Gaano ba kahalaga sa isang tunay na hinirang ang kaniyang pananampalataya sa Diyos? Ang Diyos ay tumatawag sa ilan sa pamamagitan ng iba't ibang paran at baka isa tayo minsan na ginawang kasangkapan. Atin pong tunghayan ang TRUE STORY OF FAITH ng Isang Kapatid na namumuhay sa ngayon sa labas ng Bansa na tawagin nalang raw sa pangalang "SON" sa ating pamagat na:
"BUHAY ABROAD"
Ako po ay isang handog masiglang kaanib sa aming lokal CAMARINES SOUTHWEST, Dahil sa pangangailan ay nagpasya na lumabas ng bansa, dahil sa kasamaang palad po ay iba ang lugar o project na nadestinohan ko. Seguro'y may plano ang Diyos kung bakit niya ako dinala dito.
Nadestino ako sa isang malayong pook sa isang bahagi ng desyerto at tanging kampo (accommodation) lang namin ang nandoon. Malayo sa bayan, aabot ng 100 kilometro patungo sa kinalalagyan na gitna ng desyerto. Ang nasaisip ko agad kung sa papaanong paraan na ako makakasamba at baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon dahil sa sitwasyon kong ito. Lumuluha ang aking mata habang dumulog sa Diyos sa pananalangin, na Siya'y gumawa ng paraan upang ako'y hindi mahadlangan.
lumipas ang 3 linggo may isang katrabaho ako na naaksidente at napilayan, kaya ako'y lumapit at binigyan siya ng 1st aid. Nagkakwentuhan kami at napagtanong kung taga saan at, nabanggit ko sa kaniya na sa manila ako nakatira sa CULIAT Q.C. at agad niyang tinanong kung malapit ba kayo sa iglesia ni cristo templo. Sabi ko naman oo dun lang kami sa likod nuon nakatira, sabi nya Iglesia kaba?... sabi ko OO , kaanib din po ako.
Sa pagkakataong iyon, napagtanto ko agad na siya'y isang kapatid rin at dala nya ang transfer nya na umabot ng 9 months na, at hindi pa nya naipapatala, sabi ko bakit di mo pinatala? Sagot niya'y di nya mahanap ang dako kung saan may Samabahan. Sabi pa niya, mayroon pang isang kapatid dito electrician, ipapakilala ko sayo mamayang gabi. Di naglao't nagkakila-kilala kaming tatlo. Yung isang kapatid ay nababa sa karapatan dahil nakapagasawa ng sanlibutan, sabi ko gawa tayo ng marapat na paraan upang sama-samang makadalo. Tumawag kami sa pinsan ko na kapatid na nandito din sa saudi. Nakipag-ugnayan kami para mahanap ang dako. Unang pagsamba namin sinundo kami ng mga scan sa bayan at hinatid sa dako, nakasamba kami. Hindi namin mapigilang pumatak ang mga luha bunga ng tuwa at kaligayahan, halos simula nuon tuwing araw ng samba ay pumapara kami ng mga truck na papunta sa bayan para lamang makisabay, at pag nsaa bayan na ay magtataxi papunta sa dako. Sobrang galak at saya ang aming nadarama tuwing makapasok na sa loob ng sambahan. Masaya kaming tatlo at higit sa lahat nagbabalikloob narin yung ksama. Pag-uuwi kami'y nagtataxi papunta sa gasolinahan upang doo'y mag-abang ng truck na dadaan sa tirahan namin, ganun ang ginagawa naming lagi para lamang makadalo, kailangang mamuhunan ng pagtitiis..
Kami ay umaalis sa kampo ng 5pm at nakakauwi kami ng 2am na, dahil sa layo at hirap ng sasakyan. Dahil sa awa ng Diyos, Siya ay nagbigay na paraan upang kami ay mas makatugon pa, may isang engineer na may sasakyan at nasa dulo pa ng kampo namin ang pinagtatrabahuan. Nakilala namin at simula nuon tuwing dadalo siya ay dinadaanan nya na kami kaya di na kami pumapara pa ng truck.
Simula noon, sobrang saya ng aming nararamdaman na ramdam ang patnubay at awa ng Maykapal. Kami'y magkakasama na dumadalo, lumipas ang mga araw at natapos na ang kontrata ng mga kapatid ko at nag EXIT na sila at bumalik na sa Bansa. Yung isang kapatid ay tumanggap agad ng tungkuling pagka diakono sa NUEVA VISCAYA nababalitaan kong masiglang tumutupad. Dati natagpuan ko siya na nasa kalayawan at gawang sanlibutan dahil 9 na buwang hindi nakakasamba at kasama ay sanlibutan ganun din yung isa tiwalag at nakapagbalikloob dito bago paman umuwi ng pilipinas. Tinuruan ko rin silang maglagak at maghandog para sa pasalamat at lingap at tanging handugan bago paman sila nakabalik. Nabago ang mga buhay ng kapatid na dati'y gipit na gipt sa pamilya at kulang ang sweldo pero nang matuto silang sumunod sa mga tungkuling paghahandog at pagsamba ay nabago lahat ang takbo at uri ng pamumuhay na may kasamang pagpapala sapagkat nababalitaan kong payapa ang pamamuhay kahit kaunti ang sweldo ay nagkakasya. Iniwan nila akong masaya dahil napasigla ko sila, natupad ko ang misyon ko kung bakit ako napadpad sa isang desyerto at tigang na lugar malayo sa paglilingkod subalit yun ay isang tungkulin na tulungan ang mga kapatid duon na malapit ng mahulog sa bangin ng kapahamakan. Salamat sa Diyos at kinasangkapan nya ako upang may makapag-balikloob sa Kaniya.
Naranasan namin nuon ang matinding pag-uusigi ng sanlibutan dahil nakikita nila kaming tatlo na tuwing byernes ay lumuluwas at pag gabi naman ay nagpapanata kami sa isang lugar na walang tao. Kami ay inuusig pero nagtagumpay parin kami. Gumwa sila ng mga tsismis sa aming tatlo dahil palagi kami magkakasama at pag gabi ay nakikita kaming tatlo na pumupunta sa isang lugar at duon ay nagpapanata, at sa pag-aakala nilang may ginagawa kaming masama, ngunit kami'y hindi nagpahadlang at sa awa at gabay ng Diyos ay naipagpatuloy namin ang aming mga paglilingkod. Mayroon din kaming mga naisasamang makinig sa pamamahayag.
Ako ay kasalukuyang nasa labas parin ng bansa hanggan sa matapos ko itong aking kontrata habang patuloy na nagpupuri at naglilingkod sa Diyos. Gabayan sana tayong lahat lagi ng Diyos na buhay..
My Comment:
Sa ating natunghayan, malaki ang magagawa ng taimtim na pagtitiwala sa ating Diyos sapagkat totoong nakasulat na, ang lahat ng may tiwala ay hindi mabubuwal, gaya ng nakasulat :
Nahum 1:7 NPV
“Ang PANGINOON ay mabuti, isang kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Ipinagmamalasakit niya ang mga nagtitiwala sa kanya.”
Ano ang pangako sa mga nagtitiwala?
Isaias 30:18 MB
“Ngunit ang Diyos ay naghihintay Upang tulungan kayo at kahabagan; Diyos na makatarungan itong si Yahweh, Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.”
Awit 32:10 NPV
“Maraming kapighatian ang masasama, ngunit ang di nagmamaliw na pag-ibig ng PANGINOON ang nasa paligid ng taon gnagtitiwala sa kanya.”
Totoong hindi madali ang buhay sa labas ng bansa. Hindi porke naririnig nating " NASA ABROAD" ay mayaman na agad at masarap ang buhay. Ang Diyos ang higit na kayamanang walang kupas kung siyay nasa atin. Napakalaki ang kaugnayan at magagawa ng PANANALANGIN AT PAGTIWALA sa Diyos. Sa lahat po ng mga kapatid na naghahanapbuhay, o nasa labas man ng bansa, tandaan po na kahit saan man tayo mapadpad, HUWAG NATIN BITAWAN ANG ATING KAHALALAN at ito'y lagi nating dala-dala hanggang sa hantungan ng ating buhay. Pahirap na ang mundo at itoy mas lalong hihirap pa, subalit ang ating TANGING hangad nalang na natitirang pag-asa ay ang buhay na walang hanggan. Oo malayo man sa pamilya at mga anak kung may pamilya, subalit bawat PATAK NG LUHA sa ating pagsisikap at kayod araw-araw ay hindi masasayang at hindi magiging walang kabuluhan sapagkat ang pangako ng Diyos, TITIPONIN NIYA TAYO AT MAGSAMA-SAMA PAGDATING SA BAYANG PANGAKO AT HINDI NA MAGKAKALAYO PA.
Sana po ay may natutunan tayo sa kwentong ito. At salamat po sa ating kapatid na nagpadala ng kaniyang kwento ukol sa pananampalataya. ^__^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento