Isang biyaya at pagpapala na naipagkaloob ng Diyos sa loob ng Kaniyang Iglesia sa patuloy na paglago at paglawak nito, at sa pagtawag ng mga tao na kasamang may karapatan sa kaligtasan.
PASUGO- Mula nang MAILIMBAG ang kauna-unahan nitong sipi noong Pebrero 1939 hanggang sa kasalukuyan, matagumpay na isinakatuparan ng lathalaing "PASUGO: GOD'S MESSAGE" ang pananaw at layunin ng SUGO NG DIYOS sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, tungkol sa nais ng Diyos na dapat maisagawa at marating ng Iglesia ni Cristo. Hinahangad ng Sugo na magkaroon ng isang magasin ang Iglesia ni Cristo, na siyang magpapahayag ng "PASUGONG MULA SA DIYOS" na hango sa mga aral na nakasulat sa Biblia, at siya ring magbubunyag ng mga HIDWANG ARAL ng iba't ibang relihiyon sa mundo. Magiging kasangkapan din ito upang ilathala ang mga Balita at impormasyon ukol sa samu't saring mga aktibidad at kaganapan sa Iglesia. Ang pananaw na yaon ng Kapatid na Manalo, na siya ring unang patnugot ng PASUGO, ay patuloy na isinakatuparan sa loob ng nakalipas na 75 TAON hanggang sa kasalukuyan na ang mga mambabasa nito ay hindi lamang sa PILIPINAS kundi sa buong daigdig.
Hindi kakaunti ang mga tao at mga sambahayan ang natawag sa Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng mga KATOTOHANAN ng BIBLIA na kanilang nabasa sa PASUGO, na ibinahagi sa kanila ng mga nagmamagandang-loob na kapatid. Ang mga aral ng Diyos na maaaring hindi magawang maipangusap ng mga kapatid sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak ay NAIPAABOT NILA at NAIPALAGANAP sa pamamagitan ng PASUGO. Naging kasangkapan ang PASUGO upang maisakatuparan ang masidhing hangaran ng mga kapatid na ang mga nasa ibayong dagat, ay matawag di sa tunay n paglilingkod at pagkilala sa tunay na Diyos.
Sa mahigit na PITONG DEKADA kung saan ang Pasugo ay sumailalim sa mga pagbabago sa disenyo at maging sa wikang ginagamit, ang magasin ay hindi lamang naging mabisang kasangkapan sa pagmimisyon sa iba't ibang tao kundi nagpalawak din sa kaalamang espirituwal ng mga kaanib ng Iglesia. Marami nang makukulay na karanasan ng pag-anib sa Iglesia ng mga tao mula sa iba't ibang reihiyon at lahi ang natampok sa 'CONVERT STORIES. " Paborito ring basahin ng iba ang mga tampok na talambuhay na kapupulutan ng mga aral na inilalathala naman sa "INSPIRING LIVES."
Mula noong 1939 hanggang 1953, wikang Filipino ang tanging lengguwahe na ginamit sa PASUGO. Subalit yayamang ang INGLES ang itinuturing na "LINGUA FRANCA" ng sibilisadong daigdig, isang seksiyon ng PASUGO ang inilaan para sa nasabing wika, simula noong Mayo 1953. Sa kasalukuyan, mahigit-kumulang 2/3 na nalalaman ng magasin ay isinusulat sa wikang Ingles.
Noong Oktubre 2009, idinagdag sa magasin ang "SAPANISH SECTION" dahil sa lumalaking bahagdan ng mga kaanib sa Estados Unidos at sa Canada na Kastila ang pangunahing wika. Bukod pa rito ang patuloy na lumalakas na gawaing pagpapalaganap ng Iglesia sa bansang Mexico, sa Espanya, at maging sa Sentro at Timugang Amerika.
Dahil sa pagsiklab ng ikalawang digmaan at pananakop ng mga Hapon sa Bansang Pilipinas ay nagkaroon ng patlang na halos 10 taon sa paglilimbag ng Pasugo, mula PEBRERO 1941 HANGGANG DISYEMBRE 1950. Naganap ito sa panahong mahigpit na sinupil ng mga mananakop na Hapones ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa. Subalit matapos na mapanumbalik ang kapayapaan at katatagan sa bansa pagkatapos ng digmaan, ang PASUGO ay muling inilimbag noong 1951, at ang pamamatnugot nito ay isinalin kay Kapatid na Benjamen J. Santiago, Sr.
Sa lumipas na 75 taon, mula Pebrero 1939 hanggang sa kasalukuyan ay iilan lamang, walong katao lang ang naging PANGULONG PATNUGOT ng Pasugo na pawang humahawak din ng iba't ibang gampanin sa Iglesia, pangunahin na rito ang pagiging ministro ng ebanghelyo.
●Brother Felix Y. Manalo [Feb. 1939 - 1941]
●Bother Banjamen J. Santiago Sr. [1952 - 1968]
●Brother Teofilo C. Ramos Sr. [1968 - 1973]
●Brother Beda H. Aboloc [1973 - 1974]
●Brother Cipriano P. Sandoval [1974 - 1984]
●Brother Bienvenido C. Santiago Sr. [1984 - 2009]
●Brother Richard J. Rodas [2009 - 2013]
●Brother Isaias T. Samson jr. [2013 - Present]
Yayamang niloob ng Panginoong Diyos na:
" Anumang nasa kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito" [Roma 15:4, Magandang Balita Biblia],
Ang Pasugo ay namamalaging tapat sa layunin nito na maituro ang mga katotohanang nakasulat sa Biblia upang mahayag ang pag-ibig at habag ng Diyos sa lahat ng kinapal, anuman ang kanilang lahi o nasyunalidad , lalo na ang hindi personal na naaabot ng pangangaral, at upang sila'y matipon sa iisang katawan ni Cristo o sa Iglesia ni Cristo [Efe. 1:9-10; Roma 12:4-5; Col. 1:18; Gawa 20:28, Lamsa Translation]
Buong giting na ipinahayag ni Apostol Pablo na, :
1 Timoteo 2:3-4" Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;
Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. "
Kaya ginagamit ng Pamamahala ng Iglesia ang iba't ibang kaparaanan sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyo, gaya ng Radyo, Telebisyon, pagsusugo ng mga ministro sa iba't ibang panig ng daigdig, at sa pamamagitan ng salitang nakalimbag, gaya ng PASUGO. Ito ay bilang tugon din sa panawagan ng Diyos :
Judas 1:23" At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman. "
Sa kasalukuyan, ang Iglesia ni Cristo ay binubuo na ng mga tao mula sa humigit-kumulang na 100 na iba't ibang lahi, na isang kahayagan na ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi batay sa kulay ng kaiyang balat o sa bansang pinagmulan. Kaya napapanahong itanong ng mga kapatid sa kanilang sarili kung gaano sila nagtatalaga at nakikiisa sa gawaing pagpapalaganap na ang isang mabisang paraan ay ang PAMAMAHAGI NG PASUGO, yayamang ang gawaing pagliligtas na ito ay magpapatuloy at hindi matatapos hanggang sa matawag ang kahulihulihang lingkod ng Diyos at dumating ang araw kung kailan isusugo ng Ama ang Kaniyang Anak na Siyang magdadala sa atin sa makalangit na tahanan.
Ang Iglesia Ni Cristo ay patuloy na magbabahagi sa lahat at sasagot sa ano mang katanungan. Kung kayo'y may katanungan, komento, or suhistyun?
Email at : pasugo@iglesianicristo.org.ph. or pasugo@inc.org.ph.
Or ipasa ang inyong sulat kasama ang kompletong PANGALAN, ADDRESS, sa lahat nga mga sumusunod na editorial Offices:
●U.S.A.: 770 Airport Boulevard, burlingame CA 94010 USA. FAX: (650) 548-1739
●EUROPE: Staines Road West, Sunbury-on-thames TW16 7AH, United Kingdom. Fax: (0044-193) 275-5467
●AUSTRALIA: #3 Ross St., North Parramatta, NSW 2151 Australia. Fax: (612) 9630-5058
●NORTHEAST ASIA: 2 Chome 14-2, kita-Magome Otaku, Tokyo 143-0021 Japan. Telefax: (81-03) 6303-7874
●PHILIPPINES (main office): Iglesia ni Cristo Central Office, No.1 Central Avenue, New Era, Quezon City 1107 Philippines. Fax: (632) 981-4333
Salamat po sa inyong patuloy na pagsubaybay. .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento