Biyernes, Enero 24, 2014

Sino ang batong pinagtayoan ng Iglesia ?




Ang Aral ng katoliko ukol sa Paksang ito ay kaya daw si Pedro ang SALIGAN nang kanilang Relihiyun ay sa dahilan daw na si Pedro ang inihalal o Pinili ng Dios nilang si Cristo na pagtatayuan ng Iglesia.

Mula sa talata ng mateo 16:18 na ganito ang nakasulat :




Mateo 16:18
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."




At mula sa talatang ito ay kanila namang iniugnay kung sa tinawag ang Pedro na Bato.
narito :





Juan 1:42
"Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang Cefas (na kung liliwanagin, ay Pedro)."




At kung bigyan po ng kahulugan



CEFAS => ARAMAIC => BATO
PEDRO => GRIEGO =>BATO


Dapat mapansin :
BAGO PA LANG NAGING ALAGAD SI SIMON NA TINATAWAG NA PEDRO DIYAN. KATATAWAG PA LANG NIYA EH BATO NA ANG TAWAG SA KANYANG PANGALAN DAHIL ANG IBIG SABIHIN NG PEDRO=BATO. Wala namang nabago dahil ang ginagamit ni Kristo Jesus noon eh Aramaic Cefas=Bato.


Atin muling balikan ang Talata ng Mateo 16:18 at kung anu ang mga Dapat mapansin.



Mateo 16:18
" At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa IBABAW NG BATONG ITO ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa KANYA."



Ano po ang mga dapat mapansin? Hindi po sinabi ni Cristo na ganito :


"Itatayo ko sa iyo/ibabaw mo"


At hindi rin sinabing "SA IYOkundi sa "KANYA".



Kung atin pong suriin muli ang mga talata ay si Cristo lamang ang subject sa mga pinag uusapan.Kaylan lamang nagsimula ang pag uusap na ito?Narito ating balikan at suriin.




Mateo 16:13-14
"Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?
At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta."




Ito lamang ay nang dumating si Cristo at kinausap nya ang kanyang mga alagad.Anu ang kanyang sinabi? narito :




Mateo 16:15
"Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung SINO AKO? "



Tinanung na po ni Cristo kung anu ang kanilang sinabi tungkol kay Cristo.Sinu ang sumunud na sumagot ? narito :



Mateo 16:16
"At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. "



Sumagot po si Pedro na si Cristo ang ANAK NG DIOS NA BUHAY.Ngayun narito na po ang sagot ni Cristo .Narito :




Mateo 16:17
"At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ITO ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa
Langit"


Mateo 16:18
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ITO ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."




Malinaw po ang tiyak na Tiyak na pagkakabaybay ng mga pahayag.Ang lahat po ay kay Cristo lamang po pinapatungkol.




SINO ANG BATONG PAGTATAYUAN?




Mula pa lamang po nung unang panahon ay may paunang pahayag na po ang Dios ukol sa hula niyang Ito sa pamamagitan ni Propeta Isaias. Paano ito pinagpauna ng Dios? narito :




Isaias 28:16
‘’ Kaya’t ganito ang sabi ng
Panginoong Dios, narito, aking
inilalagay sa Sion na
pinakapatibayan ang isang
bato, isang batong subok, isang
mahalagang BATONG PANULOK
na may matibay na PATIBAYAN:
ang naniniwala ay hindi
magmamadali.’’




Tiniyak po mula sa Hula na talagang Isa lamang ang batong panulok na taglay ang matibay na patibayan. Ayun naman kay Apostol Pedro,Ito din ba ay pinatutunayan nya na naayun sa hula ng Propeta Isaias na siyang inilagay at hirang ng Dios?



1 Pedro 2:4
Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,




Tiniyak po na itong Hirang ng Dios na Isang batong Buhay ay itatakwil ng mga tao.Anu pa ang dagdag patotoo? ituloy natin mula sa talatang 6- 7 na. narito :





1 Pedro 2:6-7
"Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya."
"Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok;"




Matitiyak ba nating Si Cristo ito na tinutokoy sa mga talata na syang
batong itinakwil at siyang pangulo sa panulok na siyang pinagtayuan? mas mabuting si Apostol Pedro na mismo ang magpapahayag.



Gawa 4:10-12
"Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. "

"Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok."

"At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas."





Tiniyak po ni Apostol Pedro na talagang si Cristo ang Batong itinakwil at siyang pangulo sa panulok.Bakit Tiyak na tiyak po natin na Si Cristo lamang po ang siyang Batong pagtatayuan at siyang Saligan ? Di ba pwedeng may iba pa na gaya ni PEDRO na kanilang pinaniwalaang Saligang bato na pinagtayuan ?
narito po :




1 Corinto 3:11
‘’ Sapagkat sinoman ay hindi
makapaglalagay ng ibang
pinagsasaligan, kundi ang
naglalagay na, na ito’y si
Cristo Jesus.’’



Wala nang pwesto si Pedro na maging Saligan na siyang pagtatayuan, kaya po maling mali na isipin po ng sinu man na si Pedro ang pinagtayuan,sapagkat ayun sa ating binasa na "NALAGAY NA" at Ito ay hindi na mapapalitan.Suriin natin, Ang mga apostol din kaya ay inaming si Cristo lang talaga ang kanilang SALIGAN?




Efeso 2:20
" Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;
"



Malinaw,tiyak, segurado po na si Cristo lamang ang kanilang pinaniwalaang Saligan, Mga kaibigan lang nating mga katoliko ang gumawa ng Kwento sa ganitong Aral na gawa gawa lamang.




Ang itatayo kay Cristo



Ating napag aralan sa taas kung sinu ang Batong pagtatayuan na walang iba kundi si Cristo. Ngayun atin namang pag-aralan kung sinu ang itatayo kay Cristo.narito po :




1 Pedro 2:5
"Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. "




Tiniyak po ng talata na Tayo man ay inihalintulad din sa batong buhay na natatayong bahay.Anu pa ang patotoo ng Biblia ? narito :





Efeso 2:20-22
"Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;"

"Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon; "

"Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu. "




Tayo po ang Mga naitayo ,kasama na po ang mga apostol,mga propeta.Kaya wala pong dahilan na di kasama si Pedro sa itinayo, at hindi siya ang pagtatayuan sapagkat maging sila man ay si Cristo lamang ang siyang saligan.

Mapait pong isipin ni isa pala ang relihiyung katoliko na siya magtatakwil kay Cristo na gaya ng nasusulat :



Gawa 4:11-12
Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.




At walang maasahang kaligtasan,Imbis si Cristo ang ating saligan ay si Pedro na mismo ang kanilang pinanindigan.May kaligtasan kaya ang walang kaugnayan kay Cristo?na imbes kay Cristo dapat maitayo ay sa iba na?
narito :



“Sapagkat kung paanong
mamamatay ang lahat dahil sa
kanilang kaugnayan kay Adan,
gayon din naman, mabubuhay ang
lahat dahil sa kanilang kaugnayan
kay Cristo.”
(I Cor. 15:22, MB )



Walang mapapala ang mga di naka ugnay kay Cristo.kay sanay naging malinaw sa ating mga kaibigan at huwag nang itakwil si Cristo.

salamat po. .




Huwebes, Enero 23, 2014

Kalagayan ng tao sa langit


Nakakatawag pansin ang Aral ng mga MCGI o kilala bilang Ang Dating Daan.Sapagkat kanilang pinangaral na talagang di nga raw makakapasok ang katawang tao sa langit. Kaya imposible raw na Tao parin ang kalagayan tulad nalang ni Cristo. Isa sa kanilang batayan na talata ay atin itong sipiin
narito po :



1 Corinto 15:50
"Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan."



Malinaw daw po di makakapasok ang Laman at dugo at iniugnay naman nila ang talata na nasa mga unahan nito :


1 Corinto 15:44, 46
"Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman."

"Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu."





Ito ang pinanghahawakan na Aral ng ating mga mahal na kaibigan.Ngayun atin pong pansinin.Hindi po sinabi na



"Binuhay na naging Espirito"



kundi ang binanggit po ay ganito:

"Katawang ukol sa Espirito"


Ito po ang kalagayan na makapagmana sa kaharian ng Dios.Ngayun atin suriin parin sa Biblia.Bakit po ito ang makakapagmana ? anu ba kahulugan ng ito? narito po:



Galacia 5:16-17

"Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman."

"Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin."



Malinaw po na talaga pinaiba at magkaiba, Kaya po di makakapasok ang ayun sa laman sapagkat ang iniutos na magsilakad ayun sa Espirito. Anu pala itong mga nasa laman ?
narito :



Galacia 5:19-21
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,  Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,  Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay HINDI MAGSIPAGMANA SA KAHARIAN NG DIOS."




malinaw na malinaw po ang Detalye kung paanu pala di makakapasok sa kaharian ng Dios kung ang isang tao ay nasa gawang nasa LAMAN.

Ngayun e paanu ba magkakaroon ng buhay na ukol sa Espirito?
narito :

Galacia 5:24
"At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito."



Ito po ang mga nasa kay Cristo na wala na sa pita ng laman.paanu po?


Juan 1:12-13
"Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging MGA ANAK NG DIOS, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios."




Hayag kung sino yaong hindi sa kalooban ng laman at sa dugo,kundi ang kalooban ng Dios. Ang mga pinagkalooban na MAGING MGA ANAK NG DIOS.

Sila ang mga taong namuhay na nakay Cristo na wala na sa laman. at ang magmamana ng kaharian ng Dios. Ano naman po ito mga katangiang ukol sa Espirito ? atin muling sipiin ang talata :


1 Corinto 15:44
"Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman."




Bakit po ukol sa Espirito ang katawan na ipagkakaloob sa mga nakay Cristo? anu nga po ang katangian o uri ang ukol sa Espirito?
narito po :



Galacia 5:22-23
"Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan."




Malinaw po kung paanu ang buhay na ukol sa laman, at ukol sa Espirito. Kaya po malinaw ang mga talatang binanggit sa atin. Tiyak po ba nating mula sa unang katawan natin ay TAO, ang ikalawa naman na ipagkaloob na bagong katawan na syang babaguhin ay TAO parin ba ?
narito po :


1 Corinto 15:47
"Ang unang TAO ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang TAO ay taga langit. "





Malinaw po na TAO parin. ang ikalawang katawan na pinagkaloob sa mga nakay Cristo ay taong tao parin. Kaya kung pansinin at balikan natinbang 1 Cor. 15:50, ay hindi makakapasok ang ukol sa laman (Katawan na nagkakasala) at dugo (sapagkat may kasiraan), Kaya ang sabi ng kasunod na talata, LAHAT AY PAPALITAN. Ganito ang sabi ng Biblia:

1 Corinto 15:51
  Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin, 

1 Corinto 15:52
Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin. 

1 Corinto 15:53
Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

 1 Corinto 15:54
Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. 


Napakalinaw, na ang lahat lamang ay papalitan hindi upang maging Espiritu kundi gawing ang katangian ay UKOL SA ESPIRITU. TAO parin hanggang sa langit subalit taglay ang KATAWAN na walang kamatayan at walang kasiraan. Ngayun anu po ang sabi ng Biblia ukol naman sa pagkabuhay ni Cristo ?



1 Corinto 15:16
"Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:"




Bubuhayin ding muli ang mga patay kung paanong si Cristo ay muling binuhay. Ayun naman mismo kay Cristo,sa kanyang muling pagkabuhay, Espirito naba sya o tao parin ? narito :


Lucas 24:39
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang ESPIRITU'Y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin."



Pinakilala at pinakita mismo ni Cristo kung anu ang kalagayan nya sa muli nyang pagbuhay, siya ay hindi Espiritu kundi TAO na may laman at buto.

Hayag na hayag na po muli ang maling aral na turo na mula lamang sa kanilang sariling kaalaman.At ayun sa mga pinagkalooban na maging mga ANAK NG DIOS na siyang tagapagmana ng kaharian ng Dios ay batay sa ating pag-aaral kanina ang mga may kaugnayan kay Cristo. At yun lamang ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo

e click ito : MGA ANAK
 NG DIOS

Sanay malinaw sa lahat.

Mga Maling Doktrina ni Eliseo Soriano

Nung nakaraan ay nalamang natin ang History ng MCGI kung saan ito nagmula ,at paano ito nagsimula.Ngayun naman ating ilahad ang mga Doktrinang salungatan na mula naman sa kanila.




UKOL SA SALITANG SUHAY AT
SALIGAN




Di ba ang ipinarehistro ni G. Perez
ay Suhay at ang kay G. SORIANO ay
Saligan? Di ba inamin ni G.
SORIANO na iba ang Suhay sa
Saligan? Di malinaw na salungatan
ang aral ng dalawa? Di ba
kinamatayan ni G. Perez ang
salitang Suhay? Di namatay siyang
hindi tunay ang pangalan ng
Iglesiang ipinangaral niya?
Diumano, ayon kina G. SORIANO,
Danilo Navales at Mel Magdaraog,
hindi raw gaanong nakapag-aral si
G. Perez, kaya Suhay ang
naiparehistro. Di ba halos wala ring
pinag-aralan ang mga apostol? Mali
ba ang mga aral ng mga apostol? Di
ba tamang lahat ang itinuro nila
sapagkat may Espiritung
pumatnubay sa kanila dahil sila ay
mga sugo ng Diyos. Diumano, ayon
kay G. SORIANO ay inutusan siya ni
G. Perez na magsaliksik kung ano
talaga ang tama, kung Suhay o
Saligan dahil sa marami raw salin
ang nagpapatotoo na Saligan ang
tama. Maging sa wikang Griyego ay
Saligan din ang katumbas sa
Pilipino. Di nangangahulugang mali
nga ang Suhay?? Di mali ang Iglesia
ni G. Perez at ni G. SORIANO mula
1936 at naging tama lamang noong
magparehistro si G. SORIANO
noong 1980?


Kung tama ang Saligan, di mali ang
nasa himnario na ginawa at
binalangkas mismo nina G. Nicolas
Peres at G. Eliseo SORIANO?

Ganito ang nilalaman ng nasa
Himnario 1990, pahina 44, ika-2
estropa:



" Si Kristo ang buhay, Ilaw sa
puso'y tanglaw, Nating lahat na
tinawagan, Sa Iglesia ng Diyos
na haligi at suhay na ating
kaligtasan."




Di ba kaya lamang ipinarehistro ni
G. SORIANO ang Saligan ay upang
maiba sa ipinarehistro ni G. Perez
dahil bawal sa batas na
magparehistro ng isang samahang
nakarehistro na?



UKOL SA MAY HINDI RAW ALAM
ANG DIYOS




Isang ipinagmamalaking doktrina
ni G. SORIANO na may hindi alam
ang Diyos. Di hindi rin alam ng
Diyos na may magrerebelde pa sa
langit dahil mayroon Siyang hindi
alam?

Di hindi rin alam ng Diyos kung
may mga lalaban pa sa Kaniya
pagdating ng mga maliligtas sa
bayang banal?

Di ba napakahinang klase ng Diyos
ni G. SORIANO, nagawang lalangin
ang buong sansinukob at nakagawa
ng mga kahanga-hangang gawa,
yaon pala ay mayroong hindi alam?
Bakit naipatala ng Diyos sa Biblia
na ang parurusahan ay singdami ng
buhangin sa dagat kung mayroon
siyang hindi alam?

Bakit naipatala Niya ang lahat ng
pangyayari sa darating kung
mayroon Siyang hindi alam?
Marahil, hindi alam ng Diyos ni G.
SORIANO na magkakagulo rin ang
relihiyong ipinarehistro niya at ni
G. Perez at hindi rin alam ng Diyos
na napakarami palang salungatan
ang mga aral niya. Lahat ng tanong
kay G. SORIANO ay nasasagot daw
niya (kuno), pagkatapos ay ang
Diyos na kinikilala niya ay may
hindi alam.

Nakapanghihilakbot na doktrina ito
dahil may limitasyon ang
kakayahan ng Diyos na kinikilala
niya. Kayo matatanggap ba ninyo
na ang kinikilala ninyong Diyos ay
may hindi alam? Di ba ang Diyos
ang pinakamakapangyarihan sa
lahat, pinakamarunong sa lahat at
sumasa lahat?




UKOL SA HINDI PAG-AASAWA NG MGA ANGHEL



Naninindigan si G. SORIANO na
ang mga anghel ay hindi nag-
aasawa sapagkat espiritu ang
kalagayan ng mga ito. Ngunit
ipinahayag ni G. SORIANO na ang
mga anak ng Diyos na nagsipag-
asawa ng mga anak ng mga tao ay
mga anghel. Para na siyang kumuha
ng bato at ipinukpok sa sarili
niyang ulo dahil sa aral na ito.

Diumano ay walang anghel na tao?
Sino naman ang anghel na tao na
binabanggit sa Apocalipsis 21:17?

Pakitanong kay G. SORIANO, ano sa
Griyego ang anghel? Ano sa Griyego ang mga sugo kay Rahab? Ano sa Pilipino ang angelos?




UKOL SA IISANG SANTIAGONG
APOSTOL




Halos manggalaiti si G. SORIANO
sa paninindigang iisa raw ang
Santiago na Apostol sa Biblia?
Tinutuligsa niya ang mga kaanib sa
Iglesia ni Cristo at sinabing kawawa
raw ang mga kaanib nito dahil sa
Iglesia ni Cristo raw, kahit patay na
ay nakapagpapasiya pa.

Ipinahintulot na naman ng Diyos sa
napakalaking pagkakamali si G.
SORIANO dahil 2 ang Santiagong
Apostol sa Biblia. Kayo na ang
bumasa sa Mateo 10:2-4 at
mapatutunayan ninyo kung sino
ang nagsasabi ng totoo at hindi.




UKOL SA TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN




Diumano ay si Apostol Pablo raw
ang Tagapamahalang Pangka-
lahatan ng unang Iglesia ni Cristo at hindi si Apostol Santiago. Sino
naman ang Tagapamahalang
Pangkalahatan sa Iglesia noong
hindi pa natatawag na maging
apostol si Apostol Pablo? Anong
talata? Di ba malinaw na si Apostol
Pablo ay doon lamang sa mga
Gentil isinugo at hindi naman sa
dako ng mga Judio dahil si Apostol
Pedro ang sugo rito? Hindi ba ng
magkaroon ng usapin sina Apostol
Pablo at Apostol Pedro ay
sumangguni sila sa Jerusalem?
Hindi ba ang nagpasiya sa
suliraning bumangon sa unang
Iglesia ay si Apostol Santiago?

Pakibasa na lamang po ang
nilalaman ng Gawa kapitulo 15.
UKOL SA Zacarias 13:7-9
Malinaw ding tinitindigan ni G.
SORIANO na sila ang katuparan ng
nasa Zacanulls 13:7-9. Kung sila
ang katuparan nito, sino ang Pastor
na sinaktan? Si Ginoong Perez ba?
Sinaktan ba siya? Sino ang mga
maliliit? Sino ang nahiwalay? Sino
ang naiwan? Sino ang nangalat?
Sino ang mamamatay? Ang
katuparan ba nito ay ang samahan
ni G. Perez? Ilang beses silang
nabahagi? Ilang beses silang
nahiwalay ? Bakit hanggang ngayon
ay walang opisyal na pangalan? Di
ba ang Pastor na sinaktan ay ang
Panginoong Jesucristo at ang mga
maliliit ay ang mga apostol?



UKOL SA PAGTALIKOD



Tinitindigan din ni G. SORIANO na
diumano ay walang pagtalikod na
naganap sa unang Iglesia dahil
lilitaw na mahina ang Diyos kung
matatalikod ang itinatag Niya.

Mahina ba ang Diyos nang
tumalikod si Adan at Eva? O ang
mahina ay si Adan at Eva?
Mahinang klase ba ang Diyos nang
tumalikod ang bansang Israel? O
ang mahinang klase ay ang bansang
Israel? At kung totoong walang
naganap na pagtalikod sa Iglesiang
itinatag ni Cristo, sinu-sino ang
mga naging tagapamahala sa Iglesia
bago sumapit sa panahon ni G.
Perez? Di ba nasa himnario 1990,
pahina 82
, na ang Iglesiang tunay
ay nagiba at nawala? Ganito ang
nakasulat sa himnario:


"Sa dakong
silanganan tinutukoy ng hula, Dito
ay mababangon ang bayang nagiba,
Ang Iglesiang tunay malaong
nawala, ngayo'y ibinabandila."



Alin kaya itong Iglesiang nawala at
nagiba? Di ba malinaw na
kasinungalingan na naman ang
itinuturo niyang walang pagtalikod?
Di ba malinaw din na salungat ang
paninindigan ni G. Perez sa
paninindigan ni G. SORIANO?




UKOL SA KALAGAYAN NG
PANGINOONG JESUCRISTO




Maging sa pagtuturo kung ano
talaga ang kalagayan ni Cristo ay
napakaraming salungatang
ipinahayag si G. SORIANO. Ayon
kay G. SORIANO, si Cristo raw ay
inahing manok. Ayon naman kay G.
Danilo Navales, manggagawa ni G.
SORIANO, wala raw matinong tao
na magtuturo na si Cristo ay
inahing manok. Di para niyang
sinabi na hindi matinong tao si G.
SORIANO? Turo rin ni G. SORIANO
na si Cristo ay nasa kalagayang
manok. May aral pa siyang si Cristo
raw ay kumakatawan at tumulad sa
inahing manok. Diumano, ayon pa
rin sa turo niya, si Cristo raw ay
may spiritual na pakpak? Di
nangangahulugang may spiritual na
palong din at may spiritual na
tuka? Ano kayang talata? May
binaggit din siyang si Cristo ay
taong ibon at ang batayan niya ay
nasa Isaias 46:11. Diumano ay si
Cristo raw ang angel sa Apocalipsis 7:2-3? Sa madaling salita, napakagulo ng mga aral ni G.
SORIANO.




UKOL SA KATUPARAN NG BIG 4





Diumano ay alam daw ni G.
SORIANO kung sino ang katuparan
ng Big 4 na binabanggit sa
Apocalipsis 7:1-3. Noon pang 1982
niya ipinangakong ihahayag kung
sino ito pero hanggang ngayon
2014 na bale 32 na taon na ang
lumipas ay hindi pa niya masabi
kung sino.




UKOL SA KATUPARAN NG DANIEL12:4, 9-10




Malakas din ang loob ni G.
SORIANO na sabihing siya ang
katuparan ng pantas na binabanggit
sa Daniel 12:4 at 9-10. Ang
panahon daw ng paglitaw o
pagbangon nito ay sa panahong
malago na ang karunungan ng tao
at ito raw ay noong 1980 nang
iparehistro niya ang samahan
niyang

'Ang mga kaanib sa Iglesia
ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at
Saligan ng Katotohanan sa Bansang
Pilipinas, Incorporated'.





Di para niyang sinabi na bobo ang
bumangon noong 1936 na rito ay
kaanib ang kinikilala niyang sugo
maging ang mga magulang niya? Di
ba rito ay naging kaanib din si G.
SORIANO?





UKOL SA PATUBUAN




Labag sa Biblia ang patubuan
sapagkat nakasulat sa Deutrunomio
23:19
ang ganito :



"Huwag kang magpahiram na
may tubo sa iyong kapatid."




Kumusta na kaya ang Bayan ng
Katotohanan Credit Cooperative
na
kung manghihiram ka ay
patutubuan?




UKOL SA ANTI-CRISTO




Hindi raw itinuturo ni G. SORIANO
na ang Papa ang 666 gayong nasa
himnario pahina 94, malinaw na
sinasabi na ang Papa ang katuparan
ng Anti-Cristo? Tingnan ninyo ang
pagkakasulat sa ikatlong estropa:


"Anti-Kristo'y may tanda siyang
inangkin, Anim na raan anim na put anim, Sa mitra ng papa ating bilanging, Vicarius Filii Dei sa wikang latin."




Di ba isa na naman itong malaking
kasinungalingan ni G. SORIANO?




UKOL SA MARANGYANG DAMIT



Ipinagbabawal ni G. SORIANO ang
marangyang damit pero naka-
amerikana siya minsan sa
pagtuturo. Di ba iba ang sinasabi
niya sa kanyang ginagawa?




UKOL SA SASAKYAN



Tinutuligsa niya ang mga
Mangangaral na may mga sasakyan
dahil si Cristo raw at ang mga
apostol ay sa asno sumasakay
noon. Marahil, asno rin ang
sinasakyan ni G. SORIANO mula
Apalit patungong Maynila. Marahil
tama ang sinasabi ni G. Navales na
mayroong ngang hindi matinong
tagapangaral. Pumunta naman
tayo sa sasakyan ni Eli. Ilan ang
sasakyan na naka-rehistro kay
Eli ayon mismo sa kanya?


Eli Soriano: Actually ang naka-
rehistro lang siguro sa pangalan
ko isang jeep na sarao ...na
matanda na

Mike Enriquez( Imbestigador ): Ano
pang-pasada na jeepney?


Eli Soriano: Pang-pasada


Mike Enriquez( Imbestigador ): Ano
ho...pumapasada mismo ngayon?


Eli Soriano: Oho, sa San Fernando
Malolos. Iyon lang ang naka-
rehistro sa pangalan ko.


Pero ayon sa pag-iimbistiga ni Mike Enriquez ng IMBESTIGADOR na nakalap 'nya sa LTO ay anim ang
sasakyan ang nakarehistro sa
pangalan ni Eli Soriano

Uri ng sasakyan--------Petsa ng huling pag-rehistro



1.Nissan Truck
Bus...............February 4, 2002

2.Toyota Hi-Ace...................April
1, 2003

3.Nissan Vanette..................May
6, 2003

4. Chrysler Town & Country.....July
24, 2003

5.Mitsubishi
L300.................Sept.11, 2003

6.Isuzu Truck......................Sept
30, 2003





UKOL SA ORDENASYON



Mayroon siyang iba't-ibang
paliwanag ukol dito. Diumano ay sa
ulo raw papatungan ng kamay. May
turo siya na hindi raw ito literal na
kamay, di hindi rin literal ang ulo
at hindi rin literal ang patong?

Diumano mula ulo ay dadaus-dos
sa balikat? Literal bang pagdaus-
dos ito at literal din bang balikat?
Di ba inamin niyang ang Isaias 9:6
ay ordenasyon? Inordenahan ba
siya ni G. Perez? Literal bang
kamay? Dumaus-dos ba sa balikat?
Inordenahan ba ni G. SORIANO ang
mga manggagawa niya? Kung
walang ordenasyon sa samahan
ninyo, di nangangahulugang walang
ministro? Alam ba ninyo na may
nakalagay sa By Laws ng samahan
ninyo ang ganito:

Section 5: "That
the council of Ministers is
composed of all ordained minister,
each one with a written
appointment from the incumbent
Presiding Minister."


May lagda ito ni G. SORIANO kasama ang 9 na iba pa.



UKOL SA PAG-AASAWA



Ilan pang aral ni G. Perez na
tahasang sinalungat ni G. SORIANO
ay ang ukol sa pag-aasawa.
Ipinahihintulot na ngayon ang mag-
asawa sa mga kaanib ni G.
SORIANO samantalang mahigpit na
ipinagbabawal ang pag-aasawa sa
panahon ni G. Perez. Ang
katunayang ipinahihintulot na
ngayon ang pag-aasawa ay ang mga
ikinasal noon sa Araneta Coliseum.

Salungat naman ito sa himnario
1993 pahina 72
. Ganito ang
nakalagay sa himnario:


"Oh kabataan, H'wag na tayong
mangag-asawa, Malapit ang
kawakasan, Nang mangaligtas sa parusa."




Ganito naman ang nasa pahina 134
na ang pamagat ay Awit Sa Mga
Manggagawa, ika-2 estropa
:


"Kami ay hinding-hindi na mag-
aasawa, Ang aming buong lakas,
Laan sa Kanya, Para kay Hesus
ang buhay, O para kay Hesus
lamang."



Pakibasa na rin ang nasa pahina
66. Dito ninyo mapatutunayan na
nagkakalaban laban ang mga aral
nina G. Perez at G. SORIANO.


Pakibasa na rin ang nasa I Timoteo
4:1-3
at mapatutunayan ninyo na
ang pagbabawal ng pag-aasawa ay
hindi aral ng Diyos kundi aral ng
demonyo. Ang katunayan ay may
asawa si Apostol Pedro maging ang
iba pang mga apostol. Basahin ang
I Corinto 9:5.



UKOL SA ALAHAS



Sa panahon ni G. Perez ay
karumaldumal ang gumamit ng
alahas. Itinitiwalag ni G. Perez ang
sinumang lumabag dito. Ngunit sa
panahon ni G. SORIANO ay
ipinahihintulot na ang paggamit ng
alahas. Ang isang matibay na
katunayan ay ang pagbebenta ni G.
SORIANO ng alahas kay Ginang
Lolita Hizon. Marahil ay tatanggi si
G. SORIANO ukol dito. Malalaman
ninyo ang pagtatapat ni G. Lolita
Hizon na si G. SORIANO ay
nagbenta sa kaniya ng alahas. Kung
bawal ang pag-aalahas, itiniwalag
na ba ni G. SORIANO ang lahat ng
mag-aalahas na miembro niya
maging ang mga gumagamit ng
alahas?



UKOL SA PAGKAKATIWALAG KAY G.SORIANO



Boong giting na isinisigaw ni G.
SORIANO na hindi raw siya
itiniwalag sa grupo nina Bb.
Gugulan kundi kusang tumiwalag.
Nabanggit na naman sa inyo na
napakasinungaling ni G. SORIANO.
Katunayan, pakinggan ninyo ang
nilalaman ng Circular bilang 6,
Serye ng taong 1976
tungkol sa
pagkakatiwalag niya:


"Sa lahat ng mga kapatid kay
Kristo Hesus: Alinsunod sa
Artikulo IV Seksion 1 ng
patakarang batas ng Iglesia ng
Diyos kay Kristo Hesus Haligi at
Suhay ng Katotohanan, ang mga
pamunuan at miembro sa Iglesia
na dapat itiwalag ay yaong
tinutukoy sa talatang 2 ng
nabanggit na artikulo. Batay sa
disiplinang nabanggit sa itaas,
ang pangasiwaan ng INDKKHSK
ay makatuwirang ipinaiiral ang
pagpapatupad ng panuntunang
ito at walang pasubaling
itinitiwalag ang mga sumusunod:


1. Eliseo SORIANO (unang-una sa
mga itiniwalag)

2.Severina Jose,

3.Noli Dacer,

4.Manuel Bacosa Jr.
at 13 iba pa.


Ang pagtitiwalag na ito ay
nagkakabisa ngayong ika-21 ng
Pebrero 1976 pagkatapos na
lagdaang ng Lupon ng mga
patnugot at sinag-ayunan ng
kapulungan ng mga
manggagawa."




Nakalagda sa ibaba ang 19 na
maytungkulin sa Iglesia sa
pangunguna ni Bb. Levita Gugulan.



UKOL SA PAMAMAHALA NI
BINIBINING GUGULAN




Tinutulan ni G. SORIANO ang
pamamahala ni Bb. Gugulan sa
pagsasabing hindi raw babae ang
dapat mamahala sa Iglesia subalit
nakalagda siya at si Ginoong
Manuel Bacosa sa sinumpaang
pahayag na si Bb. Gugulan ang
mamamahala sa Iglesia. May petsa
itong Hunyo 15, 1975.



UKOL SA BABASAHING PASUGO



Isa pang kasinungalingan ni G.
SORIANO: Diumano ay expert daw
siya sa Pasugo dahil may mga
kopya daw siya nito mula 1928.

Malinaw na mas sinungaling pa siya
kay Satanas dahil noong lamang
1939 nagsimulang maglathala ang
Iglesia ni Cristo ng Pasugo.



UKOL SA BIBLIA AT REPERENSIYA



Tinutuligsa rin ni G. SORIANO ang
gumagamit ng reperensiya at
maging ng iba't ibang salin ng
Biblia. Nakapagtatakang ngayon ay
gumagamit na siya ng mga
reperensiya at iba't ibang salin ng
Biblia. Ang katunayan, ang
kahulugan ng ordenasyon ay sa
reperensiya niya kinuha at ang
salitang Saligan ay hindi niya
kinuha sa ginagamit niyang katiwa-
tiwalang salin kundi sa Bibliang
isinalin ng Iglesia Katolika.




UKOL SA SALITANG ROMANO




Mali raw na tawaging Romano ang
mga Pilipino dahil aplikable lamang
ito sa mga taga-Roma. Di ba
malinaw na kasinungalingan na
naman ito dahil nakatala sa
kanilang himnario na maging ang
mga Pilipino ay puwedeng tawaging Romano. Ano ang katunayan?

Ganito ang nasusulat sa Himnario
1990, pahina 95, unang estropa
:


"Oh, mga Romanong aming
kababayan, H'wag ninyong isipin kayo ay kaaway, Kundi bagkus kayo'y aming minamahal,Tayo'y magkabansa
magkakaibigan."



Pakitanong ninyo sa kanya kung
sino ang mga Romanong aming
kababayan? Haling at mangmang
lamang ang magsasabing ang mga
kababayang tinutukoy sa himnario
ay mga taga-Roma.




UKOL SA SALITANG HULING ARAW



Mali raw ang aral ng Iglesia ni
Cristo na ang INC ay babangon sa
huling araw dahil ang huling araw
daw ay paghuhukom. Mababasa rin
ito sa kanilang magasin na

"Ang Dating Daan" January 1990 issue pahina 8 na ang nakasulat? ay
ganito:


"Ang huling araw naman ay ang pagbangon ng mga patay na ito ay sa paghuhukom."



Sinasalungat ng magasing ito ang
nasa himnario 1990, pahina 101,
na ang nasulat ay ganito:

"Balita ng Kaligtasan, Sa Huling araw sumilang, Titipunin ang
tupang naligaw, Sa loob ng
Kaniyang bakuran, Tanging
Iglesia ng Dios lamang, Si Hesus nag-aakay."



Di sa araw pa ng paghuhukom
babangon ang samahan ni G.
SORIANO kung paniniwalaan ang
kasinungalingan niya.



UKOL SA SALITANG BUMANGON



Matibay din ang paninindigan ni G.
SORIANO na ang samahan nila ay
hindi bumangon kundi umugnay. Di mali na naman ang nasa himnario 1990, pahina 97, at 100 na mababangon ang dating bayan.
Tunghayan ninyo ang nilalaman ng
himnario, pahina 97:


"Ang Iglesia ng Dios lamang,
Ang tanging katotohanan,
Tinukoy na dating daan, Ang
mga hindi kilala, Na mula sa
ibang bayan, Ibabangon dating
tunay, Sa malayong silangan,
Dito ay hinuhulaan, Mababangon
dating bayan, Ngayon
ibinabandila, Naming inyong
kababayan, Sa Pilipinas na
bayan."



Payo kay G. SORIANO, ang
kabisahin mong mabuti ay hindi
ang pasyon kundi ang himnario mo
dahil marami sa mga aral mo ay
nilalabanan ng himnariong
ginagamit mo. Isa pang
nakatatawag ng pansin, kung
walang pagtalikod, bakit kailangang
ibangon ang dating bayan?

Matawagan nawa kayo ng pansin sa
mga salungatang ito. Dumating
nawa ang panahong sinusumbatan
na siya ng kaniyang budhi dahil sa
ginagawang mga panloloko sa tao
lalo na sa pagpilipit sa mga talata
ng Biblia.



UKOL SA MALAYONG SILANGAN



Noon ay tinutuligsa niya ang
Iglesia ni Cristo sa pagtuturong
hindi raw ang Pilipinas ang
Malayong Silangan ngunit napansin
ninyo marahil sa kaniyang himnario 1990 pahina 97 na inaamin niyang ang Pilipinas ay nasa malayong silangan. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod,bakit kailangang ibangon ang dating bayan?

Matawagan nawa kayo ng pansin
sa mga salungatang ito.



UKOL SA REHISTRO


Hindi raw dapat iparehistro ang
Iglesia sapagkat nakatala na ito sa
Biblia. Ang dapat raw iparehistro ay ang mga kaanib.

Di mali na naman si G. Perez ng
iparehistro ang Iglesia at hindi ang
mga kaanib? Di dapat ang
ipinarehistro ni G. SORIANO noong
1993 ay:


"Ang Mga Kaanib Sa Bayan Ng
Katotohanan, Incorporated."




UKOL SA ABULOYAN SA STA. CENA



Tinutuligsa rin niya ang Iglesia ni
Cristo dahil nag-aabuluyan daw sa
Sta. Cena. Di ba malinaw na hindi
niya naiintindihan ang Sta. Cena?

Ang Sta. Cena ay pagkain at pag-
inom. Walang abuluyan sa Sta
Cena. Ang may abuluyan ay ang
pagsamba. Nakakikilabot na turo ni
G. SORIANO, hindi raw tunay na
tinapay at katas ng ubas ang kinain
at ininom ng mga alagad. E ano ang
pinagputol-putol, ano ang kinain,
ano ang ininom? Di ba naniniwala si G. SORIANO na may Sta Cena at
ang kinukuwesatiyon niya ay ang
abuluyan? Kayo, may Sta. Cena ba
kayo? Literal bang tinapay at katas
ng ubas?



UKOL SA BAHAY NG DIYOS



Mali raw na tawaging bahay ng
Diyos ang bahay sambahan. Ang
bahay daw ng anay ay anay ang
gumawa, ang bahay ng gagamba ay
gagamba ang gumawa kaya ang
bahay ng Diyos, Diyos din ang
dapat gumawa? Di bahay ng aso,
aso rin ang gumawa? Bahay ng
baboy, kalapati etc.. baboy,
kalapati etc.. ang gumawa? Di mali
ang nasa Isaias 2:2 na ganito ang
nakasulat:


"At mangyayari sa mga huling
araw, na ang bundok ng bahay
ng Panginoon ay matatatag sa
mga taluktok ng mga bundok at magiging mataas sa mga burol;at lahat ng bansa ay
magsisiparoon doon."



Basahin din ninyo ang nakasulat sa
Mateo 21:12 at mapatutunayan
ninyong ang aral ni G. SORIANO ay
kalaban ng aral ng Diyos.



UKOL SA ABULUYAN



Naghihirap daw ang mga kaanib sa
Iglesia ni Cristo dahil sa abuluyan.
Bakit? Alam ba ni Ginoong
SORIANO kung ano ang buhay ng
mga kapatid sa Iglesia ni Cristo?

Sino ba ang daing ng daing na
lubog na sa utang? Di ba si
SORIANO? Sino ba ang
nagkakandakuba dahil hindi na
halos makabayad sa programa sa
radyo at telebisyon? Di ba siya?
Sino ngayon ang nagkakandarapa sa
hirap? Di ba siya? Sino ba ang
nanghihiram ng amerkana na
magagamit sa pagsasalita sa TV?
Baka hindi mo pa naisasauli sa
tunay na may-ari? May itatanong
lamang kami kay G. SORIANO:


"Nabayaran na ba niya ang humigit-kumulang 50 milyong piso para pambayad mo sa mga nagastos sa
programa sa radyo at telebisyon?
"


Nakalikom na ba siya sa mga kaanib sa samahan niya ng halagang ito? Di
ba kasalukuyang gumagala ang mga
manggagawa para mangulekta sa
mga kaanib ng diumano ay kusang
loob na tulong? Sinasabi ng mga
manggagawa na kaawaawa raw si G.
SORIANO kung hindi ito
mababayaran dahil makukulong
siya. Pakitanong nga pala kay G.
Manoling Bacosa kung natubos na
mula sa pagkakasanla ang kanilang
bahay upang maitulong sa utang ni
G. SORIANO. Ayon kay Gng.Meding
Bacosa ay 2 milyon ang
pagkakasanla ng kanilang bahay
dahil nais nilang matulungan si G.
SORIANO.



UKOL SA PAGHUHUKOM



Diumano ay hindi raw alam ni
Cristo ang petsa ng paghuhukom
noong nandito pa siya sa lupa.
Ngayon daw nasa langit na siya ay
alam na niya ang petsa ng
paghuhukom dahil kasama na niya
ang Ama sa langit? Anong talata?
Diumano ay hindi raw maaring
hindi ito sabihin ng Ama kay
Cristo? Samakatuwid ang batayan ni G. SORIANO ay kathang isip o guni-guni. Di ba sabi ni G. SORIANO na si Cristo at ang Ama ay magkasama na sa langit maging sa simula pa lamang ng paglalang? Di alam na ni Cristo noon pa ang petsa ng paghuhukom? Nalimutan ba ng magkatawan tao? Anong talata?


UKOL SA DIYOS SA LANGIT AT SA
DIYOS SA LUPA




Diumano ay ang Ama ang Diyos sa
langit at si Cristo ang Diyos sa lupa.
Di ngayong magkasama na sila sa
langit ay wala ng Diyos sa lupa? Di
ba malinaw na salungat ito sa
nakasulat sa Efeso 4:4-6 at
Deutronomio 4:39.



UKOL SA PAGIGING TAO NI CRISTO



Mali raw ang turo ng Iglesia ni
Cristo na si Cristo ay tao. Mali ba
si Cristo nang sabihin Niyang Siya
at tao batay sa Juan 8:40? Mali ba
ang turo ni Apostol Pablo na si
Cristo ay taong tagapamagitan sa
Diyos? Mali ba ang hula ng Diyos na nakasulat sa Isaias 53:3 tungkol sa Panginoong Jesucristo na siya
(Cristo) ay tao?

Di ba kung ano ang
nakasulat sa Biblia ang siyang
paniniwala ng mga kaanib sa Iglesia
ni Cristo? Di ba maliwanag na ang
nilalabanan ni G. SORIANO ay ang
turo ng Diyos, ni Cristo at ng mga
apostol at hindi ang mga kaanib sa
Iglesia ni Cristo?



UKOL SA KALIGTASAN



Hindi raw itinuturo ni G. SORIANO
na sila lamang ang tunay at
maliligtas. Kasakiman raw ito dahil
pinakyaw na raw ang langit kapag
sinabing sila lamang ang maliligtas.
Malinaw na kayabangan at
kasinungalingan na naman ito dahil
nakasulat sa kanilang himnario,
1990, pahina 82
, ang ganito:

"Iglesia ng Diyos lamang ang
katotohanan, Sa hula ni Jeremias siyang dating daan, Ang mga di kilala taga-ibang bayan, Sa hula
ni Isaias magtatayong tunay."



Ganito na nasa pahina 83:

"Ang Iglesia ng Dios lamang, Kay Kristo Hesus na tunay, Ang siyang tanging pangalan, Na nasa Bagong Tipan."


Huwag ninyong kalilimutan na ang
gumawa at nagbalangkas ng
himnario ay sina G. Perez at G.
SORIANO.



UKOL SA MORAL



Ang tunay na tagapangaral ay
dapat maging huwaran hindi
lamang sa pagsasalita kundi maging
sa pagkilos at sa paggawa. Pasado
kaya si G. SORIANO sa
pamantayang ito? Gaano karaming
mayayamang kaanib ang inutangan
niya kasama na si Mrs. Co ng
Quezon City? Gaano karami ang
mga utang niya sa mga bangko?
Gaano karami ang kasalukuyang
habla sa kaniya kasama na ang ukol
sa DZME, maging ang habla sa
kanya ng may-ari ng inuupahan
ninyong sambahan sa De Jesus St.
sa Roosevelt? Gaano karami ang
mga kaaway niyang kapitbahay
kasama na si Mrs. Dalmacia
Gutierrez na kaaway niyang mortal?

Tanungin ninyo si Gng. Gutierrez at
ang tawag niya kay G. SORIANO ay
puta, dalahira, malandi at
walang pinag-aralan . Tama bang
mamutawi sa bibig ng tunay na
sugo ng Diyos na may Espiritu
Santo ang mga salitang gago, sira
ang ulo, tarantado, walanghiya,
manloloko at iba pang mga uri ng
mababang uri ng pangungusap na
sinasalita lamang ng mga istambay
sa kanto at mga walang pinag-
aralan?

Tagapangaral ba ng Diyos ang
napakaraming kasong estafa?
Magtanong kayo sa mga pulis sa
Apalit at sasabihin sa inyong mga
walang kuwentang tao lamang ang
maniniwala kay SORIANO dahil
alam nila ang lahat ng panloloko at
panggagantsong ginawa niya.

Inihabla ni G. SORIANO si
Evangelist Wilde Almeda dahil
tinawag siyang bakla ngunit hindi
niya magawang maihabla si Gng.
Lolita Hizon, may-ari ng
Pampanga's Best nang tawagin
siyang bakla dahil may matibay na
ebidensiya si Gng. Hizon tungkol sa
pagiging bakla ni G. SORIANO.

Tanungin rin ninyo si Ginoong
Maning Manzanilla, mahigit na 10
taong nakasama ni G. SORIANO sa
pangangaral sa radyo at telebisyon
kung bakit umalis sa samahan
ninyo ang ibang mga manggagawa
at mga kapatiran?

Ang sabi ni G. Manzanilla ay pana-
panahon kung sumpungin si G.
SORIANO. Tinalakay na rin ni
Ginoong Manolo Favis sa DZBB na
si G. SORIANO ay hindi tunay na
lalake. Binanggit niya ito noong
kainitan ang pag-aaway nila G.
SORIANO. Sana bago magturo si G.
SORIANO ng mataas na moral ay
turuan muna niya ang kaniyang
sarili. (Roma 2:20-24).



UKOL SA PAGPAPUTOL NG LEEG



Buong giting na isinigaw ni G.
Almeda na magpapabaril siya kapag hindi nanalo si Speaker Joe de Venecia. Buong giting namang
tinindigan ni G. SORIANO na
magpapaputol siya ng leeg kapag
mapatutunayang may isang maling
aral na itinuturo niya?

Di ba magkauri lamang si G.
Almeda at si G. SORIANO dahil
parehong sinungaling? At kung
magpapaputol nang leeg si G.
SORIANO, di ba mas maganda kung
hindi na siya magdadamay? Siya na
mismo ang pumutol sa kaniyang
leeg kapag nabasa niya ang
katotohanang sinabi niya na ito.

Marahil kahit 50 leeg ay kulang
dahil napakaraming maling
doktrina ang itinuro ni G.
SORIANO.



PANAWAGAN


Nanawagan din kami sa mga
manggagawa ni G. SORIANO na
buksan ang kanilang mga mata at
huwag maging mga panatikong
tagasunod. Tandaan ninyo na may
kaluluwa rin kayong
nangangailangan ng kaligtasan. Ang
inyong pagpapagal at
pagmamalasakit ay magkakaroon
lamang ng kabuluhan kung nasa
tunay kayong relihiyon. Isa pa,
papayag ba kayong maging
kasangkapan upang ihatid ang mga
tao sa kapahamakan na marahil ay
iba rito ay mga mahal ninyo sa
buhay. Bakit hindi ninyo pag-
ukulang magsuri o magtanong sa
mga ministro sa Iglesia ni Cristo
tungkol sa lahat ng tuligsa ni G.
SORIANO.

Narinig na ninyo ang mga tuligsa
ni G. SORIANO sa Iglesia ni Cristo,
narinig na ba naman ninyo ang
sagot ng Iglesia ni Cristo. LAHAT ng
mga tuligsa ni G. SORIANO ay
nasagot na ng Iglesia ni Cristo sa
programa sa radyo maging sa
telebisyon, ngunit ang mga tanong
ng Iglesia ni Cristo kay G.
SORIANO, kasama na ang mga ito
ay hindi pa niya nasasagot. May
ilan lamang siyang sinagot ngunit
halatang nangangatwiran lamang.

Tandaan ninyo ang nakasulat sa
Galacia 5:19-21 na ang may
hidwang pananampalataya ay hindi
magmamana ng kahanulln ng Diyos.

Nakasulat din sa II Tesalonica
2:9-12
na ang ayaw sa katotohanan
ay ipahihintulot sa kasinungalingan
upang mahatulan sila pagdating ng
paghuhukom. Ito ba ang gusto
ninyong maging hantungan? Gaano
karami na ang puhunan, hirap,
sakit at pagtitiis ang naranasan
ninyo sa pamamalagi sa samahan ni G. SORIANO? Papayag ba kayong
ang lahat ng ito ay mawalan ng
kabuluhan sapagkat nasa mali
kayong samahan? Huwag nawang
mangyari.

May pagkakataon pang
ibinibigay ang Diyos para sa
kaligtasan ninyo.Kudlit at tuldok lamang ang alisin sa Banal na Kasulatan ay sapat na para hindi kayo magtamo ng kaligtasan, di lalo na kung napakaraming mga aral ang salungatan, idinagdag at ibinawas?

Masasabi ba ninyo ng taas sa noo
na tunay ang samahan ninyo sa
harap ng mga kasinungalingan at
mga salungatang aral nina G. Perez
at SORIANO? Hindi ba nakasulat sa
Apocalipsis 21:8 na ang bahagi ng
mga sinungaling ay sa dagat-
dagatang apoy? Di ba malinaw pa
sa sikat ng araw na kapahamakan
ang inyong tinatahak sa samahang
kinaaniban ninyo? Kahangalan at
kapanatikuhan lamang kung
mananatili kayo sa samahang "Ang
Dating Daan."
Ang tunay na Iglesia
ay hindi nagbabago ng doktrina o
aral kaya hindi tunay ang Iglesiang
kinaaniban ninyo.

Miyerkules, Enero 15, 2014

Iglesia ng Dios kay Cristo Hesus (ADD) Palpak na paniniwala

Ang Aral ng ADD o Ang Dating Daan , Ay ang Iglesia daw ay hindi ito kay Cristo. . Kundi Sa AMA.

Ating e review ang Aral na palpak ng Mga ADD. Kung anu ang kanilang paniniwala ukol sa tunay na Iglesia. Ayun sa ating makikita sa larawan, ay Inamin ng Isa sa ating kaibigan na Si Charlie Castro na talagang ang Iglesia ay Sa AMA nga at Hindi kay Cristo. Ating isa isahin ang mali sa hanay mula palang sa pangalan ng kanilang relihiyun.



kung ating pansinin. Ang buong pangalan ng kanilang Relihiyun ay MCGI na pinagbasihan ni Eliseo Soriano mula sa dating kinaugatan na :



e click



Iglesia ng Dios kay Kristo
Hesus, Haligi at Suhay ng
Katotohanan



Sa pangalan palang Malinaw na po aminado nang kay Kristo, kung ganito sana ay hindi pa halata


"Iglesia ni Cristo sa AMA,Haligi at Suhay ng Katotohanan"




Mas may kunting tama pa. Kita nyu po kung panu nila binuo ang kanilang pangalan ng Relihiyun. Ngayun ating Suriin ,kung Anu ang mga talata na kanilang ginagamit para palabasin na talagang sa Dios ito ? ganito po :




Hebreo 3:4
" Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. "



Kaya daw hindi kay Cristo ang Iglesia sapagkat sa Dios daw lahat. E di aminado nga sila na Di nga Dios si Cristo sapagkat itinakwil na nila na Ang lahat ay naitayo ng Dios, malinaw na di nila tinanggap na si Cristo ay kasama sa tinawag nilang Dios.mula pa sa pangalan ng kanilang Relihiyun na pinangalanan ni Eliseo Soriano na ganito :



"Members Church of God International"



Isang mali na naman. E sana tulad ng inamin nila na ang Iglesia
ay ito ay sa AMA. Bakit Mali? Dios din si Cristo sa kanila e, Hindi Espisipiko ang tinutokoy nila na Dios dyan kung ang AMA ba o si Cristo. .Dapat ang pangalan nila ganito :




"Members Church of The Father International"



Kitang kita po natin ang kabaluktutan ng Kanilang mga Aral.
Ngayun, sa aral naman sa Loob ng Iglesi Ni Cristo.
May aral bang pinagbatayan na totoong kay Cristo nga ang Iglesia?
narito po :


Mateo 16:18
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."




Malinaw po pala ang banggit ni Cristo. .


"ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA"


Pag sinabi po ang Salitang "Akin" Kahit naman po seguro bata ay nakakaintindi nito. Malinaw naman po na ang itatayo ni Cristo ay sa kanya . ito ang Iglesia na kay Cristo.

Ngayun baka naman itanung nila. Hindi pala yan Sa AMA? ang Sagot po ay ang Iglesia ni Cristo, Ito po ay sa AMA din. . Bakit? ito po atin tunghayan :



"ANG LAHAT NG SA AMA AY AKIN , kaya ko sinabing
tatanggapin ng Espiritu
ang mula sa akin at
ipahahayag niya ito sa
inyo." Juan 16:15



"Idinadalangin ko sila;
hindi ang sanlibutang ito
ang idinadalangin ko,
kundi ang lahat ng
ibinigay mo sa akin,
sapagkat sila'y sa iyo. ANG LAHAT NG SA AKIN AY SA IYO,
at ang LAHAT NG SA IYO AY AKIN ; at napaparangalan ako sa
pamamagitan nila." Juan
17:9-10



Hayag po at malinaw ang ating mababasa.Kung anu po ang pagmamay ari ni Cristo ay sa AMA. . ang lahat naman ng sa AMA ay kay Cristo.


Malinaw pala na ang Tunay na Iglesia ni Cristo. .ito din ang tunay na Iglesia ng Dios. . .sapagkat ang Dios na tinutokoy ng mga nasa kay Cristo ay ang AMA lamang sa lahat lahat (efeso 4:6).


Bakit Hindi tinawag ang tunay na relihiyun na Iglesia Ng Dios?. Ito po ay isang Adjective o inuuri lamang na ang tunay na Iglesia ni Cristo ay yun din sa Dios. Sapagkat ang tunay na nagtayo ay Si Cristo. Na ito naman ang kanyang tinubos ng kanyang Dugo ang Iglesia Ni Cristo.( Gawa 20:28 lamsa trans.)



Sana ginawa nalang nilang:



"Members Church of the Father and JesusChrist International"


Kasi malinaw naman na ang lahat ng sa AMA ay kay Cristo. .Ang lahat ng Kay Cristo Sa AMA para may kunting tama naman kahit mali.


Dahilan lang kasi ng sariling pamamaraan ng Tao kay naging ganito ang kinalabasan ng kanilang Relihiyun.Itinakwil ang salita ni Cristo na magtatayo sya ng kanyang Iglesia na ito naman ay sa Dios,Anu ang kahihinatnan ng ganitong mga tao ?


“Na maghihiganti sa hindi
nagsisikilala sa Dios, at sa
kanila na hindi nagsisitalima
sa evangelio ng ating
Panginoong Jesus: Na siyang
tatanggap ng kaparusahan,
na walang hanggang
kapahamakang mula sa
harapan ng Panginoon at
mula sa kaluwalhatian ng
kaniyang kapangyarihan” (II Tes. 1:8-9).




Kapahamakan pala ang ayaw tumanggap sa mga pahayag ni Cristo.Kaya di na tayo dapat magtaka pa.Maling paraan.Maling batayan ang kanilang ginamit gaya ng nakasulat :



"Mapatutunayan kong sila'y
nagsisikap na maging
kalugod-lugod sa Diyos,
subalit mali ang kanilang
batayan. Sapagkat hindi nila
nakilala ang pagpapawalang-
sala na kaloob ng Diyos, at
NAGSISIKAP SILANG MAGTAYO NG SARILI NILANG PAMAMARAAN sa halip na sundin ang
PAMAMARAAN NG DIOS" (Roma 10:2-3,Magandang Balita Biblia).



May pamamaraan po ang Dios. .Ano yun ? narito :



Mateo 17:5
“Samantalang
nagsasalita pa siya,
narito, ang isang
maningning na alapaap ay
lumilim sa kanila: at
narito, ang isang tinig na
mula sa alapaap, na
nagsasabi, ITO ANG
SINISINTA KONG ANAK,
na siya kong
kinalulugdan; SIYA ANG
INYONG PAKINGGAN
.”



Ang pakinggan po natin ang mga Salita at mga pahayag ni Cristo. Na gaya ng Anu?nang kanyang sinabi na kanyang itatayo ang Kanyang Iglesia. .Na ito ay sa Dios o AMA naman.

Ano pa ang talagang Mali ang kanilang pag angkin? Aral o Salita po ni Cristo ay ay nagbabago.Kaya kung paano at ano ang kanyang itinatag, ay Yun na yun. Di na pwede pa bago bago.Kung anung Iglesia ang Itinayo ni Cristo. Di lilipas yun, na gaya ng Sinalita nya :


Mateo 24:35
" Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. "



Malinaw po na kung anu yung Sinalita ni Cristo. .di na yun nagbabago at di na Lilipas. Kung anu ang Iglesiang Sinimulan ay yun na dapat. E ang ADD kaya? gusto nyu malaman kung ilang beses paulit ulit si Soriano sa kanyang pagkakamali ng pangalan sa pagrehistro? narito po :



Click Here


Maraming beses na pa bago bago ang pangalan.Klarong klaro po na ito ay hindi gawain ni Cristo, Sapagkat ang Salita at Aral nya,di pa bago bago.Gaano po ito kasama ang ganitong aral o paniniwala? narito po .:


Kawikaan 24:21-22
“ Anak ko,
sa PANGINOON at sa hari ay
matakot ka, sa mga PABAGU-
BAGO
ay huwag kang
makisama. Sapagkat biglang
dumarating mula sa kanila
ang kapahamakan, at ang
pagkawasak na nagmumula sa
kanila ay sinong
nakakaalam?” [ Ang Bagong
Ang Biblia
]




Talagang hindi po katanggap
tanggap ang ganitong uri ng
Aral. .malinaw na ito ay labag sa
Dios. Sapagkat Aral lamang ito na
tao.


Colosas 2:22-23
"Ang lahat ng alituntuning
ito ay masisira sa paggamit,
palibhasa'y mga utos at mga
aral lamang ng tao. Ang mga
bagay na ito'y mayroong
anyo ng karunungan sa
pagsambang ayon sa sariling
kagustuhan, sa
pagpapakababa, at sa
pagpapahirap sa katawan,
ngunit wala silang kabuluhan
laban sa kalayawan ng
laman" (Ang Bagong Biblia ).



Kaninung gawain ang ganitong
mga aral ng tao


Tito 1:14
“Na huwag
mangakinig sa mga katha
ng mga Judio, at sa mga
utos ng mga tao na
nangagsisisinsay sa
katotohanan.”




Gawain at aral lamang ng Tao o mala hudyong gawain.Hayag na hayag na po sa atin kung anu ang pagkakamali ng kanilang pagkakatatag.

Sanay may naliwanagan at nakaunawa nito. Salamat.

Martes, Enero 14, 2014

Alpha at Omega




Ito ang isang basihan ng mga naniniwalang Dios nga si Cristo sapagkat nasusulat daw na may sinabi si Cristo na siya ang UNA at ang HULI. Ating suriin kung panu nila iniugnay ang mga talata :




Pahayag 1:8
" Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat."


iniugnay naman nila sa talatang ito na pahayag ni Cristo :



Pahayag 1:17
"At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli"





Kaya konklod agad na tama nga raw,si Cristo talaga'y Dios. Atin itong Isa isahin kung may malaking pagkakaiba po ba sa katangian ng Dios at sa kay Cristo.Unahin muna natin ang sa Dios.Ating muling sipiin ang nakasulat sa talata :



Pahayag 1:8
"Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. "





Ating unahin ang binanggit sa talata na :


"MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT"


Ito ang binanggit na katangian ng Isang Dios na Tunay.May tiyak kayang tinutokoy kung sinu yang nasa "LAHAT" ? pag sinabi po ang ganyang salita,tyak po sya ang pinakataas sa lahat.Sino po pala yan? narito po :


Efeso 4:6
"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "




Ang AMA pala ang nasa LAHAT. Tiyak na po natin ngayun na mali palang isipin na si Cristo ang tinutokoy sa unang talatang binanggit.May patotoo kaya na talagang ang AMA ito at hindi si Cristo? narito :



1 Corinto 15:27-28
"Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat."


Tiyak na tiyak po natin ngayun, na talagang ang AMA na syang Dios ang maging lahat sa lahat sapagkat si Cristo ay papasailalim din sa kanyang AMA .

Anu pa ang ating dapat Pansinin na katangian ng Dios na binanggit sa Pahayag 1:8 ?


"AKO ANG ALPHA AT OMEGA"



Ating isa isahin.


ALPHA


Ito ang unang banggit ng AMA na siyang Dios.Sabi nila si Cristo din daw iyon  sapagkat para sa kanila ay eksistido na si Cristo mula sa pasimula, kaya katulad raw siya ng Ama. Subalit may malaking kaibahan kung ating suriin. Totoo na ang tunay na Dios ay wala Siyang pinagmulan o pinanggalingan. Ganito ang Sabi ng Biblia :



Awit 90:2
"Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios."





Ang Dios pala ay walang pasimula, sapagkat bago pa niya nilikha ang sanlibutan ay nag exist na sya at wala siyang pinagmulan. Magreact na naman ang iba at sasabihin : Si Cristo din yan sapagkat kasama siyang lumikha ng mundo kaya wala din syang pasimula. Tama kaya ang palusot nila? Ayun sa Biblia? ilan lamang ba ang lumikha at sino lamang?



Malakias 2:10
" Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? "




Isaias 64:8
" Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay. "




Malinaw po at tiyak na tiyak na talagang ang AMA lamang ang lumikha at siya lamang ang Isang Dios na lumikha. Siya ang walang pasimula at walang pinanggalingan. E si Cristo ba walang pinagmulan at walang pinanggalingan? Ganito ang pagkakaiba sa tunay na Dios sa Kaniya :


Juan 8:42
"  Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako. "




Napakalinaw po na Si Jesus ay may pinanggalingan, at malinaw na Siya ay nagmula at nanggaling pa sa Dios na walang iba kundi ang Ama na nagsugo at nagpadala sa Kaniya (Gal.4:4). Paano ba naging ALPHA ang Dios? Ang Panginoong Dios ay "ALPHA" sapagkat Siya ang lumikha at sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay


1 Corinto 8:6
"  Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. "



OMEGA


Sa kanila din, Alam na nila, kaya daw ang Dios ay OMEGA ay walang katapusan o walang hangganan . Ganito ang isang kaibahan na hindi maaring ikapit natin kay Cristo sapagkat ang tunay na Dios ay hindi namamatay:



1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang hanggan, WALANG KAMATAYAN, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa."





Ang iisang Dios na AMA ay walang kamatayan,di namamatay. Tiyak na po natin kung bakit ang AMA ay walang kamatayan o walang katapusan, sapagkat nasa kanya ang katangian ng tunay na Dios na di rin nababago ang pagka Dios.Narito :



Malakias 3:6
“Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.”




Hayag po na kung anu ang Dios,di maaring magbago ,namamatay at may Hangganan. Mali ang kanilang pakahulugan dito Kaya, ano ba ang tunay na dahilan kung kaya Siya ay ang OMEGA? Mula ng magtakda Siya ng araw ng paghuhukom( Gawa 17:31; 1Cor.15:28 ) o ang "KATAPUSAN NG SANLIBUTAN"( Mat.24:3 ).




Puntahan naman natin ang talatang tumutokoy kay Cristo na kanilang pinanghawakan.Atin pong muling sipiin :




Pahayag 1:17
"At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli."




Atin po naman itong pag aralan kung bakit po si Cristo ang tinatawag na "UNA"? narito :


Colosas 1:15, 17
"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya
.




Malinaw po ang tinutokoy ng talata,Siya po ang panganay ng lahat ng nilalang,kung saan pinakauna sa lahat ng Bagay, Bakit po siya ang pinaka una sa lahat ng Bagay? narito po :




1 Pedro 1:20
"Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,"



Kinilala na po si Cristo una na bago pa tinatag ang sanlibutan,at ayun sa taas,ang AMA ng lumikha ng sanlibutan.Anu ba ang katumbas ng kinilala na sya ng AMA bago pa naitatag ang sanlibutan?mula sa isang salin sa English ay "FOREKNOWN" at sa salin ni  juan Trinidad ay ganito :


1 Pedro 1:20
“Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakikilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.”




Una na syang pinanukala ng Dios upang siya ay maging panganay ng lahat ng Nilalang. Bakit naman si tinawag sa taas na "HULI" ? Katulad din ba siya ng AMA na di namamatay?



Pahayag 1:18
"At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades."




Nakaranas din po si Cristo na mamatay,kaya po iba sa tunay na Dios na walang kamatayan. Ngayun panu po si Cristo naging Huli? anu po ang tinutokoy nito? narito po :



1 Tesalonica 4:16
"Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;"




Ito po ang gagampanan ni Cristo sa Araw ng paghuhukom sa kanyang gagawing pagliligtas. At dahil sa pamamagitan Niya at Siya ang GAGANAP ng PAGHUHUKOM NG DIOS sa sanlibutan sa Araw ng Paghuhukom :


2 Corinto 5:10
"  Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama. "




Malaki po ang kaibahan ni Cristo sa tunay na Dios. At maling pag uunawa lang ang ginawa ng ilan sa paggamit ng talata para ihambing si Cristo sa tunay na Dios. Sanay naging malinaw muli ang mga aral ng Dios na katotohanan na mula sa biblia.