAR), o may ibang Dios pa bukod sa iyo(SINGULAR), ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. "




Awit 86:10
" Sapagka't ikaw(SINGULAR) ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw(SINGULAR) na magisa ang Dios. "




2.PATOTOO NG MGA APOSTOL


1 Corinto 8:6
" Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya(SINGULAR) ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. "



3. PATOTOO NI CRISTO



Juan 17:3
" At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw(SINGULAR) ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "



Juan 20:17
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking(SINGULAR) Dios at inyong(SINGULAR) Dios. "





4. PATI DIABLO ALAM NA IISA LANG ANG DIOS




Santiago 2:19
" Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig. "





Kung maging tatlo ang Persona ng Dios. Mas higit pa sila sa Diablo kung gayun. Iilan lamang yan sa Halimbawa natin , Sapagkat kung ating isa-isahin, seguradong napakarami ang patotoo tungkol sa iisang Dios na walang iba kundi ang AMA lamang.



PINAGMULAN NG MALING ARAL


Ngayun maaari naman nating suriin, ang mga pinagmulan ng mga maling Aral na ito kung paano nagmula at kaninu lamang nagmula ANG ARAL NG TRINIDA AT PAGKA DIOS NG ESPIRITU SANTO . Ganito ang ating mababasa mula narin sa kanilang mga aklat at awtoridad :




TUNGKOL SA PAG IMBENTO NG TRINIDAD


"The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], ... The invention of the term is ascribed to Tertullian." [Systematic Theology, by Augustus Hopkins Strong, page. 304 ]




Salin sa Filipino:



“Ang terminong ‘Trinidad’ ay hindi matatagpuan sa kasulatan (Biblia), …ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na gawa ni Tertulliano.”






"Though the exact terms in which the [Catholic] Church has formally defined the dogma of the Blessed Trinity ... are not in the Bible, and may, therefore, in a sense be called unscriptural. . .[The Divine Trinity: A Dogmatic Treatise, by Rt. Rev. Msgr. Joseph Pohle, p. 22]



Salin sa Filipino:

“Bagamat 
ang eksaktong mga termino, kung saan pormal na ipinaliwanag sa atin ng Iglesia [Katolika] ang dogma tungkol sa Banal na Trinidad…ang mga ito ay wala sa Biblia, at maaari, kung gayon, na ito’y tawagin na hindi maka- kasulatan…”


Ito pa. . . .


“Ang doktrina ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo ay walang batayan sa Banal na Kasulatan, sapagkat wala ni isang pagtukoy sa Diyos Anak o Diyos Espiritu Santo sa buong Biblia.” (Search for the Truth,p.64)






Aminado ,na wala nga talaga sa Biblia ang paniniwalang ito, at imbento lamang ni Tertullano ang Aral ukol sa Trinida. kaylan ito nagsimulang ipangaral ?





"It is a simple fact and an undeniable historical fact that several major doctrines that now seem central to the Christian Faith – such as the doctrine of the Trinity and the doctrine of the nature of Christ – were not present in a full and self-defined generally accepted form until the fourth and fifth centuries. If they are essential today – as all of the orthodox creeds and confessions assert – it must be because they are true. If they are true, then they must always have been true; they cannot have become true in
the fourth and fifth century. But if they are both true and essential, how can it be that the early [Catholic] church took centuries to formulate them?" [ The Doctrine of the Trinity Christianity’s Self- Inflicted Wound 1994 Anthony F. Buzzard Charles F. Hunting]


Salin sa Filipino:



“Ito ay isang simpleng katotohanan at hindi maitatangging katotohanang pangkasaysayan na ilan sa mga pangunahing doktrina na ngayon ay maituturing na mahalaga sa pananampalatayang Cristiano – gaya ng doktrina tungkol sa Trinidad at ang doktrina sa kalagayan ni Cristo – ay hindi umiral bilang isang ganap at mayroon nang maliwanag at katanggap-tanggap na anyo para sa lahat hanggang sa ika- apat at ika-limang siglo. Kung ang mga ito man ay mahalaga ngayon – gaya ng pinatutunayan ng mga Kredong ortodoksiya at mga kumpisal- ay marahil sapagkat ang mga ito ay totoo. Kung ang mga ito ay totoo, samakatuwid ito ay isang namamalaging katotohanan; at hindi naging totoo lamang noong ika-apat at ika-limang siglo. Ngunit kung ang mga ito ay kapuwa totoo at mahalaga, Bakit ang Iglesia [Katolika] noon ay gumugol ng napakaraming siglo para mabuo ang mga ito?”






Maliwanag na inaamin ng mga manunulat ng kasaysayan na ang aral na ito ay nabuo lamang noong ika-apat at ika- limang siglo, kaya malinaw na malinaw ang dahilan kung bakit hindi ito mababasa kailanman sa Biblia. Dahil matagal nang tapos ang Biblia noong Unang Siglo pa lamang, matagal nang patay ang mga Apostol, at matagal nang nasa langit ang Panginoong Jesus.



TUNGKOL SA PAG IMBENTO SA ARAL NA DIOS ANG ESPIRITU SANTO



“Tertuliano, ipinanganak noong mga 160, naakit o nakumberte sa Cristianismo noong 195 at sa Montanismo noong mga 207, ay isa sa mga pangunahing pilosopong Cristiano ng kaniyang panahon. Siya ay propesyunal na abugado na may malawak na kaisipan, maalam sa Pilosopiya, Kasaysayan at wikang griyego, na may natatanging kaloob bilang debatista. Siya ay isa sa mga unang nagpahayag nang tuwiran na ang Espiritu Santo ay Diyos na kapantay ng dalawang iba pang Persona ng Trinidad.” (A History of Heresy p.35)



Ayon sa patotoo ng kasaysayan, Malinaw si Tertullano Parin ang nag imbento. Subalit Paano na buo ang Imbentong aral na Ito ?
Ganito muli ang ating matutunghayan :


“Ang pinakamatanda at tinatanggap ng mas nakararami na pahayag tungkol sa lahat ng punto na may kinalaman sa Doktrina ng Trinidad, ay ang Kredo ng Nicea . Ito ay inilagda ng Konsilyo ng Nicea noong 325, at ang mga punto na may kinalaman sa pagka-Diyos at personalidad ng Espiritu Santo ay idinagdag sa Konsilyo ng Constantinopla noong A.D. 381 (The three are One,p.101)



Malinaw ang pahayag ng mga awtoridad, ang Aral ay idinadag lamang sa Artikulo ng pananampalatay mula sa konselyo noong A.D.381 . Bakit pala idinagdag lamang ito? di ba nila agad agad pinagkaisahan ang paniniwalang ito ?



“Ang Kredo ng Nicea ay walang sinabi tungkol sa pagka-Diyos ng Espiritu Santo.” ( The church in History, p.32)


Bakit walang naging Aral agad ukol dito?


“Ang konsilyo ay umiwas na tukuyin ang Espiritu Santo bilang Diyos.” (The left Hand of God, p.59)



Malinaw sapagkat, umiiwas ang konselyo na tukuyin ang Espiritu Santo na Dios, kaya tsaka lamang nila ito isiningit at idinagdag sa kanilang pananampalataya.Pinatunayan naman at sinupurtahan ng isang pari na si Clement Crock na mula lamang ito noong 381 A.D



“Noong 381, sa Konsilyo ng Constantinopla, ipinaliliwanag na isang tuntunin ng pananampalataya na ang Espiritu Santo ay Diyos.” (The Apostle’s Creed,p.206)



Ngayun, Sa Ating napansin kanina, ito ay idinagdag lamang, Suriin naman natin, bakit ito nadagdag? sinu ang mga may Pasimunu nito ?Ganito naman , ating tunghayan :



“Pagkamatay ni Anatacio ang liderato sa laban ng ortodoksiya (katotohanang Cristiano batay sa kasaysayan) ay pinangunahan ng tatlong lalake na kilala bilang “the three great Cappadocians.” Tinawag sila ng gayon sapagkat sila’y nagmula sa lalawigan ng Cappadocia sa Asya menor at dahil sa tatlong ito ay kabilang sa mga pinakabantog na lalake ng Iglesia ng matandang panahon, Sila ay sina Basilio ng Caesarea, Gregorio ng Nazianzo, at Gregorio ng Nyssa. Ang tatlong lalakeng ito ay matatag at malakas na naninindigan sa pagsasanggalang sa mga aral ng Kasulatan.” (The Church in History, pp.31-32)



Kanilang isinulong ang Aral na ito :




“Sa tag-init ng 325, ang prinsepe ng imperyo na si Julian, na nang panahong iyon ay estudyante pa lamang sa Atenas, ay namangha nang marinig ang problemang ito nang makilala niya si Gregorio ng Nazianzon, na kilala rin bilang Gregorio ang Teologo. Kasama ang isang nagngangalang Basilio at ang kaniyang kapatid, isinusulong ni Gregorio ang pagiging Diyos ng Espiritu Santo.” (The left Hand of God p. 61)


Ang tinatawag na Three Cappadocians ang naglunsad ng pagdaragdag sa Kredo ng Iglesia Katolika noong 381 sa Konsilyo ng Constantinopla ng aral na ang Espiritu Santo ay Diyos. Ang Dogma na ang Espiritu Santo ay Diyos ay hindi aral ng Biblia, kundi ito'y nag mula lamang sa Aral ng tao.Ganito parin ang patotoo mula sa kanilang mga aklat at awtoridad :



“Sa lumang Tipan, may mahigit ng 94 beses na binabanggit ang tungkol sa ‘Espiritu ng Diyos’, subalit hindi naipahayag sa kanila na ang Espiritung ito ay isa ring persona katulad ng Ama at ng Anak. Sa katunayan, hindi naging maliwanag sa lumang Tipan ang misteryo ng Santisima Trinidad. May mga pahiwatig, ngunit walang maliwanag na pahayag tungkol dito.” (Liwanag at Buhay,p.46)



“3. Ang Pangalang Diyos kung iniuukol sa Espiritu Santo-Bagaman sa alinmang bahagi nito’y hindi tinatawag ng Biblia ang ikatlong persona ng Pinagpalang Trinidad na ‘Diyos’,…” (The divine Trinity, p.109)



“Sapagkat hindi natin matatagpuan saanman sa Matandang Tipan ang kahit na anong malinaw na indikasyon ng Ikatlong Persona (Catholic Encyclopedia,p.49)





Malinaw po at hayag na hayag ang kasinungalingan ng Aral kung paano lamang naimpluwensyahan ng Maling Aral ang karamihan sa mga tao, Anu po ang turo ayun sa Biblia?



Tito 1:14
“Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.”





Huwag ang Aral ng tao, na imbento lamang at gawa gawa , ang sundi kundi ang aral lamang ng Dios, sapagkat ito ang katotohanan



Juan 17:17
" Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. "




Katotohanan, at hindi kasinungalingan na gawa gawa lamang..Kaya ngayun na nalaman natin ang katotohanan, anu ang turo mula sa Biblia ?




Efeso 4:22, 25
" At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; "
" Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. "





Itakwil ang maling Aral, iwan ang aral na mula sa pandaraya at gawa gawa lamang ng tao, upang tayo ay maging kalugod-lugod sa harad ng Dios.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento