Lunes, Enero 13, 2014

Juan 20:28 Dios ba si Cristo nang makita ni Tomas?




Ito po ang Isa na man sa mga talata po na ginagamit ng mga naniniwalang Dios nga raw si Cristo sapagkat mababasa nga daw na tinawag ni tomas na Dios si Cristo. Ating Sipiin ang laman nitong talata narito po :



Juan 20:28
Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.




Dios daw si Cristo sapagkat tinawag niya si Cristo na Dios.Tama kaya sila? Si Cristo ba talaga ang tinutokoy ni Tomas na Dios? atin munang balikan ang buong Eksina at pangyayari.


Juan 20:19-20
19"Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo".


20 "At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon"






Nagpakita po si Cristo sa kanyang mga alagad mula ng siyay binuhay, at ang kototohanang ito ay ipinakita nya ang kanyang mga kamay at tagiligaran. Ngunit atin munang titiyakin at suriin. Sa pagpapakita ba ni Cristo,nandun ba si Tomas?


Juan 20:24
“ Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, na tinatawag na Didimo, ay WALA SA KANILA NANG DUMATING SI JESUS .”



Absent pala talaga si Tomas sa panahong nagpapakita si Cristo sa kanila, at sa pagpapakita sa kanyang mga kamay at tagiliran. Anu pala ang paniniwala ni Tomas ng kanyang malaman ang balitang ito?


Juan 20:25
“Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, MALIBANG AKING MAKITA SA KANIYANG MGA KAMAY ANG BUTAS NG MGA PAKO, AT MAISUOT KO ANG AKING DALIRI SA BUTAS NG MGA PAKO, AT MAISUOT KO ANG AKING KAMAY SA KANIYANG TAGILIRAN, ay HINDI AKO SASAMPALATAYA.





Ayun na ang paniniwala ni Tomas.To see is to believe. Di siya Sasampalataya kung di nya maisuot ang kamay niya sa sa mga pinagpakuan at sa tagiliran. Sapagkat di sya naniniwala na nakikita nila si Cristo.Ngayun anu ang sunud na pangyayari? narito po :



Juan 20:26
“At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang
sumainyo.”




Ito na po. .Kasama na si Tomas at dumating na muli Si Cristo at nagpakita sa kanila, paanu pinatunyan ni Cristo kay Tomas? narito po :


Juan 20:27
“Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, IDAITI MO RITO ANG IYONG DALIRI, AT TINGNAN MO ANG AKING MGA KAMAY; AT IDAITI MO RITO ANG
IYONG KAMAY, AT ISUOT MO SIYA SA AKING TAGILIRAN: AT HUWAG KANG DI MAPANAMPALATAYAHIN, KUNDI MAPANAMPALATAYAHIN.”







Pinatutunayan na naman po ni Cristo at mismo kay Tomas para siya ay sumampalataya.Anu ang reaksyun at Sagot ni Tomas?narito po :




Juan 20:28
Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi,PANGINOON KO AT DIOS KO.




Makikita po natin ng pagkasunud sunud ng pangyayari. . Kaylan lang nasabi ni Tomas ang salitang



"Panginoon ko at Dios ko " ?



kung atin pong pansinin,nasabi lamang ni Tomas ang ganung Salita pagkatapos pinakita ni Cristo at sinabing ang ganito :


"Idaiti ang iyong kamay,isuot sa aking tagiliran"


Malinaw po sa bahaging ito kung paanu pinatutunayan ito ni Cristo sa ganitong paraan ay sasampalataya sila.
Ating pag Aralan, Sino sino ba ang tinutukoy at tinawag ni Tomas na


"Panginoon ko at Dios ko"?

Malinaw po na dalawa ang tinutokoy ni Tomas.Ano ba ang paniniwala ng mga apostol dito?


1 Corinto 8:6
“Nguni't sa ganang atin ay MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at ISA LAMANG PANGINOON, SI JESUCRISTO, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.



Maliwanag po ang kanilang paliwanag :


“MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA at ISA LAMANG PANGINOON, SI JESUCRISTO”


Kaya po ang tinutokoy ni Tomas na "Dios ko" ay ang AMA na siyang Iisang Dios lamang.


Si Cristo din kaya,anu ang pagpapaliwanag at pagpapakilala nya sa Dios.Mas mabuti din po na si Cristo mismo ang sumagot dito.Sino lamang ba ang dapat kilalanin na Dios ? siya ba o may ipinakilala sya?
narito :


Juan 17:3, 5-6
"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "

"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon."

"Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita. "




Malinaw po. .ang ipinakilala lamang ni Cristo ay ang pangalan ng AMA na siyang

"Tunay at iisang Dios"


Malinaw po kung sino lamang ang pinakilala ni Cristo.Kaya po kung sila naniniwalang si Cristo ang tinutokoy ni Tomas na "Dios ko",ay maling pag unawa yun sapagkat ayun kay Cristo, Ang Ama lamang ang Iisa at tunay na Dios.Ang ama lang ba talaga ang lahat lahat? di na ba kasama si Cristo? narito :


Efeso 4:6
"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "



Sa lahat lahat po,ang AMA lang talaga at wala nang iba.Kaya maling mali talaga na Isipin na Si Cristo ang tinutokoy ni Tomas na Dios.


_________________________________________________________________________________



Malinaw na sa atin sa taas kung sinu yung Panginoon na sinabihan ni Tomas,at kung sinu yung Dios.



Ang dahilan ng pagkasabi ni Tomas na "PANGINOON KO AT DIOS KO"


Ngayun dito tayo.Anu naman ang dapat nating mapansin? ang mga alagad ni Cristo at si Tomas ay nakita sya nang harapan.Kung ating basahin muli ang talata sa taas na napost,mula sa juan 20:19 ay kung saan nagpakita si Cristo sa mga alagad nya. Anu pala ang Reaksyun ng kanyang mga alagad? ganito din ang ating mababasa :


Lucas 24:36-37
"At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo".

"Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu."



Malinaw po na sila ay nag akala na nakakita ng Espirito. .e mas lalo na si Tomas na syang Personal na pinakitaan ni Cristo. Ito naman po ay tinuwid agad ni Cristo. Ano ang puna ni Cristo sa Kanila?



Lucas 24:39
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. "



Tiniyak ni Cristo na siya ay Hindi Espirito. Tao sya na may laman at buto.Sino naman yung Espirito ang kalagayan ni walang laman at buto?


Juan 4:24
"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."



Ito po ang pinuna ni Cristo na inakala ng kanyang mga alagad na nakakita sila ng Espirito. .at Tiniyak naman ni Cristo na sya ay hindi espirito sapagkat iba siya sa Dios. At siguradong Sigurado na ang nakita ng mga alagad, at lalo na si Tomas ay hindi yun Dios. Sapagkat ang tunay nga na Dios ay hindi rin nakikita,di namamatay .Ganito ang patotoo :


1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang
hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang
kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa."



Malinaw na malinaw na po sa atin ngayun kung anu ang tunay na kahulugan at ang buong pangyayari.



Anu pa ang dapat natin pansinin?Bago po nagpakita si Cristo sa mga Alagad nya ay nakita na sya ni Maria magdalena,at may sinabi na si Cristo sa kanya.


Juan 20:18
"Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito. "



Anu yung pinasabi ni Cristo?



Juan 20:17
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. "



Malinaw po na si Cristo ay may Dios. .yun ang AMA nya kung saan siya paroroon at aakyat, Kaya ang mga Mensahe na natanggap ng kanyang mga alagad, isa na si Tomas ay malinaw po, yung Dios ni Tomas yun din po ang Dios ni Cristo. Yung Dios ng kanyang mga alagad, yun din ang Dios ni Cristo,at hindi si Cristo ang mismong Dios..


Sanay mas malinaw na po sa lahat.Salamat

Sabado, Enero 11, 2014

Ang paraiso na pinaniwalaan ng mga Saksi ni Jehova

Minsan lamang napag usapan ang ukol sa ganitong aral ng mga Saksi Ni Jehova. Ano ba ang ilan sa paniniwala ng Mga kaibigan nating mga Saksi ni jehova? Makikita po natin sa kanilang mga lathala na mga magazine, tulad nalang po ng "BANTAYAN at GUMISIN"

Itong lupa o mundo na kinatatayuan natin ay ito din daw ang nakatakdang paraiso para sa mg matatapat na tao ( mga di kabilang sa 144,000 na aakyat sa langit)



Tama kaya ang kanilang mga doktrinang pinaniwalaan?.Atin itong Isa isahin kung tama nga sila.



Bakit nasabi ng ating mga kaibigang saksi na ito daw ang lupang ito na kinatatayuan natin ay ito ang gagawin ni Jehova na bagong Paraiso?Narito ang kanilang pinang hahawakan :


Ecclesiastes 1:4
“Isang salin
ng lahi ay yumayaon, at ibang
salin ng lahi ay dumarating;
NGUNI'T ANG LUPA AY
NANANATILI MAGPAKAILAN
MAN.”



Dalawang uri at lahi. .Yung nananatili dito sa lupa na matapat na di kabilang sa 140,000 na aakyat sa langit ang magmamana daw nito, kaya isusunud ang talatang ito :


Mateo 5:5
“Mapapalad ang
maaamo: sapagka't
MAMANAHIN NILA ANG LUPA"



At pagkatapos, ay kunklod na Agad Agad na ganito :


Awit 37:29 “MAMANAHIN NG
MATUWID ANG LUPAIN, at
tatahan doon magpakailan
man.”




Ngayun. ating susundan ang kanilang pahayag mula sa unang talata na kanilang ginamit.

"Ngunit ang lupa ay mananatili magpakaylan man"


Wala kayang mangyayaring Kontradiksyun ng talata?anu ba talaga ang kuhulugan ng mga talatang yan at anu ang lupang mananatili magpakailan man?

Atin mismung suriin ang pahayag ni Cristo :

Mateo 24:35
“ANG LANGIT AT
ANG LUPA AY LILIPAS,
datapuwa't ang aking mga
salita ay hindi lilipas.”



Mas lalong maguguluhan ngayun ang ating mga mahal na kaibigan.Pero dapat ang biblia walang kontradiksyun. Bakit nasabing ang langing at lupa ay Lilipas, anu pala ang kahulugan ng mga ito ?


mateo 24:3
"Noon, si Jesus ay nasa
Bundok ng mga Olibo. Habang
siya'y nakaupo roon, palihim siyang
tinanong ng kanyang mga alagad,
"Kailan po ba mangyayari ang mga
sinabi ninyo? Ano po ang magiging
palatandaan ng inyong muling
pagparito at ng katapusan ng
mundo?"



Ito pala maliwanag,Pinapauna at tinanung na ng mga alagad ni Cristo na may katapusan ng mundo na mangyayari. Anu naman ang mga pangyayari sa araw ng katapusan ng mundo o pagparito ng panginoon ?


2 Pedro 3:10
“Datapuwa't
darating ang araw ng
Panginoon na gaya ng
magnanakaw; na ang
sangkalangitan sa araw na
iyan ay mapaparam na
kasabay ng malaking ugong,
at ang mga bagay sa langit ay
mapupugnaw sa matinding
init, AT ANG LUPA AT ANG
MGA GAWANG NASA LUPA AY
PAWANG MASUSUNOG.”





2 Pedro 3:7
“Nguni't ang
sangkalangitan ngayon, at
ANG LUPA, sa pamamagitan
ng gayon ding salita ay
ININGATANG TALAGA SA
APOY, NA ITINATAAN SA
ARAW NG PAGHUHUKOM AT
NG PAGLIPOL SA MGA TAONG
MASAMA.”



kung gayun,malinaw po sa atin ngayun, kung anu yung lupa at langit na lilipas. At yung katapusan ng mundo na tinanung ng mga alagad ni Cristo na mangyayari. Ito ay ng araw ng PAGHUHUKOM kung saan itong mundo at lupa ay nakalaan na sa apoy at susunugin.


Baka naman ilang parte lang ng lupa ang masusunug, Lahat kaya ng lupain ? narito po :



Zefanias 1:18
“Kahit ang
kanilang pilak o ang kanilang
ginto man ay hindi
makapagliligtas sa kanila sa
kaarawan ng kapootan ng
Panginoon; kundi ANG BUONG
LUPAIN AY MASUSUPOK
SA
PAMAMAGITAN NG APOY NG
KANIYANG PANINIBUGHO:
SAPAGKA'T WAWAKASAN
NIYA, OO, ISANG
KAKILAKILABOT NA WAKAS,
NILANG LAHAT NA
NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”




Binanggit pong muli na buong lupain.At kakilakilabot pa na wakas. tanung na naman ng ilan. Baka babangOnin pang muli ni JEHOVA para tirhan ng nalalabing matatapat. Ating sasagotin narito po :



Isaias 24:19-20
“Ang
daigdig ay tuluyang
mawawasak
, sa lakas ng uga
ito'y mabibiyak. Ang lupa'y
tulad ng lasenggong pasuray-
suray at kubong maliit na
hahapay-hapay, sa bigat ng
kasalanang kanyang
tinataglay, tiyak na babagsak
ang sandaigdigan at hindi na
babangon
magpakailanman.” [ MB]


Tiniyak na po mula sa mga hula na talagang ang mangyayaring katapusan ay talagang di na babangong muli.Mali po na isipin bilang tunay na alagad ang ganitong isipan, bakit anu ba ang datat nasain ng mga matuwid na alagad tungkol dito? narito :



Hebreo 11:16
“NGUNI'T
NGAYON AY NAGNANASA
SILA NG LALONG MAGALING
NA LUPAIN, SA MAKATUWID
BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya
hindi sila ikinahihiya ng Dios
na tawaging Dios nila;
sapagka't kaniyang
ipinaghanda sila ng isang
bayan.”



Ipaghahanda na Sila ng bagong bayan. . Lalong magaling na lupain. Anu pala ang talagang dahilan bakit magkakarun ng bagong Langit at lupa ? narito :



Apocalypsis 21:1-4
“At nakita ko ang isang bagong
langit at ang isang bagong
lupa : sapagka't ang unang
langit at ang unang lupa ay
naparam; at ang dagat ay wala
na.”


“At nakita ko ang bayang banal ,
ang bagong Jerusalem, na
nananaog mula sa langit buhat
sa Dios, na nahahandang gaya
ng isang babaing kasintahan
na nagagayakang talaga sa
kaniyang asawa.”

“At narinig ko ang isang
malakas na tinig na mula sa
luklukan, na nagsasabi,
Narito, ang tabernakulo ng
Dios ay nasa mga tao,
at siya'y mananahan sa
kanila, at sila'y magiging mga
bayan niya, at ang Dios din
ay sasa kanila, at magiging
Dios nila:”

“At papahirin niya ang
bawa't luha sa kanilang mga
mata; at hindi na
magkakaroon ng kamatayan;
hindi na magkakaroon pa ng
dalamhati, o ng
pananambitan man, o ng
hirap pa man : ang mga bagay
nang una ay naparam na. “




May magandang planu po ang Dios sa sa tunay at tapat na alipin nya. Kaya po nakakalungkot isipin sa ating mga mahal na kaibigang mga Saksi ni Jehova na patuloy sa ganitong paniniwala. Sana naman po ay ma buksan ang ating mga Isipan at puso sa tamang Aral.

Sa mga pinapauna na po ni Cristo di to lahat ng tumawag na panginoon ay maliligtas.Yun lamang may karapatang tawaging mga anak ng Dios.


Sana po ay nakatulong sa mga nagsusuri.Salamat po.

ANG PINAGPAKUAN KAY CRISTO

Isa po sa mga aral ng mahal nating mga kaibigan na mga JW o Saksi Ni Jehova, ay tungkol dito sa kanilang aral po at paniniwala na Sa pagkapako ni Cristo sa krus ay Isang Pahirapang tulos lamang at hindi dalawang kahoy na ginawa bilang Krus gaya ng nasa larawan : Ito po ay bilang kanilang aral.Kaya atin nga itong susuriin.


Bago tayo maglatag ng mga talata mula sa Biblia, ay atin munang puntahan ang kanilang mga aklat ng may mga aral uko dito.At ating tingnan kung may pagbago ba sa kanilang aral.


Mula po noong una ay naniniwala po sila dito. At may dahilan sila kung bakit binago nila ang aral at paniniwalang ito.
Atin pong tunghayan mula po sa kanilang aklat

1975
Yearbook of Jehovah’s
Witnesses, sa pahina 148.

I CLICK ANG PHOTO PARA MA ZOOM


Maliwanag nating mababasa sa
Yearbook ang dahilan kung
bakit binago ng mga Saksi ni
Jehova ang kanilang paniniwala
sa krus at pinalitan ng tulos ay
dahil sa hindi na ito
ipinahintulot na gamitin ni
Rutherford ng mga kapatid,
dahil sa ito raw ay maka-
Babilonia. Samakatuwid
tahasang kinontra ni
Rutherford ang simulain ng
kanilang founder na si Charles
Taze Russel .


Malinaw din po sa atin na talagang mula sa umpisa palang naniwala na ang mga Saksi ni Jehova dito.
At nawala na ang dating Aral mula sa kanilan. Founder na si Charles Taze Russel.


Katunayang pa nga nitong mula sa kanyang Libingan ay nandun na ang nakaukit na krus.


ating e Zoom. .

Kitang kita po natin na talagang nakaukit ang mismong krus sa kanyang puntod.Katotohanang talagang mismu silay naniniwala sa panahun pa na buhay pa si Charles.


Anu pang ilang patunay na talagang naniniwala sila?mula parin
Sa kanilang aklat na

Harp of God, sa page 112, na inilathala
noong 1921



Makikita ang larawan ni Cristo na nakapako sa isang krus at hindi sa
pahirapang tulos. Isang
matibay na ebidensiya na
dating naniniwala ang mga
Saksi sa krus, narito pa ang isa:

Ang dating logo ng
Watchtower Publication ay
isang Krus na May Korona,
hindi katulad ngayon na isa
nang torre.

Eto pa ang isa, mula naman sa
kanilang aklat na

"Creation", na
inalathala noong 1927 , sa
pahina 336
ay ganito ang ating
makikitang larawan:

Hayag na hayag at kitang kita po natin ang kanilang pag amin at pag tanggap nuoN ukol sa aral na ito. Nang dahilan lamang ng Isang disisyun ng isang tao ay biglang nagbago ang Aral tungkol dito.


Puntahan naman natin ang kanila mismong Lathala na Biblia. Kanilang salin po ito. Baka po ang nagsalin lang ang naka basa at hindi pinabasa sa mga myembro nito.Ang
"New World Translation"ang Biblia
ng mga Saksi ni Jehova :

narito po:juan 20:25


Kita ninyo ang banggit “ NAILS”
o " MGA PAKO
" rin oh, sa
kanila mismong Biblia
nakalagay iyan, ang
nakapagtataka lang bakit hindi
nila iyan napansin.
Oh heto pa ang isang
ebidensiya:



Matthew 27:37
ABOVE HIS
HEAD
they put the written
notice of the accusation
against him: "This is Jesus,
the King of the Jews." [Good
News Bible]




Sa Filipino:



Mateo 27:37
SA IBABAW NG
KANIYANG ULO
, ay inilagay
nila ang isang karatula ng
akusasiyon laban sa kaniya:
“Ito si Jesus, ang Hari ng mga
Hudiyo.”




Napakaliwanag ng sinabi ng
Biblia na ang karatula na kung
saan mababasa ang mga
katagang “Ito si Jesus, ang
Hari ng mga Hudiyo.” ay
inilagay sa

IBABAW NG
KANIYANG ULO


at hindi
sinabing sa


IBABAW NG
KANIYANG MGA KAMAY


Kasi kung sa tulos siya ipinako,
hindi ba dapat ang karatula ay
nasa ibabaw ng kaniyang mga
kamay?



At gaya ng dati nakasulat din ito sa kanilang Biblia, at hindi na naman nila ito napansin seguro :

Maliwanag na hindi totoo na si Cristo ay ipinako sa isang Pahirapang Tulos,makakaya bang salagin ng kahit na sinong Saksi ni Jehova ang katotohanang ito, na
maging ang kanilang sariling
Biblia ay kanilang kinontra?


Masasabi ba nating relihiyong
sa Diyos ang Nagpapapalit-
palit at nagpapabago-bago ng
aral na itinuturo?


Ano ba sabi ng Panginoong
Diyos tungkol sa ganitong
gawain?


Kawikaan 24:21-22
“ Anak ko,
sa PANGINOON at sa hari ay
matakot ka, sa mga PABAGU-
BAGO ay huwag kang
makisama. Sapagkat biglang
dumarating mula sa kanila
ang kapahamakan, at ang
pagkawasak na nagmumula sa
kanila ay sinong
nakakaalam?” [ Ang Bagong
Ang Biblia ]



Talagang hindi po katanggap tanggap ang ganitong uri ng Aral. .malinaw na ito ay labag sa Dios. Sapagkat Aral lamang ito na tao.

Colosas 2:22-23
"Ang lahat ng alituntuning
ito ay masisira sa paggamit,
palibhasa'y mga utos at mga
aral lamang ng tao. Ang mga
bagay na ito'y mayroong
anyo ng karunungan sa
pagsambang ayon sa sariling
kagustuhan, sa
pagpapakababa, at sa
pagpapahirap sa katawan,
ngunit wala silang kabuluhan
laban sa kalayawan ng
laman" (Ang Bagong Biblia ).




Kaninung gawain ang ganitong mga aral ng tao

Tito 1:14 “Na huwag
mangakinig sa mga katha
ng mga Judio, at sa mga
utos ng mga tao na
nangagsisisinsay sa
katotohanan.”



Sanay may naliwanagan at nakatulong salamat.

Biyernes, Enero 10, 2014

LOGO ng IGLESIA NI CRISTO

May katanungan po sa amin ang ilan sa mga di INC tungkol sa logo kung anu ba talaga ito o ang nasa likod nito.

Halata namang talagang humahanap lang ang ilan para makitaan ang Iglesia Ni Cristo ng mali.Dahil seguro sa wala nang makitang iba kaya dito nalang sila bumanat. .Atin munang suriin,ano ba ang tinatawag na LOGO



Logo



A logo is a graphic mark
or emblem commonly
used by commercial
enterprises, organizations
and even individuals to
aid and promote instant
public recognition. Logos
are either purely graphic
(or are composed of the name of
the organization (a logotype or wordmark)


Source :
en.m.wikipedia.org/wiki/Logo


Malinaw po na ito ay para tumukoy sa isang samahan at isang Organisayun.Ito ay may mga design.Anu naman ang Logo desgn?



Logo Design

Logo design is an
important area of graphic
design, and one of the
most difficult to perfect.
The logo (ideogram), is the
image embodying an
organization. Because
logos are meant to
represent companies'
brands or corporate
identities and foster their
immediate customer
recognition, it is
counterproductive to
frequently redesign logos.
Color is considered
important to brand
recognition, but it should
not be an integral
component to the logo
design, which could
conflict with its
functionality. Some colors
are formed/associated with
certain emotions that the
designer wants to
convey. For instance loud
primary colors, such as
red, are meant to attract
the attention of drivers on
highways are appropriate
for companies that require
such attention. In the
United States red, white,
and blue are often used in
logos for companies that
want to project patriotic
feelings. Green is often
associated with the health
and hygiene sector, and
light blue or silver is often
used to reflect diet foods.
For other brands, more
subdued tones and lower
saturation can
communicate reliability,
quality, relaxation, or
other traits.

source from :
en.m.wikipedia.org/wiki/Logo



Ang logo ay kadalasan may pinatungohan,anu ba ang Kagamitan ng LOGO

To understand what a logo
is, we must first
understand what it is for.
A logo is for…
identification .
A logo identifies a
company or product via
the use of a mark, flag,
symbol or signature. A
logo does not sell the
company directly nor
rarely does it describe a
business. Logo’s derive
their meaning from the
quality of the thing it
symbolises, not the other
way around – logos are
there to identify, not to
explain. In a nutshell,
what a logo means is more
important than what it
looks like.
To illustrate this concept,
think of logos like people.
We prefer to be called by
our names – James,
Dorothy, John – rather
than by the confusing and
forgettable description of
ourselves such as “the guy
who always wears pink
and has blonde hair”. In
this same way, a logo
should not literally
describe what the
business does but rather,
identify the business in a
way that is recognisable
and memorable.
It is also important to note
that only after a logo
becomes familiar, does it
function the way it is
intended to do much alike
how we much must learn
people’s names to identify
them.
The logo identifies a
business or product in its
simplest form

Source  :
justcreative.com/2010/04/06/branding-identity-logo-design-explained/#logo



Ano ang dapat natin malaman sa pag desenyo ng Isang logo



Before you design a logo,
you must understand what
a logo is, what it and what it is
supposed to do. A logo is
not just a mark – a logo
reflects a business’s
commercial brand via the
use of shape, fonts, colour,
and / or images.
A logo is for inspiring
trust, recognition
and
admiration for a company
or product and it is our
job as designers to create a
logo that will do its job.
One must know what a
logo is before continuing.
Now that you know what
a logo is supposed to do,
and what it should
represent you now must
learn about what makes a
great logo aka; the basic
rules and principles of
effective logo design.

1. A logo must be simple
A simple logo design
allows for easy
recognition and allows the
logo to be versatile &
memorable. Good logos
feature something
unexpected or unique
without being overdrawn.

2. A logo must be
memorable
Following closely behind
the principle of simplicity,
is that of memorability.
An effective logo design
should be memorable and
this is achieved by having
a simple, yet, appropriate
logo.

3. A logo must be
timeless
An effective logo should be
timeless – that is, it will
stand the test of time. Will
the logo still be effective
in 10, 20, 50 years?

4. A logo must be
versatile
An effective logo should be
able to work across a
variety of mediums and
applications. For this
reason a logo should be
designed in vector format,
to ensure that it can be
scaled to any size. The
logo must work in just one
colour too.

5. A logo must be
appropriate
How you position the logo
should be appropriate for
its intended purpose. For
example, if you are
designing a a logo for
children’s toys store, it
would be appropriate to
use a childish font & color
scheme. This would not be
so appropriate for a law
firm.

source from :
justcreative.com/2010/04/06/branding-identity-logo-design-explained/#logo


Malinaw po sa ating pagsusuri na ang LOGO ay para lamang makikilala ang isang bagay,parte o  Isang samahan o Organisasyon.Hindi ito nangangahulugan na ang LOGO ay para malaman ang kabuuan o pangkalahatang kahulugan ng isang samahan..
Mula palang sa kalsada, makikita na natin ng ibat ibang uri at desenyo ng mga LOGO para malaman ang tinutokoy nito,pero  di natin alam kung anu talaga ang nasa unahan o loob nito.

Kaya bilang INC. May sarili din kaming pagpapaliwanag o desenyo ukol dito. Kadalasan ang nakakaunawa nito ay ang mismung mga samahan membro lamang.

Ang ng Iglesia Ni Cristo ay may pagdedesenyo naman na tinutokoy kung saan ito inuuri.Ito ang mga paliwanag na pinakamalapit na pagkakilala,pero hindi ito ang pinaka Angkop na pangkalahatang kahulugan nito.



Dove (Kalapati) - the Holy Spit
that guides the Church (ang
Espiritu na pumapatnubay sa
Iglesia)

Torch(sulo) - light of salvation
(ang ilaw ng kaligtasan)

Crown (Korona) - God that must
reign in all (ang Diyos na dapat
makapaghari sa lahat)

Scales (Timbangan) - God's
righteousness in salvation (ang
katuwiran ng Diyos sa pagliligtas

Note: This is not a
compass, take note of the two
weights on each side.

Lamb(Kordero) - The Lord Jesus Christ, the owner of the Church (Ang Panginoong Jesucristo na Siyang may ari ng Iglesia)

Book and Scrolls (Aklat at mga balumbon) - the Bible or the Holy Scriptures (ang Biblia o ang Banal na Kasulatan)


Triangle (tatsulok) - the three
corners (ang tatlong sulok ng
lupa): the Far East; the North
(that Protestantism was the
fulfillment); and the South (that
Catholicism was the fulfillment)

Rays at Clouds- glory
(kaluwalhatian)

The Colors: Green (faith), White (hope) and Red (love), the three great things written in I Cor.13:13.


Mga dapat malaman :


1.Di po porke may pagka pareho ng iba tulad nalang ng mga kulay ,di ito nangangahulugan na sinunud o kinopya ng INC.Pareho nalang ng templo ni Solomon,Bago ang pagkabuo ng templo,ay ang mga paganO na malapit na bansa ng Israel ay may mga templo na ng kanilang mga dios.Pero di ito nangangahulugan na kinopya na ni Solomon.

2. ang mga logo ay sa pagkasabi ko na nga sa taas,ito ay nagdepende nga sa kung sino ang gumit nito. Tulad nalang watawat ng america. Ang 50 bituin ay sumisimbolo ito ng 50 states ng U.S. At ganun din sa  pilipinas na may tatlong bituin na sumasagisag sa tatlong pangunahing Isla.Ang luzon,visayas,mindanao.Kaya tulad nalang ng Iglesia Ni Cristo na may sariling kahulugan nito.



_____________________________________

Makikita po natin kung anu ang kunting pagpapaliwanag sa LOGO ng INC. Pero pansin parin namin na maraming nanunuligsa sa INC , unang una na ang mga KATOLIKO nito,anu ang kanilang banat dito?

tulad nalang daw ng kulay nito.green,white,red. . Sa italy nga daw kinopya.




Italy lang kaya ang gumamit ng ganyang kulay? ^__^

Narito po ang ilan sa mga gumamit ng kulay.

Search :
en.m.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_colors_of_national_flags#Red.2C_white.2C_and_green

Malinaw po na kung papalabasin nila na kopya daw, ay marami nga silang masasagasaan ng mga paratang. .

Anu pa ang kanilang tulgsa?

Freemasonry nga daw ang INC .satanic nga daw. .Ang paratang nila kaya ay tunay? .mamamaya sa baba patunayan natin ang may satanic logo ang symbols.

Sa totoo lang kung ating makikita,may mga larawan silang ginawa para ikumpara at makaganira.
Gusto nyu malaman kung panu nila ginawa ito?narito ang mga gawa gawa nilang picture para lamang makapanira.


http://i17.tinypic.com/2crau1e.jpg
http://i11.tinypic.com/2eaksn9.jpg
http://i14.tinypic.com/486xmip.jpg
http://i16.tinypic.com/4h7l1n8.jpg
http://i10.tinypic.com/4bds5ye.jpg
http://i19.tinypic.com/3ywk9qx.jpg

Nakakatawa naman ang mga gawa gawa nilang mga larawan. Kung ating tingnan,napakalayo kung ikukumpara. .

Anu ang paliwanag ng mga nagsusuri dito?anu ang sabi ukol sa Freemasonry?
narito :

Both contain a pair of
compasses. The use of the
compasses by Masonic
organizations predates the
founding of the Iglesia ni
Cristo by about.
Unlike the founders of the
Mormon Church, the
founder of Iglesia ni Cristo
did not appear to have
been a Freemason, and
since Freemasonry is not a
religion
and does not have
a religious agenda, there
would have been no
reason to incorporate a
Masonic symbol into the
church logo.

It is likely just a
coincidence.

source :
wiki.answers.com/Q/Why_is_the_logo_of_Freemasonry_and_Iglesia_ni_Cristo_similar

Marami po ang nagpapatunay at nagpahayag na mali ang isipin na ito ay kopya kopya ng INC at ang INC ay satanic.

kung satanic ba ang INC.dahil sa mga paninira nila tungkol sa mga gawa gawa nilang mga larawan. .aaminin kaya nilang Satanic sila?
narito ang mga larawan mula sa kanila :

www.whale.to/c/churches_ill.html

amazingdiscoveries.org/albums/a/9/Ecumenism

en.m.wikipedia.org/wiki/Eye_of_Providence

At pati narin ang gumamit ng U.S.A dollar ay satanic narin?




Kaya po.malinaw kung anu lamang ang layunin ng kanilang samahan para lamang makakuha ng paraan na makatuligsa sa loob ng Iglesia Ni Cristo.Kung hahatol kayo na satanic ang INC. Sana yun angkop at tama lamang.Dahil ang Aral sa loob ng INC ay walang mali,kung hahatolan ninyu agad ang Iglesia Ni Cristo, may paunang payo na sa inyu.

anu ang turo ng biblia sa ganitong uri ng tao?
narito po.:



Roma 14:12-13
"  Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.
Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa."


Babalik at babalik parin sa kanila yang paninira nila. .anu pa?

mateo 7: 1-5
"Huwag kayong
humatol, nang kayo'y di hatulan.
2Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na
ginagamit ninyo sa iba.
3 Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo
pinapansin ang trosong nasa iyong mata?
4 Paano mong masasabi sa
iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong troso ang nasa mata mo?
5 Mapagkunwari!
Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang
puwing ng iyong kapatid.


Sanay naging malinaw sa lahat salamat

Huwebes, Enero 9, 2014

Ang payo ng Dios saIkaliligtas

Iniisip at ang paniniwala ng karamihan ay basta't may pinaniwalaan ka lang ligtas na agad.Ang iba pa lahat daw ng tao ligtas naman daw.marami tayong susuriin na dahilan at tiyakin natin kung ano ba talaga ang katuruan ng Dios ukol dito.



Ang mga tanong na sasagutin ng
paksang ito:




1. KUNG ANG INC LANG ANG
MALILIGTAS SA ARAW NG
PAGHUHUKOM PAANO MALILIGTAS ANG MGA BANSA AT MGA BAYAN NA HINDI PA NAAABOT O NARARATING NG PANGANGARAL NG INC LALO NA ANG NABUHAY AT NAMATAY NOONG DI PA ITO MULING IBINABANGON SA
"SIKATAN NG ARAW" AT "MGA
WAKAS NG LUPA"?



Yan po ang minsan nang natanong at naisip ng ilan sa ating mga mahal na kaibigan na wala pa sa INC o Iglesia Ni Cristo.Ang pagkamatay daw ni Cristo lahat naman daw ng tao ang sinakop n. kanyang pagsakripisyo at pagliligtas.Narito ang unang talata ating basahin :



"Sapagkat ang lahat ng
nangagkasala ng WALANG
KAUTUSAN ay mangapapahamak
din naman ng walang kautusan:
at ang lahat na nangagkasala sa ILALIM NG KAUTUSAN ay sa
kautusan din sila
hahatulan." (Roma 2:12)





Dito pa lang po ay makikita
na HINDI TOTOO na nasakop ng
dugo ni Cristo ang sanlibutan...
dahil kung gayon, ay wala na
sanang hahatulan pa. Subalit kahit
ano pang isipin ng tao... ang
KATARUNGAN NG DIYOS ay siyang mananaig sa takdang araw.Isa pang tanung narito :





2. PAANO ANG MABABAIT AT
MATULUNGING HINDI INC?SALIGAN BA ITO NA SA IKALILIGTAS?





"Sapagkat nasusulat, iwawalat
ko ang karunungan ng marurunong, at isasawala ko
ang kabaitan ng mababait."
(ICor. 1:19)




Mabuting katangian ang
maging "mabait" at "matulungin"
sa kapwa ngunit hindi ito ang
saligan sa kaligtasan sa araw ng
paghuhukom.


3. HINDI BA
NANGANGAHULUGANG MAY
PAGTATANGI ANG DIYOS KUNG ANGMGA KAANIB LANG SA INC ANG MALILIGTAS?





"At binuka ni Pedro ang
kaniyang bibig, at sinabi, Tunayngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao."
(Gawa 10:34)




Hindi kailanman nagtatangi ang
Dios. Kung gayon, bakit may
maliligtas at may mapapahamak?
TAMA. Pero huwag kalimutang ang
Dios ay makatarungan. Ang Dios ay nagtakda ng wastong paraan ng
pagliligtas. Ang paraang ito ang
siyang dapat sundin ng sinumang
ibig maligtas.




"At sa ganito'y nalalaman natin
na siya'y ating nakikilala, kung
tinutupad natin ang kaniyang
mga utos." (I Juan 2:3)





Napakahalaga ng pagsunod sa utos ng Dios. Ang taong ayaw pasakop sa tuntuning ito, kahit nagsasabing siya'y kumikilala sa Diyos, ay sinungaling at ang katotohanan ay wala sa kaniya:





"Ang nagsasabing, Nakikilala ko
siya, at hindi tumutupad ng
kaniyang mga utos, ay
sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya." (I Juan 2:4)





"Sapagkat ito ang pag-ibig sa
Dios, na ating tuparin ang
kaniyang mga utos: at ang
kaniyang mga utos ay hindi
mabibigat." (I Juan 5:3)





Ang isa sa utos ng Diyos para sa
paraan ng kaligtasan ay yaong
ipinahayag ng Panginoong Jesus:



"AKO ang PINTUAN; sinumang
PUMASOK sa KAWAN sa
pamamagitan ko ay MAGIGING
LIGTAS." (Juan 10:9, REV)




Ang KAWAN ayon sa KASULATAN:



"Ingatan ninyo kung gayon ang
inyong mga sarili at ang BUONG
KAWAN na rito'y HINIRANG
KAYO, upang pakanin ang
IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng KANIYANG DUGO." (Gawa 20:28, Lamsa)





Bakit sa ibang bible eh iglesia ng
Diyos ang nakalagay? Ito ay maling pagsasalin dulot ng kanilang paniniwala, dahil sa ang Tunay na Diyos ay ESPIRITU sa kalagayan -WALANG MATERYAL. DI NAKIKITA - LALONG WALANG DUGO. SA IISANG DIYOS NA TUNAY. Kung hindi susundin ng tao ang ipinagagawa sa kaniya ng Tagapagligtas ay wala na siyang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili kung hindi siya
maligtas:



"Kung HINDI sana ako
NAPARITO at NAGSALITA sa
kanila, ay HINDI SILA
MAGKAKAROON NG KASALANAN:
datapuwa't NGAYO'Y WALA NA
SILANG MAIDADAHILAN SA
KANILANG KASALANAN."
(Juan 15:22)





Ang Panginoong Diyos ay
HINDI NAGTATANGI ngunit SIYA'Y
MAKATARUNGAN. Hindi Niya
ililigtas ang ayaw pasakop sa
Kaniyang KAUTUSAN. TUNAY. Ang iglesia ay hindi magliligtas... subalit ITO ANG ILILIGTAS ng
TAGAPAGLIGTAS na si CRISTO JESUS.Si Cristo ang ULO at ang IGLESIA ang KATAWAN. Ang isang BAGONG TAO. Kaya nga "KATAWAN NI CRISTO" o "IGLESIA NI CRISTO" (Col. 1:18)



At dito ang kaligtasan.Dito ang paraan kung saan idadagdag ng Dios Araw Araw ang mga dapat maligtas.


Acts 2:47
" Praising God, and having favour with all the people. And the Lord added to the church daily such as should be saved."



sa filipino:


Gawa 2:47
"Nagpupuri sa Dios,at nangagtamo ng paglingap.At idinaragdag ng panginoon sa IGLESIA araw araw ang mga dagat maligtas"(KJV)



Mahalaga ang Iglesia.Sapagkat dito lamang ang paraan kung saan ipinapasok at tinatawag ng Dios ang mga dapat maligtas.