Paboritong tanung ng mga tumutuligsa sa Iglesia Ni Cristo tungkol sa pagiging Anghel ni Kapatid na Felix Manalo na siyang itinuturo mula sa hinulaan na "Ibang anghel" sa Apoc.7:2.Dahil sa ang doktrina at aral sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay ang Kalagayan ni Cristo ay "Tao", kanilang tinuligsa ito at isa raw pamumusong. Paano nila ito iniugnay? Mula po sa talatang ito :
Hebreo 2:9
" Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao. "
Dahil sa ang binanggit ay
"Ginawang mababa kay sa mga anghel"
Isa raw itong pamumusong kay Cristo, sapagkat kung anghel ang kapatid na Felix Manalo, mababa raw sa kanya si Cristo. Kitang kita natin rito kung paano binulag ang isipan ng mga tao na nagkaroon ng sariling pagpapaliwanag at pag-unawa ukol dito.
2 Pedro 1:20
" Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. "
Kaya, upang hindi tayo magkakaroon ng sariling pang-unawa at pagpapaliwanag,ay ating linawin sa pamamagitan ng Biblia. Ating itanung :
Ang anghel ba na tinutukoy sa Hebreo 2:9 ay katulad ba sa anghel na tinutukoy sa Apoc. 7:2?
Ating unahin ang anghel na tinutukoy ayun sa itinuturo mula sa aklat ng Hebreo kung saan si Cristo ay ginawang mababa kay sa mga anghel na ito. . Ganito ang ating mababasa :
"Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas." (Hebreo 1:14,MBB)
Ang uri ng Anghel na gaya ng itinuturo sa aklat ng Hebreo ay mga espiritu sa kalagayan. Dito palang, mali na ang kanilang iniisip. Sapagkat sa loob ng INC ay hindi nagtuturo na ang kalagayan ng kapatid na Felix Manalo ay espiritu kundi siya ay tao. Ang kaibahan ng espiritu sa tao ay gaya ng pinaliwanag ni Cristo na ang espiritu ay walang laman at buto, na di gaya Niya na meron (Luc.24:39).
Dito ay malinaw na malinaw sa atin kung bakit sa Hebreo 2:9 ay Binanggit na si Cristo ay mababa kay sa mga anghel sapagkat sa likas na kalagayan ay Siya'y tao. Si kapatid na Felix Manalo naman ay mababa kay sa kay Cristo sapagkat si Cristo ang nakakataas sa lahat ng uri ng tao.
Samakatuwid, ang katotohanan dito ay ang pagiging mababa ni Cristo kay sa mga anghel ay ang kanya lamang likas na kalagayan, subalit ang KARAPATAN at KAPANGYARIHAN na ibinigay ng Diyos sa Kanya at ang Posisyon na pinanghawakan sa langit ay ang naghirang sa kanya bilang mataas kay sa mga anghel. Pinatunayan ba ito ng Biblia? Opo, Ganito ang patotoo ng Bibliya :
" Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan. "(1 Pedro 3:22,Ang Biblia)
Dito po mapapatunayan natin. Si Cristo ay naging mataas kay sa mga anghel dahil sa kaloob ng Dios na Ama sa kanya ng Kaluwalhatian,Karapatan at kapangyarihan, at iniutos rin ng Dios na Siya'y sambahin ng mga anghel :
" At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”(Hebreo 1:6,MBB)
Malinaw po kung paano naging mataas si Cristo kay sa mga anghel, at katotohanang mas mataas si Cristo kay sa kapatid na Felix Manalo, sapagkat kahit pa espiritu sa kalagayan ay ipinag-utos ng Diyos na Siya'y sambahin ng mga anghel. Ito ang malaking patotoo mula sa Biblia. kaya, ang pagiging anghel ay hindi tumutukoy sa likas na kalagayan kundi sa tungkulin na taglay nito. Sinasang-ayunan po ba ito ng ibat-ibang mga relihiyon? Opo. . Ganito ang kanilang patotoo.
PAG SANG-AYUN NG IBANG RELIHIYUN
Mula sa Aklat-katoliko :
"Sila ay tinatawag na mga 'ANGHEL', mula sa salitang Griyego na nangangahulugang sugo. Ang salitang 'Anghel' , samakatuwid, ay hindi nagpapahayag ng kalagayan ngn mga espiritung ito, kundi manapa'y ng mga tungkulin. ," [ Discourses of the Apostles' Creed,p. 72 ]
Isa pang paring katoliko, si Juan Trinidad, ay may patotoo rin ukol dito :
"2, 1: Anghel: ang anghel na tagatanod ng iglesya, o kaya'y ang mismong iglesya; o kaya naman, (at ito ang lalong karaniwang pakahulugan), ang Obispo ng iglesya. . ." [ footnote, salin ni Trinidad ]
patotoo ng awtoridad na Protestante :
"Mga Anghel. Bukod dito, na siyang pinakamataas na uring paggamit ng salitang anghel, matatagpuan nating ginagamit ang pariralang ito patungkol sa kaninumang sugo ng Dios, tulad ng mga propeta, Isa. 42:19 ; Hag.1:13 ; Mal. 3:1 , mga saserdote, Mal. 2:7, at mga tagapamahala ng mga iglesiang Cristiano, Apoc. 1:20. "[ A Dictionary of the Bible, p. 40 ]
Patotoo ng SAKSI NI JEHOVA :
"Anghel. Ang salitang ito, kapuwa sa wikang Griyego at Hebreo, ay nangangahulugang isang sugo.
Nagpapakilala ito ng katungkulan, at hindi ng kalagayan ng kinatawan. " [ Emphatic Diaglott, p. 872 ]
patotoo ni Webster :
"Anghel--mula sa Latin 'angelus', Griyego 'aggelos' , utusan, isang sugo ng Dios. . . . .Isang ministro o pastor ng iglesia sa efeso. "[ Webster's New International Dictionary, p. 83]
Malinaw po at sinang ayunan ng ibat ibang relihiyun at awtoridad na ang anghel ito ay sa gampanin sa pagkasugo at hindi sa likas na kalagayan.May makikita ba tayong halimbawa mula sa Biblia na tao na sa tungkulin ay anghel? Mayroon po. Ganito ang halimbawa:
Mark 1:2-3
“ As it is written in Isaias the prophet: Behold I send my ANGEL before thy face, who shall prepare the way before thee. A voice of one crying in the desert: Prepare ye the way of the Lord; make straight his paths.” [Douay Rhimes Version ]
Sino po ba ang kinatuparan nito ayun sa hula ng propeta Isaias? Ito ba espiritu sa kalagayan? Ganito po ang sagot:
" Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias, “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.’” (Juan 1:19, 23, MBB)
Malinaw po. Ito ay kinatuparan kay Juang bautista. Kaya nagpapatunay lamang na ang pagiging Anghel ay hindi sa likas na kalagayan, kundi sa tungkuling ginagampanan ng pagiging Sugo o Mensahero. Kaya, mula sa ibang salin ng Biblia ng Apoc. 7:2 ay malinaw ring mababasa natin ang ganito :
Revelation 7:2
" and I saw another messenger going up from the rising of the sun, having a seal of the living God, and he did cry with a great voice to the four messengers, to whom it was given to injure the land and the sea, saying " (Young’s Literal Translation ).
Kaya, ang mga manunuligsa ng Iglesia Ni Cristo. Bago man mag isip ng mali, mas mabuting suriin at tiyakin muna kung "ANO ANG KAHULUGAN NG ANGHEL" . . Sana'y nabigyang linaw ang maling isipan.
5 komento:
Hahahaha eh lahat ng umayon sa inyo sa demonyo kaya pinatakwil ni Felix manalo mga yan ayon miamo sa PAAUGO niyo
Hahahaha eh lahat ng umayon sa inyo sa demonyo kaya pinatakwil ni Felix manalo mga yan ayon mismo sa PASUGO niyo
Kaya, ang mga manunuligsa ng Iglesia katolika. Bago man mag isip ng mali, mas mabuting suriin at tiyakin muna bago manghusga at manira, god bless
Ano ba ang mga aral ng demonyo
1 Timoteo 4:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
4 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
Ang paghayag ng katotohanan ay di paninira yan kaibigan
Mag-post ng isang Komento