Sa Maraming pagkakataon po ay laging maraming pangkat ng relihiyung Cristiano na sila nga raw ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo. Sa atin pong pag aaral ngayun, ang mga pangunahin paksa at katanungan ang ating pag aaralan.
Ang mga bahagi pong ito ang siya na ating pag Aaralan ngayun,
Karamihan po at sa ibang mga relihiyun, ang kanila pong paniniwala ukol sa Iglesia ang Importante nga daw lamang, ay ang
"Relasyon kay Cristo, Hindi relihiyun"
Ang pagkakaroon ng Relasyon kay Cristo ay isang lubhang mahalaga nga sapagkat ito ang paraan upang maging bahagi sa Ililigtas
(Efeso 5:25-32).
Subalit ang bagay po na dapat tandaan, ay hindi po lahat ng tumatawag ng "panginoon,panginoon" ay ililigtas.(mateo 7:21-23). Kung siya po lamang ay dadalhin ng Dios kay Cristo (juan 6:44). Sa pamamagitan po ng Iglesia( gawa 2:47 ).
Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na
"Aking/my"
Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH.
Paano naman po tinawag ng mga apostol ang Iglesiang ito? Ito po ay tinawag na "IGLESIA NI CRISTO"
( roma 16:16 NPV , Gawa 20:28 lamsa )
Tinawag ni Apostol Pablo ang IGLESIA NI CRISTO na mga IGLESIA NG DIOS ,Nang kanyang sulatan ang mga Gentil na sila na Bahagi na sa pagsasampalataya sa Dios.Sagkat silay dating hiwalay at walang Dios.
Ang Iglesia po ay tinawag din gaya ng mga sumusunud :
Ang mga lokal din po ng IGLESIA ay tinatawag sa kanyang local na pangalan kung saan ito nakatayo,tulad nalang sa lokal ng tesalonica.
(1tes. 1:1) etc. Ang Iglesia din naman ay inihalintulad din naman sa
KATAWAN (col. 1:18)
kAWAN (gawa 20:28)
TUPA (juan 10)
ASAWA NG CORDERO (apoc.21:9)
Kahit po sa maraming bahagi na pinatungkulan ang IGLESIA, di parin mawawala na Iisa lamang ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Ito ang pangalang ibinigay sa atin Alang alang sa kaligtasan
Tulad po ng pagbibigay ng Dios sa pangalang "Israel" kay jacob
At ang Dating bayan ng Dios ay tinawag na BAYANG ISRAEL. Kaya sa panahun ngayun, di rin limit na Ang IGLESIA NI CRISTO ay ang bayan ng Dios o ang IGLESIA NG DIOS sapagkat ang "CRISTO" ay ang pangalang ibinigay ng Dios kay Jesus .
Ano ang mga grupo o bahagi ng tao na bumubuo sa IGLESIA? Ganito po ang sabi ni Apostol Pedro :
Gawa 2:39
Ito po ang tatlong groupo na bahagi na ipinakilala.
1. Sa inyo -hudyo
2. Sa inyong mga Anak- Mga gentil (1cor. 4:15 , roma 9:24)
3. Nangasa malayo - Ang ibang tupa ni Cristo ( juan 10:16 )
Ganito po ang pauna ni apostol pablo bago sila ipinagpahinga :
Tandaan po natin,ito po ay babala na mula pa noong una,Sino po itong lobo ? ganito po ang
sabi ni Cristo :
Ito po ang kani kanilang babala, anu po ang gagawin nitong mga bulaang mga propeta? upang makakapahamak (1ped.2:1).
Ano naman ang nangyari sa Iglesia? nawala ba lahat? ganito po ang propesiya ni Zacarias
Tandaan po natin,tatlo po ang grupo o bahagi na bumubuo sa IGLESIA, (gawa 2:39). Atin na pong tinalakay sa itaas kanina,
Ang dalawang bahagi po ay yung binubou ng:
1 bahagi - Hudyo
2 bahagi - Gentil
- ito ang dalawang bahagi na bumubuo sa Iglesia mula nuong unang Siglo,at ito ay nawala.
3 bahagi - mula sa malayo,ang matitira.
Samakatuwid, ang kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO na siyang itinayo ni Cristo ay hindi naalis o nawala , Sapagkat ang binanggit na nawala,ay yung unang dalawang bahagi lamang.Kaya po sa ibang propesiya ng biblia gaya ng apocalipsis, ang Iglesia ay sumisimbolo sa Babae.(Apoc.21:9)
Ang Dios ay nag hula, sa pamamagita ng sulat ni propeta Isaias, na ang ikatlong bahagi ng IGLESIA ,ay magmumula sa malayong lupain,at malayong panahon kung saan sila ay tatawagin.
Ito po ay isang mahalagang Propesiya ng Dios na dapat malaman,Ang dako kung saan ito ay mula sa silanganan, na nasa malayo. Kung mula naman sa MOFFATT'S version, ay isinasaad na sa MALAYONG SILANGAN.Anu naman ang katangian ng dakong ito? Ito po ay binubuo ng mga pulo o pulo ng dagat ( Isa.42:10 ).
Ito ay ang mga panahun kung saan ang MGA WAKAS NG LUPA, na siya namang ipinapauna na ni Cristo sa ma talata ng mateo 24. Kung saan ang maraming palatandaan ay mangyayari.gaya ng pandaigdigang digmaan.
Sa atin nang pinag aralan sa itaas, sila yaong tatawagin ng Dios sa pamamagitan ng pangalang ibinigay , At ang IGLESIANG tinawag sa pangalang ipinagkaloob ng Dios kay Cristo. Kaya po masasabing, sila ay tatawagin sa pangalan ni Cristo,samakatuwid ay ang IGLESIA NI CRISTO.
Mayroon bang IGLESIANG lumitaw mula sa malayong silangan,kung saan ay maraming mga pulo ng dagat,at kaalinsabay ng unang digmaang pandaigdig?
Mayroon po, Ito ang IGLESIA NI CRISTO,kung saan kami po ay bahagi nito. Narehistro sa pamamahala sa pilipinas noong july 27,1914. Na binubuo ng 7,100 na mga pulo.
Ang IGLESIA NI CRISTO ay Siyang ipinakilala sa mga naunang pag aaral natin :
Sa kabuuan, Ang IGLESIA NI CRISTO na nasa ikatlong bahagi ng Iglesiang itinayo ni Cristo ay ang siyang katuparan sa sinabi ni Cristo na ibang tupa ( juan 10:16 )
Na nakikinig sa kanyang tinig ( talatang 3) Kung saang doon idinaragdag ng Dios ang mga maliligtas. ( gawa 2:47)
1. Si Cristo ba ay nagtayo ng Isa lamang Iglesia? anO ang katangian nito?
2. Ano ang nangyari sa Iglesia pagkatapos pinagpahinga ang mga apostol?
3. Ang IGLESIA NI CRISTO ba ay bahagi ng itinayo ni Cristo?
Ang mga bahagi pong ito ang siya na ating pag Aaralan ngayun,
Karamihan po at sa ibang mga relihiyun, ang kanila pong paniniwala ukol sa Iglesia ang Importante nga daw lamang, ay ang
"Relasyon kay Cristo, Hindi relihiyun"
Ang pagkakaroon ng Relasyon kay Cristo ay isang lubhang mahalaga nga sapagkat ito ang paraan upang maging bahagi sa Ililigtas
(Efeso 5:25-32).
Subalit ang bagay po na dapat tandaan, ay hindi po lahat ng tumatawag ng "panginoon,panginoon" ay ililigtas.(mateo 7:21-23). Kung siya po lamang ay dadalhin ng Dios kay Cristo (juan 6:44). Sa pamamagitan po ng Iglesia( gawa 2:47 ).
SI CRISTO BA AY NAGTAYO NG IISA LAMANG NA IGLESIA?
Mateo 16:18
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na
"Aking/my"
Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH.
Paano naman po tinawag ng mga apostol ang Iglesiang ito? Ito po ay tinawag na "IGLESIA NI CRISTO"
( roma 16:16 NPV , Gawa 20:28 lamsa )
Tinawag ni Apostol Pablo ang IGLESIA NI CRISTO na mga IGLESIA NG DIOS ,Nang kanyang sulatan ang mga Gentil na sila na Bahagi na sa pagsasampalataya sa Dios.Sagkat silay dating hiwalay at walang Dios.
Ang Iglesia po ay tinawag din gaya ng mga sumusunud :
IGLESIA NG MGA GENTIL
Roma 16:4
Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil
IGLESIA NG MGA BANAL
1 Corinto 14:33
Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,
IGLESIA NG MGA PANGANAY
Hebreo 12:23
Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,
Ang mga lokal din po ng IGLESIA ay tinatawag sa kanyang local na pangalan kung saan ito nakatayo,tulad nalang sa lokal ng tesalonica.
(1tes. 1:1) etc. Ang Iglesia din naman ay inihalintulad din naman sa
KATAWAN (col. 1:18)
kAWAN (gawa 20:28)
TUPA (juan 10)
ASAWA NG CORDERO (apoc.21:9)
Kahit po sa maraming bahagi na pinatungkulan ang IGLESIA, di parin mawawala na Iisa lamang ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Ito ang pangalang ibinigay sa atin Alang alang sa kaligtasan
Gawa 4:10-12
Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
Tulad po ng pagbibigay ng Dios sa pangalang "Israel" kay jacob
Genesis 32:28
At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.
At ang Dating bayan ng Dios ay tinawag na BAYANG ISRAEL. Kaya sa panahun ngayun, di rin limit na Ang IGLESIA NI CRISTO ay ang bayan ng Dios o ang IGLESIA NG DIOS sapagkat ang "CRISTO" ay ang pangalang ibinigay ng Dios kay Jesus .
Juan 17:11
At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.
Mateo 16:16
At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.
ANO ANG KATANGIAN NITONG IISANG IGLESIA NA ITO.
Efeso 4:4-6
May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,
Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
Ano ang mga grupo o bahagi ng tao na bumubuo sa IGLESIA? Ganito po ang sabi ni Apostol Pedro :
Gawa 2:39
Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
Ito po ang tatlong groupo na bahagi na ipinakilala.
1. Sa inyo -hudyo
2. Sa inyong mga Anak- Mga gentil (1cor. 4:15 , roma 9:24)
3. Nangasa malayo - Ang ibang tupa ni Cristo ( juan 10:16 )
ANUNG NANGYARI SA IGLESIA NG MAWALA ANG MGA APOSTOL
Ganito po ang pauna ni apostol pablo bago sila ipinagpahinga :
Gawa 20:29
Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan
Tandaan po natin,ito po ay babala na mula pa noong una,Sino po itong lobo ? ganito po ang
sabi ni Cristo :
Mateo 7:15
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.
Apostol pedro :
2 Pedro 2:1
Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
Apostol juan :
1 Juan 4:1
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.
Ito po ang kani kanilang babala, anu po ang gagawin nitong mga bulaang mga propeta? upang makakapahamak (1ped.2:1).
Ano naman ang nangyari sa Iglesia? nawala ba lahat? ganito po ang propesiya ni Zacarias
Zacarias 13:8-9
At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Tandaan po natin,tatlo po ang grupo o bahagi na bumubuo sa IGLESIA, (gawa 2:39). Atin na pong tinalakay sa itaas kanina,
Ang dalawang bahagi po ay yung binubou ng:
1 bahagi - Hudyo
2 bahagi - Gentil
- ito ang dalawang bahagi na bumubuo sa Iglesia mula nuong unang Siglo,at ito ay nawala.
3 bahagi - mula sa malayo,ang matitira.
Samakatuwid, ang kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO na siyang itinayo ni Cristo ay hindi naalis o nawala , Sapagkat ang binanggit na nawala,ay yung unang dalawang bahagi lamang.Kaya po sa ibang propesiya ng biblia gaya ng apocalipsis, ang Iglesia ay sumisimbolo sa Babae.(Apoc.21:9)
ANG IGLESIA NI CRISTO BA AY ANG IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO?
Ang Dios ay nag hula, sa pamamagita ng sulat ni propeta Isaias, na ang ikatlong bahagi ng IGLESIA ,ay magmumula sa malayong lupain,at malayong panahon kung saan sila ay tatawagin.
Isaias 43:5-6
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
Ito po ay isang mahalagang Propesiya ng Dios na dapat malaman,Ang dako kung saan ito ay mula sa silanganan, na nasa malayo. Kung mula naman sa MOFFATT'S version, ay isinasaad na sa MALAYONG SILANGAN.Anu naman ang katangian ng dakong ito? Ito po ay binubuo ng mga pulo o pulo ng dagat ( Isa.42:10 ).
Ito ay ang mga panahun kung saan ang MGA WAKAS NG LUPA, na siya namang ipinapauna na ni Cristo sa ma talata ng mateo 24. Kung saan ang maraming palatandaan ay mangyayari.gaya ng pandaigdigang digmaan.
Sa atin nang pinag aralan sa itaas, sila yaong tatawagin ng Dios sa pamamagitan ng pangalang ibinigay , At ang IGLESIANG tinawag sa pangalang ipinagkaloob ng Dios kay Cristo. Kaya po masasabing, sila ay tatawagin sa pangalan ni Cristo,samakatuwid ay ang IGLESIA NI CRISTO.
Mayroon bang IGLESIANG lumitaw mula sa malayong silangan,kung saan ay maraming mga pulo ng dagat,at kaalinsabay ng unang digmaang pandaigdig?
Mayroon po, Ito ang IGLESIA NI CRISTO,kung saan kami po ay bahagi nito. Narehistro sa pamamahala sa pilipinas noong july 27,1914. Na binubuo ng 7,100 na mga pulo.
Ang IGLESIA NI CRISTO ay Siyang ipinakilala sa mga naunang pag aaral natin :
Efeso 4:4-6
May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,
Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
Sa kabuuan, Ang IGLESIA NI CRISTO na nasa ikatlong bahagi ng Iglesiang itinayo ni Cristo ay ang siyang katuparan sa sinabi ni Cristo na ibang tupa ( juan 10:16 )
Na nakikinig sa kanyang tinig ( talatang 3) Kung saang doon idinaragdag ng Dios ang mga maliligtas. ( gawa 2:47)
4 (na) komento:
Sino ang nagtatag ng iglesia?
-Si Kristo
Sino ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo
-Si Mr. Manalo
iglesya pertains to church as a whole based on their time mentioned in the Bible not actually INC.
And by the way. "iglesya" as presented on the Bible starts only with a small letter (just sayin)
Kaibigang anonymous, Salamat at alam mong si Cristo ang nagtayo ng Iglesia. At iyon ay totoo po at nakasulat sa Mat. 16:18;
Subalit, sa sinabi mong ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo ay si Kapatid na Manalo, ay isang maling paniniwala mo, at kaylan ma'y walang aral na aming itinuro na ganyan. kuha po ba ninyo?
Siya po ay ginamit lamang bilang sa pagsusugo upang matupad ang Layun ni Cristo na ibang tupa na nasa Malayo
"Mayroon pa Akong ibang mga tupa. Sila ay wala sa kawan na narito. Kailangan ko din silang pangunahan. Sila ay makikinig sa Aking tinig. Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol"(Isinalin mula sa Easy-to-Read Version).
Sa iyong karagdagang impormasyo, ay ipagpatuloy mo ang iyong pagsusuri, gamit na ang inyong pangalan.
Salamat po ^_^
May aral kayong "lagak" abuluyan sa santasena at kung ano ano pang abuluyan sa INC ni manalo ang tanong mababasa ba sa Biblia lahat yan. Pag meron pakita ninyo ang sitas.
🇮🇹 1 CORINTO 16:2 ASND
Tuwing unang araw ng sanlinggo, bawat isa sa inyo ay magLAGAK ayon sa naging pagpapala niya. Ito ay upang sa pagdating ko ay wala nang paglilikom na gagawin.
Mag-post ng isang Komento