Alam nyu ba na ang paniniwala ng mga SAKSI NI JEHOVA na samahang relihiyon, ay ang may karapatan lamang daw o ang makakapasok sa kaharian sa Langit ay yaong 144000 lamang na binanggit ng Biblia [Apoc. 14:1,3-4], na ito raw ang MUNTING KAWAN [Luc.12:32] at ang mga kaanib na hindi kasama roon ay dito daw sa lupa naman maghahari na tinutukoy umano na LUBHANG KARAMIHAN [Apoc.7:9]. Kaya naman, sila rin ay naniniwala na ang mundong ito ay HINDI masusunog o mawawala sapagkat gaya ng sabi, ang hindi kabilang sa 144000 ay dito maghahari. Upang malinawan ang lahat ay ating bigyang linaw ang issue na ito upang sa gayon, MAPUKAW sa katotohanan ang iba pang JW na hindi pa nakakaalam ng katotohanan.
Ganito ang pahayag ng ISANG JW na nagtago sa Pangalang Bible clearly Says:
" Ito ang mga binili ng dugo ni Jesus 144000 lamang ang binili na tao para sa Diyos upang maging hari..Pahayag 5:9-10; 14:4.. Ngayon nauunawaan kaya nila iyan? yamang ang membro nila ay marami? lagpas 144000?
Eh malinaw sa Pahayag na yaong binili
magiging isang kaharian saserdote at hari? "
SAGOT :
Sa Pahayag niya malinaw na nahati sa dalawa ang dako ng tao na kalalagyan. At ang sabi rin, na 144000 LAMANG ANG BINILI NG DUGO NI CRISTO na may karapatan sa langit. Kaya naman, itinanong natin sa Kanila, PAANO ngayon, ayon naman sa GAWA 20:28:
Gawa 20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang BUONG KAWAN, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na BINILI niya ng kaniyang sariling dugo. [ANG BIBLIA]
Ayun dito, buong KAWAN pala ang binili ng dugo ni Cristo, na ang tinutukoy na BUONG KAWAN ay ang IGLESIA NG PANGINOON. Kung gayon, kung ipagpapalagay natin na yung 144,000 lamang ang tinubos, sila lamang pala ang BUONG KAWAN o ang IGLESIA NG PANGINOON, at yung natira sa lupa ano nalang kaya? Kaya dito palang ay napakalaking salungatan na ang mangyayari. Ano po ang palusot ng mga kaibigan nating JW ukol dito? Ganito naman ang sagot ni Rex Roy Eusebio:
" ibang KULUNGAN nga yan nasa Gawa 20:28 kabilang sila sa munting kawan lucas 12:32 na ang pagkamamayan ay sa langit Hebreo 3:1. Kaiba naman sa IBANG TUPA *Juan 10:16 na hindi kabilang sa kulungan ng MUNTING KAWAN gawa
20:28 Lucas 12:32 pero silang lahat ay nasa ilalim ng isang PASTOL. Juan 10:9 "
Ayun sa kaniya, ang 144,000 raw ang tinutukoy ayun sa Gawa 20:28, at sila ang KAWAN na sinabing "MUNTING KAWAN" ayon sa Lucas 12:32, at ibang KULUNGAN ng Kawan naman raw ang IBANG TUPA ayun sa Juan 10:16 at yun ang maiiwan dito sa lupa. Napakagulo hindi po ba? Sapagkat napakalinaw po sana ayun sa Gawa 20:28 na ang binanggit ay "BUONG KAWAN" at hindi ang "MUNTING KAWAN" lamang. Sila ang tiyak na tinubos ni Cristo. Kaya dito'y nagkakaroon ng malaking salungatan ang kanilang aral.
Kaya, upang maging mas malinaw ang lahat, SINO AT ANO ANG " MUNTING KAWAN" ayon sa Luc. 12:32? Sila ba lamang talaga ang 144,000 na may karapatan sa langit? Ganito ang laman ng talata :
Lucas 12:32 Huwag kayong mangatakot, MUNTING KAWAN; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y IBIGAY ANG KAHARIAN.
Dito, malinaw na ang kausap ni Cristo na munting kawan ay Pinangakuan ng KAHARIAN na BIGAY KALOOB MULA SA AMA. At ang kaharian na ito ay ang kaharian sa langit [Mateo 7:21].
Subalit, ano ang dapat nating mapansin? WALANG SINABI SI CRISTO DITO NA ANG MUNTING KAWAN LAMANG ANG MAKAKAPASOK SA LANGIT, kundi ang sabi ay IBIBIGAY SA KANILA ANG KAHARIAN at ito'y ikalulugod ng Ama. Hindi po pala "EXCLUSIVE" lamang sa kanila ang kaharian. Sinabi po na MUNTING KAWAN sapagkat kakaunti pa lamang ang kaanib simula ng magsimula ang Iglesia na itinayo ni Cristo noong unang siglo. Kung gayon, ano ang paraan o tiyak na makakapasok sa kaharian sa langit? Ganito ang patotoo ni Cristo:
Mateo 7:21 Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay PAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT; kundi ang GUMAGANAP NG KALOOBAN ng aking Ama na nasa langit.
Napakalinaw po na ang KAPARAANAN upang makapasok sa langit, ay hindi ang BILANG na 144000 kundi ang sinoman na sumunod at gumanap sa KAOOBAN NG AMA sa langit. Kaya po salungat sa aral at turo ng mga Saksi ni Jehova na exclusibo lamang ang kaharian doon sa bilang na iyon. Sapagkat ang turo at aral ni Cristo ay hindi maaaring magkaroon ng pagkakamali o kontradiksyun man.
Ano ba ang kalooban ng Ama na dapat sundin ng tao upang MAKAPASOK sa Kaharian sa langit? Suriin natin kung pasok ba sila rito :
Efeso 1:9-10 “NA IPINAKIKILALA NIYA SA ATIN ANG HIWAGA NG KANIYANG KALOOBAN, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, UPANG TIPUNIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY KAY CRISTO, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,”
Ang kalooban ng Ama, ang MAKILALA O MALAMAN NATIN na ang LAHAT NG BAGAY AY MATIPON KAY CRISTO. Kaya, tayo ay kailangan na sumunod sa kaloobang ito ng Dios at matipon din naman kay Cristo. PAANO TAYO MATIPON KAY CRISTO? Ganito ang sabi ni Cristo:
Juan 10:9 “AKO ANG PINTUAN; ANG SINOMANG TAONG PUMASOK SA AKIN, AY SIYA'Y MALILIGTAS,…”
Napakalinaw po, na ang kaligtasan na ikapagtatamo na siyang kalooban ng Ama upang makapasok sa kaharian ay ang matipon tayo kay Cristo, upang matupad iyon, ang sabi ni Cristo ay "PUMASOK SA KANIYA". Subalit, paano ba ang pagpasok kay Cristo? Ito po ay isang SYMBOLICAL sapagkat kung gagawing literal e paano kaya ikakasya ang libo-libong tao sa katawang literal ni Cristo. Kaya ito ay hindi isang literal. Kung gayon, paano? Ganito ang sagot ng Apostol Pablo:
Roma 5:2 Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating PAGPASOK SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.
Ang sabi, tayo ay makakapasok sa pamamagitan ng "PANANAMPALATAYA". Kaya, saan naman napabilang ang mga sumampalataya at saan sila pumasok kung sila ay pumasok kay Cristo? Ganito ang sagot ni Apostol Pablo kung saan doon din sila kabilang :
Romans 12:4-5 For just as IN ONE BODY WE HAVE MANY MEMBERS, and not all the members serve the same function,
so we who are many are one body in Christ, and individually WE ARE MEMBERS who belong to one another.[New English Trans.]
Ang sabi, SILA AY MEMBRO o KAANIB sa IISANG KATAWAN bagaman maraming kaanib, ay nasa iisang katawan parin. Kung gayon, hindi DALAWANG KAWAN na ayon sa Saksi ni Jehova ay dalawa, kundi ayon sa Talata, kabilang o membro lamang sa IISANG KATAWAN bilang kaanib. Ano itong KATAWAN na tunutukoy kung saan doon kabilang ang mga Apostol? Ang katawan ay ang Iglesia :
Colosas 1:18 AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
Malinaw kung gayon, na sinomang nagnanais na MALIGTAS o MAKAPASOK sa kaharian sa langit ay ang sumusunod:
1. Ang gumanap sa kalooban ng Ama.
2. Na kasama sa matipon kay Cristo.
3. Ang pumasok kay Cristo, ang pumasok sa Kaniyang Katawan o Iglesia.
Kaya, ganito ang pamamaraan na tunay na turo ni Cristo at hindi lamang exclusive sa 144000 na bilang. Subalit, anong Iglesia iyon ? Ganito ulit ang sabi ni Apostol Pablo:
Roma 16:16 Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.
Ang pumasok ang tao sa Tunay na Iglesia, ang Iglesia ni Cristo at hindi ang pumasok sa Saksi ni Jehova. Sila ang tunay na makakapasok sa Kaharian. Kaya, ayun sa Gawa 20:28 na sa akala nila'y ito ang munting kawan, ay isang MALING ARAL sapagkat BUONG KAWAN ang binanggit at hindi munting kawan lamang, at ang KAWAN na sa kabuuan ito ay ang Iglesia Ni Cristo kung saan binili Niya ng Kaniyang dugo :
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong KAWAN, na sa kanila'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Translation].
At tandaan, liban sa katubusan sa dugo ni Cristo, na dapat kabilang ang lahat ay walang ibang kapatawaran ng kasalanan:
Hebreo 9:22 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at MALIBAN NA SA PAGKABUHOS NG DUGO AY WALANG KAPATAWARAN.
Liban dito na kabilang sa tinubos ay walang kapatawaran ang kasalanan ng tao. Kaya, kung ang tinubos lamang ayun sa mga Saksi ni Jehova ay ang 144000 lamang, kung gayon e ang maiiwan na hindi kabilang ay WALANG KAPATAWARAN SA KASALANAN AT LAHAT MAKASALANAN.
Kaya, ang pagtaglay ng ganitong aral ay isang maling aral na dapat iwaksi ng lahat ng nagkamali sa ganitong paniniwala upang makamit niya ang ikapagtatamo ng kaligtasan at kabilang sa mga may karapatan sa pagtanggap ng kaligtasan.
Abangan ang kasunod . . .
6 (na) komento:
Ngayon Ko LNG napagtanto na magulo pala ang aral Ng JW..
hahaha nakakatawa naman eh papanu lagpas na kaya sila sa 144,000 di wala ring silbi pala na magpaparami sila... Gulo Nio, wala sa inyo ang tunay na aral wala kayung SUGO.
Kayo po ba ay talagang nakakaunawa ng bibliya ? Hindi po ba dapat kayo ang magsimula ng kahinhinan at kahinahunan sa pagpapaliwanag ng nakasaad ng bibliya at ikapit ito sa ating mga sarili, hindi kaya mas maganda magbasa at unawain natin ng husto ang bibliya na itoy galing sa Ama at tanggapin natin ang katotohanan na may siya'y may maibigin kabaitan at may pangalan siya. (mateo 6:9)
At ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ng Diyos Ama ay maliligtas,,Roma 10:13
Tama po ang talata St. Marcos. Subalit kung ituloy po iyan sa 14
Roma 10:13-14 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
Magkakaroon lamang ng Karapatan sa Pagtawag kung ang napakinggan ay ang TAMANG ARAL, mula sa Tunay na Mangangaral. Kaya Tama ang banggit ni Jesus na ang GUMANAP lamang ng kalooban ng Ama ang may karapatan sa kaharian.. Mat.7:21
Sa aking pakikinig at pagsusuri matagal kona po alam na marami talagang mga binagong aral sa mga JW sila sila mismo umaamin sa pamamagitan din naman ng kanilang mga aklat !
Mag-post ng isang Komento