Mga Pahina

Sabado, Enero 10, 2015

REBULTO AT LARAWANG INANYUAN, KALUGURAN BA SA DIOS?





Nakakalungkot lang isipin, na sa pagsapit ng KAPISTAHAN NG ITIM NA NAZARENO ay dinadagsa ng maraming tao na tinatawag na deboto. Naka ukit sa puso at isipan nila bilang pagiging deboto ay ang PAGBIGAY LUGOD ANG PAGPUPURI doon sa dala-dala at pasa-pasan na rebulto. Minsan nakakabagbag damdamin din na kasama pa minsan ang ating MAHAL SA BUHAY sa pagsasagawa ng bagay na ito. Marami ang nasasaktan, marami ang namamatay sa siksikan. Hirap at pagtitiis ay ginugugol para lamang MAIPAHID ANG PANYO O TOWEL doon sa rebulto ng NAZARENO.

Subalit, ano ba ang layunin ng Iglesia Ni Cristo bakit sa kabila ng pagsunod at PAGPAPAKITA NG PAGLILINGKOD na kanilang ginagawa, ay hindi nakikiayon ang Iglesia Ni Cristo, at PATULOY ang paghikayat sa tao na may kamalian ang ganitong paglilingkod sa Dios. ANO BA ANG MALAKING KAMALIAN sa Ganitong gawain?

Minsan naman, kapag maipahayag na ang katotohanang ukol dito ay iniisip agad nila na sinisiraan namin sila. Kung kanila lang sanang isapuso ang katotohanang ito, ay hindi po kami ang nagsasabi, kundi ito po ay mula mismo sa Biblia na itinuturo ng Dios. Kaya, dapat suriin ng tao kung sa anong kadahilanan kung bakit hindi ito isang nakakalugod na gawain, KAHIT MAMUHUNAN paman ng pagsakripisyo at tiis? Anong paraan ang ayaw ng Dios sa pagbibigay puri sa Kaniya? Ganito ang Kaniyang sagot:


Isaias 42:8
" Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. "


Ang sabi ng Dios, sa mga pagpupuri sa Kaniya, hindi marapat na idaan pa ito sa kaparaanan o sa pamamagitan ng LARAWANG INANYUAN. Sapagkat, ang sabi ni Cristo, ang tamang paraan ng pag-aalay o pagsamba sa Dios, ay sa pamamagitan ng Espiritu at Katotohanan (Juan 4:23-24), at hindi sa pamamagitan ng rebulto. Ayaw na ayaw ng Dios na ito'y gawin ng tao na hindi sa Kaniyang kagustuhan. Sapagkat, ang sabi ni Cristo, ang hindi pagsunod sa kagustuhan ng Dios ay hindi ikaliligtas (Mat.7:21). Kaya ang tunay na pagsunod ay ang pagsunod sa kaloobanng Dios.

Ano ang utos at babala ng Panginoong Dios ukol sa mga tao na nahulog sa ganitong mga gawa? Ganito ang sabi:


Deuteronomio 5:8
" Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa "


Malinaw po na itong bagay na ito ay hindi na po pala bagong utos ng Dios. E tanung po ng ilan, Paano po pala ngayun , Yung mga mga Minamahal sa buhay na pinagawan ng rebulto,o maging ang Iglesia Ni Cristo nga daw ay nagpagawa ng rebulto ng kapatid ng Felix Manalo,mali din po pala?

Sagot : Hindi po masama yun,Sapagkat may tinutokoy po ang Dios sa bagay na ipinagbabawal . Sa anung gawain? narito po :


Ang Masama sa paggawa ng larawang inanyuan

Levitico 26:1
" Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. "


Exodo 20:5
" Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin "

Deuteronomio 5:9
" Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin "


Napakalinaw na ito ay ipinagbabawal at ayaw ng Dios. Sa paanong paraan? kung ang larawan ay may kaugnayan at kinalaman na sa paglilingkod kung saan niyuyukuran na at pinaglilingkuran at ginagamit sa mga pagpupuri sa Kaniya, ITO'Y KASUKLAM-SUKLAM SA HARAP NIYA. Ito po ang bahagi kung saan Ipinagbawal na ng Dios.

Bakit po ayaw ng Dios? May pinapaala ala ba sa atin? ganito naman ang sabi:


Deuteronomio 4:23-24
" Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga. "

Ito'y sapagkat Mapanibughuin po ang Dios, Kaya po ayaw niya na ang ginawang larawan ay may kaugnayn na sa paglilingkod sa kanya. Gaano kabigat ang galit ng Dios sa ganitong gawain at paggawa ng larawan upang magkaroon ito ng kaugnayan sa paglilingkod sa kanya? Ganito ang pahayag ng Biblia:



Deuteronomio 4:25
" Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay, at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios, upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan "


Deuteronomio 27:15
" Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa. "


Awit 78:58
" Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan. "



Jeremias 8:19
" Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba? "


Jeremias 51:47
" Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya. "



Nahum 1:14
" At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak. "


Masama po ang kahahantungan ng taong patuloy sa pagsunud sa mga larawang inanyuan lamang. Ang pagsiklab ng GALIT NG DIOS ay namumuhi sa kaniya, hanggang sa kaniyang lipi at angkan. Isang masakit sa panig ng Sinomang tao kapag ang Dios na mismo ang may galit at SUSUMPA SA BUHAY ng tao. Hindi isang biro kung ang Dios na ang magpapahayag sa Kaniyang adhikain. Ito'y matutupad kung ayaw pagsisihan at talikuran ng tao ang kaniyang pagsalangsang. Kaya naman, may payo ba ang Biblia kung anu ang maaring gawin dito, kung sakalaling nahulog ang tao sa ganitong pagkakasala? Ang sabi ng Biblia:



Deuteronomio 7:5
" Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan. "



Deuteronomio 7:25
" Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios. "



Deuteronomio 12:3
" At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon. "



2 Cronica 34:7
" At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem. "


Isaias 30:22
" At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka."


Ang payo ay LAYUAN na ito, iwasan na at ibuwal. Ang sabi ng Biblia,"ITO AY KARUMALDUMAL SA DIOS". Walang silbi po ang paglilingkod sa mga larawan, kaya ang sabi po ng mga talata, "HUMAYO KA" .Galit na galit po ang Dios sa ganitong uri ng mga paglilingkod. Ang ganitong uri ng maling paraang ng paglilingkod ay hindi na panibago, sapagkat maging sa panahon paman ng Lumang Tipan ay may lumabag na sa ganitong gawain,narito po ng ilang halimbawa sa Biblia :


2 Cronica 33:21-22
" Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem.
At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon. "



Hoseas 11:2
" Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan."



Gaya rin ng panyayari ngayon, ay magkatulad din ng ginawang paglabag noon, kaya, ang PAYO ng Dios ay hindi lamang para noon kundi hanggang sa panahon ngayon sapagkat marami parin ang nahuhulog sa ganitong KARUMAL-DUMAL na gawain sa harap ng Dios. Paano inihalintulad ang mga ganoong uri ng tao?


Isaias 40:20
" Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang ihandang larawang inanyuan, na hindi makikilos. "


Isaias 42:17
" Sila'y mangapapaurong, sila'y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo'y aming mga dios. "


Isaias 44:9
" Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya. "


Isaias 44:15-17
" Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.
Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios. "


Isaias 45:20
" Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas. "


Jeremias 10:14
" Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon."


Roma 1:21-23, 25
" Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.
Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,
At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. "


"Jeremias 50:38 
" Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan."


Ang sabi ng Biblia, "TAMPALASAN, WALANG KAALAMAN " Sapagkat, alam nila na ang ginawang LARAWAN O REBULTO ay mula sa kahoy na ang bahagi naman niyaon ay ginawang panggaton, ang kanilang dios ay hindi makakakilos kaya nga ang sabi ng Biblia, "SILA'Y MAPAPAHIYA" Sapagkat sila ay naglingkod sa dios na mula sa kahoy.

Masakit man po Isipin, ngunit yan po ay ang katotohanan, Salita po yan ng Dios at hindi gawa gawa lamang namin, Semple lang naman po ang Gusto ng Dios na ganito :

Isaias 42:8 
" Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan."


Hinding hindi po maaaring mangyari na papayag po ang Dios na idaan ang pagpupuri sa mga larawang inanyuan para makapaglingkod sa kanya. At hindi naman maaaring magawan ng rebulto ang Dios sapagkat paano natin Siya iwawangis?

Isaias 44:10
" Sino ang naganyo sa ISANG DIOS, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman?"


Di po maanyuan ang Dios,kaya wala talagang pakinabang o kabuluhan ang kanilang mga larawang inanyuan.na Gaya ng Ganitong Salita ng Dios

1 Corinto 10:19
" Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? o ang diosdiosan ay
may kabuluhan? "


wala pala talagang kabuluhan.Kung gayon, Anung dahilan? kung hindi po ito sa Dios, kanino?


Apoc. 9:20
" At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man. "


Ang katumbas ng pagsunod sa ganitong gawa ay katumbas sa pagsamba sa demonyo. At ang mga nasa demonyo na sumasamba sa mga larawang inanyuan o diosdios , seguradong walang kaligtasan at ibubulid sa dagat-dagatang apoy:


Apoc. 21:8
"Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. "


KAYA , ANO ANG PAYO SA LAHAT, AT ANO ANG DAPAT GAWIN NG LAHAT UPANG MAGING KALUGOD-LUGOD SA DIOS?


Ang tao po ay binibigyan ng Dios ng pagkakataon na magbago, kaya anu anu po ang payo sa mga tao na nananatili pa sa paglilingkod sa mga Larawang Inanyuan o diosdiosan?


1 Corinto 10:14
" Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan. "


Efeso 5:5
" Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. "


1 Tesalonica 1:9
" Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay "


1 Juan 5:21
" Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan. "


Gawa 17:29
"Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. "


Deuteronomio 5:10
" At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. "


Mabait po ang Dios, Gusto po ng Dios na marami po ang maliligtas, kaya po tayo ay pinapaiwas ,ang totoong umiibig po sa Dios ay ang siya sumusunud sa kanyang payo,tulad pnd ng paglayo at pag iwas sa mga larawang inanyuan upang maging bahagi sa paglilingkod sa Dios. Sanay mabago po ang karamihan na patuloy Parin pong gumagawa n. ganitong mga pagkakasala mula sa maling paniniwala. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay walang sawa sa pagpapaabot sa lahat ng tao upang ang lahat ay mangagkaalam ng tunay na kaparaanan ng paglilingkod. Sana ay buksan ng marami ang kanilang puso at isipan at sumunod sa kaparaananna ikalulugod ng Dios.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento