Ang taon ng 2014 ay tuluyan ng lilipas. Kung baga sabi pa ng marami, "NO REWIND" . Kung ang mga nangyari ay nangyari na, subalit, maraming pangyayaring tumatak sa marami na naging MAHAHALAGA, MASAYA , MASAKIT, at iba-ibang uri na naging bahagi ng kanilang buhay na hinding-hindi malilimutan.
Maraming pangyayari naman ang naranasan ng marami na naging bunga ng kabagabagan at mga kahapisan. Ang resesyon at halos pagbagsak ng ekonomiya, ang epidemya na dulot ng iba't ibang mga sakit at mga virus, mga suliraning pulitikal at diplomatiko, kaigaligang panlipunan, at malalgim na sakuna ang ilan sa maituturing na MAHAHALAGANG KAGANAPAN sa taong 2014. Anupa't ang mga pangyayaring nabanggit ay nagdulot sa marami ng matinding kahirapan, na lalo pang pinalubha ng iba't ibang kalamidad, gaya ng mga PAGLINDOL, PAGGUHO NG LUPA, mga BUHAWI AT MGA SUPER TYPHOONS na bunga ng Climate Change na isa na ngayong mabigat na suliraning pandaigdig. Marami ang mga biktima na hindi pa lubos na nakakaahon mula sa pinsalang idinulot ng mga sakunang ito. Ang paglaganap ng karahasan at kreminalidad na ibinunga ng mga kahirapang ito ay nakapagdudulot ng labis na panlulupaypay sa di-kakaunting mga tao, na ang karamihay minabuting huwag ng pag-usapan ito.
Batid na sa maraming isip na magtatapos nga ang taon na ito na hindi mapipigilan ng sinuman. Ang NAKAKALUNGKOT, ang pagtatapos ng taon ay hindi nangangahulugang magwawakas na rin ang mga suliraning pangkabuhayan at ang kasiphayuang dulot nito. NANGANGANIB naman na lumubha ang patuloy na alitan ng ilang BANSA LABAN SA BANSA. Ang kalagayan ng ekonomiya ay hindi bumubuti samantalang ang mga bansang labis na naaapektuhan ng resesyon ay matamang binabantayan ang tinatawag na " GREEN OFFSHOOTS OF RECOVERY" ,dahil sa pangambang bumalik sila sa resesyon, o ang lalong masama, ay mauwi sa tinatawag na depresyon..
Sa taon din ito ay nasaksihan naman ng marami ang pagyaon ng mga dakilang tao sa daigdig ng SINING, PULITIKA, at iba pang larangan. Sa panahong ito na lalo nang laganap ang makabagong pamamaraan ng pakikipagtalastasan, GAYA NG FACEBOOK, TWITTER at iba pang kauri nito, ay halos imposebleng malingid kaninuman ang ganitong mga pangyayari. At kahit pa sabihing tangkaing iwasan ng tao na makarinig ng masasamang balita , ang mga pang-araw-araw na suliraning kaniyang nasasagupa ay patuloy na nagdudulot sa kaniya ng pangamba at nagpapaalaala sa kaniya na ang kaiyang buhay ay MARUPOK, PUNO NG BAGABAG AT SULIRANIN, at ang magagwa niya'y may hangganan.
Ang mga KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO ay nauunawaan na ang lahat ng malalagim na kaganapan sa mundo ay bunga ng parusa ng Panginoong Diyos sa tao, kaya, :
" Ang daigdig na ito ay magiging karumal-dumal Dahil sa mga taong may maruming pamumuhay; Mga taong lumalabag sa tuntunin ng Kautusan At ayaw tumalima sa walang hanggang tipan. Kaya't ang sumpa'y daranasin ng daigdig, At magdurusa ang mga nilikha dahil sa kanilang kasamaan, At ilan lamang ang matitira. " (Isaias 24:5-6, Magandang Balita Biblia)
Ang pagbagsak ng Moralidad ng tao sa ating panahon ay masusing inilarawan ni Apostol Pablo nang kaniyang ipagpauna na :
" mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw. Ang mga tao'y maging makasarili, gahaman sa salapi, palalo, mayabang, mapang-alipusta, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Bukod dito, magiging malupit sila, walang habag, mapanirang puri, mapusok, marahas, at mamumuhi sa mabuti. Hindi lamang iyan, sila'y magiging taksil, walang taros, palalo, at mahilig sa kalayawan sa halip na sa mga bagay na ukol sa Diyos. Sila'y magkukunwang may pananampalataya ngunit hindi naman makikita sa buhay nila ang kapangyarihan nito. Iwasan mo ang mga ganitong mga tao." ( 2 Timoteo 3:1-5, Magandang Balita Biblia)
Ang buong sanlibutan ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos at ang katotohanang ito ang dapat magsilbing paalala sa lahat na nasa Kamay Niya ang kapalaran ng tao. Sa gitna ng mga kaguluhang a kaligaligang ito, patuloy ang IGLESIA NI CRISTO sa pagtataguyod ng mga gawain ng Diyos sa mga huling araw na ito. WALANG HUMPAY ang pagpapatayo ng mga gusaling-sambahan sa Pilipinas at sa maraming bansa sa ibayong dagat. Nakapagpatayo ng mga gusaling sambahan sa mga BARANGGAY. Hindi naglilikat sa masiglang pamamahagi ng ebanghelyo ukol sa kaharian ng Diyos " UPANG ITO AY MAKILALA SA LAHAT NG MGA BANSA " (Mat. 24:14, ibid.) sa pamamagitan ng mga ministro at mga manggagawa na ipinapadala sa iba't ibang panig ng daigdig at ng TRIMEDIA CHANNELS. Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga distrito, lokal at mga extensions na itinatatag sa mga dakong kinalalatagan ng gawain ng Iglesia sa anim na kontinente ng mundo. Libo-libong mga bagong kaanib ang natatawag mula sa iba't ibang lahi at antas ng lipunan. Alalaong baga'y sa gitna ng mga kaguluhan at kabagabagang nagaganap sa mundo, ang Iglesia ni Cristo naman sa kaniyang kabuuan ay pinuspos ng Diyos ng mga pagpapala at pagtatagumpay.
Isa rito na DINIG ng buong mundo ang pagpapala ng Diyos sa Kaniyang Iglesia, ang isa sa mahalagang pangyayari ang PAGBUKAS NG PHILIPPINE ARENA na ito ang pinakamalaking arena na naitala sa kasaysayan, at higit sa lahat kaalinsabay nito ang PAGDIRIWANG NG IKA ISANDAANG TAON NG IGLESIA NI CRISTO ng magsimula ito noong 1914 sa Pilipinas.
Hindi man makaiiwas sa mga pagsubok at kahirapan ng buhay ang mga indibidwal na kaanib ng Iglesia, gayunpaman ay namamalagi silang nagpapasalamat para sa mga biyayang espirituwal na masaganang ipinagkaloob ng Diyos tuwing sila ay sumamba. Pinagtatalagahan nila ang mga pag-awit ng mga pagpupuri sa Diyos alang-alang sa Kaniyang mga hinirang (Awit 138:1-2). Wala silang anumang agam-agam sa pagsalunga sa mga krisis at kalamidad , hindi sa wala silang kamalayan sa mga nagaganap sa daigdig, kundi sapagkat sumampalataya sila sa pangako ng Diyos na Siya ang " MANGUNGUNA SA IYO. SASAMAHAN KA NIYA. HINDI KA NIYA PABABAYAAN" (Deut. 31:8, MB). Ang mga sambahayang Iglesia ni Cristo ay nagtatalaga rin sa pananalangin, at buong pagtitiwalang sumampalataya na sa pamamagitan nito ay magkaroon sila ng "LAKAS UPANG MAKALIGTAS SA LAHAT NG MANGYAYARING ITO " (Lucas 21:36, MB) bago dumating ang paghuhukom.
Sa kabuuan, maituturing natin na ang taong 2014 ay puspos ng kaligaligan at matitinding kahirapan, subalit ang mga tunay na Cristiano ay nakakasumpong ng kaaliwan sa pananalita ng Panginoong Jesucristo :
" At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan. " (Juan 16:22)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento