Mga Pahina

Linggo, Pebrero 28, 2016

PAGKAKAISA SA HALALAN






Malapit na naman ang election. Marahil ang maraming tao ay hindi makapagdisisyon kung sino ang pipiliin lalo na sa papalapit na halalan. Nagkakaroon ng iba't ibang isipan at kung sa paanong paaran nila maisasagawa ang tamang pagpili at disisyon ukol rito. Subalit sa kabila nito, hindi naman maiiwasan ang pang-uusig ng ilan sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat para sa kanila ay WALA NA RAW KALAYAAN ANG MGA MIYEMBRO at MGA UTO-UTO raw sapagkat sunod-sunuran sa Pamamahala kung ano ang kanilang mapasyahang iboto ay iyon ang dapat sundin at IHALAL ng Buong Iglesia. Bakit pa raw kailangan pa isali sa pang relihiyong aktibidad  ang ganitong okasyon na may kaniya-kaniya naman raw tayong maaaring ipasya.


Alam nyu ba kung bakit nasasabi nila ang mga ito sa amin? Isa lang naman masasabi ko e, MARAMI ang tao na ganito ang pagtingin sa mga miyembro ng INC sapagkat hindi nasubukang MAKINIG NG DOKTRINA kung bakit solido ang pagkakaisa ng mga kaanib. Kaya isa lamang masasabi ko, padoktrina kayo bago magbitiw ng konklusyon. Kung sa pagkain pa ay "BAGO MO SABIHING WALANG LASA AY TIKMAN MO MUNA".


BIBLIA PARIN ANG BATAYAN

Mali ba ang ginagawa ng mga KAANIB sapagkat nagkakaisa gaya ng HALALAN?.Sa pagdidisyon po sa buhay na ito, ang pinakamabisang paraan ay ang BIBLIA o salita at turo ng DIOS parin at ito ang nagbibigay ng tamang pagpapasya :


2 Timoteo 3:17 “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.”

Sa gawang ikabubuti ay kailangan ng mga anak ng Dios ang kaniyang turo lalo na sa PAMUMUHAY at siyempre ito ang nakasulat sa BANAL NA KASULATAN:


2 Timoteo 3:15-17 
“Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos , at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Pansinin na ang Biblia ay nagagamit sa:

1. Pagtatama sa mali
2. Pagtutuwid sa likong gawain
3. Matuwid na pamumuhay
4.Sa ikakapaging karapatdapat ng mga lingkod at handa sa mabuting gawain.


Halos lahat na ng gawain ay pinakamabuting sanggunian ay ang BANAL NA KASULATAN. Kaya naman, maging ang pagdisisyon ukol sa HALALAN ay marapat na nakabatay parin sa BANAL NA KASULATAN.  


ANG MAY GUSTO NA DAPAT MAGKAISA 

E ang ginagawa ba ng INC na pagkakaisa ay gawa-gawa lamang o nakabatay parin sa Biblia?sino ang may gusto na gawin ito ng mga tunay na hinirang?  Ganito po ang turo:


John 17:22-23
" At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na GAYA NAMAN NATIN NA IISA;
Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, UPANG SILA'Y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo."


Ang may nais na magkaisa ang mga lingkod ng Dios ay ang Panginoong Jesucristo. Kung sa paanong sila ay nagkakaisa ay ganito ang naging uri at palatandaan ng Kaniyang mga tunay na lingkod Sapagkat sila'y tunay na iniibig ng Dios. Gaanong kaisahan ang kanilang maisasagawa? Ang sabi po "LUBOS SA PAGKAKAISA". Kapag sinabing lubos e hindi po iyan 50/50 kundi SOLIDO o 100% ang kaisahan.


ANG INAASAHAN NA MAGKAKAISA


Sino ba iyong tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na LUBOS NA MAGKAKAISA at saan sila matatagpuan o tinawag? 


Ephesians 4:4, 13
" May ISANG KATAWAN, at isang Espiritu, gaya naman ng PAGKATAWAG SA INYO sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
Hanggang sa abutin nating lahat ANG PAGKAKAISA ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:

Ang inaasahan ng Panginoon na makapagsasagawa ng PAGKAKAISA ay silang mga TINAWAG sa IISANG KATAWAN (binanggit din sa Col.3:15) na sa kanilang pagkatawag doon ay inabot ang LUBOS ng PAGKAKAISA o KAISAHAN na inaasahan ng Panginoong Jesucristo gaya ng Binanggit Niya sa mga naunang talata. 


ANG KATAWAN AY ANG IGLESIA NI CRISTO


Sino at Ano ang Katawan na doon tinawag ang mga Lingkod na may lubos na Pagkakaisa? Ito ang IGLESIA na si Cristo ang ulo:


Colosas 1:18 “At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga'y ng iglesia;
…”

Ang katawan ay ang IGLESIA. Dito tinawag ang mga hinirang na tunay na nagkakaisang LUBOSAN at inaasahan ng Panginoong Jesus. Isang uring IGLESIA lamang at ang kaanib ang bumubuo o sangkap


1 Corinthians 12:12, 20
" Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay IISANG KATAWAN; gayon din naman si Cristo.
Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan." 


Sila ang mga KAANIB o SANGKAP ng KATAWAN o Iglesia. Na sa Kabuuan ay tinawag ng mga Apostol na IGLESIA(KATAWAN) NI CRISTO:


1 Corinthians 12:27
" Kayo nga ang KATAWAN NI CRISTO, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.

Romans 16:16
"  Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO."

Samakatuwid. Ang tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na LUBUSANG NAGKAKAISA ay ang mga nasa IGLESIA NI CRISTO sila ang tunay na nakapagsasagawa ng kalugod-lugod at nakatugon ng lubos na Kaisahan na inaasahan ng Dios at ng Panginoong Jesucristo sapagkat ito ang KANIYANG IISANG KATAWAN. 


BAKIT KAILANGAN ANG PAGKAKAISA AT HINDI ANG KAMPIKAMPI?


Bakit ba pati sa paghatol o pagboto ay nagkakaisa parin ang mga miyembro? Ano ba ang naidudulot ng pagkakabaha-bahagi o kampi-kampi? Ganito po ang sabi:

James 3:14-16
14"  Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.

15 "Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, SA DIABLO.

16" Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at PAGKAKAMPIKAMPI, ay doon MAYROONG KAGULUHAN at lahat ng masama.


Ang KAMPI-KAMPI at walang pagkakaisa ay hindi isang isipang sa Dios kundi ito'y sa diablo. Kitang kita naman po natin di po ba. Sapagkat bunga ng ibat ibang isipan o kampi kampi ay nagbubunga ng KARAHASAN o KAGULUHAN at nahahatung pa sa patayan kung minsan. Ito ang hindi at ayaw ng Panginoon na magawa ng Kaniyang mga hinirang kaya ngayon hayag ang isinasagawa ng mga KAANIB ng IGLESIA NI CRISTO ay laging nagkakaisa sa IISA LAMANG ISIPAN gaya ng PAGHATOL o sa PAGHALAL sa araw ng Halalan sapagkat ganito ang utos sa Kanila:



1 Corinthians 1:10
" Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y MANGALUBOS sa ISA LAMANG PAGIISIP at ISA LAMANG PAGHATOL.


Ang buong KAPATIRAN ng mga tunay na hinirang ay pinapaalalahan na laging MANGALUBOS SA ISANG PAGIISIP, AT IISANG PAGHATOL na gaya ng Panalangin ng Panginoong Jesucristo (Juan 17:22)  na Sila MANGALUBOS SA KAISAHAN.  Ano ba kahulugan ng PAGHATOL? 


VOTE :

8. An EXPRESSION of approval, agreement, or JUDGEMENT: a vote of confidence.


Source: http://www.thefreedictionary.com/vote

Ang HATOL o VOTE ay siya ring tinutukoy na dapat PAGKAKAISAHAN ng Isipan ng lahat ng mga hinirang sapagkat ito ay hindi isang bagong utos kundi noon pa ito ipinapatupad sapagkat isa ito sa kalooban ng Dios. Sa PAGBOTO ay HINAHATULAN natin ang mga kandidato kung sino ang dapat iboto sa araw ng halalan. Ang pagkakaroon ng IISANG HATOL o BLOCK VOTING ay isang gawaing naaayon sa Banal na kasulatan sapagkat mas lalong napapatunayan ang pagkakaisa ng mga tunay na hinirang at DITO NATIN MAKIKITA KUNG ANONG RELIHIYON ang ganap na nakatugon at iyon ang totoong tunay na KATAWAN ni Cristo o Kaniyang Iglesia. 

Kaya naman. Kahit sa kabila ng Lahat kung may pagkakataon man na ang kandidato ay isang kamag-anak pa o kaibigan ng isang Kapatid at nagkataon na HINDI SIYA ANG PINASYAHAN NA IBOTO ay hindi tatalikwas ang isang tunay na KAPATID sapagkat batid niyang mas mahalaga ang pagsunod sa kalooban ng Dios kaysa tao. Gaya ng Pagpapasya ng mga apostol na kanilang naging paninindigan:


Acts 5:29
"  Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.


Ang kalooban muna ng DIOS ang sinusunod at hindi ang sariling gusto o pasya sapagkat alam nilang napakahalagang unahin ito sapagkat dito nalulugod ang Dios.


ANG PAMAMAHALA ANG NAGPAPASYA

Paano ba naisasagawa ito? Ang pagkaroon ng BLOCK VOTING ba ay basta nalang ginagawa? Hindi po kundi patuloy paring nakatali sa Banal na Kasulatan. Sapagkat patuloy na isinasagawa ang KAAYUSAN:


1 Corinthians 14:40
"  Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may KAAYUSAN ang lahat ng mga bagay."


Kaya naman maging sa pagboto ay MAY KAAYUSAN na Ginagawa. Upang magkaroon ng iisang isipan na dapat pagkaisahan ay marapat na may iisa lamang ang huling magpapasya at ito ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN Gaya ng ginawa ng mga unang Cristiano o Unang Iglesia na ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATANG na si APOSTOL SANTIAGO ang huling nagpapasya o naghatol sa umusbong na usapin (Gawa 15:1-2,13,19-20). At ang buong Iglesia ay SUMUNOD at NAGPASAKOP sa Kaniyang disisyon (Gawa 15:30-31).


Ito po ang dahilan kung Bakit sa buong kilusan ng Iglesia ay may PAGKAKAISA gaya ng HALALAN. Ito ang isa sa kasamang  Palatandaan ng tunay na RELIHIYON o IGLESIA na sinasabi ng Banal na Kasulatan.


Ephesians 4:4-6
" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;

" Isang Panginoon, ISANG PANANAMPALATAYA, isang bautismo,

" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.


Ang mga palatandaan ay Gaya ng sinasabi sa sumusunod:

1. May ISANG KATAWAN o ISA LAMANG IGLESIA at HINDI SEKTA SEKTA

2. ISANG PANANAMPALATAYA - o IISANG PANINIWALA kasama na ang PAGKAKAROON ng IISANG ISIP o IISANG PAGHATOL..

3. MAY IISANG DIOS NA PINANINIWALAAN na walang iba kundi ANG AMA lamang.


Malinaw po ang mga pagtuturo ng BIBLIA ukol dito kung bakit ang mga kaanib ay LUBUSANG NAGKAKAISA SA LAHAT NG GAWAIN. Isa na ang pinag usapan sa artikulong ito na PAGKAKAISA UKOL SA HALALAN...

1 komento:

  1. hindi ho ba ang ibig sabihin ng pagkakaisa sa pag hatol ay "Sa Loob Lamang ng Iglesia"? "Sa mga Kapatiran Lamang"? mukhang maling pagka Interpret ho yang sa inyu?

    TumugonBurahin