Naisip kong magpost ng artikulo ang ukol sa KAMATAYAN NG TAO. Sapagkat isang masakit sa isang tao na mamatayan ng MAHAL SA BUHAY. Isa na ako rito nitong nakaraan lang na araw, Dec.19, 2014. Nang mamatay ang aking kapatid. Para anyang tinupukan ka ng TINIK sa puso mo habang pinagmasdan ang yumaong mahal mo sa buhay, subalit gaya ng PAYO NG ILAN, " doon paroon o nakatakda ang lahat ng tao" kaya dapat tanggapin, which is tama naman ang sinabi nila sapagkat nakasulat nga:
Roma 5:12, MB
".....lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "
Lumaganap na ito sa lahat ng tao at LAHAT AY TINAKDAAN. Masakit man ang mamatayan subalit gaya ng sinabi, " Tanggapin ito, sapagkat ang BUHAY ay isang napakarupok. Tiniyak ng Biblia ang karupukan ng buhay ng tao at ganito ang sabi:
Santiago 4:14
" Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "
Ang buhay ng tao ay walang katiyakan o walang nakakaalam kung bukas ay babawiin ito ng Diyos sapagkat gaya ng sabi:
" Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "
Maging si apostol Pablo ay ipinaliwanag kung paanong ang kamatayan ay nagudulot ng panganib sa ating buhay:
"Araw-araw ay nabibingit ako sa kamatayan, mga kapatid ... At kami, bakit namin isinasapanganib pa ang buhay namin oras-oras? " 1 Cor.15:31, 30, NPV
Gusto man ng taong pigilin ang kamatayan, siya ay walang kapangyarihan dito ( Ecles. 8:8 ). Hindi maikakaila na walang pinipili ang kamatayan. Ito ay darating saanman at kailanman; madalas ay bigla, masakit at di-inaasahan. At bagaman marami at iba't iba ang paniniwala patungkol sa mangyayari sa tao kapag siya ay namatay, ganito naman ang sinasabi ng biblia:
Ecles. 10:14 MBB
" Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na? "
Kaya ang Dios ang dapat nating paniwalaan tungkol sa mangyayari sa tao kapag siya ay namatay. May mga naniniwala na ang kamatayan ng tao ay isang malaking kasawiang-palad sapagkat kasabay nito ay natatapos na ang lahat para sa kaniya. Iniisip naman ng iba na mabuti pang sila’y kumain na lamang at uminom habang nabubuhay sapagkat nakatakda naman silang mamatay. Mabuti pang sila’y kumain na lamang at uminom habang nabubuhay sapagkat nakatakda naman silang mamatay. Mabuti raw na magpakaligaya habang nabubuhay dahil di na raw ito magagawa ng tao kung patay na. Sa kabilang dako, may mga tao naming dahil sa bigat ng suliranin ay napapatiwakal upang mawakasan na ang kanilang paghihirap.
Bagaman ang kamatayan ay kasawiang-palad, gayunman, mayroong ipinakikilala ang biblia na MAPALAD NA KAMATAYAN Ganito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan:
Apocalypsis 14:13
" At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, MAPAPALAD ANG MGA PATAY NA NANGAMAMATAY SA PANGINOON mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; SAPAGKA'T ANG KANILANG MGA GAWA AY SUMUSUNOD SA KANILA."
Itinuturo ng Biblia na mapalad ang mga taong nangamatay sa Panginoon sapagkat pagpapahingahin na sila sa kanilang mga gawa. Sino ang Panginoon na tinutukoy na kung namatay ang tao na nasa Kaniya ay mapalad? Sa Gawa 2:36 ay ganito ang paglilinaw ng Biblia:
" Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus."
Si Cristo ang tinutukoy na Panginoon . Sino namang ang sa Panginoong na may mapalad na kamatayan? Ayon mismo kay Cristo, ang sa kaniya ay ang Kaniyang Iglesia:
Mateo 16:18 (Magandang Balita Biblia)
“ At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. "
Ang pinatotohanan ng Biblia na sa Panginoon ay ang mga kaanib sa Kaniyang Iglesia. Sila ang mga tao na kung mamatay man ay mapalad. Ayon sa Biblia, ang Iglesiang kay Cristo ay ang Iglesia ni Cristo:
Gawa 20:28 (Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles)
" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng Kaniyang dugo."
Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang may mapalad na kamatayan. Sa Pagkabuhay na mag-uli.Bakit mapalad ang kamatayan ng kay Cristo o ng nasa Iglesia ni Cristo? Sa 1 Tesalonica 4:16-17 ay ganito ang paliwanag:
" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man."
Sa muling pagparito ng Panginoong Jesucristo o sa araw ng Paghuhukom,ang mga namatay na kay Cristo ang unang bubuhaying muli upang, kasama ng mga daratnang buhay sa Kaniyang pangalan, sumalubong sa Kaniya. Ang mga taong ito ay tunay na mapalad:
Apocalypsis 20:6
" Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon."
Ang ikalawang kamatayan na wala nang kapangyarihan sa mga nakalakip sa unang pagkabuhay na mag-uli ay ang kamatayan sa dagat-dagatang apoy:
Apocalypsis 20:14
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy."
Ang tahanan ng mapalad
Saan tatahan ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na muling binuhay at mga daratnang buhay na hindi na makararanas ng kamatayan? Sa 2 Pedro 3:13 ay ganito ang mababasa:
"Sa bagong Lupa na may bagong langit tatahan ang mga maliligtas."
Ito ang bayang banal:
Apocalypsis 21:1-4
" At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na."
Sa bagong langit-sa bayang banal o bagong Jerusalem-ay wala nang kamatayan. Wala nang pagluha ni panimbitan man sapagkat ang mga dating bagay ay wala na. Gayundin, ang mga makararating dito ay ligtas na mula sa kaparusahan sa dagat-dagatang apoy. Ito ang napakadakilang kapalaran na naghihintay sa mga nasa loob ng Iglesia ni Cristo. Para sa kanila, ang kamatayan ng kanilang katawang-laman o pagkalagot ng hininga ay pagpapahinga lamang. Hindi nila kailanman ito kinatatakutan sa pagkat mayroong nakalaan sa kanila na buhay na walang hanggan sa bayang banal na ipinangako ng Panginoong. Ano ang itinuturo ng Biblia sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo upang maingatan nila ang kanilang dakilang kapalaran?
Awit 1:1-3
" Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. "
" At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa."
Mapalad ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na hindi lumalakad sa daan ng mga makasalanan bagkus ay sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon. Sila ay tiyak na magtatamo ng mga pagpapala ng Diyos dito pa lamang sa buhay na ito. At kung sila man ay abutin ng kamatayan o ng pagkalagot ng hininga, tiyak na sila ay bubuhaying muli upang tamuhin ang pangakong bayang banal at buhay na walang hanggan. .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento