Martes, Hulyo 29, 2014

Ang PMCC(4th watch) ba ang tunay na Iglesia?





Ang Pentecostal Missionary Church of Christ (4th watch), ay isang pangkatin ng Relihiyon na nagpakilala umano na sila ay ang totoo at tunay na relihiyon. Subalit, gaya anya ng ating narinig, mas mabuti o ikakabuti sa tao na suriin ang bawat aral kung naayun ba sa aral ng Biblia.

Alam at lingid na sa maraming tao, na si Cristo ay nagtatag ng tunay Niyang Iglesia(Mat.16;18) Mula pa noong Unang Siglo, at nagsimula pa sa kaunti:


Lucas 12:32
" Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian. "

Ang Kawan na tinutukoy ay walang Iba kundi Iglesia ni Cristo(Church of Christ).


"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarilib at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo ng mga katiwala,upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo." (Gawa20:28, lamsa trans.)


Kaya, mula noon sa pagkakatatag ni Cristo ay nagsimula sa kaunting kawan hanggang sa ito ay lumaganap at lumaki..Subalit, dahil sa Pagpasok ng Hidwang pananampalataya, ay naipatalikod sa pananampalataya ang mga kaanib, at ang mga nanindigan sa aral ay walang awang pinatay. Kaya, ang unang Iglesia ni Cristo ay nawala.

(Maaring bisitahin)

http://lahingtapat.blogspot.com/2014/03/ang-pagtalikod-ng-iglesia-ni-cristo.html?m=1


Ngayun, Ano ang pinapaunang HULA ni Cristo ukol sa muling pagkakaroon ng kawan sa hinaharap?


Juan 10:16
"Mayroon pa Akong ibang mga tupa. Sila ay wala sa kawan na narito. Kailangan ko din silang pangunahan. Sila ay makikinig sa Aking tinig. Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol" (Isinalin mula sa Easy-to-Read Version ).



Ipinagpauna ng Panginoong Jesus na mayroon Siyang ibang mga tupa na gagawin Niyang isang kawan. Itatatag Niya sila bilang Iglesia Ni Cristo.


Ang pagtitipon ng ibang mga tupa ng Panginoong Jesus upang maging Iglesia Ni Cristo ay mangyayari sa hinaharap o sa darating na panahon. Kaya tinawag Niya silang Kaniyang ibang mga tupa dahil " WALA SILA SA KAWANG NARITO" Na tinutukoy ay ang Iglesi Ni Cristo noong unang siglo.



Hindi nangangahulugang dalawang iglesia ang itinayo ni Crirto. Ang Iglesia noong unang siglo at ang Iglesiang kinabibilangan ng Kaniyang ibang mga tupa ay iisang Iglesia Ni Cristo. Kung paanong iisa ang ulo, si Cristo, iisa lamang ang katawan o Iglesia :



Efeso 4:4
" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo "


Colosas 1:18
" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. "


Pero teka muna. Suriin muna natin, baka kasi angkinin nila ng PMCC na sila itong KAWAN na lilitaw sa hinaharap na hinulaan ni Cristo. Atin munang suriin, kailan nagsimula at naitatag ang PMCC?



" The Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) , often shortened as the PMCC (4th Watch) , is a Christian church based in the Philippines, founded in 1972 by Apostle Arsenio T. Ferriol. "

http://en.m.wikipedia.org/wiki/Pentecostal_Missionary_Church_of_Christ_(4th_Watch)


Malinaw po. Kung gayon, ang PMCC ay naitatag ni Ginoong Ferriol noon pa lang 1972 sa Pilipinas. Subalit, dapat suriin ng lahat, sa ganitong taon ba lilitaw ang Ibang kawan ni Cristo ayun sa kaniyang hula?


Suriin natin ang Patotoo ng Dios


Ang malayong dako o ang Hinaharap na mula roon ay tatawagin ang ibang mga tupa ni Cristo ay ang MALAYONG SILANGAN, ayon sa hula ng Diyos sa Isaias 43:5 :



" Mula sa malayong silangan dadalhin Ko ang inyong Lahi, at mula sa malayong kanluran ay titipunin ko kayo" (Isinalin mula sa Moffatt Translation )

At ang pilipinas ay Tiyak na naroon sa Pilipinas

" Kabilang sa tinatawag na dako ng mga Gentil ang Roma at Gresya na kapuwa nasa Europa. Ang mga ito ay wala sa Malayong Silangan. Ang Far East o Malayong Silangan ay ang Rehiyon sa ASYA na kinaroon ng Pilipinas' (Kenneth Scott Latourette. A Short History of the Far East, p. 290)


Na rito lumitaw ang Iglesia Ni Cristo sa panahong ito. Ang binanggit naman na "Malayong mga panahon" ay tumutukoy sa ekspresyong "MGA WAKAS NG LUPA. "

Sa panahong iyon tatawagin o dadalhin ng Diyos ang Kaniyang mga anak na lalalaki at babae na mula sa silanganan, sa malayo. Sa Isaias 43:5-6 , ay ganito ang nakasulat:



"Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; dadalhin ko ang iyong lahi mula sa silanganan, at titipunin kita mula sa kanluran; sasabihin ko sa hilaga, 'bayaan mo!' At sa timugan, 'Humag mo silang pigilan!' Dalhin mo ang aking mga anak na mula sa malayo, at ang Aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa" (Isinalin mula sa NKJV )



Ngayun, malinaw na sa lahat kung saan ang dako na lilitaw ang mga IBANG TUPA o Kawan ni Cristo. Subalit, ayun ba sa kapanahunan ng pagkatatag ni Ginoong Ferriol?



Ang wakas ng lupa ay sa Ikalawang pagparito ni Cristo o Araw ng Paghuhukom( Mat.24:3; II Ped.3:7 ). Ang panahon bago ang dakilang araw na iyon ay tinawag ni Cristo na "MGA PINTUAN" na ayon din sa Kaniya ay "MALAPIT NA" (Mat. 24:33 ).


Kung gayon, ang "MGA WAKAS NG LUPA" ay ang panahong malapit na ang wakas.
Kabilang sa mga pangyayaring makikita ayon kay Cristo kung ang panahon ay nasa mga wakas na ng lupa ay mga digmaang aalingawngaw :



Mateo 24:6-7
" At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. "



Ang mga digmaang ito ay mapababalita (Mat.24:6, MB) sa buong mundo sapagkat ang mga digmaang ito mismo ay pambuong mundo.

Sa kasaysayan, may dalawang digmaang pandaigdig, WORLD WAR I(Unang Digmaang Pandaigdig) at WORLD WAR II (Ikalawang Digmaang Pandaigdig), na naganap halos 19 na siglo ang layo sa panahon ng Iglesiang pinamahalaan ng mga Apostol.


Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Hulyo 27, 1914. Ito ay malinaw na pagsisimula ng panahong "MGA WAKAS NG LUPA" kung kailan hinulaang tatawagin ng Diyos ang Kaniyang mga anak mula sa MALAYONG SILANGAN. Bilang katuparan ng hulang ito, ang tunay na IGLESIA NI CRISTO ay narehistro sa pamamahalaan ng Pilipinas sa mismong Petsang iyon, at hindi sa panahong 1972..


Tiyak na naman ulit natin ngayun ang patotoo ng Biblia ang tunay na hinulaan.


Kaya ang tanong natin, MAPAPATUNAYAN BA NILA NA SA TAONG 1972 matutupad at lilitaw ang Kawan ni Cristo? Bakit sa taon lang na iyon lumitaw at naitatag ang PMCC?

Kaya sa mga kaibigan namin. Magsuri po kayo sa katotohanan. Ang katotohanan po ang susubok sa inyo at hindi yaong aral na maaaring ikaliligaw ng marami.Paano po makikilala ang isang mangangaral



Juan 7:17-18
" Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan. "


Tiyakin po munang kung ang turo ay ayun ba sa Biblia. Gaya nalang anya ng kung kailan o ang tamang panahong ng paglitaw sa ibang tupa ni Cristo

Walang komento: