Ang kasal, MULA
PA SA PASIMULA, ang itinuturing na pinakabananl at pinakadalisay na taling
nagbubuklod sa lalaki at babaeng mag-asawa—isang institusyon na napakahalaga sa buhay ng tao. Ang
pagkakaroon ng mabuting asawa ay itinuturing pa nga ng marami na dakilang
karangalan ---isang sukatan upang mapatunayan ng isang tao sa kanyang mga
kamag-anak, kakilala, at kaibigan na sya ay matagumpay sa kanyang personal na
buhay.
Kung gaano ang pagkilala ng isang
tao sa pag-aasawa at kung paano niya tinutupad
ang kanyang mga pananagutang saklaw nito ay lubhang mahalaga para sa
kanyang kapakanan---maaari itong magbunga ng kaligayahan at kaganapan ng isang
tao ; maaari rin naming magdulot ito ng
sakit ng ulo o kasiphayuan. May mga taong madali matangay ng simboyo ng damdamin anupa’t ito ay nagtutulak sa
kanila na makagawa ng maling pagpapasya. Sa maraming pagkakatraon ay ating
nasaksihan kung paano nagpadala ang marami sa impluwensiya ng lipunan pagdating
sa pananamit, pananalita, pag-iisip, at maging sa pag-aasawa. Subalit dapat
maunawaan ng lahat na ang marami sa nakaugalian ng mga tao sa mundo ay hindi kasang-ayun sa mga aral ng Diyos.
Hindi marapat ipagpauna ng tao ang pagbibigay-kasiyahan sa sarili kaysa
pagbibigay-lugod sa Diyos.
Kaya, paano magagawa ng tao na
mabigyang kaluguran ng tao ang Diyos at nang sa gayun ay magkakaroon siya ng
maligaya at matagupay na pag-aasawa? Ganito ang pahayag mismo ni Cristo :
“ At sila’y maging isa .’ kay’t hindi na sila
dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao “. (Mar. 10:8-9,
Magandang Balita Biblia)
Ang pagkakasal
kung gayun, ay isang institusyon ng pagbubuklod
ng dalawang taong pinag-isa ng Diyos, na hindi dapat paghiwalayin ng sinumang tao. Isa itong pang
habambuhay na kaugnayan sa pagitan ng
isang lalaki at isang babae na kanilang
sinumpaan na hindi nila puputulin. Ang pagsasamang ito ay dapat pamalaan ng mga
batas ng Diyos (Roma
7:2-3), na siyang nagtatali sa mag-aswa sa isat-isa; gaya ng
kanilang pangako na
“hanggang papaghiwalayin tayo ng
kamatayan. “.
Kung lubos na
kinikilala ng mag-asawa na sila ay iisa, gagawin nila ang lahat nilang makakaya
upang bigyang-kasiyahan, palakasin, at aalalayan ang isat-isa. Mayroon na
silang iisang buhay bilang mag-asawa—ganap na silang isa sa mata ng Dakilang
Lumikha.
Maaring ang
sosyologo at ang mga kinikilalang marunong ay magmumungkahi ng pamamaraan,
kaalaman o hakbang sa pagpili ng tinatawag na “SUOLMATE”
subalit ang pinakamabuting asawa ay galing sa Panginoon (Kaw. 19:14). Tunay ngang ang isang
matalino,maunawain, at mabuting asawa ay isang mabuting bagay—isang biyaya sa
Diyos (kaw.
18:22).
Napakahalaga
kung gayun na sa Diyos itiwala ang pagpili ng makatuwang sa buhay, gaya ng
ipinayo ng lingkud ng Diyos :
“Magtiwala ka
sa PANGINOON ng buong puso at huwag kang manangan sa sarili mong
karunungan;Isangguni mo sa kanya ang lahat ng lakad mo, at itutuwid niya ang
iyong landas. Huwag kang magpakapantas sa sarili mong mata; matakot ka sa
PANGINOON at iwaksi ang masama.”(Kaw.3:5-7, NPV)
Dapat na
sumandal at manalig tayo sa panginoon nang buong puso upang bigyan ng Diyos na
matagumpay ang kanyang Gawain. Kaylan lamang ito mangyayari? Kung ang mga aral
at utos ng Diyos ang siyang maghahari sa pagsasama ng lalaki at babaeng
mag-asawa. Kaya , nang tagubilinan ng Diyos ang lalaki na :
“Ibigin ninyu ang inyun-inyung asawa, gaya ni Cristo sa
iglesya” (efeso 5:23,MB)
Tinutokoy ditong
pag-ibig sa asawa ay higit pa sa emosyon o damdamin.Dapat itong mapatunayan sa
pamamagitan ng pagbuhos ng buong lakas upang maibigay ang
pangangailangan,maipagsanggalang, at maging mapagmahal sa kanyang asawa.Ang
lalaking mapagmahal sa kanyang asawa ay ginagawa ang lahat upang mabigyan ng tahanan
ang kanyang asawa (kung hindi man agad-agad ay bahagi ito ng kanyang panukala
sa hinaharap),at maging sa lahat ng kanyang pangangailangan at ng kanilang mga
anak upang maging makabuluhan at matatag ang kanilang buhay. Kung magagawa ng
lalaking maipadama ang kanyang taos at wagas na pagmamahal sa asawa, magiging
magaan paraa sa babae na magpasakop sa kanyang pangungulo.
Sa kabilang
dako, nang utosan ng Diyos ang mga babae na:
“ Pasakop
kayo sa inyung asawa tulad ng pagpapasakop ninyu sa panginoon. Sapagkat ang
lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya…”(
Efeso 5:22-23,Ibid)
Ito ay
nangangahulugan na gumawa ang babae ng isang matibay na pasiya na galang ang kanyang
asawa nang walang halong pagkukunwari(sapagkat may babae na nais pangunahan o
domihan ang asawang lalake upang gawin ang kanilang balang maibigan) kundi
alang-alang sa kabutihang ipinakita nito sa kanya.Ang isang babaeng may takot
sa Diyos ay hindi kailanman sasamantalahin ang kabaitan ng kanyang asawa upang maibigay
nito ang lahat ng kaniyang ibig.
Nang sabihin ng
Diyos na:
“ iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at
magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y maging isa” (Efe.5:31,Ibid)
Ito ay
nangangahulugan na hindi dapat payagan ng mag-asawa na may makakasira 0
makakahadlang sa kanilanhg maayos na pagsasama ang kanilang pakikitungo sa
kanilang mga magulang. Nakakalungkot, subalt may ibag mag-asawa nadi magagawang
iwan o makawalaa sa poder ng kanilang mga magulang. Madalas nilang maisumbong
ang mga pagkukulang ng kanilang asawa kaya naman ang mga beyinan ay nagkakaroon
ng masamang damdamin laban sa kanilang manugang. Bagama’t marami mang
magulang ang nakapagbigay ng mahusay na
payo at gabay sa mag asawa, mas mabuting manalangin muna ang mag-asawa bago
nila pag-usapan nang sarilinan ang kanilang mga suliranin bago idulog sa
iba.Nang ipaalaalang Diyos na:
“ Mga lalaki, sa ganoon ding paraan, maging maunawain kayo sa
inyu-inyung asawa. Pakitunguhan ninyo sila nang may paggalang sapagkat sila’y
mahihinang di tulad ninyo… sa gayon, walang magiging hadlang sa inyung mga
panalangin.”(I Ped. 3:7, NPV)
Ito ay nangangahulugang di nila dapat hamakin o
di kaya’y apihin ang kanilang asawang babae, dahil lamang may mababang antas ng
pinag-aralan kumpara sa kanila. Dapat unawain ng lalaki na hindi kinuha sa talampakan ang babae, kaya
hindi siya dapat hamakino yurakan. Manapa’y ang babae ay kinuha mula sa tadyang
ng lalake kaya makatuwiran lamang na sya ay bigyan ng marapat o mataas na
pagpapahalaga.
DIBORSYO
Ang paghihwalay
ay tila baga napakadali sa maraming mag-aasawa sa panahong ito. Ang konsepto ng
tinatawag na “NUCLER
FAMILY” noong dekada 50
at 60 ay napalitan nan g mga sambahayang malayung-malayo sa pinanukala ng Diyos.
Ang
nakakalungkot, ito ay ginagawa ng milyun-milyong mag-aasawa sa lahat ng panig
ng daigdig na wala man lamang pagsaalang-alang kung ito ay pinahintulutan ng
diyos. Ano ba ang sabi ng Diyos ukol sa Diborsyo
? ganito ang pahayag ni propeta Malakias:
“ Hindi ba sila’y pinag-isa ng PANGINOON? Sa katawan at sa
Espiritu, sila ay sa kanya. At bakit isa? Pagkat naghahanap siya ng maka-Diyos
na bunga. Kaya nga, ingatan mo ang iyong sarili sa iyong espiritu, at huwag
sumira sa pangako sa asawa ng inyong kabataan. ‘Namumuhi ako sa diborsyo ng mag-asawa,’ sabi ng PANGINOONG Diyos ng
Israel….Kaya nga, ingatan mo ang iyong sarili sa iyong espiritu at huwag kang
sisira sa pangako” (Mal. 2:15-16,
NPV, sa amin ang pagbibigay-diin)
Wala nang mas
lilinaw pa ditto sa pahayag ng Diyos na “NAMUMUHI
AKO SA DIBORSYO” . Sa halip na magsikap na maging tapat na kabiyak, ang iba
ay kaagad nahuhulog sa maling paniniwala na :
“mas madaling
lagdaan ang isang kapirasong papel kaysa gumugol ng panahon at lakas para
lamang magtagumpay ang pagsasama” ( http://EzineArticles.com/?expert=DanaKrupinsky )
Nakakalungkot
subalit ang lipunan ay nagbago mula sa pagbibigay-halaga sa pamilya tungo sa
pagbibigay-halaga sa sarili. Alinsunod sa Banal na kasulatan, sinumang
humiwalay sa kabiyak at mag-aasawa ng iba ay “ Nagkasala ng pangangalunya” (Mat.19:9, NPV).
Batid nating ang pagtataksil ay isa sa mga sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa
at ang diborsyo ay totoong isang mapait na karanasan maging sa panig ng mga
anak, anuman ang kanilang edad o antas ng pag-iisip---subalit mas higit nsa
dapat ikatakot na : “ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi
magsisipagmana ng kaharian ng Diyos” (Gal.5:19-21).
Kung making
lamang ang tao sa tagubilin ng Diyos na ganito:
“Aking anak ang mga salita ko ay dinggin mo, at ang aking mga
utos, ingatan nga at sundin mo…Kaya nga, iyong malalaman katuwiran at
katarungan, At iyong tataluntunin ang landas ng kabanalan…ang natatamong
kaalaman nga sa iyo ay mag-iingat, Ang unawa’y maglilihis sa liku-likong
landas” (Gal.5:19-21,9,11, MB)
Ang buhay ay
mapupuspos parin ng mga tiisin, ang mga
suliranin ay daratal at mawawala, ang pagsasama ng mag-asawa ay daraan parin sa
ibat-ibang pagsubok dulot ng pang araw-araw na hamon ng buhay sa mundong
ito—Subalit kung ang Diyos ang siyang lalakip sa buhay ng mag-asawa, ang
kaligayahan, kahustuhan at kasiyahang dulot ng pagsasama ay mamalagi hanggang
sila ay papaghiwalayin ng kamatayan.
2 komento:
Kapted...paano kung ang dalawang tao ay ikinasal sa maling relihiyon.diba itoy hindi naman kinikilala ng DIOS.sa makatuwid bay pwedi na sila mag devorce
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
Mag-post ng isang Komento