kadalasang ginagamit ng mga naniniwala sa pagka Dios ni Cristo ang talatang ito upang palitawin ang maling Aral. mula daw sa talatang yan tunay na Dios nga daw sapagkat may mababasa na
"ANG SALITA AY DIOS"
yan ang pinaka Key word nila .Atin itong suriin at isa isahin para narin sa mga nagsusuri at maging sa hindi pa nakakaalam. Pero bago yan. ilatag natin ang buong talata na kanilang pinanghawakan.
Juan 1:1 , 14
“Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa Dios, at ang salita ay Dios.”
“Nagkatawang tao ang Salita at sa gitna natin…”(NPV)
Kaya suriin natin ang bawat sugnay ng talatang Juna 1:1 at ang sugnay ng talatang 14. Isa isahin natin ang mga nilalaman ng talata
1) Sa pasimula ay ang salita
2) At ang salita ay sumasa Dios
3) At ang salita ay Dios
4) Nagkatawang-tao ang Salita
1.SA PASIMULA AY ANG SALITA
Mapapansin natin na sa simula ay Salita, malinaw na may simula o sa root word na "MULA" .Kaya talagang may pinagmulan ang salita at ito ay di pa eksistido.tunghayan natin sa patotoo ng Isang paring katoliko. Ganito ang sinasabi ng footnote ng Juan 1:1 sa Bagong Tipan na isinalin ng paring Katoliko na si G. Juan Trinidad :
“VERBO...at ang Anak ay tinawag Niyang isang uri ng banaag ng kaisipan na namumula sa Ama…”
Alam na nating halos lahat na Ang paniniwala ng Iglesia Katolika tungkol kay Cristo ay Siya ang Diyos. Ngunit aminado ang isang awtoridad ng Iglesia Katolika sa terminong “Verbo” HINDI likas na kalagayan kundi isang uri ng BANAAG ng kaisipan na nagmula sa Ama (Diyos). Iba ang Verbo o Salita sa tunay na Diyos na kinaroroonan ng salita o kaisipan. Kaya sa pasimula ay hindi pa eksistido o hindi pa umiiral ang Panginoong Jesucristo kundi nasa isip pa lamang Siya ng Diyos. Ngayun. .ang Banaag ng Dios o ang nasa isip ng Dios pagdating ng panahun , ito ay naging Isang pangako. .ganito ang ating mababasa :
Roma 1:2-3
“Na kanyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, Tungkol sa kanyang Anak na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.”
Samakatwid wala pang umiiral na Cristo sa pasimula kundi Siya ay pangako pa lamang ng Diyos. Sa halamanan pa lamang ng Eden ay sinalita na ng Diyos ang tungkol kay Cristo na Binhi.
Genesis 3:15
"At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong."
At pagkatapos ay kaniyang ipinangako kay Abraham
Genesis 17:7
"At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo."
Malinaw po na talagang si Cristo ay simula palang PlanO ,Banaag, panukala palang ng Dios , siya ang pinaka una na nasa planu o nasa Isipan ng Dios kaya siya ang panganay ng lahat ng nilalang.
Colosas 1:15
"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;"
Maliwanag po ang talata na siya ang naging panganay sa lahat ng Nilalang. kaya bago paman lalangin ang sanlibutan ay nasa Isip na sya ng Dios.
"Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang- alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon." I Pedro 1:20.
Malinaw na sa atin ang unang sugnay.Na siya na ang pinakaunang planu at nasa isip ng kaysj lahat ng bagay bago paman nilikha ang daigdig .punta na tayo sa pangalawa.
2.ANG SALITA AY SUMASA DIOS
Mula sa ating napag aralan sa taas ay Nasa isip na ng Dios ang SALITA mula pa nang lalangin ang sanlibutan at pinakauna sa lahat ng panukala ng Dios kaya SUMASA DIOS O KASAMA NG DIOS ang SALITA. .mula sa salin ng paring katoliko naman ating basahin.
1 Pedro 1:20
“Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakikilala Siya
ngayong huling panahon dahil sa inyo.” (Salin ni Trinidad)
Ang salita nasa isip parin ng Dios.
Kaya talagang di pa eksistido ang SALITA . .kung pagpipilitan nilang eksistido na.Lalabas na DALAWA ang Dios na labag sa talata ng Biblia.May sinabi ba ang Dios ng Simulat simula pa noong una ay isa lang talaga ang Dios?
Isa. 46:9-10 , ay ganito ang pahayag ng Diyos:
“ Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng UNA: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;
“Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan.”
At mula sa lahat lahat ng nilalang at lahat ng Bagay talagang isa lamang ang Dios ang AMA lamang.
Efeso 4:6
"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "
Kaya labag parin at maging kontradiksyun ang kalalabasan. .
3.ANG SALITA AY DIOS
Dito na tayo sa pinaka Keyword nila na pinakapaborito.Alam ba nila kung panu sinabi ni apostol juan ang mga salitang yan? Sa tingin ko Hindi kaya ating pag aralan.
Hindi niya ito ginagamit bilang isang pangalan (noun) kundi bilang isang pang-uri (adjective).
Inuuri lamang niya ang salita ng Dios. Ano ang katunayan nito ayonsa bibliya? Ano ba ang
katangian ng salita ng Diyos? Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan, gaya ng mababasa natin :
Lucas 1:37
“Sapagkat walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan”
Ano rin ang katangian o uri ng Panginoong Dios na nagsasalita? Ganito ang kaniyang patotoo
mismo ating basahin :
Genesis 35:11
“At sinabi sa kaniya ng Dios, ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat;..”
Samakatuwid, magkauri ang Diyos at ang kaniyang salita sapagkat taglay ng salita ng
Diyos ang kapangyarihan ng Diyos na nagsasalita. Kapag sinalita ng Diyos ay tiyak na
matutupad kung anu ang kanyang panukala. Gaya ng ating mababasa:
Isaias 46:11
"Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, AKING SINALITA, AKIN NAMANG PAPANGYARIHIN; AKING PANUKALA, AKIN NAMANG GAGAWIN."
Ang katotohanang ito’y tinatanggap maging ng ibang mga nagsusuri.ating sipiin mula Sa aklat na The New Bible Dictionary, ganto ang sinasabi:
“Ang salita ay may kapangyarihan katulad ng sa Diyos na nagsasalita nito.” (p.703)
Kaya ginagamit ang terminong “Diyos” sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 (“ang salita ay Dios”)
hindi bilang isang pangngalan (noun) kundi bilang pang uri (adjective).
Inuuri lamang ang salita o ang verbo ng Diyos. Kauri ng Diyos ang Kaniyang salita sa kapangyarihan kaya sinabing
“ang Salita ay Dios”.
Ayon din sa iba pang mga nagsuri, kaya sinabing “ang salita ay Dios” Ay upang ipakilala o ilarawan ang uri ng Salita, gaya ng sinasaad sa Aid To Bible Understanding:
“Una, dapat na mapansin na sa teksto mismo ay ipinakikita na ang Salita ay ‘kasama ng Diyos,’ dahil dito ay hindi maaring ‘maging Diyos’ samakatuwid baga’y ang Makapangyarihang Diyos. (Pansinin din ang bersikulo 1 na ang Salita ay ang Diyos.) Bilang karagdagan, ang salitang katumbas ng ‘diyos’ (Griyego, the-os) sa ikalawang paglitaw nito sa bersikulo ay walang pantukoy na‘ang’ (Griyego, ho)."
Tungkol sa katotohanang ito, sinasabi ni Obispo Westcott, kasamang gumagawa ng Wescott and Hort Greek text of the Christian Scriptures, na:
’…Talagang ito ay hindi dapat magkaron ng pantukoy (the’os, hindi ho the’ os) yayamang ito ay paglarawan sa uri ng Salita at hindi nagtuturo ng Kaniyang Persona.’ (Sinipi mula sa pahina 116 ng An Idiom Book of New Testament Greek, na sinulat ni Prof. C.F.D. Moule, 1953 ed.)
Kinikilala rin ng iba pang tagapagsalin na ang terminong Griyego ay ginamit bilang isang
pang-uri upang maglarawan sa uri ng Salita, kaya isinalin nila ang parirala nang ganito:
"‘ang Salita ay banal.” (p 919)
Ayon din sa aklat na ito, ang terminong “Diyos” ay hindi ginamit na pangngalan (noun) kundi pang-uri (adj), sapagkat ginamit ito upang uriin ay ilarawan ang Salita. Ang Salita ay Diyos.
Dapat din mapansin na sa mga manuskritong Griyegong Bagong Tipan, ang terminong “diyos” na nabanggit na sugnay ay walang pantukoy na “ang” (ang katumbas nito sa Griyego ay ho) Samantalang kapag ang terminong “Diyos” ay ginagamit bilang pangngalan (noun) ito ay ginagamitan ng pantukoy, samakatuwid baga’y “ang Diyos” (sa Griyego, ho Theos).
Ito rin ay pinatutunayan ni R.H. Strachan, D.D. sa kaniyang aklat na The Fourth Gospel: Its Significance and Environment:
“Ang pangwakas na salita ng tal. 1 ay dapat isaling, ‘Ang Logos ay banal.’ Dito, ang
salitang theos ay walang pantukoy, na nangangahulugang ito ay pang-uri.” (p.99)
Dahil walang pantukoy na “ang“ (sa Griyego ho) ang terminong “diyos” (sa Griyego theos) sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1, ito ay ginamit bilang pang- uri (adj) at hindi bilang pangngalan (noun.) Hindi sinabi ni Apostol Juan na
“ ANG SALITA AY ANG DIOS”
kundi ang ginamit nya ay ganito :
“ANG SALITA AY DIOS.”
Kaya, sa ibang mga salin ng Bibliya ay sinasabi sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 na
“ang Salita ay banal” o “the word was divine” – (Moffatt’s Trans.)
“the word was divine”- (Goodspeed’s Translation).
Maraming nagpatotoo maging sa IBANG SALIN na talagang nilinaw at binigyang linaw ang mga bahaging ito. .Sapagkat kung ipagpipilitan parin na ang Dios din ang salita. . pati ang nagsasalita.Lalabas magiging dalawa ang Dios. .na labag na naman ulit ito ayun sa Biblia na ganito :
Isaias 46:9
"Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;"
Malinaw na walang kagaya ang Dios sa pagka Dios, kaya di pwedi na maging Dios pa sa kalagayan ang kanyang pinanukala at kanyang sinalita.
4.NAGKATAWANG-TAO ANG SALITA
Nagkamali na naman sa pagkaunawa ang karamihan dito.Sapagkat malinaw daw na si Cristo na Dios ay nagkatawang tao na.
Dapat po natin mapansin.wala po tayong mababasa na nagkatawang tao ang Dios. . ang Salita o ang panukala ng Dios ang nagkatawang tao. Ganito ang ating mababasa :
"Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan" Gal. 4:4
Pagdating palang sa takdang panahon tsaka palang nagkatawang tao mula sa pagiging planu,banaag at panukala ng Dios. IPINANGANAK at isinilang siya ng Isang babae, at ito naman ang magiging Kontradiksyun nila.Ang Dios kaya ipinanganak? ating suriin at basahin.narito :
Mga Bilang 23:19
"Ang Dios ay HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa? "
Malinaw po na ang isang Dios di ipinanganak , hindi tao o anak ng tao. kaya malaking problema nila ito.Si Cristo kaya anu ang kalagayan niya? narito :
Awit 80:17
“ Mapatong nawa ang iyong kamay sa TAO na iyong kinakanan. Sa ANAK NG TAO na
iyong pinalakas sa iyong sarili.”
,anu pa ang lalabagin nila. . Tao at Dios daw ang kalagayan ni Cristo. Tama kaya ito?
narito :
Hoseas 11:9
"Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit."
Malinaw po ang nakasulat na talagang di maaring maging tao ang Dios kaylan man. at hindi nagbabago ang kalagayan ng Pagka Dios. .
Santiago 1:17
“Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas,
na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng
pagiiba .”
Malinaw na malinaw po na talagang ang Dios walang pagbabago. .at di mangyayaring maging tao at magkatawang tao. sapagkat kontra ito sa ibang talata.Sapagkat ang tunay na kalagayan ng Dios ay Espirito.
Juan 4:24
"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. "
Malinaw po at specific ang talalagang kalagayan ng Dios. Siya ay espirito at hindi tao. .At Ayun sa atin patunay sa taas,iba ito kay Cristo sapagkat siya ay tao. Kaya kung ipipilit parin nila,malaking problema nila ito at maraming kontradiksyun ang mangyayari.kaya ang mga Iglesia Ni Cristo patuloy sa pangangaral sa tamang aral at pagtutuwidsa mali ng Karamihan.
Sanay nakatulong sa mga nagsusuri.
6 (na) komento:
Bakit walang nag cocoment dito
Genesis 3:15
"At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang๐ binhi:๐ ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
๐
Yan na BINHI ay paanong naging si Cristo iyan kapatid?
ito ang sagot sabe ng mga ministro ng INC yang Salita yan ang ginamet ng dios sa paglikha ibig sabihin ang salita ay kapangyarihan ng dios
kung hindi pa to umiiral at nasa isipan pa lamang paano nya magagamit ang salita sa paglikha na kanyang kapangyarihan?(kung ito ay nasa isipan pa lamang?)
my another sagot o tanong sabe mo hindi pa umiiral ang salita itoy nasa isipan pa lamang peru nung bumaba ako sa verse 3 ansabe ay ganto
verse 3
at lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan nya (salita) ,at walang anumang nalikha kung wala siya (salita) eh di anduon na siya anu ba naman yan.
kung nasa isipan pa lamang ang salita sabe mo ,eh mali ka na eh sabe sa v3 anduon na sya kase kung wala siya walang anumang nalikha!!!
malinaw na kontra sa verse 3 ang sinabe mong wala pa sya nasa isipan pa lang ang salita!!!
anduon na pala kase kung wala daw siya walang anumang nalikha!!!
correction pa po
pasimula po ng paglalang yun at hindi pasimula ng salita bakit
ginet sa pagalalangayon sa v3 kaya pasimula po ng paglalang po yon!
pasimula ng paglalang hindi pasimula ng salita
my opinion is ipagpalagay na katumbas Ng Hula(prophecy) sa takdang panahon sya matutupad sa hinaharap. kung umiiral na sya noon pa bakit ni Isang panganlang Cristo wala Kang mababasa sa lumang tipan? as in wala.
Mag-post ng isang Komento