Pagsamba sa Iglesia ni Cristo |
Minsan nang namalas ng marami ang katanungang ito, kung bakit ba ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay dalawang beses sumasamba. Una, kami ay nagpapasalamat kung kayo ma'y dumalo o nakadalo na sa aming mga PAGKAKATIPON o mga PAGSAMBA. Totoong kami po ay may pagsambang kadalasan ay HUWEBES o MIYERKULES at SABADO o LINGGO depende sa location o ORAS na naipatupad.
Ang Kaugalian ng congregation para sa pagsamba nang dalawang beses sa isang linggo ay pinagpapasyahan sa pamamagitan ng Pamamahala ng Iglesia upang matiyak ang pagiging maganda at mabuting halimbawa ng mga kapatid sa pananampalataya, at upang mabigyan ng sustansiya ang kanilang espirituwal na buhay ,sapagkat sa pang araw-araw na buhay ay iba't ibang pagkakataon na maaaring makasalamuha ng mga kabigatan ng pasanin at pagsubok ng buhay na nagdudot ng panghihina sa tao at upang dumalo sa kanilang iba pang mga pangangailangan na may kaugnayan sa kanilang mga serbisyong pangrelihiyon. [ 1Cor.14:26; 1Tes. 5:18-19; Heb. 10:23,25]
Ang Biblia ay nagsasabi at nagtuturo din sa atin na ang mga sinaunang mga Cristiano ay nangagkakatipon ng sama-sama sa Pagsamba sa unang araw ng sanglinggo [Gawa 20:7]. Gayunman, ang Banal na Kasulatan ay nagtatala din na may mga kaukulang pangyayari o pagkakataon nang nagsagawa sila mga Pagsamba sa mga ibang araw sa loob ng isang linggo, maging sa araw-araw, upang magbigay ng magandang halimbawa sa kanilang sarili sa ikalulugod ng Diyos [Gawa 2:46]. Sa gayundin, may ibang mga Congregation ng Iglesia Ni Cristo sa ibang Dako o Lugar na nagsasagawa ng ibang araw ng Pagsamba sa loob ng isang linggo na gaya ng ating sinabi kanina, sa pamamagitan ng pinagpasyahan at pinagtibay ng Namamahala sa Iglesia.
Ukol sa kapakanan ng Iglesia, ang disisyon ay ginagawa ng Namamahala sa Iglesia kung saan ibinigay sa kanila ang pagkasi mula sa Diyos upang matupad ang kanyang mga Salita [ Col.1:24:25].
Ito ang aming paniniwala na ang desisyon nilang nito sa bagay na nauukol sa pananampalataya , tulad ng Pagtatalaga ng mga araw para sa congregational pagsamba, ay kalooban na itinali o pinagtibay din naman ng Dios mula sa langit [Mat.18:18]…
Hindi ito dapat na ikapanghinayang at ikakasama ng loob ng lahat ng tao sapagkat sa pagsamba ay kaunting bilang lamang ng oras ang ating naibibigay at ilalaan sa Dios, kumpara sa mga oras sa ating pang araw-araw na gawain. Sa isang linggo ay may 168 na Oras, at kung paglalaanan natin ng Oras ang pagsamba ay nakapaglalaan lang tayo ng isang Oras bawat pagsamba. Kung gayon, sa loob ng isang linggo ay DALAWANG ORAS lamang ang ating naibibigay sa Dios at may 166 Oras pa tayo para sa pang-araw araw na gawain. Kaya, ang bahaging PAGSAMBA ay isang napakahalagang bahagi sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na laging pinagtatalagahan, sapagkat ito ay utos ng Dios na huwag nating pababayaan
Hebreo 10:25 MBB
" Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon".
Kaya, lahat po ay aming inaanyayahan na dumalo sa aming mga PAGKAKTIPON at makinig ng mga Doktrina. Makiugnay lamang sa mga kakilala ninyong mga kapatid namin o pumunta sa malapit naming Sambahan sa inyong lugar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento