Linggo, Marso 2, 2014

1 juan 5:20 Ang tinutukoy na Dios





Ating bigyan ng pagpapaliwag at pagsusuri ang isa sa mga talata na ginagamit ng ilan upang palabasin na si Cristo ay Dios. ating suriin ang talata :



1 Juan 5:20
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y BINIGYAN ng pagkaunawa, UPANG ATING MAKILALA SIYA na totoo, at TAYOY NASA KANYA na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. "



Ito po ang talata na kanilang ginagamit upang makapanlinlang at palabasin na Dios talaga si Cristo.Sa talata sa taas,ito po ay isang bukod na na pangungusap kung saan ay binanggit ang




"Ito ang tunay na Dios,at ang buhay na walang hanggang"




Subalit,kung ating suriin, ang mga pangungusap po ay patungkol sa Dios, kaya kung ating basahin ang mga naunang talata ,ito rin po ay patungkol po sa Dios,Ganito ang ating ma babasa :



1 Juan 5:18
" Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama."



1 Juan 5:19
" Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama. "



1 Juan 5:20
"At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at TAYO'Y BINIGYAN NG PAGKAUNAWA, UPANG ATING MAKILALA SIYA NG TOTOO, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. "




Ayun po sa Talata, sa pamamagitan po ng Ating panginoong jesucristo ay ating makilala ang DIOS NA TOTOO,kung saan ito ang buhay na walang hanggan.


Matitiyak po ba natin na ito nga ay ginawa ni Cristo at may ipinakilala siya na tunay na Dios,na may kaugnayan sa buhay na walang hanggan?

Sa tala parin ni juan,ay ganito ang pahayag ni Cristo :



Juan 17:1,3
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:"
"At ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, na IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid
baga'y si Jesucristo. "





Tupad po ang sinabi ng talata,na may ipinakilala nga si Cristo na ito ang tunay na Dios,kung saan ang buhay na walang hanggan ay ang makilala siya.

Kung pilit nilang palalabasin na si Cristo ang tinutokoy na Dios, ayun sa 1juan 5:20 ay malaki rin ang kanilang maging problema,sapagkat binanggit na ang Dios ay may anak, at sinu naman kaya ang anak ni Cristo?


Sa ganitong pagkakamali ng aral ay tiyak po magdudulot ng malaking kapahamakan. An. pagpapakilala po ba ni Cristo sa AMa bilang Dios ay sariling pang unawa ba niya ito o mula mismo sa AMa niya ?


Juan 15:15
"Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka't ang lahat ng mga bagay na NARINIG KO SA AKING AMA ay mga IPINAKILALA ko sa inyo.



Yun pong pagpapakilala ni Cristo sa kanyang AMA bilang iisang Dios, ito po ay narinig niya rin mula sa kanyang AMA. Ito din ba ay nilinaw at pinatunayan ng ibang Salin ng Biblia? atin pong tunghayan.



Contemporary English Version:



“We know that Jesus Christ the son of God has come and has shown us the true God.
And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.”1john 5:20



Binanggit po sa talata,na pumarito si Cristo upang ipakilala ang tunay na Dios,at tayo ay maging bahagi ng tunay na Dios.At hindi si Cristo ang nagpakilala sa kanyang sarili na siya mismo ang tunay na Dios. Anu ang pauna ng Mga apostol ukol Dito? bakit po di nila kilala ang AMA na siyang tunay na Dios?



"Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upan tayo'y
mangatawag na mga anak mg Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito" 1juan 3:1




Ang tunay lamang na nakakilala sa tunay na Dios,ay yun lamang mga pinagkalooban na maging Anak na Dios. Kaya po karamihan sa mga tao di kilala ang tunay na Dios Sapagkat sila ay hindi kinilala ng Dios na mga anak niya.


Kaya di na tayo dapat pang magtaka na kahit sa aral na ito ay maraming di nakakaunawa sapagkat pinapauna na ng biblia.


Lucas 8:10
"At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa. "



Sapagkat di ito ipinagkaloob sa kanila.




Mateo 13:11
" At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila. "

Roma 9:5 tinawag ba ni apostol pablo na Dios si Cristo?




Isa ito sa mga talata po kung saan ay sa maraming pagkakataon sa iba ibang salin po ay ginagamit nang minsan ng nagtuturo na Dios si Cristo.


Subalit,kung atin pong suriin ng mabuti, ito po ay bahagi ng pahayag ni Apostol pablo.
Sa ilang salin po , Ay ganito ang ating mababasa:



“who is over all
God blessed for ever”




“Whose are the fathers, and of whom as concerning the flesh Christ came, who is over all, God blessed for ever. Amen.” (Romans 9:5 KJV)



Dito naman sa isa pa :


“God over all”



“Theirs are the patriarchs, and from them is traced the human ancestry of Christ, who is God over all, forever praised! Amen.” (Romans 9:5 NIV)


Ito pa ang Isa naman :



“eternally blessed God”



“of whom are the fathers and from whom, according to the flesh, Christ came, who is over all, the eternally blessed God. Amen.”
(Romans 9:5, NKJV)




Dito po sa halimbawa ng mga salin na may ibat ibang pangtawag na tuwiran daw na tinawag ni Apostol Pablo kay Cristo ang mga ito. Atin pong suriin at alamin kung may kontradiksyun ba sa ibang sulat ni apostol pablo kung talagang kay Cristo ito pinapatungkol.


“BLESSED GOD”


o

"DIOS NA DAPAT LUWALHATIIN MAGPAKAILANMAN"


Ayun po sa Ibang sulat ni Apostol Pablo, Kanino po ba talaga niya pinapatungkol ang "Blessed God"?
Narito :




“If I have to ‘brag’ about myself, I'll brag about the humiliations that make
me like Jesus. The eternal and BLESSED GOD and FATHER of our Master
Jesus knows I'm not lying.”
 (II Cor. 11:30-31, The Message)



Malinaw po ayun sa talata,Ang tinutukoy po ni Apostol Pablo ay Ang AMA ng ating panginoong Jesus.Kung palalabasing Si Cristo yung "Blessed God" ay si Cristo na rin Ang AMA na siyang "Blessed God"



Ngayun, kung Si Cristo ay hindi ang mismong "Blessed God", anu po ang dapat ituro at ituring sa kanya?



"The high priest asked Jesus another question: ‘Are you the Christ, THE SON OF THE BLESS GOD?’ Jesus answered, "I AM. And in the future you will see
the Son of Man sitting at the right hand of God, the Powerful One, and coming on clouds in the sky."
(Mark 14:61-62, New Century Version)



Ayun po kay Cristo, siya po ang "SON OF THE BLESSED GOD"
At hindi ang mismong blessed God.Kaya po ito ay tiniyak ng biblia kung sino ang tinutukoy at pinatungkulan nito.



“GOD OVER ALL”
o
"KATAASTAASANG DIOS"


Gaya po ng ating na basa kanina gaya ng saling na NIV(New International Version) ay tuwirang nagsasabi daw na patungkol kay Cristo,na kung sa filipino po ay ganito :


“Sa kanila mula ang mga patriyarka, gayon din ang lahing pinagmulan ni Cristo, ang KATAASTAASANG DIOS na pinapupurihan magpakailamnan!
Amen" 
Roma 9:5.”



Tinawag kaya ni Apostol Pablo na si Cristo ang kataastaasang Dios? o baka naman magkakaroon lang ng Salungatan dahil sa maling pag gamit,

Mismong si Apostol Pablo Parin ang ating ipasagot, sino ba ang kataas taasan,at sino ang magpapailalim?


Ganito naman ang kanyang pahayag:




“Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay
ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat
ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa
kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging
lahat sa lahat
.” I Corinto15:27-28



Malinaw po na si Cristo ay magpapailalim doon sa nagpasuko sa kanya, upang yung nagpasuko sa kanya, ay siyang maging Dios na kataas taasan, ang Lahat sa lahat.Sino ito na siyang lahat sa lahat?



Efeso 4:6
"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "





ito po ay ang AMA,na siyang iisang Dios ,kaya po ang tinutokoy ni Apostol Pablo na siyang kataas taasan,yun ay ang iisang Dios na walang iba kundi ang AMa lamang.Kung ang AMa pala ang kataas taasan,may patunay ba sa Biblia na si Cristo ay anak ng kataas taasan?




“At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at
tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. Siya'y magiging
dakila, at tatawaging ANAK NG KATAASTAASAN: at sa
kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na
kaniyang ama: “At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng
Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay
tatawaging Anak ng Dios.”
Lukas 1:31,32,35



Malinaw po na si Cristo ang tinawag na Anak ng kataastaasan,kaya siya ang ANAK NG DIOS.Napansin po natin kung paano ang maging kontradiksyun ng Biblia kung ipapalabas ang maling basihan para lamang maging magmukhan tama ang mali.



Ano naman kaya ang pahayag po ng mga nagsipagsiyasat ukol dito? Sa aklat na


"The Interpreter’s Bible", volume
IX, p. 540:



"Ang kalahating talatang ito ay naging sentro ng
walang katapusang pagtatalo. Ang suiliranin ay bumangon mula sa
pinaghambing na dalawang salin sa Ingles. Yaon bang Diyos na nasa
ibabaw ng lahat, pinagpala ng Diyos magpakailanman
(o siya na nasa ibabaw ng lahat, pinagpala magpakailanman) ay isang pariralang tumutukoy kay ‘Cristo’ at kasama sa pangungusap na
nakapaloob sa talatang 5 (gaya ng inilakip sa pariralang ito ay hiwalay
batay sa gramatika, isang pagpupuri sa Diyos sa hulihan ng pagpapahayag
ng mga biyayang tinamo ng Israel (gaya ng isinasaad ng RSV at ng nakararaming makabagong tagapagsalin)?….. ngunit ang dapat pagpilian
marahil ay ang KJV at ang saling RSV. Ang nakararami sa mga makabagong kumentarista ay kumikiling sa huli (RSV) dahil hindi tatawagin dito ni Pablo si Cristo na ‘Dios’…” 
(Salin sa wikang Pilipino)



Malinaw po na may ipinakilala ang mga nagsusuri ukol dito na may isang halimbawa ng Tamang salin,Anu po ba ang nilalaman nito?



Sa saling Revised Standard Version ay hindi tinawag ni Apostol Pablo si Cristo na “Diyos”:



“To them belong the patriarchs, and of their race, according to the flesh, is the Christ. God who is over all be blessed for ever.
Amen.” (Roma 9:5 RSV)


Sa saling ito ang pahayag na


“God who is over all
be blessed for ever”



ay isang bukod na pangungusap na isang doxologia o pagpupuri sa Diyos at hindi tumutukoy kay Cristo. Sapagkat kung ang maling pang unawa ng ating ipapaimbabaw,ay magkakaroon po ng maraming kontradiksyun.

Lunes, Pebrero 24, 2014

Pagkain ng Baboy ipinagbawal ba?





Isa sa doktrina at paniniwala ng kinikilalang pangkat ng Relihiyun na tinatawag na "SDA o Seventh Day Adventist Church".


Mahigpit po sa kanilang Aral na ang pagkain ng Baboy ay isa raw na Aral na ipinatupad ng Dios.Kaya po atin ngang suriin kung talagang ito ay Angkop bilang totoong Cristiano.


Itanung po nating muli,ang pagkain po ba ng baboy ay pinagbawal ayun sa Biblia?




Levitico 11:3-7
" Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.



Malinaw nga raw po na may utos nga po na isa nga ang BABOY na nabanggit sa taas. Pero may dapat po ba tayong malaman kung kaylan ang panahung ito at kaninu po lamang na panahun ipinag utos ng panginoon?




Simulan po natin ang pagbasa mula sa pinakaunahan ng talata :




Levitico 11:1-2
"At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi,"

"Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa."



Ito po pala ay isang utos ng panginoon na ipinatupad ni Moises sa panahun ng mga Israelita.Hanggang kaylan lamang ba ang bisa ng ganitong kautusan ?ating tunghayan :





Lucas 16:16
"Ang KAUTUSAN NI MOISES at ang sinulat ng mga propeta ay MAY BISA HANGGANG SA PAGDATING NI JUAN NA
TAGAPAGBAUTISMO. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang
Balita tungkol sa paghahari ng
Diyos, at ang lahat ay nagpipilit
na makapasok dito.”
[Ang Bagong MagandangBalita]




May Bisa lamang ang mga kaususang ito sa panahon
hanggang sa pagsilang kay JUAN
BAUTISTA, at pagkatapos noon ay
ang kautusan na ni Jesus na itinuro
niya sa mga Apostol ang sinusunod at tinutupad ng mga Cristiano.



Matitiyak po ba nating pwede na itong kainin ang baboy? kumuha po tayo ng isang pangyayari :



Gawa 10:9-15
“Kinabukasan, samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat
sa bubungan upang
manalangin.

Bandang tanghali na noon. Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain.
Ngunit habang
naghihintay siyang maihanda
ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababa
sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok.

NAROON SA KUMOT ANG LAHAT NG URI NG HAYOP, MGA LUMALAKAD, GUMAGAPANG, AT
LUMILIPAD. Narinig niya ang isang tinig, "PEDRO! TUMINDIG KA MAGKATAY KA AT KUMAIN." Ngunit sumagot si Pedro, "Hindi KO PO MAGAGAWA IYAN PANGINOON! KAILANMA'Y HINDI AKO KUMAIN NG ANUMANG MARUMI." Muli niyang narinig ang tinig, "HUWAG MONG ITURING NA MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS."
[Ang Bagong Magandang Balita]




Ang lahat na itinuturing noon na
MARUMI sa panahon ni Moises
na mga Hayop na hindi maaaring
kainin ng tao kasama ng BABOY,
ay makakain na ngayon dahil nilinis
na ng Diyos.Ito din po ba ang itinuro ni Apostol Pablo? narito :



“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:”
Colosas 2:16


Bakit po naman nasabi ni Apostol pablo ito na huwag nang humatol?dahil po ba sa isa ito sa pinawala nang bisa?



Galacia 4:9, 11
" Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? "

"Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan. "





Ito po ay sapagkat isa sa mga Utos na pinawala nang bisa,at wala nang kabuluhan ang pagpapagal sa mga utos na pinawala nang bisa.




Malinaw po na ,Ipinangaral ng mga Apostol na huwag na humatol sa anu mang nilinis na ng Dios. Sapagkat ayun po sa Biblia ang lahat ay ipinagkaloob ng Dios na makakain sapagkat nilinis na ito :




Roma 14:20
"Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi."



Kaya po, ang mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay pinahintulutan po sa pagkain ng baboy, lamang may payo ang mga apostol ukol dito bilang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO,ay Ingat po ang mga sarili.Sipiin natin ang bahagi ng talata :




"Ingatan ninyo kung gayon
ang inyong mga sarili at ang
buong kawan"
Gawa 20:28 lamsa




Marapat parin ang pag ingat sa pagkain.Paano po makapag ingat?
Ang sobra pong pagkain nito. Sapagkat ayun na rin sa ating mga na balitaan. Ang sobrang pagkain ng taba ay makakapagdulot ng masama epekto sa Sarili. kaya po tayo ay pinag iingat.

may kasabihang

"Tayo ay kumain para mabuhay,at hindi nabuhay para kumain"



Kaya po Ingatan ang sarili.Anu ang payo ukol sa pagkain?



Juan 6:27
" Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. "




Ito po ang pagkaing nararapat na pagbigyan ng halaga ng lahat,Ang ukol sa buhay na walang hanggan

Sabado, Pebrero 22, 2014

Bautismo, Pagbibinyag ba ang tamang paraan?







Kilala ang Pagbibinyag lalo na sa kilalang relihiyun na Katoliko. Ito daw isang pamamaraan na ng pagbabautismo.

Ating titiyakin kung ito ba talaga ay kanilang bahagi ng Doktrina nila?ating tunghayan sa kanilang aklat na pinamagatang :



“The Question Box”,

pahina 243-244 ay ganito
ang nakasulat:

Sa Pilipino na



“Si San Cipriano at ang mga
Obispo ng Ikatlong Konsilyo sa
Kartago (253) ay nagturo na ang mga sanggol ay dapat bautismuhan sa lalong madaling panahon matapos maipanganak.
Ang pagbabautismo sa kanila ay hindi dapat ipagpaliban hanggang sa ikawalong araw, gaya ng ginagawa ng iba. Ang Konsilyo ng Milevis (416) ay itinuro ang pangangailangan ng Bautismo ng Sanggol, at ang doktrinang ito ay inulit sa mga Konsilyo na Luterano, Vienne, Florencia at Trento.”




Malinaw nga po sa atin, mula nga sa kanila ang aral nang pagbibinyag,at ito ay sinimulan lamang ni SAN CIPRIANO KASAMA ANG MGA OBISPO.At malinaw na ito ay pinakalat mula sa ibat ibang konsilyo.Bakit po ba ito ay isa lamang bagay na pinagkasunduan ng mga pari at obispo?

tiyak ba sila dito na ito nga ay wala sa biblia ?



Isang pagtatapat
ng isang pari na kaanib sa
tinatawag na

“Paulist Fathers”

na si Rev. Bertrand Conway? Ganito ang kanyang sabi sa aklat na
pinamagatang

“The Question Box”, pahina 243:
Sa Pilipino na:




“Walang tiyak na banggit ukol
sa pagbibinyag ng sanggol sa
Bagong Tipan.”




Wala pong katiyakan. Aminado po silang wala nga itong katiyakan ang doktrinang kanilang pinapatupad.Malinaw po na talagang isa lamang itong haka haka o gawa gawa lamang. Ano ang payo mula sa Biblia ng ganitong uri ng doktrina na walang katiyakan. ?




1 Corinto 9:26
“Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin AKO'Y SUMUSUNTOK, NA HINDI GAYA NG SUMUSUNTOK SA
HANGIN:”



Ganito ang payo ng mga apostol.Walang kasiguraduhan ay para lamang sumuntok sa hangin.Bakit po naman walang katiyakan? Alam din kaya nila kung anung tamang paraan ang itinuro sa bagong tipan?

Sa kanila paring aklat na may pamagat na

"Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno",

ni James Cardinal Gibbons, sa pahina 247 ay ganito ang ating mababasa:




“Sa loob ng ilang siglo
pagkatapos ng pagkatatag ng
Cristianismo, ang Bautismo ay
karaniwang iginagawad sa
pamamagitan ng lubog; ngunit
mula ng ikalabingdalawang siglo ang kaugaliang pagbibinyag sa pamamagitan ng buhos ay namayani sa loob ng Iglesia Katolika. Yayamang ang paraang ito ay walang gasinong sagabal na di gaya ng Bautismo sa pamamagitan ng lubog.”





Hayap po ang pag amin na,ang pamamaraan ng mga Cristiano ay sa pamamagitan nga ng paglubog.Ngunit sa ika 12century lamang binaluktot ang paraan ng pagbautismo sa kadahilanang "WALANG SAGABAL".


Dito po makikita na natin kung paanu pinairal ang sariling kagustuhan.Pero atin paring suriin. BUHOS ba agad ang paraan nila noong unang panahon ng mga katoliko? Ating tunghayan sa aklat parin nilang may pamagat na :



"Compedio Historico De La Religion" ,

sinulat at hinusay na parang tanungan ng wikang Kastila ni D. Josef Pinton sa Espanya, at tinagalog ni D.Antonio Florentino Puansen sa pahina 593-594 ay ganito ang nakasulat:



“T. Paano ang ugaling pagbinyag niyong unang panahon?

S. Macaitlong inilulubug
sa tubig ang catecumeno, at
sinasambit nang Saserdote ang ngalang nang isang Persona nang Santisima Trinidad sa baling isang paglulubug, at ito ang pagbinyag na pinanganganlang Bautismo por
immersiyon.”




Maliwanag po na makaitlong beses nga inilubog ang paraan nuon ng KATOLIKA . Sinupurtahan pa ito ng isang pa paring katoliko na si Aniceto dela Merced na siyang sumulat ng

"Pasyong Candaba"

Sa pahina 65 ay ganito an gating mababasa:




“Ang pagbibinyag ni San Juan
ay isisisid na minsan ang
boong-boong catauan doon sa
ilog nang Jordan parang
pinaliliguan.”




Maliwanag sa Pasyong Candaba na si Juan Bautista nang magbautismo ay minsan inilulubog sa tubig ang
binabautismuhan sa ilog ng
Jordan. Kita natin, Isa palang pa bago bago ng doktrina itong mga katoliko ukol dito sa kanilang aral. Dati'y naniniwala pala sa tamang paraan na PAGLUBOG.Ngunit dahil sa sariling kagustuhan ay BUHOS ang ipinalit..



Ano ba sabi ng Panginoong
Diyos tungkol sa ganitong
gawain?



Kawikaan 24:21-22
“ Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang
makisama. Sapagkat biglang
dumarating mula sa kanila
ang kapahamakan, at ang
pagkawasak na nagmumula sa
kanila ay sinong nakakaalam?”
[ Ang Bagong Ang Biblia ]




Napakaliwanag ng pahayag ng
Diyos na hindi dapat pakisamahan ang mga tao na PABAGU-BAGO, dahil mapapahamak sila, at kung
patuloy tayong sasama sa mga
ganitong uri ng pananampalataya na nagpapapalit-palit ng aral,
natural makakasama tayo sa
mapaparushan.



Hindi maaaring magturo ang
Diyos ng paiba-ibang aral,
dahil ang Diyos ay hindi
nagbabago:



Santiago 1:17
“Ang bawa't
mabuting kaloob at ang
bawa't sakdal na kaloob ay
pawang buhat sa itaas, na
bumababa mula sa Ama ng
mga ilaw, na WALANG
PAGBABAGO, NI KAHIT ANINO
MAN NG PAGIIBA.”



Malinaw sa ating natunghayan sa taas na kung sa anung paraan nag iba at inimbento ang kanilang aral
.At dapat ang tamang paraan ay ang paglubo lamang sa tubig at hindi wisik o buhos lamang.

Ito ang ebidensya galing sa
mga salaysay ukol sa mga taong
nabautismuhan. Narito ang ilang mga halimbawa. Si Jesus ay binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan. Bakit kailangang sa
ilog pa kung magwiwisik lang naman? Pagkatapos niyang mabautismuhan, ayon sa
salaysay ni Markos,


“Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig…
(Markos 1:9-10).


Umahon si Jesus dahil siya ay
inilubog. Ngunit hindi lamang sa Jordan nagbabautismo si Juan.

“Si Juan ay nagbabautismo rin naman sa Enon, malapit
sa Salim, sapagkat maraming tubig doon” (Juan 3:23).




Kailangan ng maraming tubig upang magpautismo. Kung kaunti ay hindi mailulubog o mahihirapang ilubog ang isang tao.


Nang magpabautismo ang isang
pinunong taga-Etiopia na nabahaginan ni Felipe, ano ang nangyari?


“Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. Pagkaahon nila sa tubig…”
(Gawa 8:38-39)
.



Ang kahalagahan ng bautismo ayun kay Apostol pablo

.
“tayo’y namatay na at
nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng
bautismo…” Roma 6:4

“Nang kayo’y bautismuhan, nalibing kayong kasama ni
Cristo at muling nabuhay na kasama niya” Colosas 2:12
.


Ito po ang ponto na dapat nating tandaan at hindi sa gawaing pagbuhos na ginagawa na parang nasa batya upang buhusan.


TAMANG PARAAN NG BAUTISMO




Itanung natin muli sa kanilang Mga pari at aklat. Bakit pala ang sanggol ay bininyagan agad nila?
ganito ang kanilang paliwanag mula sa aklat nila na pinamagatang :


"Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno" ,

sinulat ni James Cardinal Gibbons, na isinalin sa wikang Tagalog ni
Rufino Alejandro, sa pahina 266:



“Ang mga Gawa ng mga
Apostoles at ang mga sulat ni San Pablo, bagaman naglalaman ng bahabahaging ulat ukol sa pagmiministro ng mga Apostoles, ay maliwanag na nagpapahiwatig na ang mga Apostoles ay
nagbinyag ng mga bata gaya rin naman ng mga matanda. Sinasabi sa atin, halimbawa, na si Lydia ay bininyagan at ang kanyang boong sambahayan, ni San Pablo; at ang bantay-bilangguan ay bininyagan at ang boo niyang angkan.”




Nasabi sa pahayag na nagbinyag nga raw ang mga apostol sa mga bata.Pero atin ngayung tunghayan sa mga karugtong parin na mga talata sa pareho paring pahina,ay may dapat tayong mapansin :



“Bagaman hindi tiyakang
tinutukoy na may mga bata sa
mga angkang yaon na bininyagan,
matibay ang mapagsasaligang
hinuha sa pagpapalagay
na mayroon.”




Nakatitiyak ba sila? Malinaw ang
kanilang sagot na


“hindi tiyakang tinutukoy na may mga bata sa mga angkang yaon na
bininyagan, matibay ang mapagsasaligang hinuha o pagpapalagay na mayroon”.




Saan nakasalig ang kanilang
isinasagawang pagbabautismo ng
sanggol? Sa hinuha o palagay po lamang. ito ay isa lamang HAKA HAKA. anu po ang payo ng Biblia sa ganitong paniniwala.



Roma 12:16
“ Mangagkaisa kayo ng
pagiisip. Huwag ninyong ilagak
ang inyong pagiisip sa mga bagay
na kapalaluan, kundi makiayon
kayo sa mga bagay na may
kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga
haka. ”




Huwag po tayo maging pantas sa sarili lamang na Haka Haka.Hindi po ito katanggap tanggap sa harap ng Dios.


Atin namang suriin ang kanilang pinagbatayan sa kanilang aklat kanina na may sanggol nga daw na bininyagan.Ating tingnan ito kung anung talata .



Gawa 16:30-34, ganito ang nakasulat:


“At sila'y inilabas at sinabi,
Mga ginoo, ano ang kinakailangan
kong gawin upang maligtas? At
kanilang sinabi,
Manampalataya ka sa
Panginoong Jesus, at
maliligtas ka, ikaw at ang iyong
sangbahayan. At sa kaniya'y
sinalita nila ang salita ng
Panginoon, pati sa lahat ng
nangasa kaniyang bahay. At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang
kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya. At sila'y
kaniyang ipinanhik sa kaniyang
bahay, at hinainan sila ng
pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.”




Mayroon nga bang binanggit
na bata o kaya’y sanggol sa
binautismuhan sa sangbahayan ng
bantay-bilangguan?

Wala. Ano ngayon ang sinabi ni Apostol Pablo at ni Silas sa bantay-
bilangguan at sa sambahayan
niya?


“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus.”


Samakatuwid,ang binautismuhan na sambahayan ng bantay bilangguan ay nagsisampalataya sa Diyos at sa ating Panginoong Jesus . Papaano ba nagkakaroon ng
pananampalataya ang tao ayon sa
Banal na Kasulatan?



Roma 10:17
“Kaya nga ang paniniwala'y
nanggagaling sa pakikinig,
at ang pakikinig ay sa
pamamagitan ng salita ni
Cristo.”


Mula po sa pakikinig ng pagtuturo.
Dapat bang bautismuhan ang
sanggol kung ang susundin ay ang
aral katoliko?


Ganito ang mababasa natin sa

"PasyongGenesis"


na sinulat ni Pari Mariano Pilapil sa pahina 183:



“Magmula sa Herusalem, lahat
ay inyong libutin, at turuan ng
magaling, ang taong nagugupiling,
nang ang sala’y di mahimbing.
Ang sinoma’t aling tao, aralan at binyagan ninyo. Ang tumanggap ng bautismo, at maniwalang totoo, aking magiging katoto.”





Ganito ba ang ginagawa sa mga
sanggol bago sila binyagan? Tiyak
na ang sagot natin ay hindi.
Sipiin naman natin ang Pasyon na
sinulat ni Pari Aniceto dela
Merced, sa pahina 194 na lalong
kilala sa tawag na


"Pasyong Candaba, ganito ang nakasulat:



“Hayo nga’t inyong calatan,
ang boong calupaan, ang
Evangelio’y iaral, sa boong
sangcatauohan, walang tauong
malilisan. Ang maniwala’t
tumanggap sa Evangeliong
pahayag, ay binyagan ninyo agad, sa ngalan ng Ama, Anac, at Espiritu Santong uagas.”





Maliwanag ang pagtuturo ng
dalawng paring Katoliko na
sumulat ng Pasyon na kailangang
aralan muna ang tao bago
binyagan. Kaya hindi naaayon
sa aral at turo ng kanilang mga
pari at lalo na ng Banal na
kasulatan ang pagbibinyag ng
bata o sanggol.



Lunes, Pebrero 17, 2014

Ang AMA lamang ang may Ari, at nagtatag ng IGLESIA, At hindi si Cristo


Atin pong pag Aralan ang isa paniniwala ng Mga mahal nating kaibigan na kilala sa tawag na
"Ang Dating Daan".



Ang kanila pong Aral ukol dito,ay wala raw pag aari si Cristo. Sapagkat ang AMA lamang ang nagtayo at may Ari ng Iglesia.Ayun po sa Biblia. Paano po matatamo ang kaligtasan ng tao, at sa anu at kaninong pangalan ito ibinigay.Narito po :




Gawa 4:10-12
" Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga
Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas."



Walang ibang pangalan po na ibinigay sa mga tao , kaninong pangalan naman ito at sinO ang nagbigay naman ?Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:




“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng
pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng
nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”  Filipos. 2:9-11



Ang Dios po ay ang nagbigay ng PANGALAN kay Jesus. Para magkaroOn ng karapatan sa lahat ng bagay upang ang lahat ng nilang ay magpasailalim at sumamba sa kanya.

Anung pangalan po naman itong ipinagkaloob kay Jesus na siyang ibinigay sa mga tao sa ikaliligtas? Ganito po ang pahayag ni Apostol Pedro :




“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at CRISTO itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.”  Gawa 2:36




Ang pangalang Cristo, ito po ang pangalan na ipinagkaloob ng Dios kay jesus sa ikaliligtas po ng tao.Malinaw na po sa Atin ngayun, May Karapatan at kapangyarihan ba sa Cristo na ibinigay naman sa Kanya. ? Narito po muli.



Efeso 1:20-22
" Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,  Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:  At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, "



Ang Dios po ay nagkaloob kay Jesus ng karapatan,kapangyarihan, Sa lahat po ng bagay,at sa pamamagitan ng kanyang pangalang "Cristo" na ipinagkaloob, ay ang ikaliligtas ng tao.Sa ano naman pong paraan ang turo na paraan ni Cristo sa ikaliligtas ng tao.?




"I am the door, anyone who comes into the fold throuhg me shall be safe."
(john 10:9 , New English Bible)



sa filipino:



"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas" (juan 10:9)




Ang mga pumasok kay Jesus ay kabilang sa KAWAN ng mga tupa. Ang kawan n tinawag ni Apostol pablo na Iglesia Ni Cristo:





"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo"  (Gawa 20:28,Lamsa Trans.)



Malinaw po kung gayun, ang ikaliligtas nga ng tao, ay sa pagpasok kay Cristo, na siyang IGLESIA NI CRISTO. Mula sa ating pag aaral kanina, Binigay kay Cristo ang karapatan sa kaligtasan ng tao sa kanyang pangalan, ang IGLESIA NI CRISTO ba ito ay kanyang itinayo?





Mateo 16:18
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.



Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church" at ang Personal Pronoun na "Aking/my". Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Siya din po ang ulo ng IGLESIA na kanyang itinayo.



"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. " Col. 1:18


At tagapagligtas nito



"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito ." Efeso 5:23



Kaya po Malinaw na isinunud nga sa pangalan ni CRISTO ang IGLESIA sapagkat sa ganito ang ikaliligtas ng tao. ( gawa 4:9-12 ). Tanung naman po nila. Bakit po maraming talata na mababasa sa Biblia na IGLESIA NG DIOS? at di po lahat sa pangalan ni Cristo? Sa mga sulat po ni Apostol pablo,pinantatawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa mga hentil na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga hentil kasi ay hindi kabilang sa bayan ng Diyos, ang Israel, kaya sila ay WALANG DIYOS:





"Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos ." Efeso2:12



Wala silang Diyos dahil hindi sila bayan ng Diyos:





"Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging 'Bayan ko,' at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging 'Mahal ko." Roma 9:24-25




Kaya hindi nila kilala ang Diyos:




"Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios "
I tess. 4:5



Ito po ang dahilan kung bakit ipinantawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa Iglesia
para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga HENTIL sila ngayoy sa DIYOS NA.


Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo, ang Iglesia ni Cristo ay sa Diyos:




"Ang lahat ng sa Ama ay sa akin , kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo." Juan 16:15




"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng
ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin ; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila." Juan 17:9-10




Ang Iglesia ay itinatag ni Kristo, ITO AY SA DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "iglesia ng Diyos" pero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang adjective lamang, o dinedescribe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.



Kaya po,ang aral na ang Dios po lamang o ang AMA lamang ang may Ari o nagtayo ng IGLESIA,ay isang maling doktria . Kung ganyan din naman ang kanilang aral na pinaniwalaan na hindi iyun kay Cristo , ay sana ang kanilang pangalan ng Relihiyun ay ganito dapat :


MEMBERS CHURCH OF THE FATHER INT'L.


Bakit? e kasi Dios din sa kanila si Cristo. kaya ang ganitong mga paniniwala ay di naayun sa Biblia.