Linggo, Setyembre 28, 2014

Nakapunta daw sa HELL si Cristo ayun sa SAKSI NI JEHOVA?





Isang kakila-kilabot na Aral na mula sa Saksi ni Jehova, na si Jesus umano ay nakapunta sa HELL o IMPIERNO. Paano nila Ito INUNAWA?

Sheol = hell

Ito-ito raw ay Iisa lamang. Paano nila ito inunawa? Sila ay gumamit ng mga sumusunod na talata mula SA KJV, upang palitawin na magkatulad ang Salita na ginamit. Unahin muna natin sa Tagalog:


Awit 16:10
" Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa SHEOL; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. " [Ang Biblia]


Dito ay Mababasa natin na "SHEOL", kaya, upang gawing nilang PAREHO ang KAHULUGAN, ay sinipi ito mula sa SALIN NG KJV(King James Version) :


Psalms 16:10
" For thou wilt not leave my soul in HELL; neither wilt thou suffer thine Holy One to see corruption."[KJV]


Dito sa SALIN NG KJV, ay HELL ang kinaroroonan ng KALULUWA. Kaya, malinaw daw na si Cristo man ay napasa IEMPERNO din ng mamatay ito. Ganito nila iniugnay sa salin parin ng KJV sa tagalog na :


Gawa 2:27, 31
" Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa HELL, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa HELL, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. "[ KJV]


Kaya, SAGOT at conclude agad sila na "TAMA" IISA nga ang kahulugan, at totoong si Cristo nga Ay napasa IMPIERNO ang kaluluwa ng namatay. Ganoon din daw ang mga tao namatay ay nasa HELL na o SHEOL.


Ngayon ating sisiyasatin ang mga bagay na ito kung wala bang salungatan na nangyayari at pagkakamali ng pagkaintindi, at tiyakin natin na TAMA BA ANG salin ng KJV sa pagkakaliwat ng salita? Ano ba ang KAHULUGAN ng SHEOL ayun sa BIBLIA rin?


Narito ang kahulugan ng SHEOL=LIBINGAN.


Bilang 16:33
" Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa SHEOL: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan. "


1 Samuel 2:6
" Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang NAGBABABA SA SHEOL, at nagsasampa. "


1 Hari 2:6
" Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa SHEOL. "


Job 7:9
" Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa SHEOL ay hindi na aahon pa. "


Awit 49:14
" Sila'y nangatakda sa SHEOL na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay MAPAPASA SHEOL upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. "


Awit 88:3
" Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol "


Kawikaan 9:18
" Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol."



Malinaw na ang SHEOL ay tumutukoy ito sa mundong mga patay o dakong LIBINGAN. Kung saan doon din ang tinatawag na HUKAY:


Ezekiel 31:16
" Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa SHEOL na kasama ng nagsibaba sa HUKAY; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. "


Isaias 38:18
" Sapagka't hindi ka maaring purihin ng SHEOL, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa HUKAY ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan."


Isaias 14:15
" Gayon ma'y mabababa ka sa SHEOL, sa mga kaduluduluhang bahagi ng HUKAY.


Ngayon ay Malinaw na Sa Atin na ang SHEOL ay DAKO NG MGA PATAY[libingan]. Puntahan naman natin ANO ANG KAHULUGAN NG HELL ano ang mayroon dito?


Ganito naman ang ating mababasa


Mateo 18:9
" At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa APOY NG IMPIERNO. "



Marcos 9:43
At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa IMPIERNO, sa APOY NA HINDI MAPAPATAY. "


Kung babasahin sa SALIN na INGLES ay HELL ang KATUMBAS ng IMPIERNO. At ang sabi ng BIBLIA, ito ay may "APOY NA DI NAMAMATAY". Ano pa?


Mateo 23:33
" Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa KAHATULAN SA IMPIERNO?


2 Pedro 2:4
" Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y IBINULID, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ILAAN SA PAGHUHUKOM"


Ang IMPIERNO o HELL ay dako kung saan doon ibubulid ang HAHATULAN sa araw ng pagHUHUKOM. At ang sabi pa ng Biblia, may "APOY NA DI MAPAPATAY o di NAMAMATAY". sapagkat ito ay Dako kung saan itatapon ang mga makasalanan bilang Parusa:




Marcos 9:43-47, MBB
" Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong PAGKAKASALA, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa IMPIYERNO, sa APOY NA HINDI NAMAMATAY. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong PAGKAKASALA, putulin mo ito! Mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang paa, kaysa may dalawang paa na mapunta ka sa IMPIYERNO. At kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong PAGKAKSALA, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na kulang ng isang mata, kaysa may dalawang matang ITAPON ka SA IMPIYERNO."


Maliwanag na ito ay ISANG DAKO kung saan ang KAHATULAN ng kasalanan na gaya ng sinabi:


" MAS MABUTING PUMASOK SA KAHARIAN NG DIOS NA KULANG NG ISANG MATA, KAYSA DALAWA MATA NA ITAPON SA IMPIYERNO".


Ito ay OPPOSITE sa kaharian ng Dios, ang kaharian ng Dios ay kaligtasan o ang mamanahin ng mga maliligtas, GANITO INIHALINTULAD ang tao sa pagbabalik ni Jesus bilang TUPA(maliligtas), KAMBING(mapapahamak):


Mateo 25:33-34
" At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.
Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa NANGASA KANIYANG KANAN, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, MANAHIN NINYO ANG KAHARIANG NAKAHANDA sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan. "


Ang TUPA ay paroroon sa KAHARIAN ng DIOS(maliligtas). Paano ang mga inihalintulad naman sa kambing na nangasa kaliwa? Saan sila paroroon?



Mateo 25:41
" Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga NASA KALIWA, Magsilayo kayo sa akin, kayong MGA SINUMPA, at PASA APOY NA WALANG HANGGAN na INIHANDA SA DIABLO at sa kaniyang mga anghel "

Ang mga KAMBING kung paano inihalintulad ang mga hindi maliligtas kasama ng Diablo ay may SUMPA doon sa APOY NA WALANG HANGGAN, DAGATDAGATANG APOY(Hell of Fire) :




Kailan lamang ba magkakaroon o mag exist ang dagatdagatang Apoy o HELL,IMPIERNO?


Apoc. 20:5, 9
" Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang ISANG LIBONG TAON. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. "
" At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at BUMABA ANG APOY MULA SA LANGIT, at sila'y NASUPOK. "



Ang Apoy na sususpok sa di maliligtas at sa Diablo ay mula sa LANGIT NA BABABA, matapos maganap ang 1000 taon, mula ng mangyari ang pagparitu ni Cristo at sa unang pagkabuhay. Kaya, ang lahat ng kasama sa ikalawang pagkabuhay kasama ang Diablo ay itatapon doon sa APOY NA WALANG HANGGAN at Pahirapan Magpakailan kailanman. (APOC.12:8-9;20:9-10,14 ).

Sa kabuuan ng Pangyayri at magaganap sa ARAW NG KAWAKASAN ay maari ninyong bisitahin:

VISIT HERE

Sa ating natunghayan, malinaw na ang mga salita na ginamit doon sa salin ng KJV na HELL ay isang maling pagkakagamit sapagkat, napakalinaw na SALUNGATAN ang kahihinatnan ng mga kahulugan. Hindi dapat na gawin iyong magkatulad na kahulugan sa SHEOL sapagkat ang SHEOL, ay " DAKO NG MGA PATAY(libingan), at ang HELL ay " DAKO NG KAPAHAMAKAN".


Ngayong ALAM na natin ang KAIBAHAN. Puntahan naman natin ang kahulugan ng talata na kanilang iniugnay kay Cristo.


Gawa 2:27, 31
" Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa HADES, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa HADES, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. [ Ang Biblia]


Sa KJV ay HELL. MALINAW at TIYAK na Mali ang pagkakagamit na naman ng Salita sapagkat, magkatulad ang kahulugan mula sa AWIT 16:10


Awit 16:10

" Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa SHEOL; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. "


Subalit, bakit HADES ang salita na Ginamit sa Bagong Tipan? Ano ba ang paniniwala rito ng mga Skolar lalo na ng nagsipagsalin?


" Sheol" in the Hebrew Bible, and " Hades" in the New Testament . Many modern versions, such as the New International Version , translate Sheol as "grave" and simply transliterate "Hades". It is generally agreed that both sheol and hades do not typically refer to the place of eternal punishment, but to the grave, the temporary abode of the dead, the underworld .[2] " Gehenna " in the New Testament, where it is described as a place where both soul and body could be destroyed ( Matthew 10:28 ) in "unquenchable fire" ( Mark 9:43 ). The word is translated as either "hell" or "hell fire" in English versions "


Source:

http://en.m.wikipedia.org/wiki/Christian_views_on_Hell


Ayon sa Kanila, Ang "Sheol" ay Hebrew word at ang "hades" naman ay sa new testament(greek), Ito ay hindi tumutukoy sa WALANG HANGGANG PARUSA kundi sa LIBINGAN. At ang tinutukoy na WALANG HANGGANG APOY o HELL ay ang "GEHENNA".


Bigyan natin ng patotoo at kaibahan at ikumpara natin ang BAWAT SALITA NA GINAMIT


MAR.9:43

Mark 9:43 And if thy hand offend thee, cut it off: it is better for thee to enter into life maimed, than having two hands to go into HELL, into the fire that never shall be quenched [KJV]


Marcos 9:43
" At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa IMPIERNO, sa apoy na hindi mapapatay. "[ANG BIBLIA]


ΜΑΡΚΟΝ 9:43 και εαν σκανδαλιση σε η χειρ σου αποκοψον αυτην καλον εστιν σε κυλλον εισελθειν εις την ζωην η τας δυο χειρας εχοντα απελθειν εις την "γεενναν(GEHENNA) εις το πυρ το ασβεστον [ tischendorf]


Ayun sa ating NAPANSIN, " HELL" ang ginamit sa KJV. na sa GREEK naman ay GEHENNA o "γεενναν". Suriin naman natin kung anong SALITA ang nandoon sa GAWA 2:27, kung "GEHENNA" o HELL parin ba sa greek.


ΠΡΑΞΕΙΣ 2:27, 31
" οτι ουκ ενκαταλειψεις την ψυχην μου εις αδην[ HADES] ουδε δωσεις τον οσιον σου ιδειν διαφθοραν
προιδων ελαλησεν περι της αναστασεως του χριστου οτι ουτε ενκατελειφθη εις αδην[ HADES] ουτε η σαρξ αυτου ειδεν διαφθοραν" [ tischendorf]


Sa saling Filipino:


Gawa 2:27
" Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa HADES, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa HADES, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. "[Ang Biblia]


Malinaw na ang ginamit sa salin sa greek,at sa salin ng Filipino ay magkaiba, hindi gaya sa KJV ay puro HELL ang ginamit. Malinaw na isang maling PAGKAKALIWAT ang salita na ginamit sa KJV, na dapat ay HADES hindi HELL.


Ano ang kahulugan doon sa TALATA ng Gawa 2:27,31? Ito po ay nangangahulugan,na ang mga alagad ay muling bubuhayin na gaya ni Cristo na hindi nananatili sa HADES, kundi ibinangon sa mga patay (1Tes.1:10), at hindi nanatili sa katawang may kasiraan o kabulukan kundi pinalitan ito at bibihisan ng maluwalhatin katawan(1Cor.15:54-54), Ito rin ang gagawin sa atin na gaya ng maluwalhating katawan ni Cristo(Fil.3:21).

Sana ay Nauunawaan ng Ating mga kaibigan ang katotohanang Ito na may malaking kaibahan.

Huwebes, Setyembre 25, 2014

Lord of Lords, King of Kings, Alpha and Omega





Bakit nga ba si Cristo ay tinawag na LORD OF LORDS, KING OF KINGS, at ang laging naririnig natin na Alpha at Omega? Dios na ba si Cristo dahil ito ay itinawag sa Kaniya?



Si Cristo na tinawag nito gaya ng sa AMA ay sa katunayan ginamit ng ilang teologo, LALO NA NG MGA TRINITARIANS, upang patunayan na Dios umano si Cristo. Subalit, ang nakapagtataka lamang ay HINDI ISINALI ang ESPIRITU SANTO sa bahagi ito, na sa KATUNAYAN ay naniniwala naman Sila na ang AMA,ANAK, at ang ESPIRITU SANTO ay TOTALLY EQUAL. Ganito ang Sabi ng AKLAT KATOLIKO na pinamagatang, "Richard of saint Victor on the trinity" na isinulat ni Ruben Angelici sa Pahina 134:






" Then, since all [three person] need to be EQUALLY PERFECT, all of them need to be harmonized in a supreme equality,thus all of them will have equal wisdom, equal power, glory with no disparity,equivalent goodness, [and] internal hapiness. "


Kung Gayon, dapat taglay din ito ng Espiritu Santo kung yun ang katangian ng Isang Dios. Dagdag pa rito ,kung sasakyan natin ang kanilang LOHIKA na kung itatawag sa pamamagitan parehong TITULO sa dalawa o higit pang mga taong nagbabahagi ng parehong estado ng kalagayan gaya doon kay CRISTO at sa AMA, si Pedro din ay kwalipikado na MAGING DIYOS sa parehong paraan KUNG PAANO si Cristo na sinasabi nilang Diyos, sapagkat si Pedro ay may parehong titulo na " CEPHAS" o "BATO" (Juan 1:35-42KJV) gaya ni Cristo (Gawa 4:10-11). Hindi lang iyan, maging lahat ng mga Cristiano ay Dios narin sapagkat tinatawag sila ng Biblia na "BATONG BUHAY" (1Pedro 2:4-5).


Maaring ito ay kanilang sasagutin at sasabihin na si Cristo ay "BATO" subalit iba kay Pedro at maging sa mga Cristiano. TAMA IYON, At iyon ang katotohan at malaking punto kung bakit hindi pwedeng maging Dios agad si Cristo sa DAHILAN LAMANG ng PAGTAWAG sa PAREHONG TITULO ng DIOS, ang " ALPHA OMEGA," "LORD OF LORDS, " KING OF KINGS".

Ating pag-aralan ang TITULONG ito na taglay ni Cristo.



ALPHA AT OMEGA


"Alpha at Omega", Ang una at huling mga titik ng alpabetong Griyego , Sumisimbolo sa " UNA AT HULI" .Ang nasabing pamagat ay ginagamit na pareho ng Diyos at ni Jesus , sa natatangi at magkaibang pandama na sila ay tinatawag na pareho.

Ang Panginoong Dios ay "ALPHA" sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay(1Cor.8:6). Siya naman ay "OMEGA" mula ng magtakda Siya ng araw ng paghuhukom( Gawa 17:31; 1Cor.15:28) o ang "KATAPUSAN NG SANLIBUTAN"(Mat.24:3).

Si Cristo naman ay "ALPHA" dahil Siya ang "PANGANAY NG LAHAT NG NILALANG" (Col.1:15,kjv), ng Siya ay nasa ISIP"foreknown" AT PINILI ng Dios bago paman naitatag ang sanlibutan (1Ped.1:20, Douay-Confraternity version). Siya naman ay "OMEGA" dahil sa pamamagitan Niya at Siya ang GAGANAP ng PAGHUHUKOM NG DIOS sa sanlibutan sa Araw ng Paghuhukom (2Cor.5:10).


LORD OF LORDS,KING OF KINGS


Bakit naman tinawag si Cristo na Lord of Lords at King of Kings? Ang Biblia ang nagpapaliwanag na sa pagdating ng panahon, Si CRISTO AY MAGHAHARI ng Kaniyang tatapusin at lilipulin ang lahat ng PAGHAHARI, KAPAMAHALAAN at KAPANGYARIHAN:


1 Corinto 15:24-25
" Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; PAGKA LILIPULIN NA NIYA ANG LAHAT NG PAGHAHARI, at LAHAT NG KAPAMAHALAAN at KAPANGYARIHAN. Hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. "[NKJV]


Kung ilarawan ang LORDSHIP at KINGSHIP ni Cristo ay mga pagganap sa gawain ng Dios at sa gayo'y hindi katulad na ng Dios na ang Ama. Ganito ang Sabi ng Biblia sa kasunod na talata:


1 Corinto 15:27-28
" Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ANG ANAK RIN AY PASUSUKUIN naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, UOANG ANG DIOS AY MAGING LAHAT SA LAHAT. "



Samakatuwid, ang paggamit ng TERMINONG "Alpha at Omega, Lord of Lords ,King Of Kings", kay Cristo at sa Dios ay may magkaibang pakahulugan, ang pagtuturo na Dios si Cristo dahil humahak Siya ng gayong titulo ay ang pagpapahayag ng Isang maling aral at argumento na kung tatawagin ay " maling paraan ng pagdadahilan o FALLACY OF EQUIVOCATION.

Huwebes, Setyembre 18, 2014

Aral ng Saksi ni Jehova, INVISIBLE raw ang pagbabalik ni Cristo




Nakakatawag pansin ang ARAL mula sa PANINIWALA ng SAKSI NI JEHOVA na naniniwala, na sa pagbabalik umano ni CRISTO ay nasa kalagayang HINDI MAKIKITA ng mga mata ng mga mata(invisible). Kakaiba nga ang paniniwala na ito, sapagkat kung pagbabasihan natin ang Biblia ay hindi lamang ISANG TALATA ang ating mababasa na totoong sa pagbabalik ni Cristo ay makikita siya ng mga mata. Ano ang Kalagayan ni Cristo sa Kaniyang pagbabalik? Ganito po ang Sabi ng Biblia;




Mga Gawa 1:9-11 MBB
" Pagkasabi nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa kanya, at natakpan siya ng ulap.  Sila'y nakatitig sa langit habang siya'y iniaakyat sa langit. Walang anu-ano'y dalawang lalaking nakaputi ang lumitaw sa tabi nila. Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya.”


Ayon sa Talata, NAKITA NG MGA tao ang PAGPAROON NI CRISTO sa langit, Kung paano nila nakita ang pagparoon, ay gayon rin makikita nila kung ano ang kalagayan ni Cristo sa pagbabalik.

Bago ang pag-akyat ni Jesus sa langit, ANONG KALAGAYAN ang ipinakita ni Jesus sa kaniyang mga Alagad ng Siya ay binuhay ng Dios na maguli? Ganito ang patotoo ni Jesus:


Lucas 24:39-40
" Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: HIPUIN ninyo ako, at TINGNAN; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong NAKIKITA NA NASA AKIN. At pagkasabi niya nito, ay IPINAKITA niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. "

Ang sabi ni JESUS. "HIPUIN AT TINGNAN". Samakatuwid, nakita ng mga alagad ni Jesus sapagkat ipinakita niya na Siya ay TAO PARIN AT HINDI ESPIRITU, MAY LAMAN AT BUTO na di gayang Espirituna Wala nito. Malinaw na ang kalagayan ni Jesus sa muling pagparito ay gaya rin ng kanilang natunghayan na TOTOONG TAO at HINDI ESPIRITU. Paano ang pagparitu ni Cristo? Sa paano inihalintulad NA TOTOONG MAKIKITA NG MGA MATA?


Mateo 24:27, 30
" Sapagka't GAYA NG KIDLAT na kumikidlat sa silanganan, AT NAKITA HANGGANG SA KALUNURAN; GAYON DIN naman ang PAGPARITO ng Anak ng tao.
At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, AT MANGAKITA NILA ANG ANAK NG TAO na NAPAPARITONG SUMASA MGA ALAPAAP NG LANGIT na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.


Ayon sa Ating nabasa:

"makikita na GAYA NG KIDLAT HANGGANG SA KALUNURAN"

Na ang Karugtong, makikita sa pagparitong muli:


" AT MANGAKITA NILA ANG ANAK NG TAO na NAPAPARITONG SUMASA MGA ALAPAAP NG LANGIT "


Napakalinaw po ng palatandaan ayon sa BIBLIA na ang Anak ng Tao(Jesus) ay MAKIKITA SA MULING PAGPARITO, Na Makikita naman natin MULA SA MGA ALAPAAP:



Mateo 26:64
" At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong MAKIKITA ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit. "


Marcos 14:62
" At sinabi ni Jesus, Ako nga; at MAKIKITA ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit. "




Marcos 13:26
" At kung magkagayo'y MAKIKITA nila ang Anak ng tao na napariritong NASA MGA ALAPAAP na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. "


Lucas 21:27
" At kung magkagayo'y MAKIKITA nila ang Anak ng tao na PARIRITONG NASA MGA ALAPAAP na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.


AT HIGITA SA Lahat...MAKIKITA NG BAWAT MATA.


Apoc. 1:7
" Narito, siya'y PUMAPARITONG NASASA MGA ALAPAAP; at MAKIKITA SIYA NG BAWA'T MATA, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.



Napakalinaw po ng mga palatandaan at PATOTOO ng BIBLIA. Si Cristo ay makikita sa Kaniyang muling Pagpapito Na Gaya naman kung Paano Siya nakita ng Mga Tao noon sa Kaniyang pagparoon sa Langit. NAKITA Siya ng MGA TAO sapagkat ANG TAO AY "MAY LAMAN AT BUTO, NA HINDI GAYA NG ESPIRITU NA WALA NITO "(luc.24:39)


Tao si Cristo ng Ipinanganak, Tao ng muling binuhay, tao ng pumaroon sa Langit. Baka sabihin nilang, HINDI NA TAO NG NASA LANGIT. Ating idagdag upang patotohanan na Tao parin. :


1 Timoteo 2:5
" Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang TAONG si Cristo Jesus "


Sa pagkakataon ng isulat ni Apostol Pablo ito ay NASA LANGIT NA SI CRISTO. Tao ang paniniwala Niya at HINDI ESPIRITU. Ng Nakaupo ngayon sa KANAN NG DIOS ay totoong TAO parin:


Awit 80:17
" Mapatong nawa ang iyong kamay sa TAO na iyong kinakanan. Sa ANAK NG TAO na iyong pinalakas sa iyong sarili. "


Ito ay HULA ni David ukol kay Cristo. Sa Ganito naman pinatunayan:


Lucas 20:42-43; Gawa 2:34-35
" Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa. "



Na WALANG IBA kundi si Cristo Jesus:



Hebreo 10:10, 12-13
" Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.
Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa. "



Hayag na hayag ang pagtuturo ng Biblia na Kung sa paanong paraan natin dapat kilalanin ang mga KATOTOHANANG ARAL, Sa ganitong pagkilala ay TOTOONG KILALA natin si Cristo:


Juan 10:27
" Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin "


At mga tunay na sumunod lamang kay Cristo ang tunay na kinilala Niya, at ang totoong nakakilala sa Kaniya. Maramin ma ang tumatawag sa PANGINOON, Subalit tandaanz hindi lahat ng tumatawag sa PANGINOON ay kilala niya. Gaya ng totoong pagkaalam sa kaniyang kalagayan at sa muling pagparito. Baka pagdating ng Muling pagparito ay GANITO NALANG ANG KANILANG MARIRINIG:



Mateo 7:22-23
" Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
" At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y HINDI KO KAYO NANGAKILALA: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan. "

Lunes, Setyembre 15, 2014

Tawag ng Dios ang pagkaministro




ISANG OKASYONG dapat ipagpasalamat sa Dios ng buong Iglesia ang pagsapit ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng COLLEGE OF EVANGELICAL MINISTRY (CEM) mula noong Setyembre 16, 1974 sa pamamagitan at pangunguna ng Kapatid na Erano G. Manalo, ang paaralan ng pagkaministro sa Iglesia ni Cristo. Nararapat lamang na gawin natin ito sapagkat napakahalagang papel ang ginagampanan ng paaralang ito sa gawain ng Iglesia.

Kasabay ng pagbangon ng mga lokal sa iba't ibang dako ng pagbangon din ng pangangailangan para sa marami pang ministro. Ang pananampalataya at ang pangangailangang espirituwal ng lumalagong BILANG NG MGA KAPATID ay nangangailangan ng masinop na pangangalaga. Sa pamamagitan ng CEM ay patuloy na nakakapagtindig ng mga magiging ministro na mangangasiwa sa LUMALAWAK na gawain ng IGLESIA NI CRISTO sa iba't ibang panig ng mundo.

Gayundin naman, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaligtasan ay kinakailangang itaguyod nang buong giting at buong sikap. Sa pamamagitan ng pagkasangkapan ng Diyos sa mga ministro at mga manggagawa ay dumarami ang mga taong nagbabalik-loob sa Kaniya, upang sa Kaniya magpasalamat at sumamba sa halip na sa mga HINDI TUNAY na diyos. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo:


2 Corinto 1:11
" Kayo naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin; upang DAHIL SA KALOOB na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin. "


Maliwanag ang sinasabi ng Biblia kung sino ang mga taong kinasangkapan ng Diyos upang ang mga taong tumalikod sa Kaniya ay makakapagbalik-loob at maligtas. Sila ang mga ministrong halal ng Diyos:


Gawa 26:16-18
" Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang IHALAL KITANG MINISTRO at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;
Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita,
Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. "


Marami pang manggagawa ang kailangan sa bukirin ng Panginoon sa panahong ito at sa hinaharap pa, at ito'y nagpapagunita sa atin sa itinatagubilin ng ating Panginoong Jesucristo sa mga alagad Niya:



Mateo 9:37-38
" Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.
Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin. "


Sa panginoon natin ito dapat idalangin sapagkat Siya ang tunay na tumatawag at naghalal ng Ministro sa Kaniyang bayan. Gaya ng nakasulat:


Hebreo 5:4
" At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung TAWAGIN SIYA NG DIOS, na gaya ni Aaron. "


Dahil sa tulong at tagumpay na ipinagkaloob ng Diyos sa paaralang ito ay naipagpatuloy ang paghubog, pagtuturo, at pagsasanay sa mga tumugon sa Kaniyang tawag upang maging ministro sa Kaniyang bayan.


Ang larawan ay kuha noong April 7-8,CEM National Conference & Faculty Training, sa Pangunguna ng Kapatid na Eduardo V. Manalo


Kaya mahalagang maunawaan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo lalo na ng mga kabataang lalaking nagtataglay ng mga katangiang nakakatugon sa hinahanap ng isang magmiministro , kung anong uring tungkulin ang pagkaministro.

Si Apostol pablo, na isang magiting na ministro sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay may napakataas na pagkilala sa tungkuling ito. Para sa kaniya, ito ay isang kaloob na biyaya ng Diyos:


Efeso 3:7
" Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. "


At dahil sa napakataas na pagkilala ni Apostol Pablo sa tungkuling pagkaministro, ang pakiramdam niya'y napakaliit at napakababa niya para pagtiwalaan ng ganitong tungkulin. Ang sabi pa niya'y, :


Efeso 3:8
" Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo "


Kung pag-aaralan natin ang buhay at ministeryo ng Apostol Pablo ay hindi maaaring hindi makatawag ng ating pansin ang napakaraming tiising dinanas niya sa pagtupad ng tungkulin. Subalit hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagtugon sa tawag ng Diyos. Manapa, ang sabi niya'y :


1 Timoteo 1:12
" Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya "


ITO RIN ANG DAMDAMIN ng maraming ministro ng Iglesia ni Cristo maging sa kasalukuyang panahon. Nagtanggi man sila ng sarili; namuhunan ng PAGPAPAKASAKIT, PAGPAPAGAL at PAGPUPUYAT; NAGTIIS man ng PAG-UUSIG, PANINIRANG-PURI at KAHIRAPAN, ay maligaya at nagagalak ang kanilang puso sa pagtupad ng ministeryo sapagkat ang tungkuling ito ay KALOOB NG DIYOS. Alam nila kung gaano kahalaga sa harap ng Diyos at sa kapakanan ng sanlibutan ang tungkuling ipinagkaloob sa kanila. Kaya maraming mga magulang na Iglesia ni Cristo ang naghahangad na ang kanilang anak ay makabilang sa banal na ministeryo at matupad ang sinasabi ng Biblia na:


1 Corinto 12:31
" Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob....."


Kailanman man ay hindi mawawalan ng kabuluhan ang mg gawa para sa Panginoon ng mga ministro sapagkat sila na kinakasangkapan upang pangalagaan ang KAWAN ng Diyos ay makaaasang pagkahayag ng Pangulong Pastor ay magsisitanggap ng hindi nasisirang putong ng kaluwalhatian:

1 Pedro 5:4
" At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian. "


NAPAKADAKILA ng tungkuling pagka minstro sa loob ng tunay na Iglesia. Ang Diyos ang tumatawag at naghalal sa kanila. Higit na mahalaga ito sa alinmang tungkulin sa ibabaw ng lupa na ang naghahalal lamang ay ang mga tao.

Biyernes, Setyembre 12, 2014

Ang pagkokontra-kontra ng mga CFD sa kanilang aral

Ating ilalahad sa publiko ang resulta ng pagkakabahagi ng doktrinahan sa Catholic na minsan ay nagbubunga ng kontradiksyun at salungatan sa sarili nilang aral. Ating isisiwalat at isa-isahin.

SALUNGATAN 1:



Marami sa mga CFD na itinakwil ang Ama bilang SAVIOR o TAGAPAGLIGTAS. Samakatuwid, ang kinilala lamang pala nila ay si Cristo LAMANG  ang tagapagligtas. Subalit, baka haka-haka lamang nila ito, mas maganda nang mul sa sarili rin nilang Aklat ang sasagot. Narito po ang isa sa aklat nila:


Ayun naman po pala, malinaw naman na mula sa Aklat Katoliko ay may aral na SAVIOR ang Ama.  Sabi ng Aklat, "God as Father and God as Savior". Isang kakilakilabot na Aral ang itakwil ang Ama sa ganitong Paniniwala. Ano ba ang paniniwala nila ukol sa Dios? Aklat parin nila ang ating susuriin na sagot :






Ayun sa Aklat nila , ang Dios o ang tatlong persona na kinikilala nila ay "EQUALLY PERFECT". Nangangahulugan lamang na kung SAVIOR ang ISA, dapat SAVIOR lahat. Isang aral kung saan makikita natin ang kontradiksyun sa sariling KAPATID. Hindi ba savior ang ang AMA.? Baka po hindi nila alam na si Cristo nga mismo ay nangangailangan ng PAGLILIGTAS mula sa Ama:


Hebreo 5:7
" Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá." [MBB]


Napakalinaw na si Cristo mismo ay nangangailangan ng SAVIOR, at ito ang Ama. Kaya bilang tagapagligtas ang Ama, kaniyang ipinagkaloob ang lahat ng Kapamahalaan at kapangyarihan kay Cristo(Mat.28:18; Efe.1:20-22), at Ginawa ng Dios si Cristo bilang tagapagligtas sa mga tao (Gawa2:36). Kaya, ang pagliligtas ng Ama ay ginawa sa pamamagitan ni Cristo (Jude 1:25).



SALUNGATAN 2:




Tingnan po ninyo ang Kontrahan ng Sariling pahayag niya. Nakakalungkot po lamang na Walang paninidigan sa kaniyang pahayag. Ito pa ang isa pang PAHAYAG ni Zumma na CFD.





Tingnan po ninyo ang salungatan ng mga CFD. Pero para malinawan sila, itanong ulit natin sa Aklat nila para mas lalong malaman ang salungatan. Ano ang turo ng Katoliko mula sa AKlat nila? Ito:





Ang sabi ng Aklat nila: "He became truly  while remaining truly God. Jesus Christ is true God and true man"



Ayon malinaw ang kontrahan ng CFD. Seguro hindi pa ito nasiminar o talaga lang na hindi alam ang doktrina nila. Pero alang alang sa mga nagsusuri, ANO ANG TUNAY NA KALAGAYAN ng Dios? Poseble bang TAO na, DIOS pa?


Hoseas 11:9
"  Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit. "


Ang sabi ng Dios, "AKOY DIOS AT HINDI TAO"..pero ang Sabi po ng aklat nila, "ANG DIOS AY TOTOONG TAO".

Ang linaw ng salungatan mula sa Biblia.Hindi mismo aaminin ng Dios na TAO siya, o ang TAO man ay magiging Dios, kahit pa ang puso niya ay parang Dios na.


Ezekiel 28:2
"............gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios,  iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios "


Hindi hindi po maaring sasalungatin ang Bibkia. Ito pa ang isang Salungatn


SALUNGATAN 3:




Nagkokontra kontrahan ulit ang mga CFD sa sariling doktrina. Ang Sabi ni Winnie, "LAST MESSENGER SI CRISTO". Pero ang ka baru niya, HINDI RAW DOKTRINA, At hindi turo ng CATHOLIC CHURCH. Pero ayun sa Aklat nila, Ang Apostol at ang Pari ay kinilala bilang "Messenger"





Ang Malaking magagawa sa Pagtitiwala sa Dios




Lahat ng tao ay may pangangailangan sa buhay. Lalo na kapag ito ay ukol na sa ating pagdadala ng buhay. Nasasalamuha ang mga pagsubok, kahirapan at kabaga-bagan. Sanay maging gabay ang mga Aral at talata na ito sa patuloy na ikatatatag.


I. Dapat Magtiwala sa Diyos


1. Dapat magtiwala sa Panginoon nang buong puso –

Kaw. 3:5-6 NPV
“Magtiwala ka sa PANGINOON nang buong puso at huwag kang manangan sa sarili mong karunungan; isangguni mo sa kanya ang lahat ng lakad mo, at itutuwid niya ang iyong mga landas.”


2. Sa Panginoon dapat ilagak ang mga kabalisahan – 


Awit 55:22 NPV
“Ilagak sa PANGINOON ang inyong mga kabalisahan at ikaw’y kanyang aalalayan; hindi niya itutulot na ang mga matuwid ay mabuwal.”

3. Gawin nating kanlungan ang Diyos sa panahon ng kaguluhan –

Nahum 1:7 NPV
“Ang PANGINOON ay mabuti, isang kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Ipinagmamalasakit niya ang mga nagtitiwala sa kanya.”


4. Dapat sumampalatayang may Diyos –


Hebreo 11:6 Living Bible (LB)
“Hindi ninyo kailanman mabibigyang kaluguran ang Diyos kung walang pananampalataya, nang hindi umaasa sa kanya. Sinumang nais lumapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang mayroong isang Diyos at ginagantimpalaan niya ang mga taong taos-pusong humahanap sa kanya.”


5. Dapat ipagtiwala sa Panginoon ang ating lakad –

Awit 37:5 NPV
“Ipagtiwala mo sa PANGINOON ang iyong lakad; magtiwala ka sa kanya at ito ang gagawin niya.”


6. Dapat magpakatatag sa pananampalataya– 

I Cor. 16:13 NPV
“Mag-ingat kayo, at magpakatatag sa pananampalataya. Magpakalalaki kayo at magpakalakas.”


II. Ang Magagawa ng Patitiwala sa Diyos


1. Mamahalin ng Diyos –

Isaias 30:18 MB
“Ngunit ang Diyos ay naghihintay Upang tulungan kayo at kahabagan; Diyos na makatarungan itong si Yahweh, Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.”

Awit 32:10 NPV
“Maraming kapighatian ang masasama, ngunit ang di nagmamaliw na pag-ibig ng PANGINOON ang nasa paligid ng taong nagtitiwala sa kanya.”


2. Hindi matatakot ni manlulupaypay –

Deut 31:8 NPV
“Mauuna sa inyo ang PANGINOON mismo at sasama sa inyo; hindi niya kayo tatanggihan ni pababayaan. Ikaw ay huwag matatakot ni manlulupaypay.”


3. Matatatag at giginhawa –

II Cron. 20:20
“At sila’y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila’y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalame; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo’y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo’y giginhawa kayo.”


4. Magiging matibay ang puso –

Awit 27:14 LB
“Huwag kayong mainip. Hintayin ninyo ang Panginoon, at siya’y darating at ililigts kayo! Laksan ninyo ang inyong loob, maging matibay ang inyong puso, at kayo’y maging matapang. Oo, maghintay kayo at tutulungan niya kayo.”


5. Iniingatang ligtas –

Kaw 29:25 NPV
“Ang takot ng tao ay nagsisilbing patibong, ngunit sinumang nagtitiwala sa PANGINOON ay iniingatang ligtas.”


6. May panangga at pamatay sa masama –

Efe 6:16 NPV
“Bukod dito, ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya bilang panangga, at pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng masama.”


7. Sa panahon ng bagabag,mapupuntahan
ang Diyos –

Nahum 1:7 LB
“Ang Panginoon ay mabuti. Kapag dumating ang kabagabagan, siya ang mapupuntahan! At nakikilala niya ang lahat ng nagtitiwala sa kanya!”


8. Walang kasamaang mangyayari sa
tahanan –

Awit 91:9-10
“Sapagka’t ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.”


9. Ibibigay at tiyak na tatanggapin ang
anumang hingin –

Mateo 21:22 NPV
“Kung kayo’y nananampalataya, anumang hingin ninyo sa panalangin ay ibibigay sa inyo.”

Marcos 11:24 LB
“Pakinggan ninyo ako! Maaari kayong humingi ng anumang bagay sa pamamagitan ng panalangin, at kung kayo’y sumasampalataya, tinanggap na ninyo ito; ito’y sa inyo na!”


10. Lahat ay mapangyayari –

Mateo 17:20 NPV
“Sumagot siya, ‘Sapagkat mahina ang inyong pananampalataya. Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, kung ang pananampalataya ninyo’y sinlaki man lang ng buto ng mustasa, sabihin ninyo sa bundok na itong lumipat doon, at ito’y lilipat. Lahat ay mapangyayari ninyo.”


11. May buhay na walang hanggan –

Juan 5:24 NPV
“Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, ang dumirinig sa aking salita, at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi na siya hahatulan. Lumipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.”

Awit 37:5 MB
“Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak, Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap.”


12. Magmamana ng lupain –

Awit 37:9 MB
“Ang nagtitiwala sa Diyos, mabubuhay, Ligtas sa lupain at doon tatahan, Ngunit ang masama’y ipagtatabuyan.”


13. Makakamit ang masaganang gantimpala–


Heb. 10:35 NPV
“Kaya huwag kayong mawawalan ng tiwala sa Dios at makakamit ninyo ang masaganang gantimpala.”



III. Ang Makapagtitiwala sa Diyos ay
nananatiling tapat sa pagka-Iglesia ni Cristo




1. Hinanap muna ang kaharian –

Mateo 6:33
“Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawing idaragdag sa inyo.”


… na ibinigay sa kawan –


Lucas 12:32
“Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka’t nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo’y ibigay ang kaharian.”


… na siyang Iglesia ni Cristo –

Gawa 20:28 Lamsa
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.”



2. Nananatiling dumadalo sa pagtitipon –


Heb. 10:23, 25 MB
“Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag mag-alinlangan, sapagkat tapat ang nangako sa atin. At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.”


3. Kahit may problema ay patuloy na sumasamba –


Awit 27:3-6 MB
“Kahit salakayin ako ng kaaway, Magtitiwala rin ako sa Maykapal. Isang bagay lamang ang aking mithiin, Isang bagay itong kay Yahweh hiniling: Ang ako’y lumagi sa banal na templo Upang kagandahan niya’y mamasdan ko At yaong patnubay niya ay matamo. Iingatan ako kapag may bagabag, Sa banal na templo’y iingatang ligtas; Itataas niya sa batong matatag. Ako’y magwawagi sa aking kaaway. Sa templo’y may galak ako na sisigaw Magpupuri akong may handog na taglay; Kay Yahweh sasamba’t aking aawitan.”


4. Nagpupuring lagi –

Awit 52:8(b)-9 NPV
“…nagtitiwala ako sa di nagmamaliw na pag-ibig ng Dios magpakailanman. Dahil sa ginawa Mo, pupurihan kita magpakailanman; aasa ako sa Iyong pangalan, sapagkat ang pangalan Mo ay mabuti. Pupurihin kita sa harapan ng Iyong mga banal.”



IV. Ang Pagpapakilala ng Pagtitiwala sa Diyos




1. Lumapit sa Diyos –


Sant. 4:8 LB
“At kapag lumapit kayo sa Diyos, lalapit ang Diyos sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan, at hayaang ang Diyos lamang ang pumuno sa inyong mga puso upang maging dalisay at tapat ang mga ito sa kanya.”


2. Maglingkod na lubos –

Awit 116:7 at 16 MB
“Manalig ka, O puso ko, sa Diyos ka magtiwala, Pagkat siya ay mabuti’t di marunong magpabaya. Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod, Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; Yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.”


3. Tumawag sa Panginoon

Awit 55:16 LB
“Ngunit tatawag ako sa Panginoon upang ako’y iligtas – at ililigtas niya ako.”


4. Laging igalang ang Kaniyang mga palatuntunan 

Awit 119:117
“Alalayan mo ako, at ako’y maliligtas, At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.”


5. Sumunod sa Panginoon –

Kaw. 16:20 LB
“Pinagpapala ng Diyos ang mga taong sumusunod sa kanya; maligaya ang taong nagtitiwala sa Panginoon.”


6. Nagpapagal at nagtitiis –

I Tim 4:10 KJV
“Sapagkat dahil dito ay nagpapagal kami at nagtitiis ng kahihiyan, sapagkat nagtitiwala kami sa buhay na Diyos, na siyang tagapagl igtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga sumasampalataya.”


7. Hihintayin ang Diyos –

Mikas 7-7 LB
“Para sa akin, titingin ako sa Panginoon para sa kanyang tulong; hinihintay ko ang Diyos upang ako’y iligtas; didinggin niya ako.”



8. Hanapin ang Diyos nang buong puso at kaluluwa

Deut. 4:29 NPV
“Ngunit kung hahanapin ninyo roon ang PANGINOON ninyong Dios, makikita ninyo siya kung hahanapin ninyo siya nang buong-puso at buong kaluluwa.”


9. Alalahanin ang Panginoon at manalangin sa Kaniyang templo –


Jonas 2:7
“Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko, naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.”



10. Ipahayag na tayo’y Kaniyang lingkod –

Neh. 2:20(a) MB
“Tinugon ko sila, ‘Pagtatagumpayin kami ng Diyos ng kalangitan, pagkat kami ay kanyang lingkod.’”


11. Huwag magsawa sa pagsunod sa
Kautusan –

II Hari 18:5-6 MB
“Ang pananalig ni Ezequias kay Yahweh, sa Diyos ng Israel, ay hindi natularan ng mga naging hari sa Israel, maging sa mga sinundan niya o sumunod sa kanya. Nanatili siyang tapat kay Yahweh at hindi nagsawa sa pagsunod sa Kautusan.”



12. Mabuhay sa pananampalataya –

II Cor 5:7 NPV
“Nabubuhay kami sa pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.”


13. Makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka–


I Tim. 6:12 NPV
“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan yamang diyan ka tinawag nang ipahayag mo ang iyong pananampalataya sa harap ng maraming saksi.”


14. Gumawa ng mabuti –

Sant. 2:17 LB
“Kaya nakikita mo na hindi sapat na magkaroon lamang ng pananampalataya. Dapat din kayong gumawa ng mabuti upang patunayang taglay nga ninyo ito. Ang pananampalatayang hindi pinatutunayan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mabubuting gawa ay hindi pananampalataya sa anumang paraan – ito’y patay at walang kabuluhan.”



15. Kung bumagsak man ay muling tumayo–


Mikas 7:8 NPV
“Huwag mo akong pagtawanan, aking kaaway! Kahit ako bumagsak, muli akong tatayo. Kahit ako umupo sa kadiliman, ang PANGINOON ang magiging liwanag ko.”


16. Huwag mag-alinlangan –


Sant. 1:6
“Nguni’t humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka’t yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon
ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.”



17. Huwag umurong –


Heb 10:39 NPV
“Ngunit hindi tayo kabilang sa mga umuurong at napapahamak, kundi sa mga sumasampalataya at naligtas.”


18. Panatag na hintayin ang mga pangako ng Diyos

Heb. 11:1 NPV
“Ngayon, ang pananampalataya ay ang kapanatagan ng mga bagay na hinihintay at katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.”


19. Huwag pagmatigasin ang puso –

Heb 3:16 LB
“Ngunit ngayon na ang panahon. Huwag ninyong kalilimutan ang babala, ‘Kung marinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos na nagsasalita sa inyo, huwag ninyong pagmatigasin ang inyong mga puso laban sa kanya, tulad ng ginawa ng baying Israel nang sila’y maghimagsik laban sa kanya sa ilang.”


20. Magbalik-loob sa Diyos –

Oseas 12:6
“Kaya’t magbalik-loob ka sa iyong Dios mag-ingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.”


21. Kilalanin ang Diyos at si Cristo –

Mat.10:32-33 NPV
“Sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko rin sa harap ng aking Ama sa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harap ng mga tao ay itatwa ko rin naman sa harap ng aking Ama sa langit.”


22. Huwag matakot –

Isa. 12:2 NPV
“Tiyak na ang Dios ang aking kaligtasan; magtitiwala ako at hindi matatakot. Ang PANGINOON, ang PANGINOON ay aking kalakasan at aking awit. Siya ang aking naging kaligtasan.”


23. Hilinging dagdagan ang pananampalataya –

Lukas 17:5 NPV
“Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, ‘Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!’”


24. Ibigin ang Diyos –

Roma 8:28 LB
“At nalalaman natin ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay sa ating ikabubuti kung iniibig natin ang Diyos at tayo’y karapat-dapat sa kanyang panukala.”


25. Makinig sa Kaniyang mga salita

Roma 10:17 KJV
“Kaya nga ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ng Diyos.”


26. Ibigin ang ating kapwa lalo na ang kapatid –

I Cor. 13:2 LB
“Kung taglay ko man ang kaloob na panghuhula at nalalaman ang lahat ng bagay na mangyayari sa hinaharap, nalalaman ang lahat tungkol sa lahat ng bagay, ngunit wala akong pag-ibig sa ibang tao, ano’ng kabutihan ang magagawa nito? Kahit na taglay ko ang kaloob na pananampalataya kung kaya nakapagsasalita ako sa isang bundok at naililipat ito, kung walang pag-ibig, wala pa rin akong kabuluhan sa anumang paraan.”


27. Idagdag ang kabutihang-asal –

II Pedro 1:5 NPV
“Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal ang kaalaman.”


28. Buksan natin ang ating puso sa Diyos–


Awit 62:8
“Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin.”