Miyerkules, Nobyembre 12, 2014

UKOL SA KRUS AT MGA SANTO








Kadalasan ay maitatanong ng marami, lalo na sa mga naimbitahan at nakadalo sa mga pagsamba sa loob ng Iglesia ni Cristo, kung bakit wala silang makikita na mga imahe ng KRUS at mga SANTO na inilagay at ginagamit upang maging kaugnayan sa pagsamba. Ito po ay totoong tama kung ano ang inyong nakita sa anomang mga aktibidad . Sa katotohanan, ang gawin ang bagay na ito ay isang malaking pagkakamali sa Dios na tunay, sapagkat ayun sa KANIYA, hindi ito marapat na iugnay sa mga PAGLILINGKOD SA KANIYA, kaya may tagubilin :



Exodo 20:4-5
" HUWAG KANG GAGAWA para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, O PAGLILINGKURAN MAN SILA; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin "


Ang paggawa ng LARAWAN ay hindi naman ipinagbabawal, ang PAUNA LAMANG ng Dios, HUWAG GAGAWA ng mga yaon, kung paglilingkuran na o may kaugnayan na sa PAGLILINGKOD sapagkat Siya'y totoong mapanibughuin. At hindi rin papayag ang Dios, na idaan pa sa kanila ang mga paglilingkod at mga Pagpupuri :


Isaias 42:8
" Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. "


Malinaw ang mga itinuturo ng Dios ukol rito, sapagkat ito ay totoong walang kabuluhan at hindi mapapakinabangan (Isa.44:10), sila ang mga naging tampalasan na gumawa at naniniwala rito (Jer.10:14; 51:17). Na sa realidad ay makikita natin na iniaasa nila mula sa mga Santo ang mga bagaybsa kanilang buhay upang matulungan na palaguin ang kanilang pamumuhay. Kaya kapag may fiyesta ay pinagdiriwang at pinasasalamatan. MAY PAKINABANG ba ang mga gawaing ito? Ganito rin ang sinabi ng Biblia :


Habakuk 2:18
" ANONG NAPAPAKINABANGAN NG LARAWANG INANYUAN na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? "

Totoong wala itong silbi sa harapan ng Dios. Ito ang naging dahilan kung bakit lubusang nagalit ang Dios sa panahong Israel dahil sa mga pagkakaroon ng ganitong gawain.


Awit 78:58-59
" Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel "


Totoong galit ang Dios sa ganitong gawain, hanggang sa panahong Cristiano, ay patuloy na ipinagbabawal ng Panginoon ang ganitong mga gawa, sapagkat mayroon parin na patuloy sa ganitong mga gawa :


Gawa 17:29
" Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao ".


Pinapaalalahanan ang lahat ng mga LAHI NA MGA TAPAT sa Kaniya na hindi marapat na gawin ang mga ganoong bagay. Paano kung nahulog ang ilan dito lalo na sa mga HINDI PA IGLESIA NI CRISTO? Ganito ang payo :


Gawa 17:30
" Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos niya sa mga tao na MANGAGSISI silang lahat sa lahat ng dako "

Ang sabi po ay MANGAGSISI o mag bagong buhay na. Ito ang totoong payo na MULA MISMO sa DIOS...DAPAT SUNDIN.


Ngayon, ukol naman sa mga KRUS, wala kahit saan man sa Biblia na mahahanap natin ang sinomang alagad ng Dios na gumamit ng Imahe ng krus sa pagsamba at panalangin kay Cristo. Ang KRUS ay instrumento ng PAGPAPAHIRAP. Ang katotohanang ito ay suportado maging ng mga awtoridad ng mga katoliko na nagpapahayag na :


" Like the guillotine, the noose, or the electric chair" , the cross "was the symbol of shame, ignorance and dishonor" [ Discourses on the Apostles' Creed, p. 16]

Sa FILIPINO :


" Tulad ng gilotina , ang silo , o ang de-kuryenteng upuan, ang krus ay ang simbolo ng kahihiyan , kawalang-malay at ilagay sa kahihiyan "


Ang Makapangyarihang Dios, sa pamamagitan ng mga Apostol, ay nag uutos na ang bawat tuhod ay iluhod sa Pangalan ng Panginoong Jesucristo (Fil.2:9-11) hindi doon sa instrumento na ginamit ng NAGPAPAHIRAP SA KANIYA upang Siya ay PAHIRAPAN hanggang sa kamatayan. Isang Catholic Defender naman ang NAGSASABI na " CROSS is "SATAN'S INVENTION". Kung Gayon ang pinagluluhuran nilang Krus ay gawa ng Satanas.




Tungkol naman ulit sa mga SANTO, ang Iglesia ni Cristo ay tunay na naniniwala sa kanila, subalit, HINDI KATULAD ng paniniwala ng Katoliko kundi ayun sa turo ng Biblia. Ang mga Awtoridad ng katoliko ay ipinakilala ang mga "SANTO" bilang:


" Saints" as "a title properly given to those human members ... recognized by the [Catholic] Church, either traditionally or by formal canonization, as being in heaven" and act as "intercessors with God for the living and for souls in purgatory" [ New Catholic Encyclopedia, Vol. 12, pp. 852,962]


Sa Filipino :


" Santo" bilang "isang pamagat na maayos na ibinigay sa mga taong miyembro ... kinikilala ng [katoliko] Iglesia, alinman na ayon sa kaugalian o sa pamamagitan ng pormal na kanonisasyon , na nasa langit" at kumilos bilang "tagapamagitan ng Diyos para sa buhay at para sa mga kaluluwa sa purgatoryo"


Ito ang kadahilanan kung paano nila kinilala ang mga ito at kung paano ang Katoliko ay nagdadasal na may kaugnayan sa kanilang SANTO.

Ang BANAL NA KASULATAN, gayunpaman, ay naiiba ang pagtukoy sa mga "SANTO" sila ang " MGA PINAPAGINGBANAL KAY JESUCRISTO" (1Cor.1:2, New King James Version). Sila ang mga TINUBOS at BINILI ng dugo ni Cristo sa loob ng IGLESIA NI CRISTO (Gawa 20:28, lamsa trans.). Lahat ng mananampalatayang kaanib ng tunay na Iglesia, samakatuwid, sila ang tinutukoy na mga BANAL ayun sa Biblia.

Ang paliwanag at pakahulugan ng Katoliko sa SANTO ay bilang " TAGAPAMAGITAN NG DIOS" kung kanino sila ay manalangin ay isang hindi aral ng Cristiano at Wala sa Biblia. Ang Biblia ay nagtuturo lamang ng IISANG tagapamagitan sa Dios :


1 Timoteo 2:5 MBB
" Sapagkat iisa ang Diyos, AT TANGING SI JESUS-CRISTO LAMANG ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos ".

Tanging si Jesuscristo lamang. Kapag sinabing TANGI, ay wala ng iba pang pwede pumalit o idagdag pa kundi ang nalagay na


1 Corinto 3:11
" Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus. "


Siya ang tanging SALIGAN at TAGAPAMAGITAN na inilagay alang alang sa mga tao para sa Dios at wala ng iba pa.

Ang Biblia naman ay hindi sasang ayun na ang Banal na namatay ay nasa langit na, liban lamang kay Cristo, at ang lahat ng namatay ay nasa libingan pa (Awit 88:4-5). Kasama na rito ang mga BANAL, hindi pa sila pumaroon sa langit pagkatapos na mamatay (Gawa 2:29,34; Awit 86:2) at nananatiling nakahiga sa libingan hanggang sa araw ng paghuhukom (Job 14:10-12: 2Ped.3:10,7).


Marami ang hindi nakakaunawa ng mga katotohanang ito, sapagkat nailigaw ng maling relihiyon. Kaya, bilang Iglesia ni Cristo, lahat po ay aming inaanyayahan na patuloy na dumalo sa mga pagsamba sa loob ng Iglesia at simulan ang tunay na mga paglilingkod sa Dios na may kahalagahan at naayon sa Banal Na Kasulatan..

4 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

GALING TALAGA NG IDOL KO.. PAGPATULOY NYO LANG PO IYAN.. DA BEST KAYO KAPATID NA LAHING TAPAT...

The Lone Journalist ayon kay ...

Lol, ako po ay muntikan nang maging kabilang sa INC pero kayo po ay mga hypocrito hahahhaha so parang Iglesia Katolika na rin kayo kung magbabase kayo sa aklat ng Katoliko in regards sa pag kukrus o pagrespeto man lang kahit kunti sa cross, 1 Cor. 1:18 "sapagkat ang salita ng K-R-U-S!Krus ay kamangmangan para sa kanila na nangapahamak, ngunit itoy kapangyarihan ng Diyos sa atin na nangaligtas"buti nalang nakilala ko agad ang tunay na Diyos, tunay na Iglesia, ang ikatatlong katawan ng espiritu ng Dyos ang among halangdung magtuturo GINOONG ABNER AMON ang Akong Diyos Amahan ug Bato sa akong kaluwasan Amen!

Unknown ayon kay ...

mga hangal! magaling talaga si Satanas magbaluktot ng mga tunay na aral ni Cristo. ang lahat ng mga binaggit dito ay pawang kulang at ang mga nais lamang madinig ng mga lapastangan sa Banal na Krus ni Cristo na syang nanging simbolo ng kanyang tagumpay laban kay Satanas. Bakit hindi binaggit dito ag mga aral ni San Pablo ukol sa kahalagahan ng Krus ni Cristo na syang katitishran sa mga hindi nananampalaya pero tagumpay at karangalan sa mga naliligats. tunay ngang INCOPLETE MGA ARAL NYO

. ayon kay ...

kahit ano pang paninira at pang-aalipusta sabihin ng mga kumakaaway sa Iglesia Ni Cristo, di niyo mababago ang katotohanan na nakasulat sa biblia na tanging ang nasa loob lang ng kawan o Iglesia ang maliligtas. at walang iba kundi ang Iglesia Ni Cristo.