Biyernes, Mayo 16, 2014

Ang Mangyayari at Kaganapan sa araw ng paghuhukom





Kapag pag-uusapan ang PAGHUHUKOM, Ito'y tumutukoy sa isang pagwawakas ng isang bagay o pangyayari. Ngunit, ang ukol sa paghuhukom sa sanglibutan ay ang hindi masyado pinapahalagahan ng maraming tao kung ito ay mangyayari. May ilang pangkat-relihiyun parin na sadyang nagtuturo , wala raw paghuhukom o na mangyayari, sapagkat lahat naman raw ay ligtas na. Ayun sa Bibliya, totoo ba talagang may paghuhukom? Ganito ang patoo :





"Sapagkat siya'y nagtakda ng ISANG ARAW na kaniyang IPAGHUHUKOM sa sanlibutan..." Gawa 17:31



Malinaw at tiyak na totoong ang Diyos ay nagtakda ng paghuhukom.Kaylan ito maaaring maganap? Ang itinakdang ito ng Dios ay magaganap sa ikalawang pagparitoni Cristo na Kasama ang Kanyang Laksa laksang banal.




"At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam,na nagsabi, Narito,dumating ang Panginoon na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal,Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat,.." Tadeo 1:14-15



Si Cristo ay paparitong muli.Ang muling pagbabalik ni Jesus ay Makikita ng lahat ng mga Mata (Apoc. 1:7) sa apat na sulok ng daigdig sapagkat,Gaya anya ito ng Kidlat sa kanyang pagguhit.




"Sapagkat kung gaano kabilis gumuhit ang kidlat mula sa silangan hanggang sa kanluran,gayon din naman ang pagparito ng Anak ng Tao." Mateo 24:28,MB




Marami sa mga tao, na walang kabatiran sa magaganap sa araw ng paghuhukom,kaya ating patuloy itong ilalahad. Ating itanong, PAANO BA ITO MAGAGANAP? Makakarinig tayo ng Sigaw at Tinig ng Arkanghel at Tunog ng Pakakak, ito ang Hudyat ng Pagbaba ni Cristo mula sa langit at hudyat din upang buhayin sa UNANG PAGKABUHAY ANG MGA NAMATAY NA MGA HINIRANG NG DIOS :



1 Tesalonica 4:16
" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli "


Lahat bang patay ay bubuhayin sa unan. pagkabuhay? Hindi po, malinaw ang nakasulat,ang lahat na mga nakay Cristo. Ang mga dinatnang PATAY na HINDI MALILIGTAS AY MANANATILING PATAY NA NASA KANILANG LIBINGAN SA ARAW NA YAN :



Pahayag 20:5
" Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. "


Sa Tagpo ding ito, si Satanas ay susunggaban ng Anghel na mayhawak ng susi ng kalaliman at isang malaking tanikala at igagapos si Satanas sa loob ng 1000 taon sa ilalim ng kalaliman (Apoc.20:1-3;Tadeo 1:6)


Ang mga Hinirang ng Dios na dinatnang buhay ay di na makakaranas ng Kamatayan,Kasama ng mga binuhay Ay Sasalubong kay Cristo sa mga Alapaap :



1 Tesalonica 4:17
" Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. "



Tayo na mga Hinirang ay babaguhin, papalitan ang atin katawan mula sa katawang panlupa, na sa isang kisap mataay papalitan ng Katawang Panlangit. (1Cor.15:51-52,49).



Gayang Katawan ni Cristo na Maluwalhati :


Filipos 3:21
" Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya. "




Sa Pagbabalik ni Jesus ay Haharap sa Kanya ang Lahat ng Tao, ang mga dinatnang buhay mabuti man o masamaat ang Lahat ng Nakalakip sa Unang Pagkabuhay. DITO MAGAGANAP ANGPAGBUBUKOD GAYA NG PAGBUBUKOD NG PASTOL SA MGA TUPA at sa mga KAMBING. Ilalagay sa kanan ang mga Tupa datapuwat sa kaliwa ang mga Kambing. Maiiwan at isusumpa ang mga Kambing at Isasama ang mga Tupa sa muling pag akyat ni Cristo sa Langit...(Mateo 25:31-34,41)




Ito ang sinasabing Pagsalubong kay Cristo sa mga Alapaap at sasa Panginoon tayo magpakailanman.(1Tes.4:16-17). Ang mga di maliligtas na iiwan ay magsisitangis:



"Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kaming mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kaming maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, kailanmay hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan." Mateo 7:22-23




Sa ganitong Tagpo ay Bababa ang Apoy (APOY NA PANGLINIS) mula sa Langit upang MAGLINIS sapagkat tutupukin ng Dios sa pamamagitan ng Apoy ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa at lahat ng maybuhay sa lupa, ANG TAO AY MASUSUNOG O PAPATAYIN...:(2Pedro 3:7,10)




KAYA WALANG MAKIKITANG MAY BUHAY SA LUPA mula sa ARAW NA YAN, SA LOOB NG 1000TAON Sapagkat LAHAT NG DINATNANG BUHAY NA DI MALILIGTAS AY PINATAY NG DIOS SA PAMAMAGITAN NG APOY NA PANGLINIS at NAKASAMA NG DATI NG PATAY NA NASA LIBINGAN..


ANO ANG MAGAGANAP PAGKALIPAS NG 1000 TAON?




"At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kanyang. bilangguan." Apoc. 20:7




kasabay nito ay bubuhayin na ang mga Patay sa Libingan sa Ikalawang Pagkabuhay, na mga di nakasama sa Unang Pagkabuhay.



Apoc.20:5 
" Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon..."




Ang bilang nila ay gaya ng BUHANGINSA DAGAT.(APOC.20:8) PAGKALIPAS DIN NG 1000 TAON ay MAKIKITANG BUMABABA ANG BAYANG BANAL MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS NA MAKIKITA NI SATANAS ANG KANYANG KARILAGAN..(APOC.21:1-2)



Kung saan dito naninirahan tayong mga Hinirang.. (Apoc.21:3-4; 20:6) Si Satanas sa Kahuli hulihang Pagkakataon ay Dadayain ang Tao upang Himukin ang Tao na Agawin o Kubkubin ang Bayang Banal (APOC. 20:8-9) Si Satanas kasama ang Kanyang mga Anghel at ng mga Muli niya dinaya ay sumalubong sa pagbaba ng Bayang Banal para kubkubin ito (Apoc.20:9). At mangyayari ang Labanan sa Langit. Ang Hukbo ng Dios sa pangunguna ni Miguel Arkanghel Laban sa Hukbo ni Satanas..(APOC. 12:7).


Sa Tagpong ito ay BABABA ANG APOY MULA SA LANGIT ito ang Dagatdagatang Apoy (APOC.20:9).Si Satanas at ang kanyang hukbo ay matatalo sa pakikipagbaka.pagkatapos Silay ihahagis sa Apoy upang Pahirapan Magpakailankailanman.(APOC. 12:8-9;20:9-10,14)




Ganito ka tindi ang mangyayari, at pait ng matatamo na kapahamakan sa araw ng paghuhukom, kapag ang tao ay nagkamali sa kanyang paglilingkod, Ang kasama ng Diablo na ihahagis sa Apoy na walang hanggan.Kaya tiyaking mabuti ng tao na tiyak ang kanyang kinaaaniban upang hindi magkamali pagdating ng wakas.

6 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

Ngayon ko lang nalaman ng malinaw ito salamat po

Unknown ayon kay ...

Magpa salamat tayo sa diyos binigyan nya tayo ng pagkakataon maligtas

Unknown ayon kay ...

maraming salamat po.. lalo pong naging maliwanang ang aking kaalam

Unknown ayon kay ...

Salamat po sa Panginoong Dios, sa dami ng tao sa sanlibutan, isa ako sa nakabagi ng kanyang pagtawag saakin, at dnadala ko ang buo kong kamilya sa tunay na paglilingkod sa ating panginoong Dios,salamat din po kay ka bularan at kay ka rene...dahil sakanilang programa ko po sa radyo ito napakinggan...

Unknown ayon kay ...

Diba po may magaganap na paghahari sa loob ng isang libong taon? ang tanong ko po....? Sino po ang maghahari at sino po ang paghaharian? salamatšŸ„°

Unknown ayon kay ...

Diba po may magaganap na paghahari sa loob ng isang libong taon? ang tanong ko po....? Sino po ang maghahari at sino po ang paghaharian? salamat