Mga Pahina

Martes, Pebrero 2, 2016

Hindi ba nagkakaunawaan ang Spokesperson ng INC at mga Kaanib?





May nababasa at napapansin kaming Batikos mula sa iilang grupo at personalidad na nakikisawsaw sa issue ng pamboboycott ng mga Kaanib hinggil sa (ABSCBN)-Ang Bias na Station at Corrupt na Broadcasting Network mula sa kanilang MAPANIRA at Walang katotohanang pagbabalita hinggil sa ilang isyo sa likod nito. Huwag nalang natin e mention o iisa-isahin pa kung sino-sino iyon gaya ng SPLENDOROFTHECHURCH na Panay atake sa INC noon pa man na pagmamay-ari ng kaanib ng RCC gaya ni FR. Abe. Ano ang kanilang Batikos? Sino raw ang nagsinungaling? ang Spokesperson o ang mga kaanib? wala raw pagkakaunawaan?. Pero saludo parin kami sa ilang relihiyon maging sa kanilang kaanib na naintindihan ang Tunay na dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga kaanib at hindi ang paninira ang ginagawa sapagkat batid nila na dapat maisagawa at matuldukan ang maling pamamaraan ng ilang Media sapagkat baka sakaling maging sa ibang ISSUE pa ay magkalat na naman ng mga maling Balita at Paninira..


Puntahan natin muli ang issue. BAKIT NGA BA? Dahil raw sa Nagboboycott ang mga kaanib subalit hindi naman raw pala ipinahayag o isinerkular sa mga Pagsamba gaya ng Sagot ng Spokesperson ng INC ang Ka Edwil Zabala sa Kaniyang interview Noong mga nakaraan araw. Mali ba ang ginawa ng mga kaanib? ang sagot ng lahat ay HINDI! Bakit? TUNAY at walang nangyaring hindi pagkakaunawaan sapagkat NAPAKALINAW na nga, at sinabi ng Ka Edwil na

" HE PERSONALLY UNDERSTAND" the sentiments of INC members who posted such remarks on social media".


Tandaan na Alam po nila Mula sa Pamamahala sa sinabing NAIINTINDIHAN NILA (ramdam ang kaisahan) Kaya naman kung ano ang DAMDAMIN AT KAISAHAN ng mga KAPATID ay malinaw na RAMDAM din nila ito sapagkat bahagi sila ng KATAWAN, gaya ng sinabi natin sa naunang article natin na ang KAANIB o ang Iglesia ay inihalintulad sa ISANG KATAWAN NI CRISTO at ang Bawat miyembre ay nagsisilbing sangkap o bahagi ng KATAWAN ( 1Cor.12:27), kaya naman, ang nararamdaman ng isang bahagi ng katawan ay NARARAMDAMAN NG KABUUAN.. Samakatuwid gaya ng sinabi na Natin:


" MALI ANG KANILANG PARATANG NA WALANG PAGKAKAUNAWAAN NA NANGYARI Sa isinusulong ngayon na BOYCOTT ng MGA INC MEMBERS doon sa nasabing subject "!!



Ang kaisahan ngayon ng Kapatid na pakikipagbaka ay pagpapakita ng iisang damdamin sa iisang pag-iisip at layunin, at siyempre TUPAD ang sinabi na ganito ang uri ng Iglesia na may PAGKAKAISA at HINDI KAMPI-KAMPI. Ganito rin katibay ang paninindigan maging ng mga unang kaanib sa Iglesia ni Cristo ng makipagbaka sila kahit sa Labas ng Iglesia:



2 Corinto 7:5, 11
" Sapagka't nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.
Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito. "



Sila ay Naging MATATAG lalo at naging mas dumalisay pa dahil sa Kaisahan... Siya nga pala, Nagpapasalamat rin kami doon sa Hindi Kaanib ng INC na naiintindihan ang aming ipinaglalaban, Salamat po sapagkat batid ninyo ang tunay naming layunin sapagkat hindi lamang ito para sa amin kundi para sa lahat upang maitaguyod ang nakalimutan nilang GAMPANIN para sa lahat at maibigay ang tamang serbisyo sa mamamayan gaya ng sumusunod:


1. Maibigay ang Tama at tapat na serbisyo sa lahat ng tao.

2. magpaabot ng Tunay totoo at hindi Bias kundi ang Tamang pagpapaabot ng katotohanan

3. hindi ang layuning makapanira lamang kundi ang Tamang serbisyo na may takot sa Manlilikha. 

4. Hindi sariling pakinabang o kapakanan lamang (baka nagpapasikat para sumikat lamang) kundi laging nagpapakumbaba na may kasamang tapang.


5. Hindi nakikinig sa Mali, lalong hindi gumagawa ng sariling kwento para lamang masasabing MAGALING.

Kayo na ang magdagdag alam kong marami pa kayo maidagdag diyan. E mas lalo na yung nasa BIAS dahil may seminar sila Bago sa kanilang serbisyo...
Tandaan, Hindi kailanman matitibag ang tunay na Kaisahan ng mga Kaanib sapagkat dito sa PAG-UUSIG lalong lumalakas sila at nagtutumibay sa Pananampalataya at LUBUSANG pagkakaisa....!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento