Martes, Enero 14, 2014

Alpha at Omega




Ito ang isang basihan ng mga naniniwalang Dios nga si Cristo sapagkat nasusulat daw na may sinabi si Cristo na siya ang UNA at ang HULI. Ating suriin kung panu nila iniugnay ang mga talata :




Pahayag 1:8
" Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat."


iniugnay naman nila sa talatang ito na pahayag ni Cristo :



Pahayag 1:17
"At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli"





Kaya konklod agad na tama nga raw,si Cristo talaga'y Dios. Atin itong Isa isahin kung may malaking pagkakaiba po ba sa katangian ng Dios at sa kay Cristo.Unahin muna natin ang sa Dios.Ating muling sipiin ang nakasulat sa talata :



Pahayag 1:8
"Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. "





Ating unahin ang binanggit sa talata na :


"MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT"


Ito ang binanggit na katangian ng Isang Dios na Tunay.May tiyak kayang tinutokoy kung sinu yang nasa "LAHAT" ? pag sinabi po ang ganyang salita,tyak po sya ang pinakataas sa lahat.Sino po pala yan? narito po :


Efeso 4:6
"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "




Ang AMA pala ang nasa LAHAT. Tiyak na po natin ngayun na mali palang isipin na si Cristo ang tinutokoy sa unang talatang binanggit.May patotoo kaya na talagang ang AMA ito at hindi si Cristo? narito :



1 Corinto 15:27-28
"Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat."


Tiyak na tiyak po natin ngayun, na talagang ang AMA na syang Dios ang maging lahat sa lahat sapagkat si Cristo ay papasailalim din sa kanyang AMA .

Anu pa ang ating dapat Pansinin na katangian ng Dios na binanggit sa Pahayag 1:8 ?


"AKO ANG ALPHA AT OMEGA"



Ating isa isahin.


ALPHA


Ito ang unang banggit ng AMA na siyang Dios.Sabi nila si Cristo din daw iyon  sapagkat para sa kanila ay eksistido na si Cristo mula sa pasimula, kaya katulad raw siya ng Ama. Subalit may malaking kaibahan kung ating suriin. Totoo na ang tunay na Dios ay wala Siyang pinagmulan o pinanggalingan. Ganito ang Sabi ng Biblia :



Awit 90:2
"Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios."





Ang Dios pala ay walang pasimula, sapagkat bago pa niya nilikha ang sanlibutan ay nag exist na sya at wala siyang pinagmulan. Magreact na naman ang iba at sasabihin : Si Cristo din yan sapagkat kasama siyang lumikha ng mundo kaya wala din syang pasimula. Tama kaya ang palusot nila? Ayun sa Biblia? ilan lamang ba ang lumikha at sino lamang?



Malakias 2:10
" Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? "




Isaias 64:8
" Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay. "




Malinaw po at tiyak na tiyak na talagang ang AMA lamang ang lumikha at siya lamang ang Isang Dios na lumikha. Siya ang walang pasimula at walang pinanggalingan. E si Cristo ba walang pinagmulan at walang pinanggalingan? Ganito ang pagkakaiba sa tunay na Dios sa Kaniya :


Juan 8:42
"  Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako. "




Napakalinaw po na Si Jesus ay may pinanggalingan, at malinaw na Siya ay nagmula at nanggaling pa sa Dios na walang iba kundi ang Ama na nagsugo at nagpadala sa Kaniya (Gal.4:4). Paano ba naging ALPHA ang Dios? Ang Panginoong Dios ay "ALPHA" sapagkat Siya ang lumikha at sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay


1 Corinto 8:6
"  Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. "



OMEGA


Sa kanila din, Alam na nila, kaya daw ang Dios ay OMEGA ay walang katapusan o walang hangganan . Ganito ang isang kaibahan na hindi maaring ikapit natin kay Cristo sapagkat ang tunay na Dios ay hindi namamatay:



1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang hanggan, WALANG KAMATAYAN, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa."





Ang iisang Dios na AMA ay walang kamatayan,di namamatay. Tiyak na po natin kung bakit ang AMA ay walang kamatayan o walang katapusan, sapagkat nasa kanya ang katangian ng tunay na Dios na di rin nababago ang pagka Dios.Narito :



Malakias 3:6
“Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.”




Hayag po na kung anu ang Dios,di maaring magbago ,namamatay at may Hangganan. Mali ang kanilang pakahulugan dito Kaya, ano ba ang tunay na dahilan kung kaya Siya ay ang OMEGA? Mula ng magtakda Siya ng araw ng paghuhukom( Gawa 17:31; 1Cor.15:28 ) o ang "KATAPUSAN NG SANLIBUTAN"( Mat.24:3 ).




Puntahan naman natin ang talatang tumutokoy kay Cristo na kanilang pinanghawakan.Atin pong muling sipiin :




Pahayag 1:17
"At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli."




Atin po naman itong pag aralan kung bakit po si Cristo ang tinatawag na "UNA"? narito :


Colosas 1:15, 17
"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya
.




Malinaw po ang tinutokoy ng talata,Siya po ang panganay ng lahat ng nilalang,kung saan pinakauna sa lahat ng Bagay, Bakit po siya ang pinaka una sa lahat ng Bagay? narito po :




1 Pedro 1:20
"Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,"



Kinilala na po si Cristo una na bago pa tinatag ang sanlibutan,at ayun sa taas,ang AMA ng lumikha ng sanlibutan.Anu ba ang katumbas ng kinilala na sya ng AMA bago pa naitatag ang sanlibutan?mula sa isang salin sa English ay "FOREKNOWN" at sa salin ni  juan Trinidad ay ganito :


1 Pedro 1:20
“Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakikilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.”




Una na syang pinanukala ng Dios upang siya ay maging panganay ng lahat ng Nilalang. Bakit naman si tinawag sa taas na "HULI" ? Katulad din ba siya ng AMA na di namamatay?



Pahayag 1:18
"At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades."




Nakaranas din po si Cristo na mamatay,kaya po iba sa tunay na Dios na walang kamatayan. Ngayun panu po si Cristo naging Huli? anu po ang tinutokoy nito? narito po :



1 Tesalonica 4:16
"Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;"




Ito po ang gagampanan ni Cristo sa Araw ng paghuhukom sa kanyang gagawing pagliligtas. At dahil sa pamamagitan Niya at Siya ang GAGANAP ng PAGHUHUKOM NG DIOS sa sanlibutan sa Araw ng Paghuhukom :


2 Corinto 5:10
"  Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama. "




Malaki po ang kaibahan ni Cristo sa tunay na Dios. At maling pag uunawa lang ang ginawa ng ilan sa paggamit ng talata para ihambing si Cristo sa tunay na Dios. Sanay naging malinaw muli ang mga aral ng Dios na katotohanan na mula sa biblia.  

4 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

ano po ibig sabihin ng apocalipsis 1:17?

Unknown ayon kay ...

sino ba ang tinutukoy talaga sa talata na may sinabi na ganito:

17At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli, 18At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. Pahayag 1:17-18

aber,kung yan ang pangalan ni Kristo at ng Ama ayon sa talatang ito:

Isaias 44:6 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
6 Ang sabi ni Yahweh, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel,
ang Makapangyarihan sa lahat:
“Ako ang simula at ang wakas;
walang ibang diyos maliban sa akin.

siya daw ang simula at wakas,pero iyon rin tawag ng Anak sa kanyang sarili,ngayon,ano ba si Kristo ayon sa mga talatang ito,ano ang pagkakaunawa niniyo dito???

Cris ayon kay ...

MAY MALILIKOT LANG TALAGA ANG UTAK NG IGLESIA NG TAO
2 peter 3: 16 Ganito ang lagi niyang sinasabi sa lahat ng kanyang mga sulat ukol sa paksang ito, bagama't may ilang bahagi sa kanyang liham ang mahirap unawain at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.

Your Friend ayon kay ...

Hindi dahil nabasa mo na ang Ang Ama ay Simula at ang Wakas at si Jesus ang Una at Huli ay agad iconclude na si Jesus ang PANGINOON Dios, Mali! sapagkat si Jesus ay SERVANT ni YHWH (Acts 3:13). Ang Tinutukoy sa Pasimula at ang Wakas ng Ama ay ang PAGIGING Dios niya... Walang IBANG Dios liban sa kanya. Now, yung kay Jesus naman ay PATUNGKOL sa kanyang pagiging Cristo... Panganay siya sa mga NILALANG maging sa mga Patay at sa gampanin niya sa Araw ng Paghuhukom.. At sa HULI kapag lahat na ng bagay ay pinasuko na sa kaniya, si Cristo man ay susuko din sa Ama, kaya Iba talaga ang Dios kay Cristo. Ang malinaw ay ang Iisang Dios ay ang Ama ni Cristo Juan 20:17 at Juan 17:1-3