Napakarami na ng relihiyon ngayon na naglipana, na nagsasagawa ng iba't ibang paglilingkod na iniuukol sa kinilalang Dios. Kapag nakikita ng ilang tao na sila'y lubos na nagpapagal at buong sikap ang pagpapakita ng kaniyang katapatan, ay masasabi ng maraming tao na " NAPAKA RELIHIYOSO NIYA" ang iba pa ay sabay biro na " LALAMPAS KANA SA LANGIT NIYAN" . Ganyan ang bukambibig ng ilang mga tao at hindi na bago iyan. Subalit bilang kaanib sa INC ay masasabi naming "SAYANG" lamang ang kanilang pagpapagal at buong sikap na pagbuhos ng kanilang buong panahon para rito. Bakit? Sapagkat ayon sa Biblia, may mga taong hindi PINAGING-DAPAT dahil sa mali ang kanilang PAGKILALA KAY CRISTO. Hindi bat SAYANG lamang na naglilingkod ka sa isang MALING PANINIWALA o PAGKILALA?
Sino-sino nga ba ang mga taong may maling pagkilala kay Cristo? Isa na rito ang yaong nagpapahayag na si Jesucristo ay Kaniyang Panginoon subalit hindi naman gumaganap o sumusunod sa kalooban ng Dios.
Mateo 7:21" Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. "
Napakalinaw na hindi pala sapat na kilalanin si Cristo bilang Panginoon. Dapat din nating ganapin o sundin ang kaooban ng Dios upang hindi maipagtabuyan sa Araw ng Paghuhukom [Mat.7:22-23].
Ano pa ang MALING PAGKILALA sa Panginoong Jesucristo? Sila yaong ang nakilala ay "IBANG JESUS" na ibinabala ng mga apostol. Iba ang Jesus na nakilala nila sa totoong Jesus na ipinakilala ng mga apostol:
2 Cor. 11:3-4
" Ngunit nangangamba ako. Baka mailayo kayo sa inyong tapat at dalisay na pananalig kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Pagkat malugod ninyong tinanggap ang sinumang dumating at mangaral NG JESUS NA IBA SA JESUS NA IPINANGARAL NAMIN SA INYO, at tinatanggap ang espiritung iba sa itinuro namin sa inyo, at pinaniniwalaan ang ebanghelyong iba na iniaral namin sa inyo. " [New Pilipino Version]
Ano naman ang PANGANIB na dulot ng pagkilala sa "IBANG JESUS" ? ito ay ikasusumpa [Galacia 1:6-8, Magandang Balita Biblia]
SINO AT ANO ANG TUNAY AT LUBUSANG NA PAGKILALA KAY CRISTO?
Kung gayon, e sino lamang ang lubusang nakakilala sa Panginoong Jesucristo? Ganito ang sagot:
Juan 10:14-15; 14:21
" Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakilala ako ng Ama at siya'y nakikilala ko, gayon din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y nakikilala nila.
" ANG TUMATANGGAP SA MGA UTOS KO AT TUMUTUPAD NITO ANG SIYANG UMIIBIG SA AKIN. Ang umiibig sa akinay iibigin ng aking Ama: iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kaniya. " [Magandang Balita Biblia]
Kung gayon, ang mga tupa ni Cristo ang tunay at lubos na nakakilala sa Kaniya at ang mga tupang tinutukoy ay HINDI ANG MGA NAGSABING SUMASAMPALATAYA LAMANG SILA KAY CRISTO BILANG PANGINOON, kundi ang mga tumutupad sa utos ng Panginoon. Alin ang utos ni Cristo na na sinunod ng Kaniyang mga tupa? Ganito ang pahayag ni Jesus:
Juan 10:7,9
" Kaya muling nagsalita si Jesus: " Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa ... Ako ang pintuan; SINUMANG PUMASOK SA KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas. " [Revised English Bible]
Kaya, makilala ang mga tupa ni Cristo. Sila'y nasa loob ng KAWAN o IGLESIA NI CRISTO:
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Translation]
Ang mga kaanib sa tunay na Iglesia ni Cristo ang tunay at lubusang nakakilala kay Cristo.
TAO BA O DIOS ANG TUNAY NA PAGKILALA KAY JESUS?
Tanong ng maraming tao na ganito:
Paano raw matitiyak ng Iglesia ni Cristo na sila ang nagtataglay ng tamang pagkilala kay Cristo gayong naiiba ang pagkilala nila sa KALAGAYAN NI CRISTO kaysa karamihan ng mga relihiyon (na si Cristo ay tao at hindi Dios) ?.
Hindi po dahil sa naiiba ang aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo tungkol sa kalagaya ni Cristo kung ihahambing sa ibang relihiyon o pangkatin ng pananampalataya ay mali na ang pananampalataya nito. Hindi dapat pagbatayan ang pagkakatulad o pagkakaiba ng aral ng ibang relihiyon para masabing tunay ang paniniwala nito. ANG MARAPAT PAGHAMBINGIN AY ANG ARAL AT TURO NG BANAL NA KASULATAN.
Ayon sa Biblia papaano ipinakilala ng Dios si Jesus?
Mateo 3:17" At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, na siya kong lubos na kinalulugdan. "
Ipinakilala ng Dios si Jesus bilang "KANIYANG ANAK". Hindi sinabi ng Dios na si Cristo ay gaya rin Niyang Dios. Ang Dios ang Ama ni Cristo, at si Cristo ay Anak. Kaya iba ang Dios kaysa kay Cristo.
PAGPAPAKILALA NI JESUS
Paano naman ipinakilala mismo ng ating Panginoong Jesucristo ang Kaniyang sarili? Ipinakilala ba Niya ang Kaniyang sarili bilang Dios? Ganito ang pahayag Niya:
Juan 8:40
" Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, NA TAONG SA INYO'Y NAGSAYSAY NG KATOTOHANAN, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. "
Dito po ay malinaw na sinabi ni Cristo na Siya'y "TAO". Hindi lamang ipinakilala ni Cristo na Siya'y tao kundi malinaw din sa Kaniyang pahayag na hindi Siya Dios ng sabihin Niyang
"... sa INYO'Y NAGSAYSAY NG KATOTOHANAN NA AKING NARINIG SA DIOS".
Iba sa Kaniya ang Dios na kinaringgan Niya ng Katotohanan. At hindi sa Kaniyang sarili lamang.
May mababasa sa Biblia na pahayag ni Cristo na sinabi Niyang "Siya ay TAO", ngunit walang mababasa sa alinmang wastong salin ng Biblia na si Cristo ay NAGPAKILALANG SIYA ANG TUNAY NA DIOS. Kung totoong si Cristo ay dapat kilalaning Dios, bakit buong panahon na Siya ay NANGARAL hanggang sa Siya ay namatay at nabuhay na muli, at ngayon nasa langit na, ay wala man lamang Siyang ipinahayag na Siya ay Dios?
Kahit noong nasa langit na ang Panginoong Jesuscristo ay hindi nagbabago ang Kaniyang kalikasan bilang tao. Ganito ang patotoo ay sinabi ni Apostol Pablo:
1 Timoteo 2:5" Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ANG TAONG SI JESUSCRISTO, "
Nasa langit na ang Panginoong Jesucristo nang ipahayag ito ni Apostol Pablo. Kaya, ang mga tunay na natuto sa aral ng Dios, ng Panginoong Jesucristo at ng mga Apostol ay kumikilala na ang ating Panginoong Jesucristo ay "TAO" sa Kaniyag likas na kalagayan.
JUAN 10:30, "AKO AT ANG AMA AY IISA"
May nagsasabing , " Pareho pala ang INC at mga hudyong kaaway ni Cristo na ang pagkilala kay Cristo ay TAO, gaya ng mababasa sa Juan 10:33, kaya kalaban din sila ni Jesus. "
Naging kalaban ni Jesus ang mga Hudyong tinutukoy sa talata hindi dahil sa TAO ang pagkilala nila sa Kaniya. Ang mga Hudyo, sapagkat nalalamang si Cristo ay ANAK LAMANG NG ISANG KARPENTERO, ay hindi matanggap na Siya ang CRISTO O MESIAS na kanilang hinihintay [Juan 10:24]. Kaya sa mga hudyo na kausap noon ni Cristo, sinabi Niya:
Juan 10:26
" Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa" [MB]
Sa kabilang dako, kinikilala ng INC na ang Panginoong Jesucristo na nasa kalagayang TAO ay "ANAK NG DIOS NA KANIYANG SINUGO" [ Mat. 3:16-17; Juan 17:3] at " Siyang Cristo" [Gawa 2:36]
Sa Juan 10:30 lalong nagalit ang Judio nang sabihin sa kanila ni Jesus na
" Ako at ang Ama ay iisa"
Paano ba nila inunawa ang sinabi Niyang ito? Inakala nila na sinasabi o ipinakilala ni Jesus na Siya ang rin ang tunay na Dios [Juan 10:33]. Ngunit, ano talaga ang ibig sabihin ng Panginoong Jesucristo na hindi naunawaan ng mga Hudyo? Iisa sila o nagkakaisa sila ng Ama sa pagmamalasakit sa mga tupa [Juan 10:27-30].
Ano ang katunayan na si Cristo at ang Ama ay hindi iisa sa likas na kalagayan? Ang sabi ng ating Panginoong Jesucristo ay hindi Siya nag-iisa kung kasama Niya ang Ama:
Juan 8:16" Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; SAPAGKA'T HINDI AKO NAGIISA, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin. "
Ano naman ang lalong nagpapatotoo na ang tinutukoy ni Cristo na pagkakaisa nila ng Ama ay hindi sa Likas na kalagayan kundi sa layunin sa pag-aalaga sa mga tupa? Sa salin ni George M. Lamsa ng Juan 10:30 ay ganito ang sinasabi:
" I and my Father are of one accord". [ Ako at ang aking Ama ay NAGKAKAISA]
Sa kabilang dako, nauunawaan ng mga tunay na tupa ni Cristo ang pahayag Niyang ito sapagkat lubusan nila Siyang nakikilala. Ang mga hindi Niya tupa, gaya ng ilang mga Hudyo noon ay nagkamali sa kanilang pagkaunawa sa pahayag na ito ni Cristo.
Hindi ito nakapagtataka sapagkat hindi naman talaga nila lubusang nakilala ang Panginoong Jesucristo gaya ng iba ngayon na nag-aakalang nagpakilala si Cristo bilang Dios.
Kaya, dapat na magsuri ang lahat ng nagsasabing kumilala sila kay Cristo. Hindi sapat na ipahayag lamang ito. Dapat na ang maging pagkakilala sa Panginoong Jesus ay kasang-ayon ng sinasabi ng Biblia. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ng kabuluhan ang pagkakilala ng tao sa Kaniya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento