Miyerkules, Pebrero 4, 2015

PAANO MAKAKAMIT ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN, KAPANATAGAN. . .




Habang nasa dalaw ako doon sa loob ng Ospital sapagkat dumalaw sa tiyohin namin sapagkat nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari, habang nasa paglalakad palang kami sa loob, hindi ko maiiwasang maramdaman ang awa at lungkot habang minamasdan ang maraming tao na nakahiga sa iba't ibang higaan habang nasa pagamutan, batid ko sa kanila maging ng kaanak at kaibigan na nakaantabay sa kanila ang PAGNANAIS na HINDI sana dinanas ang ganoong kalagayan. Sapagka't tunay at totoong napakalaking masasayang na mga oras at panahon ang dapat sana'y naiukol sa iba't ibang gawain, lalo na sa paghahanapbuhay sa kani-kanilang pamilya.


Walang sunuman tao ang NAIS ng ganito hindi po ba? Subalit, may mga bagay na hindi maiiwasang mangyari sa buhay ng tao, na minsa'y PANAWAN na ng PAGASA habang dinaranas ang sapin-sapin at kabi-kabilang pasanin sa buhay. Kulang na ang PANGGASTO sa pang-araw-araw na buhay, nadagdag pa ang mga ganitong hindi inaasahang pangyayari sa buhay, KALAT-KALAT pa ang KAGULUHAN na kabi-kabilang ang putok at lamang ng mga BALITA na nakakapagdagdag BALISA sa maraming buhay na nagiging BANTA sa marami. Hindi ko maiwasan maibahagi ang aking hinagpis lalo na sa totoong buhay sapagka't marami sa atin ang nasa matinding pangangailangan. WALANG TAO NA GUSTO ang magkaganito o ganito ang sasapitin, sapagkat walang nakakatiyak kung ano ang sasapitin ng BAWAT isa. Naitatanong at naisasambit ng maraming tao. " WALA NA BA TALAGANG KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN SA BUHAY NA ITO?


Naisasambit ito sapagkat tunay at totoo na hindi alam ng tao ang kaniyang sasapitin kung hanggang kailan ba matatapos ang ganito. Ganito rin pinatutunayan ng Biblia:


Jer. 10:23, MB" Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang makakatiyak ng kanyang sasapitin. "



Wala ring sapat nakaalaman at kakayahan ang tao upang maiseguro ang kaligtasan ng kaniyang buhay. Napakaikli at may hangganan ang kaniyang natatanaw, na maaaring sa kaniyang panukat ay tama ngunit magbubunga pala ng kaniyang kasawian at kapahamakan [Kaw. 14:12, MB].


At kahit na sa bawat sandali ay mabalisa ang tao sa pag-iisip tungkol sa mga pangangailangan niya sa buhay na ito ay hindi niya madaragdagan ang haba ng kaniyang buhay. Masaklap hindi po ba? Ganito ang tanong ng Panginoong Jesucristo:



Lucas 12:25" At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? "


Bawat isa sa atin ay HINDI alam, hindi po alam ang bawat bukas ng Ating buhay, minsan MASAKIT sa mahal sa buhay na hindi kakayanan ang sakit na dinadala at hahantong sa pagkaSAWI NG BUHAY. Hindi lang ako ang nakararanas nito subalit, dama na ito ng maraming tao sa buhay na ito ang mawalan ng mahal sa buhay ng sa isang napakadaling sandali ay makakapagdulot ng HINAGPIS at SAKIT sa buhay ng tao. Hindi lang iyon, kundi maging ng KAHIRAPAN na MINSA'Y nakapagdulot ng PANGHIHINA SA MARAMING TAO.


Subalit, ANO ANG TANGING PAG-ASA ng tao? At Paano matututuhan ng tao ang wasto at karapatdapat na pag-iingat ng kaniyang buhay? Ganito ang aming natutunan sa loob ng Iglesia ni Cristo na ito naman ang aming tanging pinanghahawakan, NAIS po namin na maibahagi sa lahat kung ano ang katotohanan at dapat rin tahakin ng tao, sa kabila ng kapighatian sa BUHAY na ito. Ano ang dapat nilang kilalanin at gawin?


Napakahalaga na kilalanin ng tao ang Diyos sa lahat ng kaniyang lakad sapagkat ang Diyosang Siyang nagtuturo ng landas na dapat lakaran ng tao. Isinasaad ito sa Kawikaan 3:6 at 5:


" Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. "
" Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan "


Ano pa ang kahalagahan ng pagkilala ng tao sa Diyos? Siya ang tanging nakakaalam ng mabuti para sa ating buhay:


Jer. 29:10-11, MB" Ito pa ang sabi ni Yahweh: ... 'Ako lamang ang nakakaalam ng mga panukalang inihanda ko para sa ikakabuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. "


Ang tunay na kumilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa Kaniyang mga utos [Juan 2:3, MB] ang siyang tunay na nag-iingat ng kaniyang buhay. Marapat lamang, kung gayon, na sangguniin ng tao ang Diyos sa kaniyang mga mithiin o plano sa buhay, at patuloy na sumunod sa Kaniyang mga utos upang mapanuto ang kaniyang buhay.


Napakalaki po ng kinalaman ng relihiyon sa pag-iingat ng buhayng tao. Ano ang utos o kalooban ng Diyos tungkol dito?


Jer. 6:16, MB" Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan: 'Tumayo kayo sa panukalang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang dating landas, alamin kung nasaan ang pinakamabuting daan. Doonkayo lumakad, at magtatamo kayo ng kapayapaan'. Subalit ang sabi nila, ' Ayaw naming dumaan doon'. "


Utos ng Diyos nahanapin ang pinakamabuting daan at pagkatapos ay lakaran niya ito. Hindi Niya sinabi na sapat nang hanapin at sampalatayanan ang mabuting daan...KAILANGAN AY LUMAKAD DOON. Ang daang tinutukoy ay na dapat lakaran na tao ay ang Panginoong Jesuscristo. Ayon sa ating Tagapagligtas,:


" Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa"Juan 10:7, MB

Ang pagdaan kay Cristo ay ang pagpasok sa Kaniya sa paraang pumaloob sa KAWAN o sa Iglesia Ni Cristo :


" Ako ang Pintuan; sinumang pumasok sa loob ng KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas " [Juan 10:9, Revised English Version]


Ang KAWANG binanggit ay ang Iglesia Ni Cristo:


" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. [Gawa 20:28, Lamsa Translation]


Kaya, kapag ang tao ay pumaloob sa Iglesia Ni Cristo at pinapangyari ang gusto o kalooban ng Diyos, nagawa niya ang tunay na pag-iingat ng kaniyang buhay. Sa katunayan, tiniyak ng ating Panginoong Jesuscristo na hindi makapananaig ang kamatayan sa Iglesiang itinayo Niya. Ganito ang Kaniyang pahayag :


" At sinabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN. " [Mat.16:18, MB]


Ang kamatayan, na kaibayo ng buhay at hindi nalalaman ng tao kung kailan darating, ay hindi makapanaig sa kaniya kungsiya'y kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Aagawin siya ng Diyos sa kamay ng kamatayan. Ganito ang isinasaad ng Biblia :


Awit 49:10,12,15, MB" Ang lahat ay mamamatay ... Dumakila man ang tao, di niya maiiwasan, Tulad din ng mga hayop, tiyak siyang mamamatay ... Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, Aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan."


Katulad ng Panginoong Jesucristo, ang mga taong Kaniya o nasa labas labas Niya na malalagutan ng hininga ay bubuhaying mag-uli. Sila ang maliligtas. At dahil sa mapagtatagumpayan nila ang kamatayan, sila ang tunay na nakapag-ingat ng kanilang buhay. Ito ang tanging pag-asa ng maraming tao. Hindi man makamit ang KASAGANAAN sa buhay na ito, subalit mayaman sa PANGAKO sa TUNAY na BUHAY na nasa Bayang Banal na ito ang hinihintay natin. Ito ang dapat pagsikapan nawa ng LAHAT


2 Pedro 3:14" Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. "


Pagsikapan na MASUMPUNGAN ang kapayapan. Subalit saan nga ba masusumpungan ang tunay na KAPAYAPAAN ng tao? Ganito ang kasagutan:


Colosas 3:15" At maghari sa inyong puso ANG KAPAYAPAAN NI CRISTO, na diya'y TINAWAG DIN NAMAN KAYO SA ISANG KATAWAN; at kayo'y maging mapagpasalamat. "


Ayon kay Apostol Pablo, ang KATAWAN ang kinaroroonan ng kapayapaan, at ang katawan na tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO [Col.1:18; Roma 16:16]


Ito ang tunay na KAPAYAPAAN na tanging Pag-asa na dapat nawang pagtiyagaan ng marami. Napakalaking biyaya na makamit ng tao ang isang bagay na NAPAKAHALAGA. Luha at pawis minsan ang NUMUMUHUNAN sa lahat, para lamang makamit ang ninanasa sa buhay, subalit ito na po ang tanging lunas at PAGASA natin.

Walang komento: