Mga Pahina

Lunes, Pebrero 1, 2016

BOYCOTT ABS-CBN Bakit nga ba?





Trending ito di po ba. Dahilan upang lalong mapukaw ang KAISAHAN ng mga Kaanib sa maging kahit hindi kaanib ng Iglesia ay kaisa dito.. Bakit nga ba laman ng usapin ngayon lalo na sa Social Media at kung sa napansin nga natin ay napakarami ng mga Kapatid ang nagkakaisa na magpalit pa ng Kanilang DISPLAY PHOTO ng Kanilang Facebook Profile at kahit sa iba pang mga social networking sites.


Maging ako man, dama ko ang nadarama ngayon ng kabuuan ng Iglesia. Para bang tinusok ng karayom ang puso ko ng pumutok at mapabalitaan ang Kabi-kabilang Pag-uusig at paninira ng iba't-ibang pangkatin para lamang maibagsak ang Iglesia Ni Cristo at Mabuwag ang Kaisahan ng mga Kaanib. alam kong hindi lang ako ang may ganitong paghihinagpis kundi maging sa napakaraming kapatid, gaya ng sabi "ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan". Sa Realidad ay totoo ito sapagkat ang Iglesia ay inihalintulad sa Isang Taong Bago ng siyempe si Cristo ang Ulo at ang mga kaanib nito ang nagsisilbing katawan ( Efe.2:15, Col.18, Efe.4:16, Col.2:19). Kaya naman hindi masisisi ang KAISAHAN at alab ng napakaraming kapatid ukol sa paghahayag ng saloobin na hindi kailan man nagagawa ng alinmang relihiyon sa mundong ito...


BOYCOTT

- Ito ay hindi pagsang-ayos sa isang Pangkat o organisasyon dahil sa Kanilang Gawa


Ang mga Kaanib sa Iglesia ni Cristo, nananahimik po lagi at hindi nakikialam sa anomang kilusan o organisasyon kung Hindi naaapektuhan ang Pangalan nito at namamantsahan ng mga Kasinungalingan at pagbabato ng Masama. Napansin po ba ninyo? KAPAG IGLESIA NI CRISTO para bagang Masakit sa kanilang Pandinig at sila'y napopoot. Mula sa mga taga sanlibutan na noon pama'y panay ang Paninira at pagkutya nito. Bakit nga ba habang TUMATAGAL lalo ang Iglesia ay lalong niyayanig ito ng Pag-uusig at patuloy parin na may nadadaya GAYA NG GINAWA NG MGA FALLEN ANGEL na Humikayat pa ng ibang Kapatid para ipahamak ? sino ba may pasimuno?


Apocalipsis 12:12
" Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ANG DIABLO'Y BUMABA SA INYO, na MAY MALAKING GALIT, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. "



Dahil sa Galit ng Diablo. Hindi lamang bast't galit kundi MALAKING GALIT ang dala niya, Sapagkat namalas niyang napaka kaunting panahon na lamang ang natitira sa Kaniya sa lupa. Kaya hindi na nagtataka pa ang mga Kaanib at buong tatag at tapang pa rin ang pakikipagbaka sa mahal na Iglesia at lalong naging maalab ang PANANAMPALATAYA sa Pangunguna ng Mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan..


Balikan natin ang BIAS ng Nasabing Stasyon. Alamin natin ano pa ibig sabihin ng BIAS? Kaunti at diriktang sagot tayo..


UNFAIR!!HINDI MAKATARUNGAN!!

Iyon naman pala e. Hindi makatarungan at wala sa Katotohanan. Alam po ba ninyo? kung hindi lang po sana kayo naging BIAS sa nagpakasangkapan upang maging saksi ng mali ay hindi naman po sana maging ganito ngayon ang takbo ng Iglesia, na E Boycott ang stasyong ito sapagkat napakasama po ang magiging saksi ng masama sapagkat ganito ang sabi ng Biblia..:


Exodo 23:1
"Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling. "



Ang Magkalat ng masamang BALITA ay pagkakalat ng kasinungalingan. Kung gayon? ano katumbas nito?



Kawikaan 14:5
" Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan. "


Kawikaan 14:25
" Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya. "


Ang ganito ay naging KASANGKAPAN na ng PANDARAYA at wala na sa Katotohanan. E sino ang Ama nito? Walang iba kundi ang DIABLO (Juan 8:44).. Kung Gayon ang pinaggagawang ito ay gawain ng diablo upang buwagin ang katotohanan. Kaya naman, hinggil dito ay ipinasya at ipinaabot mula sa tanggapang pangkalahatan na huwag na po tangkilikin ang mga Programa, stasyon at mga Palabas nito upang hindi na madaya pa ang marami at matuldukan ang Kanilang Pangkakalat ng Maling Balita mula sa Pinakamamahal na Iglesia. Kaya naman nagbunga agad at ramdam ng nasabing stasyon ang pagkakaisa ng mga kapatid kaya kung makikita natin mula sa Photo na kuha nga mga Kapatid ay patunay na bumaba ang rating nila.




NAAPEKTUHAN BA ANG IGLESIA?

Nakapanghina ba ito at nadaig ang Iglesia? hindi sapagkat lalo pa ngang nagpapalakas at nagpatibay. Katunayan nito, lalo pang dumami ang naging bagong kaanib at tumanggap ng Bagong Bautismo buwan-buwan sa bawat sulok ng mundo isa na ako doon na nakapagpabautismo at may nakatakda na naman sa susunod na Buwan. Nakapagdagdag pa ng Bagong mga Gusaling sambahan at mga Baranggay Chapel, isa na din ang aming Baranggay dito na pasisinayaan ngayong Feb.4 taon ng kasalukuyan. Patotoo lamang na ito ang tunay na Iglesia at hindi pababayaan ng Dios ( Isaias 62:12) tinupad ng Dios ang Kaniyang Pangako ukol sa gawaing pagliligtas.

" Idinaragdag ng Dios sa Iglesia araw-araw ang mga dapat maligtas" Gawa 2:47,KJV



Kaya sa mga Mahal na mga Kapatid, patuloy nating idalangin ang mga namumuno at namamahala sa atin na sila'y lalo pang patatagin at Alalayan ng Makapangyarihan Diyos upang Lalo pang Mapangunahan ang Buong Iglesia ( 1Tes.5:25; 2 Tes.3:1)..

Habang itinataguyod natin ang pakikipagbaka ay lagi nating Taglayin ang mga ito sa pang-araw araw ng ating buhay...



Efeso 6:11-18
" Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
Sapagka't ANG ATING PAKIKIBAKA AY hindi laban sa laman at dugo, kundi LABAN SA MGA PAMUNUAN, laban sa mga KAPANGYARIHAN, laban SA MGA NAMAMAHALA SA KADILIMANG ITO sa sanglibutan, laban sa mga UKOL SA ESPIRITU NG KASAMAAN sa mga dakong kaitaasan.
Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.
Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,
At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.
At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:
Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal "...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento