Kapag pinag uusapan ang Salitang ANGHEL,karaniwan lumalarawan sa isipan ng marami na ito ay may pakpak,nakaputi at lumiliwanag pa.Subalit kung pagdating sa aral ng Iglesia ni Cristo,na ang kapatid na Felix y Manalo ang katuparan sa hula sa Apoc. 7:2-3 na "IBANG ANGHEL NA UMAKYAT MULA SA SIKATAN NG ARAW" Agad agad naman ang pagtutol nila dito. Ating suriin kung tama ba ang kanilang pag tutol.
ANG "ANGHEL" AY SUGO
Pinatutunayan ng Biblia na ang salitang "ANGHEL" ay tumutukoy hindi sa likas na kalagayan kundi sa tungkulin na pinagkakapitan nito.Ganito ang patotoo ng Ebanghelistang si Lucas :
Lucas 1:19
" At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.
" At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.
Dito ay maliwanag na ang Salitang "ANGHEL" ay nagpapakilala sa tungkulin o gampanin ng isang nilalang na isinugo ng Dios.Tungkulin at hindi likas na kalagayan ang ipinapakita sa salitang "ANGHEL".
Maaaring sabihin ng iba na espiritu ang kalagayan ni Gabriel at siya ay taga-langit kaya siya ay talagang anghel.subalit, bagaman totoo na may mga nilalang sa langit na tinatawag na "ANGHEL", gaya ni Gabriel at ng binabanggit sa APOCALIPSIS 5:11-12 na mga
"ANGHEL sa palibot ng luklukan"
na nagpupuri sa Dios,gayunman, tinawag silang anghel hindi dahil sa kanilang kalagayang espiritu kundi dahil sa tungkulin. Silay mga "espiritung tagapaglingkod" na mga "sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan"
Hebreo 1:13-14
"Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?"

May mga tanging gawain ding ginagampanan ang mga isinusugo ng Dios na mga anghel na nasa kalagayang espiritu katulad ni Gabriel. Ganito ang ating mababasa :
Lucas 1:26
"Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,"
Lucas 1:27
"Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. "
Lucas 1:38
"At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel. "

Ang anghel na si Gabriel, na espiritu sa likas na kalagayan, ay isinugo ng Dios sa lupa upang maghatid ng maikling balita kay Maria, at pagkatapos ay "INIWAN" na agad si Maria at nagbalik sa langit.
IKINAPIT MAGING SA TAO
Sinasabi ng iba na bagaman ang kahulugan ng salitang "ANGHEL"ay sinugo ito ao ikinakapit lamang sa mga nilalang na tagalangit na Espirito sa likas na kalagayan. Ayun po sa Biblia mali po ang paniniwalang ito sapagkat may iba pang pinagkapitan ng salitang "ANGHEL" narito po :
Apoc. 2:1
"Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto"
"Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto"
tinawag po na "ANGHEL NG IGLESIA SA EFESO". Na ayon sa Apocalipsis 1:20 at 16 ay isa sa mga anghel ng pitong iglesia na "ITINULAD SA BITUIN"
Apoc.1:20
"Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia."
Apoc.1:16
"At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi."

Gayundin naman, tiniyak sa Biblia na ang itinulad sa bituin ay ang mga nagpapabalik sa tao sa katuwiran :
Daniel 12:3
" At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. "
" At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. "
Ang nagpapabalik sa tao sa katuwiran ay mga pantas sa katuwiran o sa mga sa salita ng Dios (Roma 1:16-17).
Samakatuwid, sila'y mga tao na nagtuturo o nangangaral ng mga salita ng Dios. At tumutupad ng gawaing ito ay ang mga ministro ng Iglesia :
Colosas 1:25
" Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag
ang salita ng Dios. "
" Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag
ang salita ng Dios. "
Ang kanilang kalagayan sa pagkakalikha ay tao. Kung gayun,ang tinutukoy sa Apocalipsis 1:20 at 2:1 na ANGHEL NG IGLESIA na itinulad sa bituin ay tao sa kalagayan. Kaya, hindi lamangwang nasa kalagayang espiritu ang maaaring pagkapitan ng salitang "ANGHEL" kundi maging ang mga tao, kailanman at isinusugo ng Dios.
MGA TAONG TINAWAG NA ANGHEL
APOSTOL PABLO
Ang halimbawa ng isang tao na ipinakilala sa Biblia na "ANGHEL" ay ang tinutukoy sa Apocalipsis 14:6-7 :
Apoc. 14:6-7
"At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; "
"At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig. "

Ang tinutukoy na anghel ay inilarawan ng Biblia na lumilipad sa gitna ng langit upang magpadala ng mabuting balita sa mga nananahan sa lupa,sa bawat bansa at angkan at wika at bayan. Ganito ang kanyang dalang mensahe :
"Matakot kayo sa Dios . . . . .Magsimba kayo sa gumawa ng langit at lupa "
Ang kinatuparan ng pahayag na ito ay si Apostol Pablo :
Gawa 14:14-15
"Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw,"
" At nagsisipagsabi, Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon "

Itinuro niya ang sinasabi sa Apocalipsis 14:6-7 tungkol sa pagdating ng panahon ng paghatol o paghuhukom ( Gawa 17:27-31 ).
JUAN BAUTISTA
Ang isa pang halimbawa ng isang tao na sa hula na tinawag na "ANGHEL" ay ang binabanggit sa Mateo 11:7-10:
"At pagkaalis nila ay nagsimula si Jesus na magsalita sa karamihang tao tungkol kay Juan : 'Ano ang nilabas ninyo sa ilang upang makita? Isang tambo baga na pinapaspas ng hangin? Ano nga ang nilabas ninyo upang makita? Isang tao bagang mahusay ang pananamit? Alam na ninyo na ang mga nagdadamit ng gayon ay nasa bahay ng hari. Kaya't ano ang nilabas ninyo upang makita? Isang propeta baga? Tunay, pinatotohanan ko sa inyo, na mahigit pa sa isang propeta. Sapagka't siya aang binabanggit sa nasusulat' : 'Naritn , sinugo ko ang Aking ANGHEL na magpapauna sa Iyo. Upang ihanda ang iyong daraanan'. "
(salin ni Trinidad)
(salin ni Trinidad)
Si juan bautista ang tinutukoy sa talatang ito. Walang pagtatalo na ang kanyang likas na kalagayan ay tao.Gayunman, pinatunayan ni Cristn na si Juan Bautista ay Anghel nang tukuyin Niya na siya (Juang Bautista) ang binabanggit sa nasusulat na sinasabing
"Narito ,sinusugo ko ang Aking anghel na magpapauna si Iyo"
Nagkakamali ba ang panginoong Jesucristo nang tukuyhn Niya na si Juan Bautista ay ANGHEL?
Nalalaman nating hindi , ang salitang "ANGHEL" ay hindi tumutukoy sa likas na kalagayan, kundi sa tungkulin- sa pagiging sugo ng Dios.
ANG "IBANG ANGHEL"
Paano malalaman kung ang anghel na hinulaan sa Apocalipsis 7:2-3 ay tao o espiritu? Sinasabi sa hukat kung ano ang kaniyang gawain at ang tumutupad ng gawaing iyon ay tao :
Apoc. 7:2-3
" At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, "
" Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios. "

Ang anghel na hinulaan ay nagtataglay ng tatak ng Dios na buhay at ang gawain niya ay ang magtatak.
Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ang pagtatak ay sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo ng mga sugo ng Dios. Ang pinangangaralan ng ebanghelyo na natatakan ng Espiritu Santo ay ang sumasampalataya sa ipinapangaral sa kanya :
Efeso 1:13
" Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, "

Dahil ang gawain ng ANGHEL o sugo na hinulaan sa Apoc. 7:2-3 ay ang pangangaral ng ebanghelyo,natitiyak nating ang likas na kalagayan nito ay tao at hindi espiritu.
Kaya ang Iglesia Ni Cristo ay sumasampalataya na ang kinatuparan ng hula sa "Ibang Anghel" sa Apoc. 7:2-3 ay ang kapatid na Felix Manalo. Siya ay isinugnd upang magtatak o mangaral ng Ebanghelyo na siya ngang kanyang ginampanan.
PAG SANG-AYUN NG IBANG RELIHIYUN
Mula sa Aklat-katoliko :
"Sila ay tinatawag na mga 'ANGHEL', mula sa salitang Griyego na nangangahulugang sugo. Ang salitang 'Anghel' , samakatuwid, ay hindi nagpapahayag ng kalagayan ng mga espiritung ito, kundi manapa'y ng mga tungkulin. ,"
[ Discourses of the Apostles' Creed,p. 72]
[ Discourses of the Apostles' Creed,p. 72]
Isa pang paring katoliko, si Juan Trinidad, ay may patotoo rin ukol dito :
"2, 1: Anghel: ang anghel na tagatanod ng iglesya, o kaya'y ang mismong iglesya; o kaya naman, (at ito ang lalong karaniwang pakahulugan), ang Obispo ng iglesya. . ."
[ footnote, salin ni Trinidad ]
[ footnote, salin ni Trinidad ]
patotoo ng awtoridad na Protestante :
"Mga Anghel. Bukod dito, na siyang pinakamataas na uring paggamit ng salitang anghel, matatagpuan nating ginagamit ang pariralang ito patungkol sa kaninumang sugo ng Dios, tulad ng mga propeta, Isa. 42:19 ; Hag. 1:13 ; Mal. 3:1 , mga saserdote, Mal. 2:7, at mga tagapamahala ng mga iglesiang Cristiano, Apoc. 1:20. "
[ A Dictionary of the Bible, p. 40]
[ A Dictionary of the Bible, p. 40]
Patotoo ng SAKSI NI JEHOVA :
"Anghel. Ang salitang ito, kapuwa sa wikang Griyego at Hebreo, ay nangangahulugang isang sugo. Nagpapakilala ito ng katungkulan, at hindi ng kalagayan ng kinatawan. "
[ Emphatic Diaglott, p. 872 ]
[ Emphatic Diaglott, p. 872 ]
patotoo ni Webster :
"Anghel--mula sa Latin 'angelus', Griyego 'aggelos' , utusan, isang sugo ng Dios. . . . .Isang ministro o pastor ng iglesia sa efeso. "
[ Webster's New International Dictionary, p. 83]
[ Webster's New International Dictionary, p. 83]
Malinaw po at sinang ayunan ng ibat ibang relihiyun at awtoridad na ang anghel ito ay sa gampanin sa pagkasugo at hindi sa likas na kalagayan.
MGA SANGGUNIAN:
Crock, Clement H. Discourses on the Apostles' Creed. New York, USA : Joseph F. Wagner, Inc., 1938
Smith,Williad, L.L.D. A Dictionary of the Bible. USA : The John C. Winston Co.,1884
Wilson, Benjamin. Emphatic Diaglott. Brooklyn, New York, USA :International Bible Students Association, 1942
Webster's New International Dictionary. 1916

Sabe sa pahayag 7
TumugonBurahin"apat na anghel pinagkaloobang pinsalain ang lupa"
Wag muna nyo pinsalain ang lupa (sigaw ng anghel sa apat)
Tanung ko lang po sino ang naminsala ng lupa nong 1914?kung mga presisdente yun eh hindi pa sila buo ng panahong yaon 1918 na lamang sila nabuo
Di po bat mga bansa ang may kapangyarihang maminsala ng lupa nong 1.14? Dapat sila ang sinigawan ni Felix dahil sila ang namiminsala ng lupa
Dahil ayun sa bibliya "apat na anghel pinagkaloobang maminsala ng lupa"
Nagkamali si Felix ng nasigawan
Hoy America At Germany wag nyo mua pinsalain ang lupa
Dahil sila ang naminsala ng grabe sa lupa nong 1914 sila pala ang napagkalooban ng kapangyarihan
Nabuo lamang ang big four upang?tagapigil lamang ng namiminsala hindi sila ag namiminsala kaya hindi sila anghel😝