Bilang isang Tao, kadalasan sa ating nariring na, bawat isa raw ay may paninindigan kung anu ang kanyang gagawin at paniniwalaan,may kalayaan na magdisisyun sa anu mang bagay na gagawin. Subalit bilang isang maka-Diyos, kailangan ang lahat ng bagay na gagawin ay may kaugnayan sa aral na itinuro kung ito'y nakakabuti o nakakasama. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ito'y mahalaga upang tayo'y makapag ugnayan at mananalig sa mg utos ng Dios.
Bilang Isang Cristiano, ay sumusunud sa mga utos ni Cristo.Ano ang turo ni Cristo upang magkaroon ng tiwala sa Dios?Ganito po ang turo :
Marcos 11:22
" At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios. "
Malinaw po, na ang pagkakaroon umano ng pananampalataya sa Dios ay mahalaga ito.Subalit , Sa ating narinig, May ibang relihiyun na hanggang dito lamang ang kanilang paniniwala. Sapat na daw ng pananampalataya lamang sapagkat nakasulat raw na SUMAMPALATAYA. Paano nila iniugnay ito sa paniniwala kay Cristo ay sapat na rin?
Juan 20:29
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya. "
Sumampalataya raw kay Cristo, ito lang daw ang kailangan sa kaligtasan.kaya wala nang gawa. Subalit may dapat po sana silang mapansin. WALANG ARAL NA SAPAT LAMANG ANG SUMAMPALATAYA AT LIGTAS NA.
Anu po ba ang kailangang ilakip kapag tayo ay sumampalataya ?
Santiago 2:14
" Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan? "
Ang sabi po,di pala sapat ang sumampalataya lang upang maligtas,anu po kailangan? Kailangan po ay ang GAWA. Bakit kailangan pa ito? sa talatang 22.
Santiago 2:22
" Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya
"
Sa pamamagitan po ng Gawa, ang pananampalatay ay nagiging sakdal ito.Sa paano po maituturing ang pananampalataya na walang gawa?
Santiago 2:26
" Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay. "
Ito ay itinuring na Patay. Kaya maling aral na SAPAT ANG PANANAMPALATAYA LAMANG. Sapagkat mahalaga ang gawa, gaya ng nasusulat,ito ay upang maging sakdal.Sa pananampalataya kay Cristo, Bakit po kailangan na may gawa? at anu ang gawa na ating kailangan? Ganito po ang turo ni Apostol Pablo :
Filipos 1:29
" Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang MAGTIIS din naman alangalang sa kaniya "
Ang PAGTITIIS o MAGTIIS. Ito ay isang gawang mahalaga upang maging sakdal ang ating pananampalataya. Ito ba ay talagang kailangan ng lahat upang masunud ang kaloobang ng Dios?
Hebreo 10:36 MBB
" Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. "
Malinaw po na Mahalaga at kailangan ito, at ito ay kalooban ng Dios na dapat gawin ng lahat ng nagsisampalataya.
Napatunayan po natin na ang pananampalataya ay kailangan ng gawa upang ito ay karapatdapat sa Dios, at kay Cristo. Ano ang dapat gawin ng lahat ng tao, kung ang dalawang ito ay ginagawa niya?
Juan 8:31
" Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko "
Ang kailangan, ay panatilihin lamang itong sundin. Hanggang kailan ito dapat gawin ?
Mateo 24:13 MBB
"Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas."
Hanggang wakas ang kailangan, At ito ay dapat panatilihin.Mula sa Ating napag- Aralan sa taas, Mahalaga ang pananampalataya na may gawa, subalit, Atin munang titiyakin, Sino lamang ang may karapatang gawin ang mga bagay na iyun? Lahat ba? Ganito po ang pagtuturo :
Mateo 7:21
" Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. "
Marami ring nagsipaglingkod,subalit ayun sa ating nabasa, ang gumanap lamang sa kalooban ng AMA upang di masayang ang pagtitiis (Heb.10:36). Ano ba itong kalooban ng Dios ?
Efeso 1:9
" Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang KALOOBAN, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. "
Efeso 1:10
" Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang TIPUNIN ANG LAHAT ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko "
Ang KALOOBAN ng Dios, ay ang matipon ang lahat ng bagay kay Cristo. Dito matitipon ang may karapatang sumampalataya at gumawa ng ayun sa utos ng Dios. Saan ito matatagpuan?
Roma 12:4-5
" Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
Ay gayon din tayo, na marami, ay IISANG KATAWAN kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa. "
Sa isang katawan, Dito titipunan ng Dios. Dito ang kalooban ng Dios na isasagawa ang pagsampalataya na may kasamang Gawa. .Ano naman itong Katawan ?
Colosas 1:18 MBB
" Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. "
Ito po ay ang IGLESIA na katawan ni Cristo,At kung tatawagin, ito ang IGLESIA NI CRISTO
Roma 16:16
" Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. "
Samakatuwid, ang tunay po na sumasampalataya kay Cristo, ay nararapat na maging Sangkap ng katawan o ng IGLESIA NI CRISTO upang magawa ang kalooban ng Dios na magsasagawa ng paglilingkod sa kanya at matipon kay Cristo.
ANO ANG DAPAT NA TIISIN DAHIL SA PANANAMPALATAYA?
Gawa 14:22
" Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga KAPIGHATIAN ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios. "
2 Tesalonica 1:4-5
" Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga PAGUUSIG sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis"
"Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo"
Maliwanag po, na ang dapat tiisin ng mga naging kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na kalakip ng pananampalataya ay ang pag-uusg at ang kapighatian. Bahagi ng kalooban ng Dios na sa pananampalataya ng mga hinirang niya ay ang Magtiis. Bilang kaanib, anu ang Payo sa lahat ng mga binigyang karapatan sa paglilingkod sa kanya ?
2 Pedro 1:10-11 MBB
" Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging MASIGASIG upang mapatunayan ninyong kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung ganito ang gagawin ninyo, hindi kayo MATITISOD. Sa ganitong paraan, kayo'y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo".
MAGING MASIGASIG AT HUWAG MATISOD. . .MAGPAKATATAG HANGGAN SA WAKAS (mat.24:13 MB)
Ito'y mahalaga bilang mananampalataya, Kaya para di masayang ang ating pagpapagal, Gawin ang kalooban ng Dios na ayun sa kanyang salita na ito ang katotohanan (juan 17:17). Na ito ang katotohanang itinuro ni Cristo
Juan 5:24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento