Miyerkules, Marso 12, 2014

Santo ,rebulto , larawang inanyuan.





Ang malaking pangkat ng Relihiyun na kilala na mga katoliko ay kilala sa kanilang pagkakaroon nga mga santo na ginawan nila ng larawan at inanyuan.Na sa ganitong paraan daw ay napamagitan sila sa Dios at upang makilala at mailapit sila ng lubos ng mga ito.Anu po ang sabi ng Biblia sa ganitong uri ng Aral ng tao at sa mga ganitong gawain ?



Roma 1:21 “ SAPAGKA'T KAHIT KILALA NILA ANG DIOS, SIYA'Y HINDI NILUWALHATI NILANG TULAD SA DIOS, NI PINASALAMATAN; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.”



Bakit po naging walang kabulahan? Sa paano naging walang kabuluhan ang pagkakaroon pa ng Mga SANTO ?



Roma 1:23 “At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng LARAWAN NG TAO na nasisira, at ng MGA IBON, at ng MGA HAYOP NA MAY APAT NA PAA , at ng MGA NAGSISIGAPANG.”



Kita po ninyo ,pinapauna at nilinaw ng Biblia na ito ay mga walang kabuluhang mga bagay. Bakit ? Sapagkat pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios , Sa mga SANTO o mga LARAWAN NG TAO. At tiniyak pa na ang ilang dito ay may kasama pang mga HAYOP. Maitatago pa ba nila ito ? Bigyan natin sila ng halimbawa at tiyak kilala nila ang mga ito :



LARAWAN NG TAO NA MAY KASAMANG IBON:



Si SAN PEDRO na may kasamang MANOK na uri ng IBON



Si SAN FRANCISCO na may
kasamang KALAPATI



LARAWAN NG TAO NA MAY KASAMANG HAYOP NA MAY APAT NA PAA:




Si SAN ROQUE na may kasamang ASO



Si SAN ISIDRO LABRADOR na may kasamang BAKA o kaya ay KALABAW



LARAWAN NG TAO NA MAY KASAMANG HAYOP NA GUMAGAPANG:


Ito pinakamatindi :


Si LA PURISIMA CONCEPCION na may kasamang AHAS





Si SANTA MARTA na may kasamang BUWAYA o DRAGON




Pinakamalupit itong dalawang panghuli sapagkat ayun sa Apoc. 12:9 at Apoc. 20:2 ang AHAS AT DRAGON ay sumisimbolo sa DIABLO.




Tugma at Nilinaw ng Biblia ang katuparan sa mga ganitong maling Aral na Aral na hindi kaylan man iniutos ng Dios, ang Ganitong uri ng mga pagsamba ay kinapopootan ng Dios sapagkat kaylan may ay di niya ginusto na sa pamamagitan nito ay mailipat ang kapurihan sa pamamagitan ng mga kinilala nilang mga "SANTO". Bakit? anu ang sabi ng Dios ?



Isaias 42:8 “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”



Malinaw po na kaylan may di papayag ang Dios na idaan pa ang mga pagpupuri sa kanya mula sa mga SANTO na ginawan ng larawan upang Yukuran ito. Anu po naman ang palusot ng Ilan ukol dito ? sabi nila ganito :



"DI NAMAN NAMIN SINASAMBA ANG LARAWAN,SA DIOS KAMI DIRIKTANG SUMAMBA AT HINDI SA LARAWAN"




Ganun ba ? Hindi ba kayo sumasamba sa LARAWAN o SANTO? e anu ito? mula sa aklat ng katoliko :



13. Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan? Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”
14. Ano ang tinatawag nating mga relikya? Tinatawag nating mga Relikya: Ang mga labi ng katawan ng isang santo na pinapaging-binal o inihanda sa pagiging banal ng Iglesia [Katolika];” Ang mga bagay na naging pag-aari ng mga santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang kasuotan, mga ataol, at iba pa
15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan? Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan ng ating Panginoong, tulad ng sa pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba”. [ Salin sa Filipino mula sa Cathecism of Christian Doctrine, inilathala ng De La Salle College pahina 95]





Hayag na hayag po ang pag amin ng mga katoliko na sinasamba nila ang mga SANTO AT MGA LARAWAN upan. Pagbigay nga raw ng pagpapahalaga sa kanila.



Ito pa ang Isang Aklat ng katolito ating Suriin ang nilalaman nito :


“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng
Altar magwika ka ng ganito Sinasamba kita,” [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82 ].




Dito naman sa aklat na ito ay maliwanag na inuutusan ang isang Katoliko na agad na manikluhod o lumuhod pagkagising sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan, at pagkatapos ay sasabihin sa harapan nito ang mga katagang:



“Sinasamba Kita”.


Hindi ba iyan maliwanag na pag-uutos sa isang Katoliko na lumuhod at sumamba sa isang Larawan? Ayun sa Biblia ay kanino po lamang tayo lumuhud at sumamba? Ganito po ating mababasa :



Awit 95:6 “ Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa
atin.”





Ang Sabi ng Biblia, sa PANGINOON lamang tayo lumuhud,sumamba,yumukud, at hindi po sa larawan ng mga SANTO na ginawan ng mga larawan upang pasalamatan at sambahin. Napansin nyu po ang mga kadalasang ginagamit na kanilang pinagbabasihan sa kanilang mga pinakaaral ay MULA SA KANILANG MGA AKLAT na nilimbag lamang mula sa sariling aral at minsan nga sa wikipedia o google pa. Ano kaya ang pinaka dahilan nila? Suriin parin natin mula sa kanilang aklat parin :


"Moreover, A WRITTEN BIBLE IS A DEAD BOOK. Noris it an easy book, it does not explain itself "  ( Catholic Belief, p. 4 )


Di nga talaga nakapagtataka na hindi nga ginagamit ng IGLESIA KATOLIKA  ang BIBLIA bilang kanilang mga pinagbabatayan ng aral sapagkat napaka baba ng kanilang pagkilala  dito. Para sa kanila ang BIBLIA ay PATAY NA AKLAT o WALANG KABULUHAN at walang kwenta.


 Ang mga ginawa nilang mga SANTO ,  mga tao din ang mga iyun at mga NAMATAY na, ang patay ba may magagawa pa kahit ituring pa nila itong banal?



Ang patay ay wala nang magagawang anuman, lalo na ang pagdalangin o pagpuri sa Dios:



Awit 115:17 magandang balita biblia
'' Di na siya mapupuri niyong mga taong patay, Niyong mga nahihimlay sa malamig na libingan''




Kaya, maling tawagan o dalanginan ang mga diumano'y banal o mga SANTO na nagsipanaw na sa paniniwalang maipamamagitan nila ang tao sa Dios. Hindi magagawa ng taong patay ang magpasalamat ni tumawag sa Dakilang lumikha:



Awit 6:4-5
'' Bumalik ka , Oh Panginoon palayain mo ang aking kaluluwa Iligtas mo ako alang-alang sa iyong kagandahang-loob. Sapagaka't sa kamatayan ay wala nang ala-ala sa iyo; Sa Sheoul (libingan) ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?''




WALANG MAGAGAWA ang mga tinuturing nilang mga SANTO para sa kanila.Kaya po may Payo ang Biblia sa ganitong maling Aral?


Ecclesiastes 12:13 “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”



Matakot tayo sa Dios at Sundin ang mga kautusan ng Dios. Anu itong isa sa mga kautusan ng Dios ?




Exodo 20: 4-5 " HUWAG KANG GAGAWA NG IMAHEN NG ANUMANG NILALANG NA NASA LANGIT, NASA LUPA, O NASA TUBIG UPANG SAMBAHIN .HUWAG MO SILANG YUYUKURAN NI SASAMBAHIN sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. [ Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]



Ito po ang pinaka ayaw na ayaw ng Dios,sapagkat kinapopootan niya ang ganitong mga gawain.




Para sa karagdagang Aral .

VISIT HERE :


LARAWANG INANYUAN

1 komento:

Unknown ayon kay ...

Maling-mali ang pagsamba sa larawan dahil hindi ito ikaliligtas ng tao.