Mga Pahina

Martes, Enero 6, 2015

Ang Pagtawag ba ng "TATAY" ay Mali?



Isang pang unawa ang minamali ng maraming CFD upang takpan ang isang ARAL na hindi ayun sa Biblia, sapagkat, MINSAN NANG naisiwalat ng Iglesia ni Cristo ang katotohanan sa likod ng pagtawag ng "FATHER" sa kanilang kaparian o sa kanilang Pope. Marami ang nahuhulog sa ganitong pagkaunawa kaya naman, marami ang dapat makaalam sa katotohanan na ito upang malinawan sa tunay na Aral.


Isang pang-aatake ng isang host ng "Knowthethruth" na si Atty. Marwil N. Llasos, O.P., ng Katoliko at maging ng "Splendor of the church" ni Father Abe arganiosa , at ng iba't ibang sites ng Catholic, ay nagpahayag ng kanilang sariling saloobin ukol sa issue na ito upang batikusin ang Iglesia Ni Cristo.






Ano ba ang tunay at katotohanan sa likod nito? Ano ang malaking kaibahan at kamalian ng pagtawag sa mga POPE at PARI na "FATHER" at sa pagtawag minsan lalo na sa Ka erdy ng "TATAY" o sa sinoman.


Una, ang pagtawag ng Iglesia Ni Cristo gaya ng sa Mahal na ka Erdy ng "tatay" ay HINDI isang TITULO na gaya ng kanilang mga kaparian at kapapahan , bagkus ito ay bilang paggalang lamang. Kaya, kahit ang sinoman na nakakatanda, maging kamag-anak man o sinoman na kakilala mo na Napakitaan mo ng pagmamahal at paggalang ay maipakita at maipadama mo sa kanila ang PAGGALANG sa pagtawag sa kanila gaya ng ganoong katawagan. HINDI ba't naituro na yan minsan sa paaralan na IGALANG ANG SINUMAN?


Sipiin natin ang PAHAYAG ng isang Pinoy Blogger na totoong hindi nakalimot at dama parin ang tunay na diwa ng paggalang. Ganito ang sabi ni J. A. Luis Sa kaniyang blog:



" Manong, manang, tatay,nanay at iba pa. ito ang mga pantawag sa mga taong mas matanda sa atin. Ito rin ay isang paraan ng pagrespeto sa ibang tao. Ginagamit din kapag hindi kilala ang kausap. Mga salitang inilalagay sa unahan ng pangalan ng kausap o minsan paghalili. "


Sinipi mula sa:


http://pagkakakialanlanngpinoy.blogspot.in/2011/10/paggalang.html?m=1


Samakatuwid, BILANG pagrespeto na siyang kinaugalian naman ng mga natamnan ng tunay na aral at turo mula sa magulang at sa paaralan. Anong aral ba ang tinututulan ng IGLESIA NI CRISTO ang ukol sa pagtawag naman sa mga PAPA O PARI bilang "FATHER"? ano ang nasa likod nito? Ganito ang sabi ng Aklat katoliko :




“The Popes were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…” [ Faith of Our Fathers, by James Cardinal Gibbons, p. 113]



Sa Filipino:



“Ang mga Papa ay hindi lamang matatapat na AMA NG KALULUWA, kundi matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”


ITO PA:



"At ang Santo Papa (Ama)ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento , sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'." ( Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26 )



Samakatuwid, ang pagtawag pala ng "FATHER" sa mga Pari at mga Papa ay may kinalaman ukol sa Espirituwal na aspeto, sapagkat, sabi ng kanilang Aklat, sila ay ang " AMA NG KALULUWA DITO SA LUPA" . Kung gayon ito ay isang TITULO sa kanila na bilang pagkilanlan ng Katoliko sa pagtawag ng ganitong katawagan. Kaya, maaaring itanong natin, tugma ba ang pahayag ni Cristo ayon sa Kaniyang babala sa lahat? Ganito ang kaniyang sinabi:



“And do not call anyone on earth ‘father,’ for you have one Father, and he is in heaven” (Mat.23:9, NIV)



Sabi Ni Jesus, " HUWAG TAWAGING AMA ang sinuman dito sa lupa, sapagkat may ISANG AMA, Siyang nasa langit"


Bakit sa ang pagiging AMA na sa langit ang hindi dapat tawagin o gayahin? Anong titulo ng DIOS o ng Ama na Taglay Niya? Ganito ang pahayag ng Dios:



Ezekiel 18:4

" Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. "

Samakatuwid, ang AMA sa Langit na Siyang Dios ay ang tunay na AMA NG KALULUWA. Kaya, makatuwiran ang sinabi ni Cristo na "HUWAG TAWAGIN ANG SINOMAN SA LUPA NA AMA o FATHER" kundi ang Ama na nasa langit. Hindi maaaring magkamali si Cristo sa Kaniyang pahayag sapagkat Siya'y hindi nagsasalita sa Kaniyang sarili kundi ang lahat ay mula sa Ama (Juan 5:30), kaya ang lahat ng ito ay kalooban din ng Ama.


Bakit tiyak na ang Ama sa langit ang hindi dapat gayahin na taglay ang titulong iyon? Sapagkat, may mga tao din sa Biblia na binanggit at itinuring na "AMA", subalit hindi gaya ng Ama sa langit ang titulo na taglay na "AMA NG KALULUWA". Ganito ang mga halimbawa :



Si Abraham



Genesis 17:4-5

" Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.
At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. "


Si abraham ay pinangakuan ng Dios ng mga pagpapala at ginawang AMA ng maraming bansa dahil sa katapatan ng pananampalataya sa Dios.



Santiago 2:23

" At natupad ang kasulatan na nagsasabi, At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na kaibigan ng Dios. "


Si Apostol Pablo



1 Corinto 4:14-15

" Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak.
Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio. "

Si Apostol Pablo ay naging AMA sa pamamagitan ng pagtuturo ng ebanghelyo, na ang mga itinuring na mga anak ay ang mga naging bunga ng kaniyang pagtuturo.


Kung gayon, may mga halimbawa ayon sa Biblia na tinawag na AMA subalit hindi ang ayun sa tinutukoy ni Cristo sa Mat.23:9 na katulad ng pagiging AMA SA LANGIT. Malinaw na ang pagtawag sa mga Pari at Papa bilang "FATHER" ay isang titulo na hindi dapat gayahin ng sinumang tao sa lupa. Pansinin din natin itong sinabi at sinulat ng mga  pari na sina Rev.John Trigilio jr. at  Rev. Kenneth Brighenti, na ang Pope at mga pari ay totoong kinilala ng Katoliko na "HOLY FATHER" o bilang BANAL NA AMA. 




Subalit, kung susuriin natin ang Biblia, lalo na sa mga turo ni Cristo ay wala Siyang ibang itinuro na HOLY FATHER kundi ang Kaniyang Ama lamang na nasa langit.



John 17:11 

" I am no longer in the world, but they are in the world, and I am coming to you. HOLY FATHER, keep them safe in your name that you have given me, so that they may be one just as we are one." [NET]

Kaya, ayun kay Cristo sino ang tunay na nakakaalam sa tunay na aral ukol dito? At ang tunay na kilala ang Dios na Siyang Ama, na Siya lamang ang Tunay na Dios na kilalanin bilang Ama ng Kaluluwa at bilang BANAL na Ama?Ganito muli ang sabi Niya:



Juan 17:25

" Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin "


Sila ang hindi kabilang sa sanlibutan na ito, sapagkat ang sanglibutan ay tunay na hindi kilala ang tunay na Dios. Na Siya ang Ama ayun kay Cristo (Juan 17:1,3). 



Kaya, bilang paglilinaw, ang pagtawag ng Iglesia ni Cristo sa mga nakakatanda bilang "TATAY" ay hindi ang pag angkin ng titulo ng Dios, kundi ito'y bilang paggalang at isang tunay na ugaling Cristiano:



Kaya, ang paggalang din ay kabilang sa itinuro ng mga Apostol sa lahat ng mga hinirang at magkakapatid sa tunay na Iglesia:



Filipos 4:8

" Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, ANOMANG BAGAY NA KAGALANGGALANG, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. "

Ito'y isang turo at habilin ng mga apostol. Kaya sa hindi pa naabot ng katotohanan ukol sa TAMANG ARAL, ay hinimok po namin at inaanyayahan ang inyong puso na suriin ang tamang aral. Ang mga aral na itinuturo sa loob ng Iglesia Ni Cristo. TANDAAN hindi po basihan ang MATAAS ang antas mo sa lipunan o mataas ang pinag-aral na naabot, kundi ang tunay na mga nakaunawa sa ganitong aral ay ang mga nasa loob ng tunay na Iglesia at hindi ito nauunawaan ng mga nasa labas:


Marcos 4:11
"  At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't SA KANILANG NANGASA LABAS, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga"

Samakatuwid, may nasa LOOB. Sila ang tunay na nakaunawa sa tunay na aral, at ang lahat ng nasa labas, sila ang hindi nakaunawa. Ang LOOB na tinutukoy ay ang mga nasa LOOB ng KATAWAN na doon natipon ang mga hinirang (Col.3:15). Ang katawan ay ang Iglesia (Col.1:18), na ito ang Iglesia ni Cristo (Roma 16:16,NPV , Gawa 20:28,Lamsa Trans.)

Sa iba pang karagdagang aral ukol sa TAGLAY NA TITULO NG PAPA ay maaaring bumisita dito


TITULO NG PAPA


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento