Linggo, Marso 2, 2014

1 juan 5:20 Ang tinutukoy na Dios





Ating bigyan ng pagpapaliwag at pagsusuri ang isa sa mga talata na ginagamit ng ilan upang palabasin na si Cristo ay Dios. ating suriin ang talata :



1 Juan 5:20
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y BINIGYAN ng pagkaunawa, UPANG ATING MAKILALA SIYA na totoo, at TAYOY NASA KANYA na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. "



Ito po ang talata na kanilang ginagamit upang makapanlinlang at palabasin na Dios talaga si Cristo.Sa talata sa taas,ito po ay isang bukod na na pangungusap kung saan ay binanggit ang




"Ito ang tunay na Dios,at ang buhay na walang hanggang"




Subalit,kung ating suriin, ang mga pangungusap po ay patungkol sa Dios, kaya kung ating basahin ang mga naunang talata ,ito rin po ay patungkol po sa Dios,Ganito ang ating ma babasa :



1 Juan 5:18
" Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama."



1 Juan 5:19
" Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama. "



1 Juan 5:20
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at TAYO'Y BINIGYAN NG PAGKAUNAWA, UPANG ATING MAKILALA SIYA NG TOTOO, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. "




Ayun po sa Talata, sa pamamagitan po ng Ating panginoong jesucristo ay ating makilala ang DIOS NA TOTOO,kung saan ito ang buhay na walang hanggan.


Matitiyak po ba natin na ito nga ay ginawa ni Cristo at may ipinakilala siya na tunay na Dios,na may kaugnayan sa buhay na walang hanggan?

Sa tala parin ni juan,ay ganito ang pahayag ni Cristo :



Juan 17:1,3
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:"
"At ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, na IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid
baga'y si Jesucristo. "





Tupad po ang sinabi ng talata,na may ipinakilala nga si Cristo na ito ang tunay na Dios,kung saan ang buhay na walang hanggan ay ang makilala siya.

Kung pilit nilang palalabasin na si Cristo ang tinutokoy na Dios, ayun sa 1juan 5:20 ay malaki rin ang kanilang maging problema,sapagkat binanggit na ang Dios ay may anak, at sinu naman kaya ang anak ni Cristo?


Sa ganitong pagkakamali ng aral ay tiyak po magdudulot ng malaking kapahamakan. An. pagpapakilala po ba ni Cristo sa AMa bilang Dios ay sariling pang unawa ba niya ito o mula mismo sa AMa niya ?


Juan 15:15
"Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka't ang lahat ng mga bagay na NARINIG KO SA AKING AMA ay mga IPINAKILALA ko sa inyo.



Yun pong pagpapakilala ni Cristo sa kanyang AMA bilang iisang Dios, ito po ay narinig niya rin mula sa kanyang AMA. Ito din ba ay nilinaw at pinatunayan ng ibang Salin ng Biblia? atin pong tunghayan.



Contemporary English Version:



“We know that Jesus Christ the son of God has come and has shown us the true God.
And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.”1john 5:20



Binanggit po sa talata,na pumarito si Cristo upang ipakilala ang tunay na Dios,at tayo ay maging bahagi ng tunay na Dios.At hindi si Cristo ang nagpakilala sa kanyang sarili na siya mismo ang tunay na Dios. Anu ang pauna ng Mga apostol ukol Dito? bakit po di nila kilala ang AMA na siyang tunay na Dios?



"Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upan tayo'y
mangatawag na mga anak mg Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito" 1juan 3:1




Ang tunay lamang na nakakilala sa tunay na Dios,ay yun lamang mga pinagkalooban na maging Anak na Dios. Kaya po karamihan sa mga tao di kilala ang tunay na Dios Sapagkat sila ay hindi kinilala ng Dios na mga anak niya.


Kaya di na tayo dapat pang magtaka na kahit sa aral na ito ay maraming di nakakaunawa sapagkat pinapauna na ng biblia.


Lucas 8:10
"At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa. "



Sapagkat di ito ipinagkaloob sa kanila.




Mateo 13:11
" At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila. "

9 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

Kapatid maraming salamat po sa blog na ito. Kapag may talata akong hinahanap dito kopo kinukuha sa ganun ay naliliwanagan akong Lalo. May hihilingin po Sana ako. Bakit po sa Biblia natin ay hindi nakasulat ang kabataan ng panginoong Jesu kristo. Pero po sa Islam may kasaysayan daw po sila ng kabataan ng ating panginoong jesu kristo. A antayin kopo ang inyong tugon ukol dito. Maraming salamat po

Unknown ayon kay ...

si Cristo ang tinutukoy sa talatang 1juan 5:20.
sino ang anak ng Dios na naparito? ang sagot si Cristo. kaya "ito" ang ginamit, dahil naparito.. kung ang Ama yon, dapat ang "iyon" ang ginamit na pantukoy (dahil wala o malayo sa lugar ng kaganapan - subject)

Not angel ayon kay ...

Kailangn ko ng saktong paliwanag ng mga lNC member ukol sa pagkaanghel ni manalo sa talatang ito
Malamang kase ay hindi pa nagaganap ang hula (apocalipses 7:1) at sa hinaharap pa lang

Ang Dating Biblia (1905) Pahayag 7:1 At #pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

At pagkatapos nito??

May mauuna pala muna bago yan

Natural aatras ka ng talata upang malaman

Ang Dating Biblia (1905) Pahayag 6:15-17 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, #Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: Sapagka't dumating na ang #dakilangaraw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Magaganap muna ang dakilang araw at pagkatapos nito saka aakyat ang anghel sa sikatan ng araw

Anu po ba ang dakilang araw ayon mismo sa bibliya?

Ang Dating Biblia (1905) Judas 1:6 At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa #paghuhukom sa #dakilang araw.

So meaning ipagpapauna muna ang dakilang araw at pagkatapos nito saka aakyat ang anghrl sa sikatan upang magtatak ng 144k pg natatakan n lahat ng 144k saka pakakawalan ang digmaan

#Takenote : mga patay n po yung tinatatakan mga kaluluwa na
12 lipi ng unang esrael
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ayon s inyo ang apat na hangin ay digmaan
Sige pagbigyan natin

Ayon sa hula

Pigilan muna ang digmaan
Hanggang s aming matatakan ang hinirang

Wag muna
Kase magtatatak muna

Bakit sablay sa inyo ang hula?

Sumabay yung digmaan sa pagtatatak?
(kaalinsabay)

Ansabe ay magtatatak muna kame
Hanggang sa aming matatakan ang lahat(144k)

Sumigaw p nga sya pigilan muna ang digmaan

Ibig sabihin paka natapos na ang pag tatak
("Hanggang sa aming matatakan"!)

Saka pakakawalan ang digmaan nung apat na pumipigil

Sabi nyo eh yung hangin digmaan

Me mali eh

Wala n yung digmaan
Yung hangin pa pipigilan nuong apat
Nabaon a sa limot

Abay tatak pa din tatak somobra na sa bilang ha ha ha

Unknown ayon kay ...

Ganun ba kababa ang inyong reading comprehension?

Anonymous ayon kay ...

Malinaw po salamat

Anonymous ayon kay ...

Malinaw po, salamat

ako ayon kay ...

Mali mali turo mo

Rommel Ramos ayon kay ...

si Cristo ang dumating at ipinakilala ang Diyos? sino ang Diyos?

Rommel Ramos ayon kay ...

ilan ang tatatakan?
MGA GAWA 2:39
Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ✅ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.