Mga Pahina

Martes, Mayo 20, 2014

Katuparan ng 666



Marami sa mga tao, lalo na sa mga pangkat-Kristiyano ay madalas nang makakarinig ukol sa usaping kung sino sa akala ng karamihan na totoong may titulo ng 666, agad rin nasa isip ng iba, ito raw ang Diablo o si satanas ang may titulo nito. Pero ito ang maari nating suriin at pag-aralan, kung sino ba talaga at kangino ang katuparan nito. Anu ba ang itong 666? Ganito mababasa :



Apocalypsis 13:18
“Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.:”



Ngunit, upang ito ay ating lubos na makilala at maunawaan, ay maraming mga katangian na taglay na magpapatibay upang lubos na makilala. At ito'y gaya ng mga talata na nasa mga unahan nito.


ANG KANIYANG MGA KATANGIAN


 
Sa aklat ng Apocalipsis, isinulat ni Juan,Ito'y laman ng maraming Hula at propesiya na maaaring kinatuparan,at matutupad. Kaya, mula dito,ating masusuri kung paano makikilala, at anu ang mga katangian na taglay ng may TITULO ng 666.Sa aklat ng (Apoc.13:11 at 18) ay makikita ang mga katangian nito.Kaya ating isa-isahin. at simulan sa talatang 11. Ganito ang mababasa :



Apocalypsis 13:11

 “At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.”



Ibinigay sa atin ang UNANG TATLONG KATANGIAN :



1. “may dalawang sungay” - Nagtataglay siya ng dalawang sungay:

2. “katulad ng sa isang kordero” - gagayahin ang kordero


3. “nagsasalitang gaya ng dragon.” - ang kaniyang sasabihin ay salita o aral ng dragon


Ating isa-isahing suriin kung anu ang mga kahulugan nito ?


MAY DALAWANG SUNGAY

Ano ba ang ibig sabihin ng “sungay ” ano ba isinisimbulo nito?


Amos 6:13 

“Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga SUNGAY sa pamamagitan ng aming sariling KALAKASAN?”



SUNGAY-- ayon sa Biblia ay KALAKASAN, kaya ang taong tinutukoy na may bilang na 666 na may dalawang sungay ay nagtataglay ng DALAWANG KALAKASAN. Ano ba ang ibig sabihin ng Kalakasan , kung ating babasahin sa Bibliang English ay ganito ang nakalagay:



Amos 6:13 

“Ye which rejoice in a thing of nought, which say, Have we not taken to us HORNS by our own STRENGTH?” [ King James Version]



Samakatuwid, ang KALAKASAN ay Strength sa English, na may meaning na:



“STRENGTH - That property or quality of an animal body by which it is enabled to move itself or other bodies. We say, a sick man has not strength to walk, or to raise his head or his arm. We say, a man has strength to lift a weight, or to draw it. This quality is called also POWER and FORCE.” [ Webster’s 1828 Dictionary ]



Makikita. natin sa Dictionary na ang kasing kahulugan ng salitang Strength o Kalakasan ay POWER and FORCE o KAPANGYARIHAN at PUWERSA. Kaya sa madaling salita ang hinuhulaan dito ay isang tao na may DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN, iyon ang tinutukoy na DALAWANG SUNGAY na kaniyang taglay.


Ilan ba at anu-ano ang KAPANGYARIHAN ng Papa? Sasagutin tayo ng isang Cardinal ng Iglesia Katolika:



“The Popes were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…” [ Faith of Our Fathers, by James Cardinal Gibbons, p. 113]


Sa Filipino:


“Ang mga Papa ay hindi lamang matatapat na AMA NG KALULUWA, kundi matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”



Pinatutunayan ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang Papa ay nagtataglay ng dalawang uri ng
Kapangyarihan:


1.KAPANGYARIHANG SPIRITUAL
2.KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA,


kapuwa saklaw ng Papa ang pamamahala sa Relihiyon at sa Gobiyerno. Pasok ang Papa sa unang katangian.



KATULAD NG ISANG KORDERO



Sino ba ang Kordero na binabanggit sa Biblia? Ganito ating basahin :



Juan 1:29 

“Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”



Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang Cordero ng Diyos,samakatuwid siya ang gagayahin ng taong hinuhulaan sa Apocalypsis. Ano ba ang isa sa katangiang taglay ni Cristo na gagayahin ng taong ito?



Colosas 1:18

 “At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”



Si Cristo ang ulo ng Iglesia niya.Ang Papa ba sa Roma ay ipinakikilala rin bilang ulo ng Iglesia? Isa namang Paring Katoliko ang sasagot sa atin:



"The pope, therefore, as vicar of Christ, is the VISIBLE HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which Christ Himself is the invisible head." [ Answer Wisely, by Rev. Martin J. Scott, p. 49]


Sa Filipino:


“Ang Papa, samakatuwid, bilang kahalili ni Cristo, ay ang NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan si Cristo mismo ang di nakikitang ulo nito.”




Sabi ng Pari, ang Papa daw ay ang Nakikitang Ulo ng Iglesia dito sa lupa, si Cristo naman daw ang hindi nakikitang Ulo, samakatuwid para sa kanila ang Papa ang Ulo ng Iglesia sa Lupa, si Cristo naman ang Ulo ng Iglesia sa langit. May mababasa ba tayo sa Biblia na dalawa ang ulo ng Iglesia? Hindi lang iyon, hindi ba nasasakop ni Cristo ang lupa? Ang kaniya bang pamamahala ay sa langit lang? Ganito, sasagutin tayo :



Mateo 28:18

“At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”



Malinaw na ang Papa ay nag-aangkin lamang ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng Diyos, dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na sa kaniya ng Ama sa langit man o sa lupa. Kaya ba nilang palitan ang posiyon ni Cristo na maging ulo ng Iglesia sa lupa o langit? Ganito ang mababasa :


Hebreo 7:24 

“Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang DI MAPAPALITAN.”



Ang kapangyarihan, posisyon, at karangalang ibinigay ng Diyos kay Cristo kailan man ay hindi maaagaw ni mapapalitan ninoman. Ang pagsasabing ang Papa ay KAHALILI NI CRISTO ay maliwanag na pakikipantay at panggagaya sa Cordero ng Diyos na ito ay isang napakalaking kasalanan at kalapastanganan sa harap ng Diyos. Hindi lang iyon, kung ating lalawak-lawakan pa ang ating pagtalakay ay ginaya rin ng Papa na itinuturing na pinakamataas na Pari ang pananamit ni Cristo. Ganito ang sabi ng kanilang aklat :




"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA . Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario." [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, Page 195 ]



kaya pasok na naman sa ikalawang katangiang ibinigay ng Biblia ang Papa. Pasado at walang duda.




NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON

Sino ba ang Dragon na ang salita nito ang gagayahin ng taong may bilang na 666 sa kaniyang pangalan? Ganito naman ang nakasulat :



Apocalypsis 20:2
“At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong taon,”



Ang salita ng Dragon o ng Diablo at Satanas ang sasalitain ng taong ito, samakatuwid,magtuturo siya ng aral ng Demonio, na ano ang mga ito?




1 Timoteo 4:1
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa
pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”

1 Timoteo 4:3
“NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”




Ang taong hinuhulaan ay magtuturo ng Pagbabawal ng pag-aasawa at paglayo o pagbabawal sa pagkain ng lamangkati o karne. Na mga aral ng demonio na katumbas ay salita ng Dragon. Na kapuwa natupad sa Iglesia Katolika dahil sa ito ang itinuro sa kanila. Ganito ang patotoo sa kanilang aklat naman :




"Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL sa mga Sacerdote (o pari) NA MAG-ASAWA pagkatapos na sila'y maordena." [ Pananampalataya ng Ating mga Ninuno, sinulat ni James Cardinal Gibbons, tinagalog ng Paring si Rufino Alejandro, Page 396]


"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at HUWAG KUMAIN NG ANOMANG LAMANGKATI O KARNE sa mga araw ng ipinagbabawal niya." [ Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, sinulat ng Paring si Enrique Demond, Page 139]


Pasok na pasok na naman ang mga papa dito sa katangian  atin naman suriin ang titulo kung ano ito.





ANG TITUTOL NG PAPA



Tupad na tupad sa Papa ang mga katangiang ibinigay ng Biblia tungkol sa taong nagtataglay ng bilang na 666..Ang Kapapahan ang posisyong ito, ang pagiging Papa ng isang tao ang naglalagay sa kaniya bilang Anti-Cristo ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM . Ito ang suriin natin sa karugtong ng isinulat ni Juan sa Apoc. 13:18 na , Ganito ang mababasa ,sa Bibliang Ingles na :



Revelations 13:18


 “ This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number stands for the name of someone. Its number is 666.” [Good News Translation ]



Sa Filipino:



Apocalypsis 13:18
“Nangangailangan ito ng karunungan. Sinomang may katalinuhan ay malalaman ang kahulugan ng bilang ng hayop, sapagkat ang bilang ay katumbas ng pangalan ng isang tao. Ang kaniyang bilang ay 666 .”




Mga dapat mapansin


1. Kailangan ng Karunungan at pang-unawa para malaman at mabilang ito.
2. Isang Tao na inihalintulad sa hayop.



Ngayun, ano ang TITULO ng PAPA , na kailangang ng kunawaan upang ito'y mabilang at malaman? Sa isang Pahayagang Katoliko na inilathala noong April 18 ,1915 na may pamagat na :


“OUR SUNDAY VISITOR”
sa page 3 ganito ang mababasa:




“What are the letters supposed to be in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything? The letters inscribed in the pope’s mitre are these: VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]


Sa Filipino:


“Ano ang isinisimbulo ng mga letra na nasa korona ng Papa, kung mayroon man? Ang mga letrang nakasulat sa mitra ng Papa ay ang mga ito: VICARIUS FILII DEI, na Latin ng Kahalili ng Anak ng Diyos.”



Ito pa sa kanilang lathala ng Katoliko na
SUMMA THEOLOGICAE  :


“Et quantum ad primum, CUM PAPA SIT VICARIUS FILII DEI, sicut quod Deus fecit mediantibus creaturis tanquam mediantibus causis secundis, totus potus facere immediate per seipsum, ita papa saltem quantum ad potestatem jurisdictionis. Sicut omnes fideles regit
mediantibus ecclesiae ministris, ita potest immediate per seipsum regere.”


English Translation:



“And as much as to the first, since THE POPE IS VICAR OF THE SON OF GOD, as that God made the creatures as if by means of the mediation of secondary causes, the whole he could do directly by himself, so the pope has at least as much power of jurisdiction. Similarly, he can govern directly all the faithful, or by means of the ministers of the Church.” [Volume 3 of SUMMA THEOLOGICAE by the Archbishop of Florence, Saint Anthony (1389 - 1459), was published in Venice. Title 22, chapter 5, section 16]



Sa kanila paring lathala ng katoliko :



“Et post Deum Imperator Apostolicus hoc approbat, (ut in ca. venerabilem. de electione. et ibi docto.) Ex quibus apparet, quòd Imperator Romanorum est dominus seu protector universàlis Christianorum. (et vide Abba. in c. novit de judi.* qui dicit communem esse opinionem), quòd Imperium à Deo sit; ET À PAPA IMMEDIATE, QUI EST VICARIUS FILII DEI.”


English Translation:



“After God's Chief Apostle has given his approbation, ... with which it is evident the Roman Emperor is lord or universal protector of Christians, etc., ... supreme power is from God, AND NEXT THE POPE, WHO IS THE VICAR OF THE SON OF GOD.” [Thesaurus Christianae Religiones, Alphonsus Alvarez Guerrero, 1559, c hapter LV (55), De Imperatore et eius authoritate, pg. 305, line 30, a second copy pg. 305, line 30: ]




Malinaw po, ang TITULO ng Papa ay ang "VICARIUS FILII DEI".Aminado naman talaga sila ukol dito na ito nga ay naka titulo sa papa,at ito ay nakaukit o nakalagay pa sa Corona ng mga ito. Subalit, Ang sabi ng talata sa taas, ito ay mabilang gamit ang kaunaawan? Paano? 



 

 Mga Dapat malaman




Bago natin bilangin, dapat muna nating malaman. Noong unang panahon ang “U ” at “ V ” ay magkatumbas ganun din ang “J ” at “I ”, kaya nga VICARIUS ay katumbas ng VICARIVS, ang pangalang JESUS naman ay isinusulat noon sa latin na IESVS, kaya nga ang “ INRI” ay IESVS·NAZARENVS·REX·IVDÆORVM'[Jesus Nazarenus Rex Judaerum–Jesus na taga Nazaret ang Hari ng mga Judio].,

Ito halimbawa natin. Mapapansin natin na ang U ay ginamitan ng letrang V. Gaya nito :



Ang building ng POST OFFICE SA MAYNILA. salitang BUILDING ay ginawang “BVILDING”. Letter V ang ginamit imbes na Letter U. Dahil sa Old Latin ay magkatumbas lamang ang dalawang letrang ito.


Kaya kung Bilangin sa pagsasalin mula Roman Numerals sa Hindu-Arabic Numbers ay Ganito:




Tumututol ang iba lalo na ang mga CFD upang pangatwiran, ang sabi nila ang sinasabi sa hula ay PANGALAN o NAME at hindi “TITLE ” o TITULO nung taong hinuhulaan. Makakalusot kaya ?Kaya’t ating linawin iyan, ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE” o TITULO? Ganito po :


“TI'TLE, n. - An inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”
[Webster’s 1828 Dictionary ]

Sa Filipino:

“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN na ikakikilala dito.”


TITULO-ayon sa patotoo ng Dictionary ay PANGALAN na ikakikilala sa pinatutungkulan
nito, samakatuwid ang VICARIVS FILII DEI ay isang PANGALAN na ipinantatawag sa PAPA. Kaya, Malinaw at detalydo ang pagkakakilanlan ayun na rin sa patotoo ng Bibliya sa mga tinutukoy ng Biblia, kung saan, taglay ang aral ng Demonyo. Ang ginawa nila upang ibato sa Iglesia ni Cristo ang kanilang sariling haka haka ukol dito . Paano ang mahinang paliwanag? Ganito ang Ginawa. :



FELIX =5 YSAGUN =6 MANALO =6


Kung ang FELIX daw ay gagamitan ng spelling sa tagalog ,ito ay magiging PELIKS. tapos magiging ganito:


PELIKS=6 YSAGUN=6. MANALO=6

6 = 666


At kung ang pangalan naman daw ng Ka Erdie na: ERAÑO GUZMAN MANALO ang gagamitan ng ganun ding pamamaraan:



IRANYO=6 GUZMAN=6 MANALO=6

6 = 666



Kaya daw ang kinatuparan ng hula na binabanggit sa Apocalypsis ay ang mag-amang Felix at Eraño Manalo. Nakakatawa namang isipin. Isang mahinang paraan.Dahil una ang sabi ng Biblia ay gamitan ng "karunungan at katalinuhan". tanong, matatawag mo bang matalino ang isang tao na ang tamang spelling ay iminamali gaya ng kanilang ginaw?


Hindi lang iyon, ang sabi ba sa Biblia ang 666 ay tatlong 6 na magkakatabi na kung atin gsusumahin ay 6+6+6 = 18 lang?


Hindi ba ang banggit sa Biblia ay Anim na raan at anim na pu’t anim? SIX HUNDRED SIXTY SIX iyon at hindi tatlong SIX na pinagtabi-tabi . Kitang-kita ebidensiya na ang propesiya o hula ay kanilang hinuhulaan lamang ang kahulugan.Kung ang Pangalan mismo ng tao ang sumumahin, napakaraming tao ang pwedeng katuparan, Gaya ng isang kakilala namin, may pangalang :



Junrey=6 Macana=6 Madjos=6

= 666

Ito ay nagpapatunay lang na kung sa ganitong paraan, ay maraming maaarin maging tugma nito, Kaya ang TITULO ng Papa , ang tiyak na kinatuparan ng hula na hinulaan. kung saan ang Tao na may taglay nito ang kinutaparan ng tunay na may taglay ng 666. Kaya sa mga nalinlang ng maling aral,na aral ng Demonyo. Panahon na para kumalas sa mga bulaan,
kung paanong maraming nadaya dahil sa taglay na aral ng Diablo. .

1 komento: