Atin pong pag Aralan ang isa paniniwala ng Mga mahal nating kaibigan na kilala sa tawag na
"Ang Dating Daan".
Ang kanila pong Aral ukol dito,ay wala raw pag aari si Cristo. Sapagkat ang AMA lamang ang nagtayo at may Ari ng Iglesia.Ayun po sa Biblia. Paano po matatamo ang kaligtasan ng tao, at sa anu at kaninong pangalan ito ibinigay.Narito po :
Walang ibang pangalan po na ibinigay sa mga tao , kaninong pangalan naman ito at sinO ang nagbigay naman ?Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:
Ang Dios po ay ang nagbigay ng PANGALAN kay Jesus. Para magkaroOn ng karapatan sa lahat ng bagay upang ang lahat ng nilang ay magpasailalim at sumamba sa kanya.
Anung pangalan po naman itong ipinagkaloob kay Jesus na siyang ibinigay sa mga tao sa ikaliligtas? Ganito po ang pahayag ni Apostol Pedro :
Ang pangalang Cristo, ito po ang pangalan na ipinagkaloob ng Dios kay jesus sa ikaliligtas po ng tao.Malinaw na po sa Atin ngayun, May Karapatan at kapangyarihan ba sa Cristo na ibinigay naman sa Kanya. ? Narito po muli.
Ang Dios po ay nagkaloob kay Jesus ng karapatan,kapangyarihan, Sa lahat po ng bagay,at sa pamamagitan ng kanyang pangalang "Cristo" na ipinagkaloob, ay ang ikaliligtas ng tao.Sa ano naman pong paraan ang turo na paraan ni Cristo sa ikaliligtas ng tao.?
Ang mga pumasok kay Jesus ay kabilang sa KAWAN ng mga tupa. Ang kawan n tinawag ni Apostol pablo na Iglesia Ni Cristo:
Malinaw po kung gayun, ang ikaliligtas nga ng tao, ay sa pagpasok kay Cristo, na siyang IGLESIA NI CRISTO. Mula sa ating pag aaral kanina, Binigay kay Cristo ang karapatan sa kaligtasan ng tao sa kanyang pangalan, ang IGLESIA NI CRISTO ba ito ay kanyang itinayo?
Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church" at ang Personal Pronoun na "Aking/my". Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Siya din po ang ulo ng IGLESIA na kanyang itinayo.
Kaya po Malinaw na isinunud nga sa pangalan ni CRISTO ang IGLESIA sapagkat sa ganito ang ikaliligtas ng tao. ( gawa 4:9-12 ). Tanung naman po nila. Bakit po maraming talata na mababasa sa Biblia na IGLESIA NG DIOS? at di po lahat sa pangalan ni Cristo? Sa mga sulat po ni Apostol pablo,pinantatawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa mga hentil na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga hentil kasi ay hindi kabilang sa bayan ng Diyos, ang Israel, kaya sila ay WALANG DIYOS:
Wala silang Diyos dahil hindi sila bayan ng Diyos:
Kaya hindi nila kilala ang Diyos:
Ito po ang dahilan kung bakit ipinantawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa Iglesia
para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga HENTIL sila ngayoy sa DIYOS NA.
Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo, ang Iglesia ni Cristo ay sa Diyos:
Ang Iglesia ay itinatag ni Kristo, ITO AY SA DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "iglesia ng Diyos" pero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang adjective lamang, o dinedescribe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.
Kaya po,ang aral na ang Dios po lamang o ang AMA lamang ang may Ari o nagtayo ng IGLESIA,ay isang maling doktria . Kung ganyan din naman ang kanilang aral na pinaniwalaan na hindi iyun kay Cristo , ay sana ang kanilang pangalan ng Relihiyun ay ganito dapat :
MEMBERS CHURCH OF THE FATHER INT'L.
Bakit? e kasi Dios din sa kanila si Cristo. kaya ang ganitong mga paniniwala ay di naayun sa Biblia.

Gawa 4:10-12
" Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga
Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas."
Walang ibang pangalan po na ibinigay sa mga tao , kaninong pangalan naman ito at sinO ang nagbigay naman ?Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:
“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng
pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng
nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” Filipos. 2:9-11
Ang Dios po ay ang nagbigay ng PANGALAN kay Jesus. Para magkaroOn ng karapatan sa lahat ng bagay upang ang lahat ng nilang ay magpasailalim at sumamba sa kanya.
Anung pangalan po naman itong ipinagkaloob kay Jesus na siyang ibinigay sa mga tao sa ikaliligtas? Ganito po ang pahayag ni Apostol Pedro :
“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at CRISTO itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” Gawa 2:36
Ang pangalang Cristo, ito po ang pangalan na ipinagkaloob ng Dios kay jesus sa ikaliligtas po ng tao.Malinaw na po sa Atin ngayun, May Karapatan at kapangyarihan ba sa Cristo na ibinigay naman sa Kanya. ? Narito po muli.
Efeso 1:20-22
" Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, "
Ang Dios po ay nagkaloob kay Jesus ng karapatan,kapangyarihan, Sa lahat po ng bagay,at sa pamamagitan ng kanyang pangalang "Cristo" na ipinagkaloob, ay ang ikaliligtas ng tao.Sa ano naman pong paraan ang turo na paraan ni Cristo sa ikaliligtas ng tao.?
"I am the door, anyone who comes into the fold throuhg me shall be safe."
(john 10:9 , New English Bible)
sa filipino:
"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas" (juan 10:9)
Ang mga pumasok kay Jesus ay kabilang sa KAWAN ng mga tupa. Ang kawan n tinawag ni Apostol pablo na Iglesia Ni Cristo:
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo" (Gawa 20:28,Lamsa Trans.)
Malinaw po kung gayun, ang ikaliligtas nga ng tao, ay sa pagpasok kay Cristo, na siyang IGLESIA NI CRISTO. Mula sa ating pag aaral kanina, Binigay kay Cristo ang karapatan sa kaligtasan ng tao sa kanyang pangalan, ang IGLESIA NI CRISTO ba ito ay kanyang itinayo?
Mateo 16:18
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church" at ang Personal Pronoun na "Aking/my". Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Siya din po ang ulo ng IGLESIA na kanyang itinayo.
"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. " Col. 1:18
At tagapagligtas nito
"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito ." Efeso 5:23
Kaya po Malinaw na isinunud nga sa pangalan ni CRISTO ang IGLESIA sapagkat sa ganito ang ikaliligtas ng tao. ( gawa 4:9-12 ). Tanung naman po nila. Bakit po maraming talata na mababasa sa Biblia na IGLESIA NG DIOS? at di po lahat sa pangalan ni Cristo? Sa mga sulat po ni Apostol pablo,pinantatawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa mga hentil na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga hentil kasi ay hindi kabilang sa bayan ng Diyos, ang Israel, kaya sila ay WALANG DIYOS:
"Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos ." Efeso2:12
Wala silang Diyos dahil hindi sila bayan ng Diyos:
"Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging 'Bayan ko,' at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging 'Mahal ko." Roma 9:24-25
Kaya hindi nila kilala ang Diyos:
"Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios "
I tess. 4:5
Ito po ang dahilan kung bakit ipinantawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa Iglesia
para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga HENTIL sila ngayoy sa DIYOS NA.
Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo, ang Iglesia ni Cristo ay sa Diyos:
"Ang lahat ng sa Ama ay sa akin , kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo." Juan 16:15
"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng
ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin ; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila." Juan 17:9-10
Ang Iglesia ay itinatag ni Kristo, ITO AY SA DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "iglesia ng Diyos" pero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang adjective lamang, o dinedescribe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.
Kaya po,ang aral na ang Dios po lamang o ang AMA lamang ang may Ari o nagtayo ng IGLESIA,ay isang maling doktria . Kung ganyan din naman ang kanilang aral na pinaniwalaan na hindi iyun kay Cristo , ay sana ang kanilang pangalan ng Relihiyun ay ganito dapat :
MEMBERS CHURCH OF THE FATHER INT'L.
Bakit? e kasi Dios din sa kanila si Cristo. kaya ang ganitong mga paniniwala ay di naayun sa Biblia.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento