Kapag pinag usapan ang kaligtasan, marami po ang nagsasabi na sila po ay nasa Liwanag na . Pero ang dapat na titiyakin ng tao, lahat ba ng nagsisipaglingkod sa panginoon ay nasa LIWANAG NA TUNGO SA KALIGTASAN ?
Awit 4:6
" Marami ang mangagsasabi, sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin. "
Ganito ang hiling ng mga tao na masilayan ang liwanag. Pag aral po natin at titiyakin kung sino lamang ang may karapatan at ma bigyan ng liwanag.Ayun po sa Biblia,sino ang Liwanag na dapat nating makilala ? ganito po ang pakilala ng biblia :
1 Juan 1:5
" At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman. "
Ang Dios ang ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman.At ang sabi po ng talata,
"Ito ay ating maririnig, Na siyang ibinabalita"
Ano po ba ang kahulugan nito? bakit ito ay kailangang marinig na siyang ibinabalita? ganito ang pagpapaliwanag ng biblia :
Awit 119:105
" Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. "
Awit 119:130
" Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang. "
Ito po ay sa pamamagitan ng Mga Salita ng Dios, sa pamamagitan po ng kanyang mga salita, atin pong makikilala ang tunay na Dios na nagbibigay ng liwanag.
Ngayun sa panahun natin Bilang Cristiano, may paunang paraan ba ang Dios upang ito ay ating makamit ? ganito po ang sabi ng Dios :
Mateo 17:5
" Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan. "
Ang sabi po ng Dios, ang kanyang ANAK ang ating pakinggan, ito ang paraan ng Dios upang atin siyang lubos na makilala at malaman ang mga kaparaanan upang mapalapit sa kanya,
Pinatunayan din ba ng biblia na ang dala nga ni Cristo ay ang ebanghelyo o salita na siyang Liwanag?
ganito po ang ating mababasa :
2 Timoteo 1:10
"Nguni't ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa LIWANAG ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng EVANGELIO, "
Malinaw po, na ito nga ay dala ni Cristo sa pamamagitan ng mga ebanghelyo upang makamit ang LIWANAG.
Ngayun, atin munang suriin sino lamang yaong mga tao na naliwanagan ni Cristo ?
1 Juan 1:7
" Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa LIWANAG, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at NILILINIS TAYO NG DUGO ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. "
Tiyak po ng Pagtuturo na ang mga taong nasa LIWANAG,ay yaong mga nilinis na o tinubos ng dugo ni Cristo . Matitiyak po ba nating ito ay sa IKALILINIS ng tao, at ito ay sa pamamagitan ng dugo ni Cristo?
Hebreo 9:13-14
“Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: "
" Gaano pa kaya ang DUGO NI
CRISTO, na sa pamamagitan
ng Espiritu na walang
hanggan ay inihandog ang
kaniyang sarili na walang
dungis sa Dios, ay MAGLILINIS
ng inyong budhi sa mga
gawang patay upang
magsipaglingkod sa Dios na
buhay?”
Talagang tiyak po natin, na sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, ito ay sa IKALILINIS NG BUDHI,anu pa ang kahalagahan ng dugo ni Cristo?
Apoc. 5:8-9
“At pagkakuha
niya ng aklat, ang apat na
nilalang na buhay at ang
dalawangpu't apat na
matatanda ay nangagpatirapa
sa harapan ng CORDERO, na
ang bawa't isa'y may alpa, at
mga mangkok na ginto na
puno ng kamangyan, na siyang
mga panalangin ng mga banal.
At sila'y nangagaawitan ng
isang bagong awit, na
nagsasabi, Ikaw ang
karapatdapat na kumuha ng
aklat, at magbukas ng mga
tatak nito: sapagka't ikaw ay
pinatay, at BINILI MO SA
DIOS NG IYONG DUGO ANG
MGA TAO SA BAWA'T
ANGKAN, AT WIKA, AT
BAYAN, AT BANSA. "
Sa pamamagitan din ng Dugo ni Cristo, binili nya ang mga tao na ito ay ang mga NALIWANAGAN NG MGA SALITA NG DIOS, upang magkaroon ng marapat na pagkilala at paglingkod sa tunay na Dios.Saan po ba napabilang itong mga tinubos ng Dugo ni Cristo?
"Ako ang pintuan; ang
sinumang pumasok sa KAWAN
sa pamamagitan ko ay
magiging ligtas"
(juan 10:9, New English Bible )
May binanggit po na KAWAN, at ito ang paraan upang maligtas Sino man ang pumasok dito. Ano po ba ang pagpapakilala ng mga Apostol sa kawan kung saan ang pumasok dito ay ang mga naliwanagan at may kaligtasan?
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin
ang IGLESIA NI CRISTO na
binili niya ng kaniyang dugo.”(Lamsa Trans.)
Tiniyak po mula sa mga pagtuturo ng Biblia, na ang mga tao na nagkamit ng LIWANAG TUNGO SA KALIGTASAN, ay yaong mga tao na napabilang sa tinubos ng dugo ni Cristo o nasa loob ng IGLESIA NI CRISTO.
Bakit mahalaga na mapabilang sa tunay na IGLESIA na Siyang tinubos ng dugo ni Cristo ?
Filipos 2:15
" Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, MGA ANAK NG DIOS na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan, "
Ang karapatan ng pagiging MGA ANAK NG DIOS. Sila ang mga itinuring na mga ilaw ng sanglibutan. Napakasarap po isipin at kagalakan na mapabilang sa tunay na hinirang at pinagkalooban ng ganitong mga pagpapala. Ang MGA ANAK NG DIOS o ANAK NG KALIWANAGAN :
Efeso 5:8
" Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan "
Ano naman ang maaasahan ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO na silang naliwanagan ng mga salita ng Dios?
Efeso 1:18
" Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, "
Ito ay upang malaman ang Pag-asa ng pagtawag , ang pamana doon sa bayang banal. Pero bakit sa kabila ng mga katotohanang ito na makikita ng di pa kaanib sa IGLESIA NI CRISTO, ay kanila paring pinagwalang bahala at di matanggap ang mga aral ?
ganito po ang sabi ng Biblia :
Juan 1:5
" At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman. "
Bakit naman di ito mauunawaan ng kadiliman o ng sanlibutan?
2 Corinto 4:4
" Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang KALIWANAGAN ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios. "
Binulag na po ng Dios,upang huwag sumilang ang liwanag ng ebanghelyo o salita ng Dios.Walang pag-asa sa kaligtasan na pangako ng Dios doon sa bayang banal.Sa mga matuwid na mga anak ng Dios, sa paano sila inihalintulad?
Kawikaan 4:18-19
" Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. "
"Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. "
Ang mga matuwid na sumusunud sa Dios, ay parang nagliliyab na LIWANAG, na gaya ng Araw, ganito po ang pagmamahal ng Dios sa mga hinirang niya. At sa mga masasama na sa kabila ng narinig na katotohanan ay ayaw paring tanggapin, ay maliwanag na walang Dios sa kanila at silay nasa kadiliman.
Tapat po ang Dios sa kanyang pangako sa mga tagapagmana ng kanyang kaharian na gaya ng ating mababasa :
Hebreo 6 :17
"Gayundin naman ,
sa pagnanais ng Diyos na
maipakita sa mga tagapagmana ng PANGAKO na
hindi maaaring mabago ang
kanyang pasya, pinagtibay niya
ito sa pamamagitan ng isang
SUMPA.
Di na po magbabago ang kanyang pasya. Hinding hindi po nya bibiguin ang mga pangako para sa kanyang mga anak at kabilang sa tinubos ng dugo ni Cristo o kaanib sa IGLESIA NI CRISTO. Hanggang sa bayang banal ay siya parin ang magiging ilawan nila sa walang hanggan.
Pahayag 22:5
" At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man. "
Kaya po, ang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay walang sawa sa pag aanyaya sa lahat ng tao upang malaman ang katotohanan, Sana'y malinaw po lalo na sa lahat ng mga nagsusuri . Mahalaga na ating malamang ang
"LIWANAG TUNGO SA KALIGTASAN"
Gusto ko po sana itanong yung tungkol po sa anghel na may pitong salot.
TumugonBurahin