Bakit nga ba ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay nagpapatupad ng kaayusan sa pagsamba, LALO NA SA KASUOTAN SA PAGSAMBA SA DIOS?. Ganito ang tanong ng isang nagsusuri, tawagin nalang daw sa Pangalan na Junel:
"Bakit kung kayo'y sasamba ay kailangan naka polo at naka slacks at napaka PORMAL? Paano kung galing ka sa importanteng lakad at hind ka naka bihis at gusto mo sumamba? May pinipili pala ang Dios? "
SAGOT:
Sa pagsunod po sa Diyos, ay hindi ang naaayun sa sariling pamamaraan kundi may pinapatupad na naaayun sa Pamamaraan o kagustuhan ng Diyos (Roma 10:3, BMBB). Kung gayon malinaw na may sinusunod tayong lagi, na marapat ding alamin kung nalulugod ang Diyos sa pagtupad natin sa Kaniyang utos. Upang ating matiyak na ang pagsunod nga ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa pagpapatupad ng pagsuot ng angkop o BANAL NA KASUOTAN ay naaayun ba sa Biblia? Ganito po ang patotoo:
“Magsiawit kayo sa Panginoon ng isang panibagong awitin; magsiawit kayo, buong sangkalupaan. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ang kanyang pangalan; ipamahayag ninyo araw-araw ang kaligtasang nanggagaling sa kanya. Isalaysay ninyo sa mga bansa ang kanyang kahanga-hangang gawa. “Maghandog sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kanyang pangalan! Handugan siya ng mga alay at pumasok sa kanyang mga looban mga looban; ; Sambahin ang Panginoon nang may banal na kasuotan. Manginig kayo sa harap niya, sangkalupaan!” (Awit 96:1-3, Awit 8-9 Abriol)
(Abriol- Ang salin po na ito ay salin na ginawa ng isang paring Katoliko na si Jose Abriol.)
Ito Pa mula sa Salin na New English Translation:
1 Chronicles 16:29 Ascribe to the Lord the splendor he deserves! Bring an offering and enter his presence! Worship the Lord in holy attire!
Psalms 29:2, 10 Acknowledge the majesty of the Lord’s reputation! Worship the Lord in holy attire!
Psalms 96:9 Worship the Lord in holy attire! Tremble before him, all the earth!
Kabilang po sa utos ng Diyos ang “ SAMBAHIN ANG PANGINOON NANG MAY BANAL NA KASUOTAN”. May dapat din po tayo mapansin na ang “ BANAL NA KASUOTAN.” ay walang specific na uri ng damit kundi ang sabi ay "BANAL NA KASUOTAN". Kaya po may makikita kayo sa pagsamba sa loob ng Iglesia Ni Cristo na naka " BARONG, POLO, AMERIKANA o anuman na ANGKOP AT PORMAL na kasuotan sapagkat totoong nakasunod sa palatuntunan at nais ng Diyos na humarap sa Kaniya ang mga mananamba. Sinasang-ayunan ba ito ng mga Mananaliksik ng Biblia? Opo, ganito ang sabi :
“BANAL NA KASUOTAN…May pananalitang tinutukoy sa maayos (o marapat) na kasuotan’…” (The Interpreter’s Dictionary of the Bible, Vol. I, p. 231 )
Sinang-ayunan din ito maging sa pahayag ng Isang Pari na si Rev. T. G. Morrow:
WHAT DID GOD SAY ABOUT IT?
Does God really care what I wear to Mass? Well, He said He did. In the Scriptures we read: "Worship the Lord in holy attire" (1 Chr.16:29, Ps's 29:2, 96:9). And, the Catholic Catechism teaches that our gestures and our clothing "ought to convey the respect, solemnity, and joy of this moment when Christ becomes our guest" in Holy Communion (para. 1387). "
Source:
www.cfalive.com/articles/worship-the-lord-in-holy-attire/
Ganito pa ang pahayag ni Msgr. Charles Pope:
" Adore the Lord in Holy Attire – On Proper Dress for Mass "
By: Msgr. Charles Pope
Source:
blog.adw.org/2010/05/adore-the-lord-in-holy-attire-on-proper-dress-for-mass/
Ganito ang uri at marapat na pagsamba sa Diyos sapagkat ang Diyos ay totoong nalulugod sa mga tunay na mananamba sa Kaniya:
Juan 4:23 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Hinahanap ng Diyos ang ganung mananamba sa Kaniya na may kaayusan. Dapat nating isaisip na sa pagsamba ay HUMAHARAP TAYO SA DIYOS, kailangan ang buong puso na pagrespeto. Kung sa MATA LANG NG TAO sa pagsunod, gaya halimbawa nalang ng HUMARAP ka sa isang PRESIDENTE, papayag kaba na hindi ka nakabihis ng MAAYOS? Hindi ba't hinahanap at pinipili mopa ang damit na makakalugod at angkop na ihaharap sa kanila? Mas lalo na kung HAHARAP KANA SA DIYOS, Sapagkat Sa Kaniya ka sumamba. Ano ang dapat taglayin na ugali ng mga tunay na sumusunod sa utos ng Diyos? Ano ang dapat tandaan? Ganito ang pagtuturo:
1 Juan 5:3
" Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat. "
Ang sabi sa atin, TUPARING ANG UTOS NG DIYOS SAPAGKAT ITO AY HINDI MABIGAT, Hindi nabibigatan ang tunay na tumutupad o sumusunod sa utos ng Diyos, Kaya sa napansin ninyo ay lubusang naturuan ang Iglesia Ni Cristo sa pagpapatupad ng ganitong kaayusan, sapagkat sa lahat ng pagkakataon ay iniutos na gawing may kaayusan:
1 Corinto 14:40 Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.
Hindi lang pana-panahon kundi sa LAHAT NG PANAHON. Tandaan po na ang pagsunod sa ganitong mga gawa ay hindi lamang nalulugod ang mga tao ba makikita ang mga sumasamba na maayos, kundi higit na makapagbigay lugod sa KALOOBAN NG DIYOS:
Efeso 6:6-7
" Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;
Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao"
Ganito ang uri ng isang tunay na tagasunod kay Cristo at sa Diyos. Isang tunay na uri ng relihiyon na tunay na nakatutupad at NAGPAPATUPAD sa KALOOBAN ng Diyos. Sana ay marami pa ang patuloy na nakakasumpong at makabilang sa mga "TUNAY NA MANANAMBA SA DIYOS" .
Malugod po namin kayong inaanyayahan sa mga Pagsamba sa loob ng Iglesia Ni Cristo upang matunghayan ang tunay na kaayusan na isinasagawa at ipinapatupad. Bumisita sa pinakamalapit na Gusaling Sambahan na malapit sa inyo..
1 komento:
Ang galing po
Mag-post ng isang Komento