Huwebes, Pebrero 4, 2016

PARA PO SA ATING LAHAT! MAYROON PO KAMI NATATANGGAP NA ILANG MESSAGE,, MULA PO SA ILANG TAO, INC MAN AT HINDI.



Posted From BOYCOTT ABS-CBN PAGE

ANG IBA SA KANILA AY NAGTATANONG KUNG BAKIT DAW DAPAT IBOYCOT ANG ABS-CBN.
AT ANG TANONG NG IBA AY BAKIT DAW ANG BUONG ABS-CBN ANG DAPAT IBOYCOTT,, AT HINDE NALANG ANG ABS-CBN NEWS.

SA ILAN NAMING KAPATID NA NAGDADALAWANG-ISIP AT SA ILAN NAMING KABABAYAN NA HINDI KAANIB SA INC,, NARITO PO ANG PAHAPYAW NA PALIWANAG SA INYO.

BASA PO!

MAGKAKUTSABA ANG ABS CBN
AT ANG MGA TIWALAG PARA
MAKAGAWA NG MGA “MALISYOSONG
ULAT” LABAN SA INC

DALAWANG “insidente” na ang nangyari na dumating ang mga tiwalag sa No. 36 Tandang Sora na kasama ang news team ng ABS CBN na ang mga tiwalag ay gumawa ng komosyon, at ang “komosyong” ito na kagagawan ng mga tiwalag ay ginawan naman ng malisyosong ulat ng news team ng ABS CBN para ang lumabas na masama ay ang INC.

Noong Enero 15, 2016 ay dumating sina Lottie Hemedez na may kasamang mga ex-marines at kasama rin ang isang news team ng ABS CBN at ang reporter na si Ces Drilon. Nagpumilit na pumasok ang mga ex-marines kaya pinigilan sila ng mga guwardiya. Nagkaroon ng komosyon. At ang sumunod ay ang “news report” ng ABS CBN na ang binigyang-diin ay ang “panunutok ng baril ng guwardiya ng INC guard.”

Noon namang Enero 23, 2016 ay dumating si Anthony Menorca sa No. 36 Tandang Sora at may kasama ring news team ng ABS CBN. Tinapos munang maiayos ng news team ng ABS CBN ang kanilang mga equipment at nang handa na sila ay saka ngayon ginawa ni Anthony Menorca (nakababatang kapatid ni Lowell Menorca II) na isa ring tiwalag ang “obvious” na “planado” nilang gawin. Nagpumilit si Anthony na pumasok sa loob ng No. 36 Tandang Sora, at sapagkat hindi siya awtorisadong pumasok ay pinagbawalan siya ng mga guardia. Nagpumilit si Anthony at “obvious” na talagang ang komosyong nangyari ay ang balak nilang mangyari. Pagkatapos nito, gaya ng inaasahan, ang news report ng ABS CBN ay “itinulak daw ng INC guard si Anthony Menorca na nagdala lamang ng pagkain sa No. 36 Tandang Sora.”

Mabuti na lamang at may CCTV sa gate ng No. 36 Tandang Sora na nakunan ang lahat ng pangyayari. Kaya, malakas ang ating katibayan na ang mga tiwalag ang nagpapasimula at may gawa ng “mga komosyon”. At ang pagsasama nila ng news team ng ABS CBN ay obvious na ang layunin nila ay mula rito ay makagawa ng “malisyosong news report” na ang layunin ay ang INC ang palabasing “masama.”

PANUORIN ANG NEWS REPORT NA ITO NG EAGLE NEWS

https://youtu.be/hHiOKW-ml5M

Ganito kasama ang kanilang intensiyon – ang sila mismo ang gagawa ng “komosyon” para sa pagbabalita nila ay ang INC ang palalabasin nilang masama.

KAYA HINDI KATAKA-TAKA NA MASUSUNDAN PA ANG DALAWANG INSIDENTENG ITO NA MAY DARATING PA NA MGA TIWALAG AT KAALYADO NILA NA MAY KASAMANG NEWS TEAM NG ABS CBN, GAGAWA SILA NG KOMOSYON, AT PAGKATAPOS ANG GAGAWING NEWS REPORT NG ABS CBN AY ISANG “MALISYOSONG REPORT” MULA RITO NA ANG PINALALABAS NA “MASAMA” AY ANG INC.

ITO BA AY PAMAMARAAN NG MAY TAKOT SA DIYOS O ISANG PANDARAYA (NA PAMAMARAAN NG KALABAN NG DIYOS)?

Walang komento: