Lunes, Setyembre 15, 2014

Tawag ng Dios ang pagkaministro




ISANG OKASYONG dapat ipagpasalamat sa Dios ng buong Iglesia ang pagsapit ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng COLLEGE OF EVANGELICAL MINISTRY (CEM) mula noong Setyembre 16, 1974 sa pamamagitan at pangunguna ng Kapatid na Erano G. Manalo, ang paaralan ng pagkaministro sa Iglesia ni Cristo. Nararapat lamang na gawin natin ito sapagkat napakahalagang papel ang ginagampanan ng paaralang ito sa gawain ng Iglesia.

Kasabay ng pagbangon ng mga lokal sa iba't ibang dako ng pagbangon din ng pangangailangan para sa marami pang ministro. Ang pananampalataya at ang pangangailangang espirituwal ng lumalagong BILANG NG MGA KAPATID ay nangangailangan ng masinop na pangangalaga. Sa pamamagitan ng CEM ay patuloy na nakakapagtindig ng mga magiging ministro na mangangasiwa sa LUMALAWAK na gawain ng IGLESIA NI CRISTO sa iba't ibang panig ng mundo.

Gayundin naman, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaligtasan ay kinakailangang itaguyod nang buong giting at buong sikap. Sa pamamagitan ng pagkasangkapan ng Diyos sa mga ministro at mga manggagawa ay dumarami ang mga taong nagbabalik-loob sa Kaniya, upang sa Kaniya magpasalamat at sumamba sa halip na sa mga HINDI TUNAY na diyos. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo:


2 Corinto 1:11
" Kayo naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin; upang DAHIL SA KALOOB na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin. "


Maliwanag ang sinasabi ng Biblia kung sino ang mga taong kinasangkapan ng Diyos upang ang mga taong tumalikod sa Kaniya ay makakapagbalik-loob at maligtas. Sila ang mga ministrong halal ng Diyos:


Gawa 26:16-18
" Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang IHALAL KITANG MINISTRO at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;
Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita,
Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. "


Marami pang manggagawa ang kailangan sa bukirin ng Panginoon sa panahong ito at sa hinaharap pa, at ito'y nagpapagunita sa atin sa itinatagubilin ng ating Panginoong Jesucristo sa mga alagad Niya:



Mateo 9:37-38
" Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.
Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin. "


Sa panginoon natin ito dapat idalangin sapagkat Siya ang tunay na tumatawag at naghalal ng Ministro sa Kaniyang bayan. Gaya ng nakasulat:


Hebreo 5:4
" At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung TAWAGIN SIYA NG DIOS, na gaya ni Aaron. "


Dahil sa tulong at tagumpay na ipinagkaloob ng Diyos sa paaralang ito ay naipagpatuloy ang paghubog, pagtuturo, at pagsasanay sa mga tumugon sa Kaniyang tawag upang maging ministro sa Kaniyang bayan.


Ang larawan ay kuha noong April 7-8,CEM National Conference & Faculty Training, sa Pangunguna ng Kapatid na Eduardo V. Manalo


Kaya mahalagang maunawaan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo lalo na ng mga kabataang lalaking nagtataglay ng mga katangiang nakakatugon sa hinahanap ng isang magmiministro , kung anong uring tungkulin ang pagkaministro.

Si Apostol pablo, na isang magiting na ministro sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay may napakataas na pagkilala sa tungkuling ito. Para sa kaniya, ito ay isang kaloob na biyaya ng Diyos:


Efeso 3:7
" Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. "


At dahil sa napakataas na pagkilala ni Apostol Pablo sa tungkuling pagkaministro, ang pakiramdam niya'y napakaliit at napakababa niya para pagtiwalaan ng ganitong tungkulin. Ang sabi pa niya'y, :


Efeso 3:8
" Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo "


Kung pag-aaralan natin ang buhay at ministeryo ng Apostol Pablo ay hindi maaaring hindi makatawag ng ating pansin ang napakaraming tiising dinanas niya sa pagtupad ng tungkulin. Subalit hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagtugon sa tawag ng Diyos. Manapa, ang sabi niya'y :


1 Timoteo 1:12
" Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya "


ITO RIN ANG DAMDAMIN ng maraming ministro ng Iglesia ni Cristo maging sa kasalukuyang panahon. Nagtanggi man sila ng sarili; namuhunan ng PAGPAPAKASAKIT, PAGPAPAGAL at PAGPUPUYAT; NAGTIIS man ng PAG-UUSIG, PANINIRANG-PURI at KAHIRAPAN, ay maligaya at nagagalak ang kanilang puso sa pagtupad ng ministeryo sapagkat ang tungkuling ito ay KALOOB NG DIYOS. Alam nila kung gaano kahalaga sa harap ng Diyos at sa kapakanan ng sanlibutan ang tungkuling ipinagkaloob sa kanila. Kaya maraming mga magulang na Iglesia ni Cristo ang naghahangad na ang kanilang anak ay makabilang sa banal na ministeryo at matupad ang sinasabi ng Biblia na:


1 Corinto 12:31
" Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob....."


Kailanman man ay hindi mawawalan ng kabuluhan ang mg gawa para sa Panginoon ng mga ministro sapagkat sila na kinakasangkapan upang pangalagaan ang KAWAN ng Diyos ay makaaasang pagkahayag ng Pangulong Pastor ay magsisitanggap ng hindi nasisirang putong ng kaluwalhatian:

1 Pedro 5:4
" At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian. "


NAPAKADAKILA ng tungkuling pagka minstro sa loob ng tunay na Iglesia. Ang Diyos ang tumatawag at naghalal sa kanila. Higit na mahalaga ito sa alinmang tungkulin sa ibabaw ng lupa na ang naghahalal lamang ay ang mga tao.

Walang komento: