Malapit na naman ang election. Marahil ang maraming tao ay hindi makapagdisisyon kung sino ang pipiliin lalo na sa papalapit na halalan. Nagkakaroon ng iba't ibang isipan at kung sa paanong paaran nila maisasagawa ang tamang pagpili at disisyon ukol rito. Subalit sa kabila nito, hindi naman maiiwasan ang pang-uusig ng ilan sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat para sa kanila ay WALA NA RAW KALAYAAN ANG MGA MIYEMBRO at MGA UTO-UTO raw sapagkat sunod-sunuran sa Pamamahala kung ano ang kanilang mapasyahang iboto ay iyon ang dapat sundin at IHALAL ng Buong Iglesia. Bakit pa raw kailangan pa isali sa pang relihiyong aktibidad ang ganitong okasyon na may kaniya-kaniya naman raw tayong maaaring ipasya. Alam nyu ba kung bakit nasasabi nila ang mga ito sa amin? Isa lang naman masasabi ko e, MARAMI ang tao na ganito ang pagtingin sa mga miyembro ng INC sapagkat hindi nasubukang MAKINIG NG DOKTRINA kung bakit solido ang pagkakaisa ng mga kaanib. Kaya isa lamang masasabi ko, padoktrina kayo bago magbitiw ng konklusyon. Kung sa pagkain pa ay "BAGO MO SABIHING WALANG LASA AY TIKMAN MO MUNA". BIBLIA PARIN ANG BATAYAN Mali ba ang ginagawa ng mga KAANIB sapagkat nagkakaisa gaya ng HALALAN?.Sa pagdidisyon po sa buhay na ito, ang pinakamabisang paraan ay ang BIBLIA o salita at turo ng DIOS parin at ito ang nagbibigay ng tamang pagpapasya : 2 Timoteo 3:17 “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” Sa gawang ikabubuti ay kailangan ng mga anak ng Dios ang kaniyang turo lalo na sa PAMUMUHAY at siyempre ito ang nakasulat sa BANAL NA KASULATAN: 2 Timoteo 3:15-17 “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos , at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia] Pansinin na ang Biblia ay nagagamit sa: 1. Pagtatama sa mali 2. Pagtutuwid sa likong gawain 3. Matuwid na pamumuhay 4.Sa ikakapaging karapatdapat ng mga lingkod at handa sa mabuting gawain. Halos lahat na ng gawain ay pinakamabuting sanggunian ay ang BANAL NA KASULATAN. Kaya naman, maging ang pagdisisyon ukol sa HALALAN ay marapat na nakabatay parin sa BANAL NA KASULATAN. ANG MAY GUSTO NA DAPAT MAGKAISA E ang ginagawa ba ng INC na pagkakaisa ay gawa-gawa lamang o nakabatay parin sa Biblia?sino ang may gusto na gawin ito ng mga tunay na hinirang? Ganito po ang turo: John 17:22-23 " At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na GAYA NAMAN NATIN NA IISA; Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, UPANG SILA'Y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo." Ang may nais na magkaisa ang mga lingkod ng Dios ay ang Panginoong Jesucristo. Kung sa paanong sila ay nagkakaisa ay ganito ang naging uri at palatandaan ng Kaniyang mga tunay na lingkod Sapagkat sila'y tunay na iniibig ng Dios. Gaanong kaisahan ang kanilang maisasagawa? Ang sabi po "LUBOS SA PAGKAKAISA". Kapag sinabing lubos e hindi po iyan 50/50 kundi SOLIDO o 100% ang kaisahan. ANG INAASAHAN NA MAGKAKAISA Sino ba iyong tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na LUBOS NA MAGKAKAISA at saan sila matatagpuan o tinawag? Ephesians 4:4, 13 " May ISANG KATAWAN, at isang Espiritu, gaya naman ng PAGKATAWAG SA INYO sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Hanggang sa abutin nating lahat ANG PAGKAKAISA ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: Ang inaasahan ng Panginoon na makapagsasagawa ng PAGKAKAISA ay silang mga TINAWAG sa IISANG KATAWAN (binanggit din sa Col.3:15) na sa kanilang pagkatawag doon ay inabot ang LUBOS ng PAGKAKAISA o KAISAHAN na inaasahan ng Panginoong Jesucristo gaya ng Binanggit Niya sa mga naunang talata. ANG KATAWAN AY ANG IGLESIA NI CRISTO Sino at Ano ang Katawan na doon tinawag ang mga Lingkod na may lubos na Pagkakaisa? Ito ang IGLESIA na si Cristo ang ulo: Colosas 1:18 “At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga'y ng iglesia; …” Ang katawan ay ang IGLESIA. Dito tinawag ang mga hinirang na tunay na nagkakaisang LUBOSAN at inaasahan ng Panginoong Jesus. Isang uring IGLESIA lamang at ang kaanib ang bumubuo o sangkap
1 Corinthians 12:12, 20 " Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay IISANG KATAWAN; gayon din naman si Cristo. Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan." Sila ang mga KAANIB o SANGKAP ng KATAWAN o Iglesia. Na sa Kabuuan ay tinawag ng mga Apostol na IGLESIA(KATAWAN) NI CRISTO: 1 Corinthians 12:27 " Kayo nga ang KATAWAN NI CRISTO, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. Romans 16:16 " Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO." Samakatuwid. Ang tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na LUBUSANG NAGKAKAISA ay ang mga nasa IGLESIA NI CRISTO sila ang tunay na nakapagsasagawa ng kalugod-lugod at nakatugon ng lubos na Kaisahan na inaasahan ng Dios at ng Panginoong Jesucristo sapagkat ito ang KANIYANG IISANG KATAWAN. BAKIT KAILANGAN ANG PAGKAKAISA AT HINDI ANG KAMPIKAMPI? Bakit ba pati sa paghatol o pagboto ay nagkakaisa parin ang mga miyembro? Ano ba ang naidudulot ng pagkakabaha-bahagi o kampi-kampi? Ganito po ang sabi: James 3:14-16 14" Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. 15 "Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, SA DIABLO. 16" Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI, ay doon MAYROONG KAGULUHAN at lahat ng masama. Ang KAMPI-KAMPI at walang pagkakaisa ay hindi isang isipang sa Dios kundi ito'y sa diablo. Kitang kita naman po natin di po ba. Sapagkat bunga ng ibat ibang isipan o kampi kampi ay nagbubunga ng KARAHASAN o KAGULUHAN at nahahatung pa sa patayan kung minsan. Ito ang hindi at ayaw ng Panginoon na magawa ng Kaniyang mga hinirang kaya ngayon hayag ang isinasagawa ng mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ay laging nagkakaisa sa IISA LAMANG ISIPAN gaya ng PAGHATOL o sa PAGHALAL sa araw ng Halalan sapagkat ganito ang utos sa Kanila: 1 Corinthians 1:10 " Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y MANGALUBOS sa ISA LAMANG PAGIISIP at ISA LAMANG PAGHATOL. Ang buong KAPATIRAN ng mga tunay na hinirang ay pinapaalalahan na laging MANGALUBOS SA ISANG PAGIISIP, AT IISANG PAGHATOL na gaya ng Panalangin ng Panginoong Jesucristo (Juan 17:22) na Sila MANGALUBOS SA KAISAHAN. Ano ba kahulugan ng PAGHATOL? VOTE : 8. An EXPRESSION of approval, agreement, or JUDGEMENT: a vote of confidence. Source: http://www.thefreedictionary.com/vote Ang HATOL o VOTE ay siya ring tinutukoy na dapat PAGKAKAISAHAN ng Isipan ng lahat ng mga hinirang sapagkat ito ay hindi isang bagong utos kundi noon pa ito ipinapatupad sapagkat isa ito sa kalooban ng Dios. Sa PAGBOTO ay HINAHATULAN natin ang mga kandidato kung sino ang dapat iboto sa araw ng halalan. Ang pagkakaroon ng IISANG HATOL o BLOCK VOTING ay isang gawaing naaayon sa Banal na kasulatan sapagkat mas lalong napapatunayan ang pagkakaisa ng mga tunay na hinirang at DITO NATIN MAKIKITA KUNG ANONG RELIHIYON ang ganap na nakatugon at iyon ang totoong tunay na KATAWAN ni Cristo o Kaniyang Iglesia. Kaya naman. Kahit sa kabila ng Lahat kung may pagkakataon man na ang kandidato ay isang kamag-anak pa o kaibigan ng isang Kapatid at nagkataon na HINDI SIYA ANG PINASYAHAN NA IBOTO ay hindi tatalikwas ang isang tunay na KAPATID sapagkat batid niyang mas mahalaga ang pagsunod sa kalooban ng Dios kaysa tao. Gaya ng Pagpapasya ng mga apostol na kanilang naging paninindigan: Acts 5:29 " Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. Ang kalooban muna ng DIOS ang sinusunod at hindi ang sariling gusto o pasya sapagkat alam nilang napakahalagang unahin ito sapagkat dito nalulugod ang Dios. ANG PAMAMAHALA ANG NAGPAPASYA Paano ba naisasagawa ito? Ang pagkaroon ng BLOCK VOTING ba ay basta nalang ginagawa? Hindi po kundi patuloy paring nakatali sa Banal na Kasulatan. Sapagkat patuloy na isinasagawa ang KAAYUSAN: 1 Corinthians 14:40 " Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may KAAYUSAN ang lahat ng mga bagay." Kaya naman maging sa pagboto ay MAY KAAYUSAN na Ginagawa. Upang magkaroon ng iisang isipan na dapat pagkaisahan ay marapat na may iisa lamang ang huling magpapasya at ito ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN Gaya ng ginawa ng mga unang Cristiano o Unang Iglesia na ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATANG na si APOSTOL SANTIAGO ang huling nagpapasya o naghatol sa umusbong na usapin (Gawa 15:1-2,13,19-20). At ang buong Iglesia ay SUMUNOD at NAGPASAKOP sa Kaniyang disisyon (Gawa 15:30-31). Ito po ang dahilan kung Bakit sa buong kilusan ng Iglesia ay may PAGKAKAISA gaya ng HALALAN. Ito ang isa sa kasamang Palatandaan ng tunay na RELIHIYON o IGLESIA na sinasabi ng Banal na Kasulatan. Ephesians 4:4-6 " May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; " Isang Panginoon, ISANG PANANAMPALATAYA, isang bautismo, " Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. Ang mga palatandaan ay Gaya ng sinasabi sa sumusunod: 1. May ISANG KATAWAN o ISA LAMANG IGLESIA at HINDI SEKTA SEKTA 2. ISANG PANANAMPALATAYA - o IISANG PANINIWALA kasama na ang PAGKAKAROON ng IISANG ISIP o IISANG PAGHATOL.. 3. MAY IISANG DIOS NA PINANINIWALAAN na walang iba kundi ANG AMA lamang. Malinaw po ang mga pagtuturo ng BIBLIA ukol dito kung bakit ang mga kaanib ay LUBUSANG NAGKAKAISA SA LAHAT NG GAWAIN. Isa na ang pinag usapan sa artikulong ito na PAGKAKAISA UKOL SA HALALAN...
Homosexuality. HINDI po turo ng Biblia at hindi Kami sang-ayon.. Kung susuriin po ang Banal na kasulatan, hindi po pinahintulutan ang ganitong issue ang Pakikipagtipan ng lalake sa kapuwa lalake o babae sa Kapuwa babae sapagkat isa ito sa kinususuklaman ng Dios. Ang sabi po ng Ilan, respeto nalang daw sapagkat ipakita nalang natin ang pagmamahal sa Bawat isa. Sa totoo po ang isa sa kataingan ng tunay na nagmamahal ay ang pagsaway sa mali at pagturo sa Kaniya bilang awa na Ilayo sa Maling gawain at maling pang-unawa (Judas1:23). Ngayon bakit nasabi nating Mali ito? Sapagkat kung balikan natin ang kwento mula sa ating pinakaunang magulang ay malinaw na dalawang uri lamang ang kasarian na nilalang ng Dios na karapatdapat sa Kaniya at pinag-isang dibdib ito mula kina Adam at Eva (Gen.1:27). At hindi lang iyon, nilinaw rin na ang BABAE ay itinadhana para lamang sa LALAKE at ang LALAKE ay para lamang sa BABAE at hindi sa kapuwa babae at sa kapuwa lalake : Genesis 2:24 "Kaya't iiwan ng LALAKE ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. " Ang dapat PAPAGIISAHING LAMAN o IKASAL ay napakalinaw na babae at lalaki at hindi ng kaparehong kasarian na gaya ng ginagawa ng napakaraming tao ngayon di po ba? Ito ang karamihan na nating naririnig at nakikita natin nanahulog sa kamalian at kinokonsente pa ng ilang simbahan ang PAGKAKASAL sa pangunguna ng Kanilang kinikilalang MANGANGARAL umano ng Biblia na nanguna pa sa pagkakasal na gamit pa ang SALITA ng Dios. Di po bat paglapastangan Ito sa Dios? Ngayon kung ating muling sariwain ang kwento ukol sa SODOMA AT GOMORRA ay may kaugnayan ito kung bakit nilipol ng Panginoon ang dalawang dakong iyon sapagkat isa sa matinding kasalanan na kanilang nagawa sa ay ang Ganitong issue na sinabi pang "NAPAKALUBHANG KASALANAN" (Gen.12:20). Ano ang eksina roon? pinagtulungan at pinalibutan ng mga kalalakihan ng Sodom ang Bahay ni Lot, (siya pamangkin ni Abraham) upang mahikayat si Lot na ilabas ang dalawang Lalaki na bumisita sa kanyang bahay, (sugo ng Dios) upang isakatuparan ang pagtupok sa dalawang siyudad). Genesis 19:4 " Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; Genesis 19:5 " At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. Genesis 19:6 " At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. Genesis 19:7 "At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Genesis 19:8 " Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan. Genesis 19:9 "At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Makikita nating mas pinili pa ng mga kalalakihan ng sodoma at Gomorra ang dalawang lalaki kaysa mga Babae na anak ni lot kaya gayon na lamang ang galit ng Dios kaya tinupok ng Apoy ang dalawang syudad na iyon.. Makikita po natin mula dito na hindi kailan man katanggap tanggap sa Paningin ng Dios ang pagsasama at pag iisang laman ng Kapuwa kasarian sapagkat kasuklamsuklam sa Harap ng Panginoon. Kaya naman, lalong sa panahong Cristiano ay mahigpit ang tagubiling ito sapagkat lalong dumami ang ganitong katampalasanan. Ano ag kanilang ginawa sa Sarili lalo na sa kanilang kagamitan gaya damit at iba pa? Romans 1:26-27 " Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't PINALITAN ng kanilang mga babae ANG KATUTUBONG KAGAMIYAN NIYAONG NALALABAN SA KATUTUBO: At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na GUMAGAWA NG KAHALAYAN ang mga LALAKE SA MGA KAPUWA LALAKE at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. Malinaw na masama po ito sapagkat hindi pinapayagan ng Panginoon ang ganitong issue, at tiyak na hindi maliligtas kung basahin ang mga kasunod na mga talata. Ang mali pa nito ay gaya ng sinabi natin na kinokonsente na ng maraming relihiyon ang pagkakasal gayon ipinagbabawal ito na Gawin. Kaya nga ang sabi ng Biblia sa Kanila ay ganito: Romans 1:32 " Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon. Bakit nila pinapayagan ang gayong gawain? Pansinin ninyo e nangangarap pa umano ng SALITA NG DIOS pero sa ganito ay pinapayagan na. Kaya naman sa Iglesia ni Cristo ay hindi kinokonsente at lalong hindi ipinapatupad ang ganitong maling aral sapagkat lalong nagpapasama sa harap ng Dios na gaya ng Galit Niya sa Sodoma at Gomorra na tinupok ng Apoy ay gayon din ang gagawin niya sa mga Ayaw makinig sa Kaniyang salita at mga masasama sapagkat sila rin ay tutupukin ng apoy sa araw ng Paghuhukom 2 Peter 3:7 "Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
Posted From BOYCOTT ABS-CBN PAGE ANG IBA SA KANILA AY NAGTATANONG KUNG BAKIT DAW DAPAT IBOYCOT ANG ABS-CBN. AT ANG TANONG NG IBA AY BAKIT DAW ANG BUONG ABS-CBN ANG DAPAT IBOYCOTT,, AT HINDE NALANG ANG ABS-CBN NEWS. SA ILAN NAMING KAPATID NA NAGDADALAWANG-ISIP AT SA ILAN NAMING KABABAYAN NA HINDI KAANIB SA INC,, NARITO PO ANG PAHAPYAW NA PALIWANAG SA INYO. BASA PO! MAGKAKUTSABA ANG ABS CBN AT ANG MGA TIWALAG PARA MAKAGAWA NG MGA “MALISYOSONG ULAT” LABAN SA INC DALAWANG “insidente” na ang nangyari na dumating ang mga tiwalag sa No. 36 Tandang Sora na kasama ang news team ng ABS CBN na ang mga tiwalag ay gumawa ng komosyon, at ang “komosyong” ito na kagagawan ng mga tiwalag ay ginawan naman ng malisyosong ulat ng news team ng ABS CBN para ang lumabas na masama ay ang INC. Noong Enero 15, 2016 ay dumating sina Lottie Hemedez na may kasamang mga ex-marines at kasama rin ang isang news team ng ABS CBN at ang reporter na si Ces Drilon. Nagpumilit na pumasok ang mga ex-marines kaya pinigilan sila ng mga guwardiya. Nagkaroon ng komosyon. At ang sumunod ay ang “news report” ng ABS CBN na ang binigyang-diin ay ang “panunutok ng baril ng guwardiya ng INC guard.” Noon namang Enero 23, 2016 ay dumating si Anthony Menorca sa No. 36 Tandang Sora at may kasama ring news team ng ABS CBN. Tinapos munang maiayos ng news team ng ABS CBN ang kanilang mga equipment at nang handa na sila ay saka ngayon ginawa ni Anthony Menorca (nakababatang kapatid ni Lowell Menorca II) na isa ring tiwalag ang “obvious” na “planado” nilang gawin. Nagpumilit si Anthony na pumasok sa loob ng No. 36 Tandang Sora, at sapagkat hindi siya awtorisadong pumasok ay pinagbawalan siya ng mga guardia. Nagpumilit si Anthony at “obvious” na talagang ang komosyong nangyari ay ang balak nilang mangyari. Pagkatapos nito, gaya ng inaasahan, ang news report ng ABS CBN ay “itinulak daw ng INC guard si Anthony Menorca na nagdala lamang ng pagkain sa No. 36 Tandang Sora.” Mabuti na lamang at may CCTV sa gate ng No. 36 Tandang Sora na nakunan ang lahat ng pangyayari. Kaya, malakas ang ating katibayan na ang mga tiwalag ang nagpapasimula at may gawa ng “mga komosyon”. At ang pagsasama nila ng news team ng ABS CBN ay obvious na ang layunin nila ay mula rito ay makagawa ng “malisyosong news report” na ang layunin ay ang INC ang palabasing “masama.” PANUORIN ANG NEWS REPORT NA ITO NG EAGLE NEWS https://youtu.be/hHiOKW-ml5M Ganito kasama ang kanilang intensiyon – ang sila mismo ang gagawa ng “komosyon” para sa pagbabalita nila ay ang INC ang palalabasin nilang masama. KAYA HINDI KATAKA-TAKA NA MASUSUNDAN PA ANG DALAWANG INSIDENTENG ITO NA MAY DARATING PA NA MGA TIWALAG AT KAALYADO NILA NA MAY KASAMANG NEWS TEAM NG ABS CBN, GAGAWA SILA NG KOMOSYON, AT PAGKATAPOS ANG GAGAWING NEWS REPORT NG ABS CBN AY ISANG “MALISYOSONG REPORT” MULA RITO NA ANG PINALALABAS NA “MASAMA” AY ANG INC. ITO BA AY PAMAMARAAN NG MAY TAKOT SA DIYOS O ISANG PANDARAYA (NA PAMAMARAAN NG KALABAN NG DIYOS)?
May nababasa at napapansin kaming Batikos mula sa iilang grupo at personalidad na nakikisawsaw sa issue ng pamboboycott ng mga Kaanib hinggil sa (ABSCBN)-Ang Bias na Station at Corrupt na Broadcasting Network mula sa kanilang MAPANIRA at Walang katotohanang pagbabalita hinggil sa ilang isyo sa likod nito. Huwag nalang natin e mention o iisa-isahin pa kung sino-sino iyon gaya ng SPLENDOROFTHECHURCH na Panay atake sa INC noon pa man na pagmamay-ari ng kaanib ng RCC gaya ni FR. Abe. Ano ang kanilang Batikos? Sino raw ang nagsinungaling? ang Spokesperson o ang mga kaanib? wala raw pagkakaunawaan?. Pero saludo parin kami sa ilang relihiyon maging sa kanilang kaanib na naintindihan ang Tunay na dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga kaanib at hindi ang paninira ang ginagawa sapagkat batid nila na dapat maisagawa at matuldukan ang maling pamamaraan ng ilang Media sapagkat baka sakaling maging sa ibang ISSUE pa ay magkalat na naman ng mga maling Balita at Paninira.. Puntahan natin muli ang issue. BAKIT NGA BA? Dahil raw sa Nagboboycott ang mga kaanib subalit hindi naman raw pala ipinahayag o isinerkular sa mga Pagsamba gaya ng Sagot ng Spokesperson ng INC ang Ka Edwil Zabala sa Kaniyang interview Noong mga nakaraan araw. Mali ba ang ginawa ng mga kaanib? ang sagot ng lahat ay HINDI! Bakit? TUNAY at walang nangyaring hindi pagkakaunawaan sapagkat NAPAKALINAW na nga, at sinabi ng Ka Edwil na " HE PERSONALLY UNDERSTAND" the sentiments of INC members who posted such remarks on social media". Tandaan na Alam po nila Mula sa Pamamahala sa sinabing NAIINTINDIHAN NILA (ramdam ang kaisahan) Kaya naman kung ano ang DAMDAMIN AT KAISAHAN ng mga KAPATID ay malinaw na RAMDAM din nila ito sapagkat bahagi sila ng KATAWAN, gaya ng sinabi natin sa naunang article natin na ang KAANIB o ang Iglesia ay inihalintulad sa ISANG KATAWAN NI CRISTO at ang Bawat miyembre ay nagsisilbing sangkap o bahagi ng KATAWAN ( 1Cor.12:27), kaya naman, ang nararamdaman ng isang bahagi ng katawan ay NARARAMDAMAN NG KABUUAN.. Samakatuwid gaya ng sinabi na Natin: " MALI ANG KANILANG PARATANG NA WALANG PAGKAKAUNAWAAN NA NANGYARI Sa isinusulong ngayon na BOYCOTT ng MGA INC MEMBERS doon sa nasabing subject "!! Ang kaisahan ngayon ng Kapatid na pakikipagbaka ay pagpapakita ng iisang damdamin sa iisang pag-iisip at layunin, at siyempre TUPAD ang sinabi na ganito ang uri ng Iglesia na may PAGKAKAISA at HINDI KAMPI-KAMPI. Ganito rin katibay ang paninindigan maging ng mga unang kaanib sa Iglesia ni Cristo ng makipagbaka sila kahit sa Labas ng Iglesia: 2 Corinto 7:5, 11 " Sapagka't nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan. Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito. " Sila ay Naging MATATAG lalo at naging mas dumalisay pa dahil sa Kaisahan... Siya nga pala, Nagpapasalamat rin kami doon sa Hindi Kaanib ng INC na naiintindihan ang aming ipinaglalaban, Salamat po sapagkat batid ninyo ang tunay naming layunin sapagkat hindi lamang ito para sa amin kundi para sa lahat upang maitaguyod ang nakalimutan nilang GAMPANIN para sa lahat at maibigay ang tamang serbisyo sa mamamayan gaya ng sumusunod: 1. Maibigay ang Tama at tapat na serbisyo sa lahat ng tao. 2. magpaabot ng Tunay totoo at hindi Bias kundi ang Tamang pagpapaabot ng katotohanan 3. hindi ang layuning makapanira lamang kundi ang Tamang serbisyo na may takot sa Manlilikha. 4. Hindi sariling pakinabang o kapakanan lamang (baka nagpapasikat para sumikat lamang) kundi laging nagpapakumbaba na may kasamang tapang. 5. Hindi nakikinig sa Mali, lalong hindi gumagawa ng sariling kwento para lamang masasabing MAGALING. Kayo na ang magdagdag alam kong marami pa kayo maidagdag diyan. E mas lalo na yung nasa BIAS dahil may seminar sila Bago sa kanilang serbisyo... Tandaan, Hindi kailanman matitibag ang tunay na Kaisahan ng mga Kaanib sapagkat dito sa PAG-UUSIG lalong lumalakas sila at nagtutumibay sa Pananampalataya at LUBUSANG pagkakaisa....!!
Trending ito di po ba. Dahilan upang lalong mapukaw ang KAISAHAN ng mga Kaanib sa maging kahit hindi kaanib ng Iglesia ay kaisa dito.. Bakit nga ba laman ng usapin ngayon lalo na sa Social Media at kung sa napansin nga natin ay napakarami ng mga Kapatid ang nagkakaisa na magpalit pa ng Kanilang DISPLAY PHOTO ng Kanilang Facebook Profile at kahit sa iba pang mga social networking sites. Maging ako man, dama ko ang nadarama ngayon ng kabuuan ng Iglesia. Para bang tinusok ng karayom ang puso ko ng pumutok at mapabalitaan ang Kabi-kabilang Pag-uusig at paninira ng iba't-ibang pangkatin para lamang maibagsak ang Iglesia Ni Cristo at Mabuwag ang Kaisahan ng mga Kaanib. alam kong hindi lang ako ang may ganitong paghihinagpis kundi maging sa napakaraming kapatid, gaya ng sabi "ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan". Sa Realidad ay totoo ito sapagkat ang Iglesia ay inihalintulad sa Isang Taong Bago ng siyempe si Cristo ang Ulo at ang mga kaanib nito ang nagsisilbing katawan ( Efe.2:15, Col.18, Efe.4:16, Col.2:19). Kaya naman hindi masisisi ang KAISAHAN at alab ng napakaraming kapatid ukol sa paghahayag ng saloobin na hindi kailan man nagagawa ng alinmang relihiyon sa mundong ito... BOYCOTT - Ito ay hindi pagsang-ayos sa isang Pangkat o organisasyon dahil sa Kanilang Gawa Ang mga Kaanib sa Iglesia ni Cristo, nananahimik po lagi at hindi nakikialam sa anomang kilusan o organisasyon kung Hindi naaapektuhan ang Pangalan nito at namamantsahan ng mga Kasinungalingan at pagbabato ng Masama. Napansin po ba ninyo? KAPAG IGLESIA NI CRISTO para bagang Masakit sa kanilang Pandinig at sila'y napopoot. Mula sa mga taga sanlibutan na noon pama'y panay ang Paninira at pagkutya nito. Bakit nga ba habang TUMATAGAL lalo ang Iglesia ay lalong niyayanig ito ng Pag-uusig at patuloy parin na may nadadaya GAYA NG GINAWA NG MGA FALLEN ANGEL na Humikayat pa ng ibang Kapatid para ipahamak ? sino ba may pasimuno? Apocalipsis 12:12 " Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ANG DIABLO'Y BUMABA SA INYO, na MAY MALAKING GALIT, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. " Dahil sa Galit ng Diablo. Hindi lamang bast't galit kundi MALAKING GALIT ang dala niya, Sapagkat namalas niyang napaka kaunting panahon na lamang ang natitira sa Kaniya sa lupa. Kaya hindi na nagtataka pa ang mga Kaanib at buong tatag at tapang pa rin ang pakikipagbaka sa mahal na Iglesia at lalong naging maalab ang PANANAMPALATAYA sa Pangunguna ng Mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan.. Balikan natin ang BIAS ng Nasabing Stasyon. Alamin natin ano pa ibig sabihin ng BIAS? Kaunti at diriktang sagot tayo..
UNFAIR!!HINDI MAKATARUNGAN!! Iyon naman pala e. Hindi makatarungan at wala sa Katotohanan. Alam po ba ninyo? kung hindi lang po sana kayo naging BIAS sa nagpakasangkapan upang maging saksi ng mali ay hindi naman po sana maging ganito ngayon ang takbo ng Iglesia, na E Boycott ang stasyong ito sapagkat napakasama po ang magiging saksi ng masama sapagkat ganito ang sabi ng Biblia..: Exodo 23:1 "Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling. " Ang Magkalat ng masamang BALITA ay pagkakalat ng kasinungalingan. Kung gayon? ano katumbas nito? Kawikaan 14:5 " Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan. " Kawikaan 14:25 " Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya. " Ang ganito ay naging KASANGKAPAN na ng PANDARAYA at wala na sa Katotohanan. E sino ang Ama nito? Walang iba kundi ang DIABLO (Juan 8:44).. Kung Gayon ang pinaggagawang ito ay gawain ng diablo upang buwagin ang katotohanan. Kaya naman, hinggil dito ay ipinasya at ipinaabot mula sa tanggapang pangkalahatan na huwag na po tangkilikin ang mga Programa, stasyon at mga Palabas nito upang hindi na madaya pa ang marami at matuldukan ang Kanilang Pangkakalat ng Maling Balita mula sa Pinakamamahal na Iglesia. Kaya naman nagbunga agad at ramdam ng nasabing stasyon ang pagkakaisa ng mga kapatid kaya kung makikita natin mula sa Photo na kuha nga mga Kapatid ay patunay na bumaba ang rating nila.
NAAPEKTUHAN BA ANG IGLESIA? Nakapanghina ba ito at nadaig ang Iglesia? hindi sapagkat lalo pa ngang nagpapalakas at nagpatibay. Katunayan nito, lalo pang dumami ang naging bagong kaanib at tumanggap ng Bagong Bautismo buwan-buwan sa bawat sulok ng mundo isa na ako doon na nakapagpabautismo at may nakatakda na naman sa susunod na Buwan. Nakapagdagdag pa ng Bagong mga Gusaling sambahan at mga Baranggay Chapel, isa na din ang aming Baranggay dito na pasisinayaan ngayong Feb.4 taon ng kasalukuyan. Patotoo lamang na ito ang tunay na Iglesia at hindi pababayaan ng Dios ( Isaias 62:12) tinupad ng Dios ang Kaniyang Pangako ukol sa gawaing pagliligtas. " Idinaragdag ng Dios sa Iglesia araw-araw ang mga dapat maligtas" Gawa 2:47,KJV Kaya sa mga Mahal na mga Kapatid, patuloy nating idalangin ang mga namumuno at namamahala sa atin na sila'y lalo pang patatagin at Alalayan ng Makapangyarihan Diyos upang Lalo pang Mapangunahan ang Buong Iglesia ( 1Tes.5:25; 2 Tes.3:1).. Habang itinataguyod natin ang pakikipagbaka ay lagi nating Taglayin ang mga ito sa pang-araw araw ng ating buhay... Efeso 6:11-18 " Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagka't ANG ATING PAKIKIBAKA AY hindi laban sa laman at dugo, kundi LABAN SA MGA PAMUNUAN, laban sa mga KAPANGYARIHAN, laban SA MGA NAMAMAHALA SA KADILIMANG ITO sa sanglibutan, laban sa mga UKOL SA ESPIRITU NG KASAMAAN sa mga dakong kaitaasan. Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan; Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios: Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal "...