Miyerkules, Pebrero 24, 2016

HOMOSEXUALITY at PAGKAKASAL SA LALAKE KAPUWA LALAKE o BABAE KAPUWA BABAE



Homosexuality. HINDI po turo ng Biblia at hindi Kami sang-ayon..

Kung susuriin po ang Banal na kasulatan, hindi po pinahintulutan ang ganitong issue ang Pakikipagtipan ng lalake sa kapuwa lalake o babae sa Kapuwa babae sapagkat isa ito sa kinususuklaman ng Dios. Ang sabi po ng Ilan, respeto nalang daw sapagkat ipakita nalang natin ang pagmamahal sa Bawat isa. Sa totoo po ang isa sa kataingan ng tunay na nagmamahal ay ang pagsaway sa mali at pagturo sa Kaniya bilang awa na Ilayo sa Maling gawain at maling pang-unawa (Judas1:23).

Ngayon bakit nasabi nating Mali ito? Sapagkat kung balikan natin ang kwento mula sa ating pinakaunang magulang ay malinaw na dalawang uri lamang ang kasarian na nilalang ng Dios na karapatdapat sa Kaniya at pinag-isang dibdib ito mula kina Adam at Eva (Gen.1:27). At hindi lang iyon, nilinaw rin na ang BABAE ay itinadhana para lamang sa LALAKE at ang LALAKE ay para lamang sa BABAE at hindi sa kapuwa babae at sa kapuwa lalake :

Genesis 2:24 
"Kaya't iiwan ng LALAKE ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. "

Ang dapat PAPAGIISAHING LAMAN o IKASAL ay napakalinaw na babae at lalaki at hindi ng kaparehong kasarian na gaya ng ginagawa ng napakaraming tao ngayon di po ba? Ito ang karamihan na nating naririnig at nakikita natin nanahulog sa kamalian at kinokonsente pa ng ilang simbahan ang PAGKAKASAL sa pangunguna ng Kanilang kinikilalang MANGANGARAL umano ng Biblia na nanguna pa sa pagkakasal na gamit pa ang SALITA ng Dios. Di po bat paglapastangan Ito sa Dios? Ngayon kung ating muling sariwain ang kwento ukol sa SODOMA AT GOMORRA ay may kaugnayan ito kung bakit nilipol ng Panginoon ang dalawang dakong iyon sapagkat isa sa matinding kasalanan na kanilang nagawa sa ay ang Ganitong issue na sinabi pang "NAPAKALUBHANG KASALANAN" (Gen.12:20). 

Ano ang eksina roon? pinagtulungan at pinalibutan ng mga kalalakihan ng Sodom ang Bahay ni Lot, (siya pamangkin ni Abraham) upang mahikayat si Lot na ilabas ang dalawang Lalaki na bumisita
sa kanyang bahay, (sugo ng Dios) upang isakatuparan ang pagtupok sa dalawang siyudad). 

Genesis 19:4
"  Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;

Genesis 19:5
" At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.

Genesis 19:6
" At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya.

Genesis 19:7
"At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan.

Genesis 19:8
"  Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.

Genesis 19:9 
"At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.

Makikita nating mas pinili pa ng mga kalalakihan ng sodoma at Gomorra ang dalawang lalaki kaysa mga Babae na anak ni lot kaya gayon na lamang ang galit ng Dios kaya tinupok ng Apoy ang dalawang syudad na iyon..

Makikita po natin mula dito na hindi kailan man katanggap tanggap sa Paningin ng Dios ang pagsasama at pag iisang laman ng Kapuwa kasarian sapagkat kasuklamsuklam sa Harap ng Panginoon. Kaya naman, lalong sa panahong Cristiano ay mahigpit ang tagubiling ito sapagkat lalong dumami ang ganitong katampalasanan. Ano ag kanilang ginawa sa Sarili lalo na sa kanilang kagamitan gaya damit at iba pa?


Romans 1:26-27
" Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't PINALITAN ng kanilang mga babae ANG KATUTUBONG KAGAMIYAN NIYAONG NALALABAN SA KATUTUBO:
At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na GUMAGAWA NG KAHALAYAN ang mga LALAKE SA MGA KAPUWA LALAKE at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.

Malinaw na masama po ito sapagkat hindi pinapayagan ng Panginoon ang ganitong issue, at tiyak na hindi maliligtas kung basahin ang mga kasunod na mga talata. Ang mali pa nito ay gaya ng sinabi natin na kinokonsente na ng maraming relihiyon ang pagkakasal gayon ipinagbabawal ito na Gawin. Kaya nga ang sabi ng Biblia sa Kanila ay ganito:

Romans 1:32
" Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.

Bakit nila pinapayagan ang gayong gawain? Pansinin ninyo e nangangarap pa umano ng SALITA NG DIOS pero sa ganito ay pinapayagan na. Kaya naman sa Iglesia ni Cristo ay hindi kinokonsente at lalong hindi ipinapatupad ang ganitong maling aral sapagkat lalong nagpapasama sa harap ng Dios na gaya ng Galit Niya sa Sodoma at Gomorra na tinupok ng Apoy ay gayon din ang gagawin niya sa mga Ayaw makinig sa Kaniyang salita at mga masasama sapagkat sila rin ay tutupukin ng apoy sa araw ng Paghuhukom

2 Peter 3:7
"Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Walang komento: